Chapter 26
Pagod na ibinagsak ni Yuri ang katawan matapos ang walong oras na taping sa set. Medyo namamalat din ang boses niya dahil sa pagsigaw. Heavy drama ang peg niya that time dahil sa role niyang supporting actress.
"Ipagtitimpla kita ng lemon juice," sabi naman ni Jenna na pagod rin gaya niya.
"Thanks." Mahinang saad niya rito saka kinuha ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ang oras. It was past four o'clock in the morning pero ngayon pa lang sila matutulog. May call-time sila mamayang alas dos ng hapon kaya may sampung oras pa siya para magpahinga.
Ilang sandali pa ay inilapag ni Jenna ang isang basong lemon juice at isang paracetamol para guminhawa ang pagod na nararamdaman niya.
"Salamat talaga," sabi pa niya sa kaibigan saka umupo sa kama. Hinilot niya ang sariling ulo.
Umupo naman sa tabi niya si Jenna saka kumain ng dala nilang sandwich na natira sa taping.
"So, ano, hindi ka ba aalis para kamustahin 'yung prince charming mo? nasa kabilang villa lang s'ya eh, chance mo nang makausap siya rito sa Palawan." Ngiti pa ni Jenna habang sinusubo ang sandwich.
"Look Jenna, trabaho ang pinunta ko dito, hindi maglandi no..."
"Sus, pwede naman kasing mag 3 in 1 ka, Yuri."
"Anong 3 in 1?"
"YOLO, You only landi once, kaya samantalahin mo na, ano ka ba!"
Napaubo si Yuri sa sandaling iyon. Kahit kailan talaga, may tupak itong kaibigan niya. Hindi kataka-taka na nahahawa na rin siya rito.
Tama nga naman no? Bakit nga ba hindi?
Sa isip niya sa sandaling iyon.
"We have a plenty of time, Yuri. Tapos hindi ka ba nakinig kay Direk kanina, pwedeng wala ka na next scene." Sabi pa ni Jenna sa kanya.
Napaisip si Yuri sa sandaling iyon.
"Talaga, sinabi nya 'yon?"
"Oo, hindi ka ba nakikinig sa tent niya, noong nag-instruct siya na ang next shoot ay sa Coron. Kailangan nating pumunta doon next three days." Paliwanag pa ni Jenna.
"So, free ako ng three days?"
"Of course. Habang ako naman, next three days pa ang pahinga ko kasi may scene pa ako kasama ang bidang lalaki. Eh bakit naman kasi kapatid ang role ko, wala naman akong gagawin, puro iyak at paawa lang ang gagawin ko sa scene." Nayayamot na sabi pa ni Jenna.
"Okay na 'yon, Jen, at least alternate tayo sa rest day."
"Ayun na nga ang bina-badtrip ko eh, hindi tayo magkasama sa gala dito sa Palawan, paano na yung mga bikinis ko? Sino ang magiging photographer ko?" nag-cross arms pa ito.
Natawa naman si Yuri sa sandaling iyon.
"Naku, yan lang ba ang pinoproblema mo, maghanap ka rin ng boyfriend for rent dito, baka malay mo, dito mo makikita ang Mr. The One mo."
"Naku, ang dami ko pang bayarin, wala muna akong love life, please lang!" sabi pa nito saka umiiling -iling pa.
Natawa sila sa sandaling iyon. Muli namang sumeryoso si Yuri saka tinipa ang phone niya. She tried to call Garet that time pero hindi ito sumasagot.
Baka busy, or baka tulog. Sabi pa niya sa sarili.
"Uhm, Jen. Teka, lalabas muna ako saglit ah.
"Hmm, sige na, sabihin mong gusto mo lang silipin si Mr. Perfect mo."
"Sus, ano ba. Tumigil ka nga." Natatawang saad niya.
Ilang saglit pa ay dumungaw siya sa kanilang balcony. Medyo madilim pa ang paligid dahil madaling araw pa sa sandaling iyon. Medyo foggy din ang karagatan dahil sa hamog.
Suot niya ang blue robe at dahan-dahang tinungo ang villa ni Garet. Naglakas loob siya sa sandaling iyon na yayain itong mag-breaskfast kahit the fact na madaling araw pa. Gusto lang talaga niya itong matingnan.
Akmang kakatok na siya sa pintuan nang makitang bahagyang nakabukas ito.
Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto saka pumasok sa loob.
Doo'y tahimik niyang tiningnan ang pigura ni Garet na nakahiga sa kama. Wala itong suot na pang-itaas na damit. He looks super hot sa suot nitong white pajamas. Habang nakatagilid sa bandang kaliwa. Yakap nito ang unan.
Tahimik na pinanood ni Yuri ang mahimbing na pagtulog nito.
OMG. Ang ganda ng labi niya, parang gusto kong matikman ang halik niya ulit. That is just once... pero parang hinahanap ng katawan ko! Ano ka ba Yuri! Stop it!
Saway niya sa sarili saka umiling at pumikit pa.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kama para sana lagyan ng kumot si Garet pero laking gulat niya nang kabigin siya nito at isalampak sa kama. Para siyang kinarate ni Garet at doo'y kinubabawan na siya nito. Their eyes met. So close, na parang isang dangkal na lang ang distansya ng mga mukha nila. Nakakaduling. Naiinis si Yuri sa sandaling iyon dahil parang naparalisa ang buong katawan niya.
"What are you doing in my bed? Hmm?" tanong ni Garet sa kaniya. Amoy pa ni Yuri ang mint na mula sa bibig ni Garet. Parang kanina pa ito gising at nagpatulog-tulog lang sa sandaling iyon.
"I... I... I just want to... ano kasi, gusto ko lang sana kitang yayain na mag-breaskfast, Garet."
"Hmm, really?" tukso pa ni Garet sa kaniya habang natingin pa rin sa mukha niya.
"Ahm, a..aalis na ako," putol pa ni Yuri sa kaniya. Akmang tatayo na siya sa higaan nang agawin ni Garet ang kaliwang braso niya saka mabilis na hinapit ang beywang niya. Rason para bumagsak ang katawan niya sa katawan ni Garet.
OMG! his chest... his muscular chest! Tili pa ng utak ni Yuri nang makita ang posisyon niya sa sandaling iyon. Siya naman ang nakakubabaw sa katawan ni Garet. Tanaw na tanaw niya ang pagtigas ng abs ni Garet. Nakabukaka pa siya sa tiyan nito. Hindi tuloy maiwasan na mag-init ang katawan niya.
That's not proper!
"G-Garet, I need to go." Nauutal na sabi pa niya rito.
"Wait. Stay for a while. I want someone to cuddle now, can you please be with me, just a minute." Sumamo pa nito.
Para naman siyang maamong tupa sa sandaling iyon. Dahan-dahan niyang inilapag ang sarili sa katawan ni Garet, rason para dumampi ang katawan niya sa dibdib nito. Garet immediately crossed his arms and give her a huge embrace. Kinulong siya nito sa loob ng yakap ni Garet.
Ramdam ni Yuri ang pagritmo ng hininga ni Garet. Nakaganoong posisyon lang sila sa oras na iyon, kapwa nila pinapakiramdaman ang bawat isa.
"I missed you, Yuri." Himig pa ni Garet sa kaniya.
Namilog ang mata ni Yuri sa sandaling iyon.
WTF? Bakit sinasabi niya sa akin ang bagay na 'to?
"I don't know how to say this, but, I think, I'm falling for you..."
Doon ay napaawang ang labi ni Yuri habang nakayakap sa katawan ng lalaki.
Kung nananaginip man siya sa sandaling iyon, parang ayaw na niyang magising. Literal na ayaw niyang magising.
Hindi siya kumibo sa sandaling iyon.
"But, I don't want to hurt you, I am not capable of loving someone...but I don't want to lose you either..." dugtong pa nito.
Holy mother of all mercy!
Parang maiihi siya sa kilig sa sandaling iyon.
Pinikit na lamang niya ang mga mata dahil sa sobrang kilig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top