Chapter 15

CHAPTER 15

Nang makarating sila sa eat-all-you-can resto ay agad na nagbayad si Garet at pumila sa buffet area. Nakasunod naman sa kaniya si Margaret na medyo offended dahil dito lang sila kumain.

Paminsan-minsan na tinitingnan ni Garet ang babae habang tahimik na nakikiramdam dito.

"Take all you want. okay?" ani pa niya rito pero hindi ito umimik.

Nakasunod lang sa kaniya si Margaret that time, pero hindi pa rin ito nagpapakita ng pagkadisgusto.

Matapos kumuha ng mga napiling pagkain ay umupo na sila sa isang two-seat table sa bandang dulo ng resto, hindi matao doon kaya safe sila sa mga media kapag nagkataon.

"Uhm, Sir Garet. Ano ba 'yong mga gusto mo sa isang babae?" panimulang tanong pa nito sa kaniya.

"Nothing special, I want her to be decent, just ordinary." Walang emosyon na saad ni Garet.

"Ah, g-ganoon ba, how about some skills, may gusto ka bang dapat mayroon sa kaniya?"

Bahagyang nag-isip si Garet, hindi niya maiwasang hindi maisip ang mukha ni Yuri. That familiar smile that makes him uncomfortable, na para siyang bumabalik sa pagiging teenager.

"Maybe one thing..."

"What?"

Sumubo muna ng pagkain si Garet saka uminom ng tubig bago sumagot.

"A sense of interest, hindi ko gusto 'yong mga walang sense kausap..."

Napahinto si Margaret sa sandaling iyon, tila nanliit siya sa sinabi ng binata, hindi yata siya nakapaghanda sa pagiging matalas ng dila nito.

"Hmm, grabe ka naman..."

"That's my answer." Pinong sagot ni Garet sa dalaga.

"Well, sa'kin naman... gusto ko sa lalaki na... responsable, maginoo, then gwapo, saka magaling magpatawa." Ani ni Margaret.

"Then, I guess you need a clown." Seryosong dugtong ni Garet.

Margaret pouted her lips, hindi na siya natutuwa sa sinasabi ni Garet.

"Alam mo, Sir Garet, napakasuplado mo, siguro ang dami mong kaaway no? Wala ka sigurong kaibigan, or else hindi ka siguro mahal ng tatay mo?!" wala sa isip na patutsada ni Margaret saka mahinang humalakhak.

Nahinto si Garet sa pagkain at inilagay ang mga kubyertos sa lamesa.

Bahagyang nagulat din si Margaret that time dahil parang na-offend ito sa joke niya.

"I've lost my appetite." Sabi pa nito.

"Ah, eh, sorry. I didn't mean to..."

"Let's go, ihahatid na kita..."

"Pero hindi pa ako tapos..."

"Let's go." Mariin na sambit nito.

Walang nagawa si Margaret sa sandaling iyon, pinagtitinginan na rin kasi sila ng mangilan-ngilan na tao na nandoon.

Ngayon lang siya na-humiliate in public, at parang hindi niya yata kakayanin ang pagiging suplado ni Garet.

Dire-diretso si Garet sa parking lot at naunang umibis sa loob ng kotse.

Nakasunod din sa kaniya si Margaret that time na parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nararamdamang hiya.

Nang makapasok si Margaret ay tahimik itong nagsuot ng seat belt. Akmang magsasalita pa sana ito nang marinig ang sinabi ni Garet.

"You insisted this dinner even you two knew I've had enough this day, I am tired, but I tried to accompany you nicely, Margaret. And, lastly, be professional if you want to know me, I don't consider that kind of attitude." Kalmadong saad pa nito habang nakatingin sa malayo.

Hindi umimik si Margaret sa sandaling iyon. Nagsimulang umandar ang sasakyan ni Garet at pinuntahan ang address ni Margaret. Nang makarating ay tahimik lang na lumabas si Margaret, ni hindi na ito nagpaalam sa binata at pabalibag na sinarado ang pinto.

Garet just sigh and return his gaze to the road. He start his engine and drive away his car. Hindi niya talaga gusto ang attitude ni Margaret, masyado itong entitled. Nang palabas na siya sa subdivision ay hindi niya inaasahan na makita ang pamilyar na mukha ni Yuri, nakasuot ito ng simpleng oversized shirt at jogging pants, may hatak-hatak itong aso. Tila nagpapahangin ito at nagmumuni-muni habang naglalakad.

Mabilis siyang huminto at nag-park sa gilid ng kalsada. Hindi muna siya nagbaba ng salamin at tahimik na tinitigan ang paglalakad nito. He's not sure if ano ang reaksyon nito matapos niyang sabihan ito na hindi na sila magkikita pa muli.

"That's so stupid of me..." mahinang usal niya habang tanaw pa rin ang paglalakad nito. Akmang pinapaandar na niya ang makina nang mapansing may nakasunod na dalawang lalaki kay Yuri. He feels uncomfortable that time.

Nakita niyang binabastos nito si Yuri.

Mabilis pa siya sa alas kwatro na lumabas at hinarap ang dalawang gago.

***

Nagmamadaling maglakad si Yuri sa sandaling iyon habang napansin niyang may dalawang lalaking sumusunod sa kanya. Ginapangan agad siya ng kaba. Siya pa naman mag-isa sa sandaling iyon.

"Miss, ang dilim na, baka gusto mong may kasama." Sabi ng isang lalaki.

"Tama! Baka kung ano pa mangyari sa'yo." Dugtong naman ng kasama nito.

Hindi pinansin ni Yuri ang dalawa, bumilis ang lakad nito para iwasan ang dalawa pero hinawakan siya sa braso ng lalaking medyo may katangkaran.

"Bitawan niyo ako!" Sigaw pa ni Yuri. Nagpabaling-baling ang paningin niya sa kalsada, nagbabakasakali na may tumulong sa kaniya. Wala siyang sapat na lakas para lumaban sa mga ito.

Ilang sandali pa ay may narinig siyang pamilyar na boses.

"Let her go!" Makapangyarihang boses nito.

Napatigil ang dalawang lalaki sa sandaling iyon. Napatingin sila sa gawi ni Garet. Bahagya pa itong napatawa habang hindi pa rin binibitawan si Yuri.

"Sir, ang mabuti pa'y umalis na kayo para hindi ka na madamay dito!" Nag-warning pa ang lalaking medyo pandak kay Garet.

Nanatiling nakatuon ang paningin ni Yuri kay Garet. Hindi pa rin siya makapaniwala na ito ang sasaklolo sa kaniya.

Mabilis na sinuntok ni  Garet ang lalaking medyo pandak sa panga, dahilan para ito'y mapaatras at bumulagta sa lupa.

"Tsk, mayabang ka ah!" Ani pa ng may katangkaran na lalaki. Sinugod nito si Garet, pero mabilis itong umiwas at tinadyakan siya sa tiyan. Napaupo ang lalaki sa lupa dahil sa pamimilipit sa sakit.

"Tara na, wala tayong laban dito!" Sabi pa ng lalaking matangkad. Hinila nito ang kasama at tumakbo palayo.

Sa sandaling iyon ay naiwan si Yuri na nanginginig, hawak pa nito ang braso niya. Napayuko ito dahil hindi nito matingnan nang diretso ang mukha ni Garet.

"You're safe now..." Baritonong boses nito.

Hindi napigilan ni Yuri na hindi maiyak. Napayakap ito kay Garet sa sandaling iyon, ganoon na rin ang pagkabigla ni Garet dahil hindi niya alam kung paano patatahanin ang dalaga.

Dahan-dahan nitong hinawakan ang likuran ni Yuri at hinagod. 

"Please, stop crying..."

Mas humagulhol ito dahil sa sinabi niya. "Yuri..."

"Nakakainis ka!" pasinok-sinok na sambit ni Yuri sa kaniya. Nagpahid pa ito ng mukha sa sandaling iyon.

"Huh? Why?"

Dahan-dahang tumingin si Yuri sa kaniya. Nakipagtitigan ito sa kaniya, na parang binabasa ang kailaliman ng kaniyang diwa.

"Garretson Libradilla, I have no rights to say this... pero... gusto kita."

Napaawang ang labi ni Garet sa sandaling iyon. Parang dinamita iyon sa pandinig niya, malalim at nakabibingi.

"Yuri..."

Sa sandaling iyon ay niyakap niya ang dalaga. Dinama niya ang manipis na katawan nito, hindi man sigurado, pero alam niya na pareho sila ng nararamdaman. It was not yet official, but he is happy whenever Yuri is with him.

Ganoon kabilis mawala ang lahat ng negatibong enerhiya sa katawan niya kapag kasama niya ang dalagang rason kung bakit bumabalik sa pagkabata ang puso niya.

"I don't know how to say this, but I like this feeling...with you."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top