Chapter 6

CHAPTER 6

Tahimik na ipinagmaneho ni Garet si Yuri sa sinabi nitong address. Hindi kumikibo ang dalaga at halatang kinakabahan.

Panay tingin lang naman si Garet na hindi nagpapakita ng emosyon.

"Malayo pa ba?" imik ni Yuri.

"I don't know, ikaw ang nakatira dito, right?"

Inirapan lang siya nito saka nagkibit-balikat. Pumagitna sa kanila ang katahimikan. Nagdadalawang-isip si Garet na magtanong, baka sabihin siya nitong 'insensitive', kaya napagdesisyonan niyang h'wag na lang.

"Mister, ano nga 'yong apilyido mo?" ani ni Yuri.

"Libradilla." Tipid na sagot ni Garet.

"May tanong ako sa'yo, Garet Libradilla..."

Hindi umimik si Garet habang nasa daan ang paningin, patuloy pa rin ito sa pagmamaneho.

"Anong gagawin mo kung... anak ka lang sa... labas?"

Garet suddenly forced to stop, maging si Yuri ay nabigla sa reaksyon nito.

Tiningnan lang ni Garet si Yuri na noo'y nakamaang ang labi.

"What's with that question?"

"I am not a legitimate child, Garet." Pag-aamin pa ni Yuri. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan.

Nag-iwas ng tingin si Garet saka tumikhim. "Well, I don't have the position to answer that," paliwanag pa ni Garet.

"Gusto ko lang malaman, ano ba ang pakiramdam ng kabilang ka sa pamilya, Garet? I want to know..."

"I don't know..."

"You don't know? Bakit, porket perpekto ang pamilya mo?"

"Shut up! You woman!" mariin na saad ni Garet.

Maging si Yuri ay nabigla.

"S-sorry." Mahinang saad ng dalaga. Garet just start his engine again and remain silent, he doesn't want to talk something about his life, his family or related to his self, he wants it to remain concealed and private.

Nang makarating sa itinurong bahay ni Yuri ay bumaba na si Yuri. Tahimik lang din si Garet that time, akmang isasara na ni Yuri ang passenger door ay nagsalita si Garet.

"I hope it will be our last encounter, Ms. Dela Vega." Walang paalam na nagpatuloy si Garet sa sandaling iyon, tahimik niyang tiningnan ang bulto ng katawan ni Yuri na noo'y nanatili sa kinatatayuan. When he was meters away ay nakita niya ang pagpasok nito sa loob ng magarang mansyon.

Ayaw na niyang makihimasok sa buhay nito. And for him, doon na rin nagtatapos ang koneksyon niya sa babae. Mas mabuting hayaan na niya ito, ayaw niyang guluhin nito ang buhay na mayroon siya, magulo na ito masyado, ayaw na niyang dagdagan ang mga sakit sa ulo niya.

***

The door creaks open, and Yuri, slips inside the dimly lit mansion. She freezes when she sees her father, Mr. Saturnino Ayala, sitting stiffly on the couch, arms crossed. A lamp casts a harsh light on his stern face.

Mr. Ayala slowly, with controlled anger asked Yuri, "What on earth you're here?"

Yuri sighs, tossing her bag onto a chair, avoiding his gaze.

Yuri just sits in front of him, crossing her arms, "This is also my house, Sir. Did you forget?"

"Oh, really? Is that what you call 'yourself'? Coming home at any time you want without a word? Ignoring every rule under this roof?"

Yuri rolls her eyes, checking on the stairs where she founds her mother staring to them, Mrs. Eugenia silently sitting in that mechanical wheelchair. Baldado ang ina niya, at limang taon na itong hindi makapagsalita. Si ginoong Ayala ang asawa ng mama niya, at anak lamang siya nito sa pagkadalaga. Hindi isinunod ang apelyido niya rito dahil bastarda lang umano siya at ayaw ni ginoong Ayala na mabahiran ng dumi ang apilyido nito.

Yuri has two evil sisters, sina Margaret at Gwenette Ayala, dalawang taon ang agwat nila ni Margaret na noo'y twenty-two, habang si Gwen naman ay twenty years old.

Ipinagkasundo umano ang mama niya at si Ginoong Ayala ng lolo't lola niya, kahit mayroong boyfriend ang mama niya noon na isa lamang simpleng enhinyero, si Mattias Dela Vega. Namatay ito dahil sa isang car crash, at mula noon, napunta si Yuri sa pamilya ng mama niya.

"Look, I need to go to my room, pagod po ako." Yuri starts to convince Mr. Ayala.

"Eureka! Listen! We need to talk!" galit na giit ni Ginoong Ayala.

"What for?"

"Baka nakakalimutan mo na nasa poder pa rin kita, ako ang legal guardian mo, sa ayaw at sa gusto mo, you must obey what I say!"

"C'mon, hindi kita papa!"

Napangisi ang ginoo at bakas sa mukha nito ang panunuya.

"Well, hindi ko ibibigay ang mana mo hangga't hindi ka sumusunod sa akin!"

"Tsk, really? ang lakas naman ng loob mong sabihin 'yan, it is our money, don't you forget, Mr. Ayala. Nang dahil kay mama, baka sa kangkongan napunta ang kompanya ninyo noon, 'di ba? Pinakasalan mo lang si Mama noon dahil sila ang makatutulong sa inyo?"

"How dare you!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Yuri. Dumagundong iyon sa buong mansion. Pigil-luha siyang napatingin sa kanyang mama na noo'y saksi sa paghihirap niya, alam niyang gusto nitong depensahan at protektahan siya, pero tanging mahihinang ungol lang ang nagagawa nito.

Lumuluhang umalis si Yuri sa salas at tinungo ang kaniyang kwarto. Nang nasa hagdanan na siya ay awtomatikong gumalaw ang wheelchair ng kaniyang mama.

Mapait siyang ngumiti rito. Nangungusap ang mga mata nito, animo'y gusto siyang yakapin at i-comfort.

"Don't worry po, ma. Okay lang po ako." Hinagkan niya ito sa noo. Tanaw din ni Yuri ang mumunting mga luha nito na nangingilid din dahil sa nasaksihan.

Nagpaalam siya rito saka tuloy-tuloy na pumasok sa kaniyang kwarto.

Malawak iyon. Malamig. Sobrang lamig na halos nagiging manhid na ang katawan niya. Napasandal siya sa likod ng pintuan saka dumaos-os.

Iniyak niya ang lahat ng frustrations niya sa buhay. Gusto niyang magwala pero wala siyang patutunguhan. She felt alone, sa kabila ng masaya at bubly na personality niya, nakatago ang isang maskara. She never been true to herself, ayaw niyang ipakita ang mapait at malungkot na buhay niya.

That she is not a legitimate child.

That her mother needs her but she cannot take charge because her guardian, Mr. Ayala is controlling everything.

That she struggles everyday just to have a life, 'yung buhay na ipinagkait sa kanya dahil anak lang siya sa pagkadalaga ng mama niya.

And no one honors her.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang pendant na nasa kaniyang leeg. That was a locket heart-shaped, doon nakalagay ang maliit na picture ng yumao niyang papa at ang mukha ng kaniyang mama na karga siya.

"Pa... I need you, please help me."

She recalls someone, and it makes her more emotional.

I hope it will be our last encounter, Ms. Dela Vega...

"Why does everyone see me as a burden? Why?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top