Chapter 8

CHAPTER 8

Nasa loob ng mansion si Yuri, hawak niya ang isang bouquet ng pulang rosas. Kakatanggap lang niya nito mula sa delivery rider. Sa tabi ng bouquet ay isang maliit na card na may nakasulat;

"Sorry – Garet."

Mahinang napangiti habang tinitingnan ang mga rosas.

"Ang ganda naman... pero..." napabuntong-hininga siya at tumingin sa malayo, "ano bang iniisip niya? Ang dali-daling sabihin ng sorry, pero hindi ko naman alam kung bakit siya nag-so-sorry?"

Biglang lumabas mula sa kusina si Margaret, may dala itong tasa ng kape.

"Ate, ano yan?" Napansin nito ang bouquet. "Wow, pulang rosas! Sinong nagpadala?"

Nagulat si Yuri, agad niyang inilayo ang bouquet sa mukha niya.

"Wala! Wala lang 'to." Sabi pa ni Yuri sa kapatid. Huli na para itago ito.

Nakakunot ang noo ni Margaret that time, nilapitan nito si Yuri. "Huwag mo nga akong lokohin, ate. Halata namang galing 'yan from someone special. Sino ba?" dinakma nito ang card saka binasa ang nakasulat. "From, Garet? Sino siya?"

Tumahimik sandali si Yuri, bago tumingin kay Margaret.

"He's just a friend. Nagpadala siya ng sorry roses."

Medyo napasimangot si Margaret, halatang naiinggit sa sinabi nito.

"Friend? Sorry roses? Ano bang nagawa niya para kailangan niyang bumawi ng ganyan?" Tanong pa nito, halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya.

Napaupo sa sofa si Yuri, binawi niya ang hawak na card ni Margaret.

"Sinabi niya yung mga bagay na sobrang sakit pakinggan... Pero ngayon, bigla siyang magpapadala ng ganito? Akala niya matatapos na lang lahat dahil dito, kamuntikan na nga niya akong mapatay..."

"What, mapatay?"

"No, I mean, kamuntikan nang masagasaan."

Umupo agad ito sa tabi niya, pero may halong inggit sa boses. "Well, kung ayaw mo, bigay mo na lang sa akin." Tumawa nang bahagya, pero halatang may bitterness.

Napatingin si Yuri kay Margaret, ngumiti siya pero may halong biro. "Bakit? Para kanino mo ibibigay? Wala ka namang boyfriend."

"Ate! Pwede naman akong ma-appreciate kahit wala akong boyfriend, 'no!"

Tumawa nang bahagya si Yuri pero bumalik ang seryosong tono. "Margaret, alam kong biro lang 'yung sinabi mo, pero seryoso, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit kay Garet. Ang gulo niya kasi, alam mo 'yun, siya pa ang galit, siya na nga halos makasagasa sa akin, tapos pinagbintangan pa talaga akong magnanakaw, tapos isinauli ko na nga 'yung wallet niya, siya pa ang may gana na magsabing ayaw na raw niya akong makita, nakakainis." Mahabang paliwanag pa ni Yuri sa kapatid. Obvious naman na hindi na-ge-gets ni Margaret ang sinasabi niya.

Nakatingin lang ito sa mga rosas. "Pero ate, kita naman na mahalaga ka sa kanya. Hindi lahat ng lalaki marunong mag-sorry, lalo na in this way. Baka naman sincere siya." Sabi pa ni Margaret sa kaniya.

Humawak sa bouquet si Yuri saka malalim na nag-isip.

"Oo nga eh. Pero paano ko mararamdaman na sincere siya?

"If may phone number ka niya, call him. Mag-hang-out kayo..." Advice pa ni Margaret sa kaniya.

"Hang-out?"

Napangiti nang bahagya si Margaret sa inasal niya, pero may halong inggit ito sa mata.

"Kahit papaano, ate, masaya pa rin ako para sa'yo. Ang swerte mo. Ako kaya, kailan ako makakatanggap ng rosas?" Nagningning ang mata nito sa sinabi.

Napatawa si Yuri at pinalo nang mahina si Margaret sa balikat. "Tigilan mo nga ako! Ayusin mo muna yung buhay mo bago ka maghanap ng nagpapadala ng rosas! Ang bata mo pa!"

"Excuse me, hindi na ako minor no! Sinabi nga sa akin ni papa na may ipapakilala siya sa akin, I will start to work in a company."

"Work? Saan ka naman magtatrabaho?"

"I don't know, hindi ko pa alam kung saan, basta ang sabi niya sa akin, I will meet my fiancé soon."

"Fiancé, pinagsasabi mo? Katatapos mo nga lang sa college, tapos 'yan na ang iniisip mo!"

"Are you jealous, ate?" panunuya pa ni Margaret.

"Of course not! Kung may lalaki akong mamahalin, gusto ko na ako ang pumili at gusto kong mahal ko, hindi 'yung gaya sa ganiyan." Paliwanag pa ni Yuri.

"Ows, talaga ate? Naku, baka matanda na ang magiging future husband mo, napakapihikan mo kasi!" tudyo pa ni Margaret sa kaniya.

"Sira!"

Nagkatawanan ang dalawa, ngunit habang tahimik na si Yuri, muli niyang binalikan ang nararamdaman. Kilig at tuwa, pero may halong galit at pagkaduda. Sa kabila ng lahat, ang puso niya'y tila may pintong muling bumubukas para kay Garet.

***

Mag-aalas tres na ng hapon nang umalis si Yuri sa mansion, hiniram niya ang kotse ni Gwen, uuwi muna siya sa kaniyang Lolo Damian at Lola Concha, ang mama't papa ng kaniyang yumaong tatay. Doon siya madalas kapag ayaw niyang umuwi sa mansion, actually, hindi naman talaga siya naglalagi sa mansion, umuuwi lang siya kapag gusto niyang kausapin ang kaniyang mama o kumuha ng gamit.

Dumaan muna siya sa isang grocery establishment, naisip niyang bumili ng gatas para sa matatanda, kailangan din niyang bumili ng mga pagkain para may stock sila sa refregirator. May monthly allowance si Yuri na Fifty thousand pesos pero iniipon niya iyon para kung may unexpected bills ay may magagamit siya. Siya na rin kasi ang bumibili ng gamot para sa lolo't lola niya.

"Alin kaya dito?" tanong niya sa sarili habang hawak ang pakete ng tsaa. Nakalimutan niya kung anong brand ang gusto ng lola Concha niya.

May lumapit sa kaniyang babae, she is a sales lady from that store.

"May I help you po, maam?"

"Uhm, alin ba dito ang may Gingko Biloba?" tanong pa ni Yuri sa babae.

"Ay ito po, maam." Sabay duro sa kaliwang pack ng tsaa.

"Thanks."

"You're welcome po."

Nang papunta na siya sa may cashier ay hindi niya namalayan na may nasagi pala siya. It was an accident.

"Shit!" sabi ng nakatalikod na babae.

"Sorry!" mabilis niyang inalalayan ang braso nito, pero laking gulat niya nang makita ang mukha ng babae. It was Lora, ang babaeng nag-eskandalo last time, ang babaeng sinampal siya for no reason! Ang ex-girlfriend ng masungit na lalaking si...Garet!

"You!" halos sabay na sambit nilang dalawa!

Biglang ngumiti nang mapait si Lora at nag-crossed arms. "Yuri, di ba? You're Garet's new girlfriend, right?"

Napakunot ang noo ni Yuri, naiinis siya sa babaeng higad na 'to pero sinusubukan niyang magpigil.

"What? No! Friends lang kami ni Garet. Nagkakamali ka..."

Nagtaas ng kilay si Lora, halatang sarcastic ito sa reaksyon ni Yuri. "Oh, really? Friends? That's funny. Alam mo bang ilang beses ko siyang tinawagan recently, pero palaging 'busy'? At ikaw ang nakita kong kasama niya before, ano 'yun, nagkataon lang?"

Tumayo nang diretso, naiinis na rin si Yuri sa babaeng kaharap niya.

"Wait lang, anong sinasabi mo? Una sa lahat, hindi ko kasalanan kung ayaw niyang sagutin ang tawag mo. At pangalawa, hindi kami magjowa, hindi ko nga alam kung bakit mo ako sinampal noon eh, sabog ka ba?"

Halatang nagulat si Lora sa sinabi nito. Lumapit ito nang bahagya kay Yuri, ang boses nito ay bahagyang tumataas.

"Friends? Tapos lagi kayong magkasama? Ano 'yan, friends with benefits?"

Hindi na nakapagpigil si Yuri that time, sumagot na rin siya nang medyo malakas.

"Ano bang problema mo? Bakit ba parang galit na galit ka sa akin? Huwag mong ibaling sa akin ang issue n'yo ni Garet. Alam kong ikaw ang may sayad sa utak, hindi ba ikaw ang nag-cheat sa kaniya, kaya kayo nag-break? Feeling malinis..." Awra pa ni Yuri sabay nag-roll eyes sa kaharap.

Tumawa nang mapait si Lora, halatang ayaw patalo sa sinabi ni Yuri.

"Wala akong problema. Pero ikaw yata ang problema ko. You think just because you're always around him, you've won? Akala mo ba madali akong kalimutan?"

Tumitig si Yuri kay Lora. "Alam mo, kung ganito ka palagi kausap, hindi na ako magtataka kung bakit iniwan ka ni Garet. Ang drama mo!" Mariin na sabi ni Yuri saka dumistansya dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao.

"Excuse me? Mas kilala ko si Garet kaysa sa'yo. You're nothing compared to what we had!" Lora added.

Napabuntong-hininga na lang si Yuri, halatang iritado na.

"Alam mo, Lora, kung gusto mong mag-reminisce ng 'what you had,' go ahead. Pero huwag mo akong idamay. Hindi ako ang ex mo, okay? At kung problema mo ako, that's on you." Yuri smiled to her sarcastically.

Hindi na napigilan ni Lora ang sarili, kinuha nito ang isang pack ng instant noodles mula sa rack at hinampas iyon sa harap ni Yuri.

"You better watch yourself, Yuri. I'm not done with you."

Ngumiti nang mapait si Yuri at tinignan si Lora mula ulo hanggang paa.

"Wow, okay. Thanks for the warning. But guess what? Hindi kita aatrasan, sino ka ba para katakutan? You're nothing." Sabay talikod ni Yuri saka naunang pumunta sa may cashier.

Naiwan naman si Lora sa kinatatayuan habang pinag-pipyestahan ng ilang tao.

Lumapit naman kay Yuri ang staff na nakausap niya kanina, nag-aalanganin itong magsalita dahil sa nangyari. "Ma'am, okay lang po ba kayo?"

"Okay lang ako. Siya ang may problema." Yuri pointed her finger to Lora na noon ay nagmamadaling mag-walk out sa scene.

"May tililing yata siya no?" tanong ng staff.

"Halata nga..." natatawang sagot naman ni Yuri.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top