Chapter 25

Nang makapag-relax at matapos ang pag-aayos ng gamit, ay naisipan ni Yuri na lumabas sandali sa kanilang villa. Gusto niyang makausap si Garet. Sakto naman at nakita niya ito sa dalampasigan. May katabi itong bucket at may mga beer ang laman nito.

"Hi." Naunang bati ni Yuri.

"Hey, come, sit here." Sabi pa ni Garet saka nilagyan ng panyo ang buhanginan.

It was a quiet simple day, nothing special, pero dahil nakita nila ang isa't isa, parang nabuhayan ng loob si Garet, gayundin si Yuri.

Nang makaupo sina Yuri at Garet sa buhanginan, habang parehong may hawak na bote ng beer pilsen. It was a bit awkward.

Namayani ang katahimikan saglit.

Pareho silang nakatingin sa karagatan.

Ang alon ay marahang humahampas sa baybayin, tila sumasabay sa mabagal na ritmo ng kanilang usapan. Ang init ng araw ay napapawi ng malamig na simoy ng hangin mula sa dagat.

"Hindi ko inakala na magkikita ulit tayo dito," bungad ni Yuri habang iniikot ang bote ng beer sa kanyang kamay. Nakatingin siya sa malayo, sa linya kung saan nagtatagpo ang langit at dagat.

"Neither did I," sagot ni Garet, hindi rin tumitingin sa kanya. Ang mga mata nito ay nakapako sa alon, tila may malalim na iniisip. "I guess fate has its own sense of humor."

"Ano nga ulit ang ginagawa mo dito?" tanong ni Yuri, tumingin kay Garet. "I mean, Palawan isn't exactly the kind of place you'd expect to see someone like you."

Bahagyang ngumiti si Garet at tumingin sa bote ng beer sa kanyang kamay. "I'm here to relax. To get away from... everything. Life has been a bit too much lately."

Napakunot-noo si Yuri. "Too much? Ikaw? Akala ko ba you thrive in chaos? At least, 'yun ang impression ko noong huli tayong nagkita."

Tumawa si Garet, ngunit walang halong kasiyahan ang tunog nito. "People change, Yuri. Even me. Maybe especially me."

Tahimik si Yuri sandali, iniisip ang sinabi nito. Pagkatapos, sumandal siya sa kanyang mga braso at tumingin sa kalangitan. "Ako naman, trabaho. May pelikula kaming shinu-shoot dito. Supporting role lang, pero okay na rin. Hindi lahat nabibigyan ng ganitong pagkakataon."

"That sounds like something you've always wanted," sabi ni Garet, nakatingin sa kanya ngayon. "I'm happy for you. Really."

"Thanks," sagot ni Yuri, nginitian si Garet. "Pero hindi madali. Maraming pressure, maraming expectations. Minsan iniisip ko kung kaya ko ba talaga."

"But you're doing it anyway," sagot ni Garet, seryoso ang tono. "That says a lot about you."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila, ang tanging naririnig ay ang tunog ng alon at ang mahinang ihip ng hangin. Parehong nag-isip, parehong nagpakawala ng kanilang mga iniisip sa hangin.

"Ikaw naman," sabi ni Yuri, binali ang katahimikan. "Bukod sa 'pagpapahinga,' ano pa ang ginagawa mo rito? Wala ka bang kasamang ibang tao? Wala kang girlfriend o kahit sino?"

Umiling si Garet, ang ngiti ay bahagyang mapait. "No girlfriend, no companions. Just me and this island."

"Wow, solo trip?" biro ni Yuri, ngunit ang tono ay may halong seryosong pag-usisa. "That's... different."

"I needed it," sagot ni Garet. "I've been... dealing with some personal stuff. Complicated things. Coming here was supposed to help me clear my head."

"Complicated things? Sounds heavy," puna ni Yuri. "Wanna talk about it?"

Hindi agad sumagot si Garet. Tumingin muna siya sa dagat, tila nag-aalangan. Pagkatapos ng ilang saglit, huminga siya nang malalim. "I found my mother," sabi niya, ang boses ay mababa ngunit puno ng emosyon.

Nagulat si Yuri. "What? You mean... your real mother?"

Tumango si Garet, hindi tumitingin kay Yuri. "Yeah. After all these years, I finally met her. Here. In Palawan."

Hindi agad nakasagot si Yuri. Alam niya ang tungkol sa matagal nang pagkawala ng ina ni Garet — isang bagay na hindi nito madalas pag-usapan. "That's... big. How did it happen?"

"It was unexpected," sagot ni Garet, tinungga ang beer bago muling nagsalita. "I was just walking around, trying to enjoy the island, and then... there she was. She recognized me first. It was surreal."

"Anong naramdaman mo?" tanong ni Yuri, halatang interesado sa kuwento.

"Mixed," sagot ni Garet, bahagyang natawa. "Ang daming tanong. Ang daming galit. But also... relief. I don't know. It's hard to explain."

"Have you talked to her? Like, really talked?" tanong ni Yuri.

"A little," sagot ni Garet. "But it's complicated. She has a new family now. A son. My half-brother."

"Wow," sabi ni Yuri, hindi alam kung ano ang isasagot. "That's a lot to process."

"It is," sagot ni Garet. "But I'm trying. This trip was supposed to be a break from everything, but now it feels like I'm dealing with more than ever."

Tahimik ulit silang dalawa, parehong iniisip ang mga salitang binitiwan ni Garet. Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita si Yuri. "Well, if you need someone to talk to, nandito lang ako. Alam mo naman 'yan."

Ngumiti si Garet, tinitingnan si Yuri. "Thanks. I appreciate it."

Ngumiti si Yuri sa sandaling iyon, ngayon lang niya nakita na ganito ka-vulnerable ang isang Garet Libradilla.

"Uhmm..." Garet starts to scratch his head, gusto niyang yayain si Yuri na pumunta sa kalapit na resto, gusto pa niyang makasama ito nang mas matagal.

"Hmm? Bakit?" tanong pa ni Yuri.

"Ah, I... I want to invite you--"

"Yuri! Dali, tumatawag si Direk!" napalingon si Yuri sa bandang likuran. It was Jenny. Nagmamadali ito na parang importanteng-importante ang pupuntahan.

Napatingin si Yuri kay Garet.

"Hmm, Aalis muna ako ha, may trabaho pa kasi kami..."

Walang nagawa si Garet kundi tumango sa sandaling iyon.

"Alright."

"Sa susunod ulit..."

Garet left with a smile as he saw how Yuri runs in a hurry.

Nailing na lang siya sa sandaling iyon. Hindi niya lubos maisip na parang sinasadya talaga ng tadhana na pagtagpuin silang dalawa. Not a chance in that place, but, he guess totoo nga ang sinasabi nilang... Love moves in mysterious ways.

Sa kabila ng lahat ng komplikasyon sa kanyang buhay, naisip niya na baka nga may tadhana na naglalapit sa kanila ni Yuri. Isang bagay na hindi niya lubos maipaliwanag, ngunit nararamdaman niya. Ang bawat pagkakataon na magkasama sila ay parang bahagi ng isang mas malaking kuwento na hindi pa niya ganap na nauunawaan. 

Garet stand and clean his pants, nagdesisyon siyang bumalik sa kaniyang villa. Ngasyon, mas masasabi niyang nagkakaroon na ng chance na mag-eenjoy siya sa Palawan.

"Eureka..." mahinang saad pa niya sa sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top