Chapter 9

CHAPTER 9

Nasa meeting si Garet with his father, Don Hugo Libradilla and his siblings na sina Gertrude, Carlson, at si Thomas. Seryoso sila habang nakikinig sa presentation ng kanilang board of trustees tungkol sa gagawin nilang development plan sa isang hotel chain nila sa Davao. Wala sa isip si Garet that time habang nilalaro ang kaniyang ballpen. Lumilipad ang isip niya habang tanaw ang malaking white board at ang projector na nakapaskil doon.

"What do you think, Garet?" iyon ang pumukaw sa huwisyo ni Garet. A question from his father, Don Hugo.

Napalabi siya sa oras na iyon saka tumikhim.

"Uhm... I guess the plan is perfect." Wala sa huwisyo na sagot niya.

"What will be the plan, Garet?" dugtong naman ni ate Gertrude niya.

"Uhm... let's stick to the plan, like the recently developed plan here in Cebu."

"That's too risky." Apila naman ni Carlson.

"We need to focus here, Garet. Bakit parang lumilipad na naman ang isip mo!" Diretsong saad ni Thomas na halatang kanina pa nagtitimpi sa inaasal niya.

"Sorry."

"Can you discuss what's your plan, Garet. I know may ideya ka sa diskusyon dito." Matigas at seryosong sabi ni Don Hugo sa binata. Walang nagawa si Garet kundi sundin iyon at tumayo sa harap. Tumayo siya sa pwesto kung saan nakatayo kanina ang nagsasalita sa discussion.

"Start as you want." Utos pa ng matanda sa kaniya.

"Okay, so I called this meeting to present an idea that I think can significantly improve our factory's production and profitability. Pero gusto ko rin marinig ang input n'yo before we move forward." Garet start his presentation using his laptop.

Nakaupo lang sa dulo ng table si Don Hugo habang nakasandal at seryoso ang mukha.
"Let's hear it, Garet. I hope this is something solid. Hindi tayo pwedeng mag-invest sa kung anu-ano lang." Sambit pa nito na sinang-ayunan naman ng kaniyang mga kapatid.

"Of course, Dad. Here's the plan; we'll implement an automated sorting system sa packaging line. Right now, masyadong maraming manual work, and it's slowing us down. With automation, we can increase efficiency by at least 30%." Garet explain as he starts to show the graphic map of percentage.

Nakakunot naman ang noo ni Gertude habang nagbabasa ng dokumentong hawak niya. "Automation? Maganda siya in theory, pero magkano ang initial cost? Hindi ba tayo masyadong malulugi sa umpisa?" Paninigurado pa ng ate niya.

"I agree with ate Gertrude. Also, have you considered the impact on our current workers? Baka magalit sila kung mabawasan ang trabaho nila." Sumingit sa usapan si Carlson, naka-cross arms at nakangiti ito nang bahagya.

Nagtaas naman ng kamay si Thomas, parang walang pakialam sa explanation ni Garet.
"Honestly, kung makakatipid tayo sa long term, why not? Pero gusto ko malaman kung may ibang factories na gumamit na ng ganitong system. Ano ang naging results nila?" Sambit pa nito, convincing his father, Hugo.

Tumango lang si Garet at naghanda na ng sagot.

"Great points. Yes, the initial investment is around 5 million pesos. Pero based on my research; payback period is less than two years. At hindi natin aalisin ang mga tao; we'll just reassign them to other tasks that need more attention." Rebuttal answer of Garet for Thomas, jotting the word 'reassign' to be solid.

Tumango nang bahagya ang ama nilang si Hugo na noo'y nasa panig na ni Garet, pero seryoso pa rin ang mukha nito.

"Hmm. Two years is reasonable, pero kailangan natin ng mas detalyadong forecast. May backup plan ka ba kung hindi mag-work ang automation?" Tanong pa ng padre de pamilya nila. Nasa state of implementing na ito kung sino ang magiging pangulo sa gagawing plano, at malakas ang pagkakumbinse nito kay Garet.

"Absolutely, Dad. We'll start with one production line as a pilot test. Kung maganda ang results, saka natin i-roll out sa buong factory. If it doesn't work, we can stop without major losses." Garet firmly answered.

"Okay, pilot testing makes sense. Pero paano ang training? Kasi hindi lahat ng workers natin marunong gumamit ng mga automated machines." Sumandal sa upuan si Gertude saka nag-iisip.

"Good question, Ate Gertrude. I've already contacted a training provider na magbibigay ng hands-on workshops for our team. Kailangan lang nating maglaan ng two weeks for this." Sabi pa ni Garet na nasa tamang palagay.

"That sounds solid, actually. Training is a good step para walang masyadong resistance from the team." Carlson defended Garet's idea.

"Fine by me. Basta ang focus natin is on scaling this gradually, walang all-in kaagad." Saad ni Dom Hugo. Nakatitig ito sa graph na ipinakita ni Garet. Huminga ito nang malalim at tumingin kay Garet. "Okay, Garet. Maganda ang plano mo, pero tandaan mo: success will depend on execution. Ayokong marinig na may sablay sa implementation, klaro?"

"Yes, Dad. I'll make sure everything is well-coordinated." Tumango si Garet nang may confidence.

Noo'y Tumayo na si Don Hugo mula sa upuan at mahinang tinapik ang mesa.

"Then let's proceed with the pilot test. But keep us updated every step of the way. I want weekly reports."

"Good luck, Garet. Mukhang may potential ang idea mo. Just don't mess it up." Gertrude added as she smiled back to Garet.

"No pressure, bro." Tudyo naman ni Carlson na masaya para sa kaniya.

"You'll be fine. Let's make this work." Seryosong saad naman ni Thomas na nilampasan lang silang dalawa ni Carlson.

Matapos ang meeting ay agad na pumunta si Garet sa apartment niya para maghanda sa gagawing site inspection, pupunta muna siya sa Davao for three days at para makausap ang mga taong makakatulong sa kaniya sa production.

Nagpahatid din siya kay Andres papunta sa bahay ng pinsan niyang si Dave. Anak ito ng ate Gertrude niya. Gusto niyang ito muna ang magiging mata niya habang wala siya for three days sa office.

"Oh, kuya Garet. What's up? Bakit ka naparito?" Gulat na bungad sa kaniya ni Dave na noo'y naka-GYM attire.

"I just want to give these documents. Ikaw muna ang tumingin sa office for three days, pupunta lang ako sa Davao, may aasikasuhin ako." Paliwanag pa niya.

"Okay. But please, bumalik ka agad ha, marami akong gagawin next week." Sabi pa nito.

"Of course."

Inaya pa siya nito na mag-dinner pero hindi na niya ito pinaunlakan. Bumalik siya sa parking area kung saan naghihintay si Andres at inutos na puntahan ang isang lugar.

"Andres, can you drive me somewhere? I need to check her."

"Saan hijo?"

Sumagot naman si Garet at tinungo ang address kung saan niya binaba si Yuri. Nang makarating siya sa address ay natanaw niya ang malaking mansion. Hindi niya tanaw ang loob nito dahil sa mataas na pader.

"Sino bang nand'yan, Garet? Hindi naman 'to ang bahay ni Lora ah?"

"It's not Lora's house, Andres."

"Well, sinong nandito?"

"My friend."

"Ha? May bagong bahay ba si Sebastian?"

"No, hindi kay Sebastian 'to."

"Oh eh, kay Luciano ba 'to?"

Umiling naman si Garet. "No, it's Yuri's house."

"Yuri? Sinong Yuri? Wala naman yata akong nakikilala na kaibigan mong nagngangalang Yuri ah?"

"She's special, Andres."

Napalabi ang matanda saka ngumiti.

"Kung ganoon, may bago ka na palang napupusuan, este, bagong kaibigan..." Tudyo pa nito kay Garet.

"I hope she's here."

"Eh bakit hindi mo tawagan?" sabi pa nito.

Nagdadalawang-isip na kinuha ni Garet ang telepono at i-dial ang number ni Yuri, pero dahil gusto nga niyang makausap ito bago pumuntang Davao, ay naglakas-loob na talaga siya.

He dials her number, mabilis naman itong sumagot.

"Hello?" bungad pa ni Garet dito.

"Uhm, hello? Who's this?" iba ang boses sa kausap niya, alam niyang hindi ito si Yuri.

"Uh, is Yuri there?"

"Oh, sorry, naiwan kasi niya ang phone niya, umalis siya eh, sino ba 'to please?"

"I... I... I'm Gare..."

"Mr. Sungit? are you Mr. Sungit? Ito kasi naka-phonebook sa contact eh." Naputol ang pagpapakilala niya rito.

"Uhm, yes, I am."

"Okay, sasabihin ko na lang siya kapag nakauwi na siya dito."

"By the way, sino pala 'to?"

"Uh, I'm her half-sister, Margaret."

Kumunot ang noo ni Garet sa sandaling iyon, katunog nito ang pangalan na sinabi ni Mr. Ayala sa kaniya last time.

"Margaret?"

"Yes, Margaret Ayala."

Nabitawan ni Garet ang telepono saka napatingin kay Andres.

"Oh, okay ka lang ba hijo?" tanong pa ng matanda.

"Damn it, I'm in trouble."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top