Chapter 22
It was Tuesday.
Garet is excited for his new chapter. Malaya at presko ang kalangitan sa oras na iyon, unti-unting naglalagos sa bintana ng private charter plane ang sikat ng araw habang papalapit na si Garet sa destinasyon niya—ang Palawan. Mula sa itaas, tanaw niya ang mala-postcard na tanawin ng mga asul na karagatan, puting buhangin, at luntiang kagubatan. Habang lumalapit ang eroplano sa Puerto Princesa International Airport, unti-unti ring napapawi ang bigat ng stress sa kanyang balikat.
Pagkababa niya sa paliparan, sinalubong siya ng mainit na hangin at ng mababait na ngiti ng mga tao. Ang Palawan, kilala bilang "The Last Frontier" ng Pilipinas, ay isa sa mga pinaka-pinupuntahang destinasyon ng mga turista dahil sa natural nitong kagandahan at kakaibang kultura. Isa itong paraiso kung saan nagtatagpo ang likas na yaman at simpleng pamumuhay.
Una sa listahan ng mga dapat puntahan sa Palawan ay ang Puerto Princesa Underground River, isa sa New 7 Wonders of Nature. Ang ilog na ito ay isang kamangha-manghang likas na kuweba na may stalactites at stalagmites na animo'y ginuhit ng kamay ng Diyos. Ang biyahe papasok sa kuweba ay sakay ng bangka, at dito maririnig ang kasaysayan ng lugar mula sa mga lokal na tour guide. Sunod na destinasyon ay ang El Nido, na tanyag sa mga limestone karst formations, malilinaw na laguna, at mga dive site. Isa sa mga pinakasikat dito ay ang Big Lagoon at Small Lagoon, kung saan maaaring mag-kayak at magpakasawa sa tahimik na kagandahan ng kalikasan. Ang Nacpan Beach naman ay perpekto para sa mga naghahanap ng payapang lugar upang magpahinga.
Hindi rin dapat kalimutan ang Coron, na kilala sa mga shipwreck dive sites at makapigil-hiningang mga tanawin tulad ng Kayangan Lake at Twin Lagoon. Ang mga mahilig mag-snorkel ay tiyak na magugustuhan ang Coral Garden at ang mga makukulay na isda rito. Sa timog na bahagi ng Palawan, naroon ang mas tahimik ngunit kasing-gandang Balabac Islands. Tanyag ito sa makintab na buhangin at malalim na turkesa na tubig, na animo'y isang lihim na paraiso.
Pagdating ni Garet sa Cabana Resort, agad siyang sinalubong ng staff na may dalang malamig na buko juice bilang welcome drink. Ang resort ay matatagpuan sa gilid ng isang pribadong dalampasigan, napapalibutan ng mga palm tree at infinity pool na tila sumasama sa linya ng dagat. May minimalistang disenyo ang mga villa ngunit may halong modernong kaginhawahan, perpekto para sa mga naghahanap ng katahimikan tulad ni Garet. Ang kanyang villa ay may sariling veranda na may tanawin ng dagat. May malambot na kama na may puting linen, at isang bathtub na nakaharap sa glass wall upang makita ang tanawin ng asul na karagatan habang nagpapahinga. Mayroon din itong private butler service na nag-aalaga sa lahat ng kanyang pangangailangan.
Sa kanyang unang gabi sa Palawan, nagdesisyon si Garet na subukan ang mga lokal na pagkain. Una niyang tinikman ang tamilok, isang exotic na seafood na gawa sa woodworm, na sinasabing masarap kapag sinawsaw sa suka. Sinubukan din niya ang nido soup, isang sopas na gawa sa bird's nest, na itinuturing na isang delicacy.
Hindi rin niya pinalampas ang laing, isang putahe na gawa sa dahon ng gabi at gata, at ang sariwang danggit na inihain kasama ng mainit na sinangag. Para naman sa dessert, tinikman niya ang cashew tart, isang tanyag na pastry sa Palawan dahil sagana ang lugar sa kasoy. Sa bawat kagat, naramdaman niya ang pagmamalaki ng mga lokal sa kanilang kultura. Hawak ni Garet ang isang flyer kung saan nakasulat ang mga trivia tungkol sa Palawan.
Pinakamalaking Lalawigan: Ang Palawan ang pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas base sa sukat ng lupain, ngunit may pinakamaliit na populasyon per square kilometer.
Endemic Species: Dito matatagpuan ang mga hayop na hindi makikita kahit saan sa mundo, tulad ng Palawan bearcat, pangolin, at peacock-pheasant.
Historical Significance: Ang ilang bahagi ng Palawan, tulad ng Tabon Caves, ay tinaguriang "Cradle of Philippine Civilization" dahil dito natagpuan ang mga sinaunang labi ng tao sa bansa.
No Smoking Paradise: Maraming lugar sa Palawan, tulad ng Coron at El Nido, ang may mahigpit na patakaran laban sa paninigarilyo upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.
"So this are their wonders... interesting." Sabi pa niya sa sarili.
Habang nakaupo si Garet sa veranda ng kanyang villa, hawak ang isang baso ng malamig na inumin, naramdaman niyang unti-unting humuhupa ang bigat ng stress mula sa kanyang balikat.
Ang malayang alon na humahampas sa dalampasigan at ang malamig na simoy ng hangin ay tila musika sa kanyang pandinig. Alam niyang nasa tamang lugar siya upang magsimula ng panibagong yugto sa kanyang buhay.
Sa isip niya, malinaw ang isang plano. Magpapahinga, magmumuni-muni, at muling hanapin ang bahagi ng sarili niyang matagal nang nawala sa gitna ng abala sa mundo ng negosyo. Sa Palawan, natagpuan niya ang kanlungan na kanyang hinahanap.
Sa di kalayuan, naririnig niya ang mahinang tugtog ng musika mula sa bar ng resort. Biglang tumugtog ang pamilyar na awit na "Somewhere Down the Road." Isang kanta na may kakaibang epekto sa kanya.
Napapikit si Garet, ang bawat linya ng kanta ay tila bumabalik sa nakaraan. Sa di maipaliwanag na dahilan, sumingit sa kanyang isipan ang imahe ni Yuri. Ang kanyang ngiti, ang paraan ng paggalaw niya, at ang tila walang pakialam ngunit malalim na personalidad ng dalaga. Parang pelikula ang bawat alaalang dumaan sa isip niya.
"Why can't I stop thinking about her?" bulong niya sa sarili, bahagyang nauubos ang pasensya sa sariling emosyon.
Tumayo si Garet sa sandaling iyon at iniwan ang baso sa mesa at nagdesisyong maglakad sa tabing-dagat. Ang malamig na buhangin sa ilalim ng kanyang mga paa ay tila nagbibigay ng aliw, ngunit hindi nito kayang pigilan ang agos ng mga katanungan sa kanyang isipan. Habang naglalakad, hinayaan niyang tangayin siya ng gabi, umaasang mahahanap niya ang kasagutan sa mga katanungan niyang gumugulo sa kanya.
Sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni, may nakita siyang pigura ng isang babae na nakatayo malapit sa dalampasigan. Tumigil si Garet at pinakiramdaman ang kanyang sarili. Hindi siya maaaring magkamali.
"No, this can't be..." bulong niya habang dahan-dahang lumapit.
Nang tuluyan siyang makalapit, nagulat siya nang makumpirma ang hinala. Ang babae ay ang kanyang ina, ang babaeng matagal na niyang inakalang wala na.
"Ma?" mahinang sambit niya, ngunit punong-puno ng pagdududa at pagkabigla ang kanyang boses.
Napalingon ang babae, at sa kanyang mukha ay bakas ang parehong pagkabigla. Hindi agad ito nagsalita.
"Is that you, Ma?"
"G-Garet?"
"It's you," aniya, habang ang kanyang dibdib ay tila pinipiga ng emosyon. "I thought you were dead. I thought..."
Napatakip ang kamay ng kanyang ina sa kanyang bibig, at ang mga luha ay bumuhos mula sa kanyang mga mata.
"Anak, buhay ka..."
Lumapit si Garet, ang kanyang mga mata ay puno ng hindi maipaliwanag na emosyon. "What happened? Where have you been? Why did you disappear?"
"Mahabang kwento, anak," sagot ng kanyang ina habang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. "Hindi ko ginusto ang nangyari. Napilitan akong umalis dahil sa mga pangyayari noon. Ayokong madamay ka sa gulo."
"You left me with no answers, no closure," sagot ni Garet, ang kanyang boses ay puno ng hinanakit. "Do you know how much I've been through?"
"Garet, patawarin mo ako," sabi ng kanyang ina habang hinawakan ang kanyang kamay. "Ginawa ko iyon dahil iyon lang ang paraan para protektahan ka. Ang ama mo... si Thomas... hindi niya alam ang lahat ng detalye ng desisyong ginawa ko. Ngunit anak, mahal kita. Hindi ako tumigil sa pag-iisip sa iyo."
Tumalikod si Garet at tumingin sa malawak na dagat, pilit pinipigil ang emosyon. "All these years, I thought I was abandoned. That I wasn't worth staying for."
Lumapit ang kanyang ina at marahang hinawakan ang kanyang balikat. "Hindi totoo 'yan, anak. Mahal na mahal kita. Kaya nga ako bumalik. Gusto kong maitama ang lahat ng pagkakamali ko noon."
Nilingon siya ni Garet, ang kanyang mga mata ay puno ng tanong. "And what now? You just show up out of nowhere? What do you expect me to do with all this?"
"Hindi ko inaasahan na madali mo akong mapapatawad," sagot ng kanyang ina, ang boses ay puno ng pag-aalala. "Pero gusto kong magsimula tayo ulit, kahit paunti-unti. Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon na maipaliwanag ang lahat."
Tinitigan siya ni Garet nang matagal bago tumango. "Alright. I'll give you a chance. But don't expect it to be easy. You were not there when I need you the most."
"I'm sorry," sagot ng kanyang ina habang ang luha ay patuloy na bumabagsak. "Hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito."
Habang sila'y nag-uusap, unti-unting lumiliwanag ang paligid. Parang simbolo ng bagong simula, ang araw ay unti-unting sumisikat sa abot-tanaw, nagbibigay ng pag-asa sa isang relasyong matagal nang nasira ngunit handang buuin muli.
"Bakit ka nandito sa Palawan?" tanong ng kaniyang ina.
"I... I just want to think here... I need space from Cebu."
"Gan'on ba, may asawa ka na ba?"
Umiling si Garet.
"Bakit? Hindi ba't trenta y kwatro anyos ka na? Subsob ka ba sa trabaho? Tinatali ka ba ng papa mo sa mga responsibilidada sa kompanya niya?"
Hindi sumagot si Garet.
"I want a fresh start, Ma."
"Well in that case, sasamahan kita, anak. Pangako, I will make things right."
"Do you have a family here?" tanong niya sa wakas, ang tono ay halatang punong-puno ng alinlangan.
Tumango si Gemma. "Yes... I have a son. His name is Rafael."
Parang sinuntok sa tiyan si Garet sa narinig. "So you left me... and started over," wika niya, mapakla ang boses.
"No," mabilis na sagot ni Gemma. "I never replaced you, Garet. I never stopped thinking about you. Rafael is your brother, and he knows about you. He wants to meet you."
Huminga nang malalim si Garet, hindi sigurado kung paano tatanggapin ang bagong impormasyon na ito. Hindi ito ang bakasyon na inaasahan niya—ngunit sa isang bahagi ng kanyang puso, alam niyang maaaring ito ang simula ng isang bagay na matagal na niyang hinanap: mga sagot.
Sa huli, tumango siya nang bahagya, kahit mabigat ang loob. "I'm not promising anything," sabi niya, ang tono niya'y malamig ngunit may bahid ng pag-asa. "But... I'll meet him. And we'll see what happens."
Ngumiti si Gemma, kahit nangingilid ang luha. "Thank you, Garet. That's all I could ever ask for."
Sa gitna ng unti-unting paglubog ng araw, ang dalawa ay tahimik na tumingin sa dagat, parehong puno ng takot at pag-asa sa kung anuman ang susunod na mangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top