Chapter 14

CHAPTER 14

Matapos ang business trip sa Davao, ay agad na umuwi si Garet sa Cebu. Marami siyang kailangang asikasuhin, isa na doon ang planong pag-set up sa kaniya ng kaniyang pamilya sa anak ni Don Saturnino Ayala. He was worn out from flight pero kailangan niyang siputin ang mga ito na noo'y nasa opisina na umano niya.

Hindi siya sanay na may taong pinaghihintay, pero katawan na yata niya ang nagdidikta na ayaw nitong puntahan ang mga katagpo.

Sumalubong sa airport si Andres, na agad naman siyang ipinagmaneho sa kaniyang opisina.

"Good to see you, hijo." Sabi pa ng ginoo sa kaniya.

"I'm so tired, Andres."

"Pero kanina pa naghihintay sa inyo sina Don Saturnino sa opisina."

"I know. I felt trap, Andres. I don't want to do this."

"Naiintindihan kita, pero..."

"I know, this is their way to chain my neck."

Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Garet na sinabayan naman ni Andres bilang pagsang-ayon.

Ilang oras pa ay narating na nila ang building, agad na pumasok si Garet sa loob nito. Sumalubong naman sa kaniya ang kaniyang mga sekretarya na sina Mildred at Melanie.

"Good to see you, Sir."

Isang tango lang ang ginawa ni Garet sa mga ito.

"Sir Ayala and his daughter, Ms. Margaret is in the VIP room, Sir."

"Alright. Let me wash up my face first, I head straight here from the airport. At least, I face them with decent face."

"Okay, Sir. I will tell them." Aligaga na sambit nina Melanie habang si Mildred naman ay nagpaiwan sa pinto ng room ni Garet.

"Mil, any update from her?"

"No, Sir. There's no call from her."

"Did she receive it?"

"Yes po, she received flowers every day, Sir."

"Good."

Matapos ang mabilisang conversation nila ni Mildred ay agad niyang ihinanda ang sarili, mabuti nalang talaga at may iilan siyang suit sa office niya. Nagpalit siya ng necktie at nagpabango na rin. Matapos ang preparasyon ay agad na siyang pumunta sa VIP room.

Bago kumatok sa pinto ay nakiramdam si Garet sa loob. It is the best way to make things correctly.

Ang opisinang iyon ay may malalaking bintana na tanaw ang siyudad. Sa gitna ng kwarto, naroon ang isang malaking lamesa. Naroon si Margaret at Saturnino na kanina pa dumating at naghihintay sa kaniya. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkainip.

"Good afternoon, Mr. Saturnino, Margaret. Thank you for arriving early." Nakipagkamay siya rito at nakipagbeso naman sa babaeng kasama nito, maganda ito at may resemblance kay Yuri. Halatang magkapatid nga ang mga ito.

"Good afternoon, Garet. I know you're busy, but this discussion is important." Seryosong saad ng matanda.

"Yes, of course. Let's start. This is about Margaret's temporary position in the company, correct?" Garet firmly continues.

"Yes, Garet. I know this isn't part of your plan, but it's my dream to work in a big company like yours. I'll do my best to prove myself." Si Margaret ang nagsalita. Nakangiti rin ito sa kaniya na parang wala silang kasamang iba.

That flirtations' smile.

"Margaret, I'm not questioning your abilities. But you know my company has strict rules. I don't want favoritism, even if you're Mr. Saturnino's daughter." Direktang saad ni Garet.

Naiba ang mukha nito at napalitan ng seryosong mukha.

"Naiintindihan kita, Garet. Pero sigurado akong kaya ni Margaret makipagsabayan. Bigyan mo lang siya ng pagkakataon. Ang pansamantalang posisyon na ito ay makakatulong din sa kanya para mag-mature at matuto."

"Alright. Let's give her a trial period. But I expect her to show her true potential. No special treatment." Dugtong pa na saad ni Garet na itinuon ang paningin sa dalaga. Hindi nagtagal iyon dahil sumisiksik sa isipan niya si... Yuri.

"Thank you, Garet. I won't let you down."

"Ngayon, tungkol naman sa isa pang mahalagang bagay—ang usapan tungkol sa kasal ninyo ni Margaret." Seryosong saad ni Don Saturnino kay Garet na parang may masidhing pagnanasa na ituloy ang planong iyon.

"We all know I'm not in favor of this idea. These days, there's no need to force such arrangements just for business. It's 2025, c'mon. We had the right to decide, right, Margaret?" baling pa ni Garet kay Margaret na parang sunud-sunuran lang din sa gusto ng ama.

"Garet... Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Ayoko ring magpakasal nang walang pagmamahal. Pero ginagawa natin ito para sa ikabubuti ng ating mga pamilya." Nakangiting saad pa nito. It seems that she rehearsed it a thousand times before!

"And what kind of relationship will come from an agreement? I don't want to live this kind of illusion." Pinal na saad ni Garet sa mukha ng dalawa.

"Garet, the purpose of the agreement is to unite our families. But if you're truly against it, I'm willing to discuss alternatives. I will talk again to your father."

"Papa, kung hindi naman talaga handa si Garet, mas mabuti sigurong huwag na nating ituloy. Ayoko pong maging pabigat kay Garet." May emosyong saad ni Margaret na tila malungkot.

Garet was tired of this drama. Wala pa siya sa huwisyo para makipag-deal sa anumang bagay, pero heto siya... at nakikinig sa mga melodrama ng mag-amang Ayala.

"Margaret, I don't see you as a burden. But we need to have a proper discussion about this. This isn't just about business; it's about our lives. I don't to commit for some unsure relationship, you don't want to live in hell, right?"

Nabigla sa sinabi ni Garet si Margaret, halatang na-offend ito sa sinabi niya.

"What do you mean, hell?" Margaret asked profoundly.

"You know what I mean. You have an idea of me? Right? If none, kailangan mo pa akong kilalanin." Malamig na turan ni Garet sa dalaga.

"You're right. Let's give this matter some time. As long as the three of us understand each other, we'll sort this out. Sa ngayon, unahin muna natin ang trabaho ni Margaret sa office mo, Garet."

"I heard it, ninong. But I won't take her as special from anyone. I don't want a favored relationship between my employees."

"Okay, Garet." Margaret smiles.

"Sir Garet." Pagtatama pa ni Garet sa kaniya.

Tumayo si Garet para kamayan sina Don Saturnino at magpaalam kay Margaret pero sadyang makulit din yata ang mag-ama dahil pinipilit pa ng mga ito na makipag-dinner sa kaniya.

"I need to go home now, Ninong. I am tired from the flight."

"Pagbigyan mo na ako, hijo. Kahit na kayo na lang ni Margaret. Para makilala mo siya nang husto." Pamimilit pa ng ginoo sa kaniya.

Agad namang dumikit sa kaniya si Margaret saka humawak sa braso niya, as if close sila nito.

He awkwardly gets his arms back at dumistansya sa dalaga. He wants peace of mind that time pero napaka-chaotic ng asal nito. Para itong bata na super clingy!

"Alright, fine." Napipilitan na sabi ni Garet.

"Sige, hijo. Mauuna na ako sa inyo. Drive her home safely, okay?" sabi pa ni Don Saturnino kay Garet. Napaawang ang labi ni Garet sa sandaling iyon.

Wala siyang ideya kung saan niya dadalhin ang babae. He has no strength for a date, ayaw rin niyang makita siya ng mga media at baka pagpyestahan na naman siya ng mga ito.

Ayaw niyang makita sila ni Yuri sa news, alam niyang magiging magulo iyon kapag nagkataon!

"So, saan tayo kakain, Sir Garet?" Nakangiting tanong ni Margaret sa kaniya.

"In eat all you can buffet somewhere." Walang emosyon na saad ni Garet.

"What? Ang cheap naman, hindi ba pwedeng sa five-star resto?"

"If you don't like, I'm fine to drive you home now," he firmly said.

"Fine, tara na sa eat-all you can na yan!" ngumiti ulit si Margaret, as if she doesn't want to Garet to be turned-off.

Napailing na lang si Garet sa sandaling iyon. Hindi niya gusto ito, pero wala siyang magawa.

Hindi rin niya gustong maging bastos sa isang babae.

"Come on in," tawag pa niya kay Margaret nang nasa parking lot na sila. Nakasakay na siya sa loob ng kaniyang kotse that time.

"Hindi mo ba ako pagbubuksan?"

"No special treatment, remember?" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top