Chapter 13

CHAPTER 13

Bumalik si Yuri sa mansion dala ang lakas ng loob para kausapin at harapin ang kaniyang amain na si Saturnino, nasa hamba pa lang siya ng hagdanan ay natanaw na niya ang pagbaba nito mula sa itaas. Nakaalalay dito ang makintab na tungkod para sa pagbalanse.

"Good afternoon po," magalang na bungad niya rito.

Hindi ito umimik. Nagpatuloy ito sa paglakad at tahimik na nilampasan siya. Kasunod naman nito ang pagbaba ni Margaret na bihis na bihis. Dinig na dinig ang takong ng sandals nito sa hagdanan kung saan ito dumaan.

"Hi ate, bye."

"Where are you going?"

"Isasama ako ni papa, may meeting kami," pahabol na sabi pa nito habang abala na isinasabit ang sariling earings.

Naiwan naman si Yuri sa ganoong ayos kaya nagpasya siyang silipin muna ang kaniyang ina.

Dumiretso siya sa kwarto nito. Mahina siyang kumatok. Nang mapagbuksan niya iyon ay nakita niya ang bulto ng nakatalikod na lalaki. Nagulat siya kung sino iyon.

"Uhm, excuse me?" bungad na sambit niya para makuha ang atensyon nito.

Agad namang humarap sa kaniya ang may katangkaran na lalaki. Gwapo ang mukha nito, malinis ang pagka-trim ng balbas na bumagay sa hugis at arko ng makapal na kilay nito. He seems decent and professional wearing his plain polo shirt and grey pants. 

"Yes? How may I help you?"

"Uhm, kamusta si Mama. I'm her daughter." Pakilala pa niya rito.

"Oh, ikaw ba si Eureka? I'm Dr. Emerson Lopez, ako ang bagong personal doctor ng mama mo, your father hired me last week. But, ngayon lang ako nag-reside since I fixed some schedules." Baritonong boses na sabi nito. His voice seems expensive, ang sarap pakinggan nito dahil napaka-kalmado nito kung magsalita.

Napalabi si Yuri that time at dahan-dahan na lumapit sa kama ng kaniyang ina. Mahimbing itong natutulog sa oras na iyon.

"Kamusta na po siya, Doc?"

"No worries at all. I was just checking on your mother before heading out. How are you holding up?" Sambit pa ni Dr. Emerson sa kaniya.

"Okay naman po ako. Mas iniisip ko na lang po si Mama. Kamusta po siya? May pagbabago ba sa kondisyon niya?"

"Your mother is stable for now. Her vitals are good, and she's responding well to the medication. However, we still need to monitor her closely in the coming days."

"Salamat po, Dok. Ang dami niyo pong ginagawa para kay Mama. Sana po makabawi kami sa inyo balang araw."

"You don't have to worry about that. It's my job, and I'm happy to help. Your mother is a wonderful woman; I can see where you get your strength."

"Ah... Salamat po." Pinamulahan ng pisngi si Yuri sa sandaling iyon. "Mabuti na lang po at kayo ang doctor ni Mama."

"That's kind of you to say. Your mother is lucky to have such a devoted daughter. You're doing great by being here for her."

"Ginagawa ko lang po ang kaya ko. Pero kayo, napakahusay niyo po talaga. Salamat ulit. Napadaan lang din ako rito, hindi rin po ako magtatagal. Nandito po ba ang isa ko pang kapatid, si Gwen?"

"It's my pleasure. By the way, she seems to be resting peacefully now. That's a good sign. Uhm, about your sister, I guess she's asleep in her room. She arrived from her school."

"Ah, ganoon po ba. Uhm, mukhang mahimbing na po ang tulog ni Mama. Siguro po kailangan niyo na rin na magpahinga, Dok. Mukha po kayong pagod."

"I appreciate your concern, but I'm used to it. Still, I'll take a break soon. Thank you, Eureka."

"Sige po. Ingat po kayo pauwi. At salamat ulit, Dr. Emerson."

"You're welcome. Have a good day, Eureka."

"Ikaw din po."

Isang matamis na ngiti ang sinukli ng ginoo sa kaniya. Bago pa man maka-react ang puso niya, ay agad nang lumabas si Yuri sa kwarto, dumiretso siya sa kwarto ni Gwen para tanungin sana ito tungkol sa meeting na sinabi ni Margaret kanina. Medyo na-curious siya sa sinabi nito.

Akmang kakatok na sana siya sa pinto nang marinig niya ng 'di sinasadya ang kapatid sa loob ng kwarto.

"Bob, please listen to me! I know it is not the right thing to do, pero ayokong malaman ni Dad na buntis ako! Ipapalaglag ko ang bata!"

Nagulat si Yuri sa narinig mula sa kapatid. Bente anyos pa lang ito at kasalukuyang nag-aaral ng college. Alam niyang hindi sila close nito pero sa sandaling iyon ay hindi niya naiwasang hindi makialam.

"Gwen..."

Nagulat ito sa pagbukas ng pinto, tanaw sa mukha nito ang pagkabalisa, nagkalat sa pisngi nito ang mascara mula sa kaniyang mata. Pawis na pawis din ito na parang kanina pa hindi alam ang gagawin.

"Ate..." sambit pa nito sa kaniya.

"H'wag mong gagawin ang sinabi mo, Gwen. Matakot ka sa Diyos!"

"But, ate. Hindi ako pananagutan ni Bob. This is a mistake!"

"Walang kasalanan ang bata, Gwen. Please makinig ka sa akin!"

Humagulhol ito at halatang takot na takot. Hindi nito alam ang gagawin.

"Ate, natatakot ako kay Dad, alam kung kapag nalaman niyang buntis ako, siguradong ipapatapon niya ako sa probinsya, or worst, baka hindi na niya ako pamanahan, itatakwil niya ako, ate. Itatakwil ako ni Dad!"

"Shhh, tahan na. Please, h'wag ka nang umiyak. May naiisip akong plano, Gwen." Sabi pa ni Yuri.

"A-anong plano ate?" bahagyang tumahan si Gwen at nagpahid ng luha.

"Tapusin mo ang pag-aaral mo sa abroad, Gwen. Doon ka mag-aral sa malayo, 'di ba gusto mong makapunta sa Australia?"

"Pero...hindi ko yata kakayanin ate."

"Kaya mo 'yan, Gwen. Kayanin mo hanggang makapanganak ka na doon."

Seryosong tumingin si Gwen sa mukha ni Yuri na parang nabuhayan ng loob.

"And about that Bob, iwan mo siya. He's not worthy. Kung hindi niya kayang panindigan ang anak ninyo. H'wag kang mag-makaawa ka kaniya. Choose to be strong for your baby, Gwen."

"Ate..." Yumakap si Gwen sa kaniya.

Hinagod naman ni Yuri ang likuran nito. Ramdam niyang sa pamamagitan man lang ng sitwasyon na ito ay mapapalapit siya sa kaniyang half-sister.

"Gwen, may itatanong lang sana ako..."

"Tungkol saan, ate?"

"Saan pala pupunta sila Margaret, kasama niya kanina si Uncle eh, importante yata ang lakad nila?"

"Uhm, yes ate. They will meet someone, iyon yata ang magte-train kay Margaret sa CEO position."

"Itutuloy niya ang pag-handle ng company?"

"I guess. Siya naman talaga ang pambato ni Dad, paborito niya 'yon eh." May halong lungkot ang boses nito.

"Don't say that, mahal ka ni Uncle."

Mapait na ngumiti si Gwen saka nagsalita. "I hope so, kasi simula nang ipanganak ako, ipinamukha na ni Dad sa'kin na ako ang rason kung bakity nagkaganiyan si Mommy eh, dahil sa panganganak sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba ang sabi-sabi nila Yaya na..." hindi ito nagpatuloy sa pagsasalita.

Kumunot ang noo ni Yuri sa sandaling iyon.

"Na ano, Gwen?"

"Ate, sana dito ka nalang, bantayan mo si Mommy. Alagaan mo siya ate."

"Pero, may Doctor naman si Mom, 'di ba?"

Tumahimik si Gwen saka nilinga ang paligid. "Dad hires him to control Mom."

"What do you mean?"

"Basta ate, dito ka na sa mansion, para malaman mo kung ano ba talaga ang nangyayari kay Mommy."

Naiwang napaisip si Yuri sa sandaling iyon. May bumabagabag sa isipan niya sa sinabi ni Gwen. Parang may hindi tama sa nangyayari...

Aalamin niya ang katotohanan...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top