Chapter 10

CHAPTER 10

"Trouble?" tanong ni Andres kay Garet.

Nailing nalang si Garet saka nagsalita, "let's go, saka ko na iisipin ang bagay na 'to."

"Okay, as you wish."

Sa sandaling iyon ay agad na bumalik sina Garet sa apartment niya. Nang matapos ang pag-impake ay dumiretso na rin siya sa airport. Tahimik lang si Andres habang nakasunod sa kaniya, dala ang kaniyang maleta.

"You can go now, Andres. I will call you if may kailangan akong ipagawa."

"Sige, Sir Garet."

"You can leave it with me," turo pa niya sa mga dalang bagay ni Andres.

Yumukod lang si Andres bilang pamamaalam kay Garet saka bumalik na sa labas. Nang makapasok sa gate ay tahimik niyang nilinga ang mga kasabayang pasahero. Hindi karamihan ang nasa VIP lane, kaya mangilan-ngilan lang din ang nakalinya sa sandaling iyon. Business class ang nasa ticket niya. He travel's a lot, kaya hindi kataka-taka na namumukhaan na siya ng karamihang staffs na nandoon.

"Welcome aboard, Sir Libradilla."

Isang ngiti lang ang ginawa ni Garet saka tumuloy sa kaniyang exclusive cubicle seat. Inilagay niya ang mga hand-carry bag sa kaniyang paanan, may seat-side drawer naman sa kaniyang kaliwa kung saan nakalagay ang cup holder, isang napkin at naka-plated na fruits.

Nakasunod naman sa kaniya ang stewardess na kadalasang nakakausap niya, si Fiona.

"Hello, Sir Libradilla."

"Hi, Fiona."

"Going for business trip again?"

"Yes, in Davao Metro."

"I see, you've been very busy."

Isang tango lang ang sinagot ni Garet.

"If you want company, you can call me later." Sabi pa ni Fiona sa kaniya.

He just smiled back to her as his response.

Mayamaya pa ay komportableng ipwenesto ni Garet ang likuran sa malambot na headrest, kailangan niya ng kaunting lakas para sa gagawing meeting mamaya sa Davao. He decides to rest and take a power nap. Kalkolado na niya ang oras, at alam niyang sa paggising niya ay nasa Davao na siya.

***

"Yuri, anak, bakit ba ayaw mong makinig sa akin?" nag-aalalang sambit ng kaniyang lola Concha. Nasa Pasil siya sa oras na iyon, doon kasi nakatira ang mga magulang ng kaniyang yumaong papa.

"Lola, hindi po kasi gano'n kadali. Hindi ko po talaga kayang makisama kay Uncle Saturnino."

"Pero, anak, siya na ang itinakdang haligi ng inyong pamilya. Kailangan mong matutong magtiwala at sumunod sa kanya. Siya na ang ama mo ngayon." Paliwanag pa nito sa dalaga.

"Hindi ko siya gusto, lola. Alam kong hindi niya mahal si mama. Ginamit lang niya si mama para makuha ang mga gusto niya."

"Yuri, anak, bakit ba ayaw mong makinig sa akin?"

"Lola, hindi po kasi gano'n kadali. Hindi ko po talaga kayang makisama kay Saturnino. Wala siya sa kalingkingan ni papa."

"Pero, Lola, alam kong hindi niya po ako mahal. Pakiramdam ko, wala siyang pakialam sa akin." Yumakap pa si Yuri sa ginang at nagpunas ng namumuong luha.

"Hindi totoo 'yan, Yuri. Mahirap lang talaga minsan ang maging magulang. Marahil ay hindi niya lang alam kung paano ipakita ang pagmamahal niya. Pero tandaan mo, ginagawa niya ang lahat para sa inyo. Para sa inyo ng mga kapatid mo."

"Pero, Lola, bakit kailangan ko pang bumalik sa mansyon? Mas masaya naman po ako rito sa inyo. Hindi naman tayo naghihirap 'di ba? Kaya ko namang ibigay ang mga kailangan ninyo, may allowance naman ako." Paliwanag pa ni Yuri.

Umiling ang ginang saka masuyong hinaplos ang mukha ni Yuri.

"Anak, mahal kita, pero hindi tamang tumakas ka sa responsibilidad mo bilang bahagi ng pamilya ninyo. Ang mansyon ang tahanan mo, at doon ka dapat magpakatatag."

"Pero, Lola..."

"Yuri, minsan kailangang magtiwala kahit mahirap. Kung tunay kang nagmamahal sa akin, pakinggan mo ako. Bumalik ka sa mansyon, at subukan mong makipag-ayos kay Saturnino. Ang pamilya ay hindi perpekto, pero dapat nagkakaisa kayo, mas kailangan ka ng mama mo."

Bakas sa mukha ni Yuri ang pag-aalinlangan. "Sige po, Lola... pero sana maintindihan niya rin ang nararamdaman ko. Sana mahalin din niya ako gaya ng pagmamahal niya kina Margaret."

"Anak, magtiwala ka. Mahal kita, at gusto ko lang ng maayos na kinabukasan para sa iyo. Alam namin ng lolo mo na hindi namin maibibigay ang buhay na gusto ng papa mo sa'yo. Kung nabubuhay lang ang papa mo, alam namin na gusto niyang mapasaiyo ang lahat ng kasaganaan sa buhay," malungkot na sambit ng matanda.

Yumakap si Yuri sa kaniyang lola sa sandaling iyon. Dito lang niya nararamdaman ang salitang pagmamahal. Dito lang din siya nagiging masaya, dito sa piling ng kaniyang lolo at lola.

"Oh, tapos na ba ang usapan ninyo, ali na mo diri, mangape na ta." Magiliw na singit naman ng kaniyang lolo Damian.

Napangiti si Yuri sa sandaling iyon saka tumalima sa sinabi ng matanda. Sumunod din sila patungong kusina. Inalalayan ni Yuri ang lola Concha niya na noo'y nabigla sa nasaksihan sa lamesa.

"Hala, ang dami mo namang binili na grocery, anak."

"Aba, aba! Ang apo kong si Yuri, artista na pala ngayon. Ang galing mo naman! Hindi ko akalain na talagang papasa ka sa audition." Magiliw na sambit ng lolo Damian niya.

Napangiti si Yuri sa sandaling iyon, pero nasa dibdib pa rin niya ang kaba, lalo pa't natupad na niya ang inaasam-asam na role.

"Salamat po, Lolo. Pero hindi pa po ako artista. Nakapasa pa lang po ako sa audition. Marami pa pong kailangang gawin bago ako makilala." Paliwanag pa ni Yuri.

"Naku, Damian, kahit pa audition pa lang, napakalaking bagay na 'yan! Hindi basta-basta ang makapasa sa ganung mga pagkakataon. Maraming nangangarap niyan, pero si Yuri ang napili." Proud na sambit ni Lola Concha habang hawak ang tasa ng kape.

"Totoo 'yan. Kaya naman, Yuri, dapat ipagmalaki mo ang sarili mo. Pero, apo, sigurado ka bang kaya mo ang ganitong buhay? Alam ko, hindi biro ang mundo ng showbiz." May halong pag-aalala rin na tanong ng lolo niya.

Sinubukan niyang magpakatatag sa oras na iyon, alam niyang kaya niya, at kakayanin niya ang lahat. "Opo, Lolo. Alam ko pong mahirap, pero gusto ko po talagang subukan. Simula bata pa po ako, pangarap ko na pong umarte."

"Pangarap mo nga, apo, pero huwag mong kakalimutang panatilihin ang mga paa mo sa lupa. Marami ang nababago kapag pumasok sa ganitong industriya. Dapat marunong kang magdala." Paliwanag pa ng lola Concha niya.

"Oo, Concha. Hindi lang talento ang puhunan dito, Yuri. Kailangan mo ring mag-ingat sa mga tao sa paligid mo. Hindi lahat, kaibigan." Dagdag pa ng lolo niya.

Tumango si Yuri sa sandaling iyon, sumagi sa isip niya ang mukha ni Garet. Hindi niya alam pero parang may kung anong sakit sa dibdib niya.

"Opo, naiintindihan ko po 'yan. Pero alam ko pong nandiyan kayo para gabayan ako, kaya mas nagiging matapang po ako." Yuri smiled a bit.

"Tama 'yan, apo. Lagi kaming nandito ng Lolo mo. Pero curious ako, anong klase ang role na nakuha mo?"

"Supporting role po sa isang drama series. Magiging kaibigan po ako ng bida. Hindi po siya malaki, pero masaya na po ako kasi stepping stone na rin po ito."

"Naku, kahit maliit na role 'yan, malaki pa rin ang halaga niyan. Doon ka mag-uumpisa, apo. Kahit ang pinakamagagaling na artista, nagsimula rin sa maliit."

"At least, Yuri, makikilala ka na. Paano ba 'yan, baka magugulat na lang kami, bigla na lang namin makita ang apo namin sa TV."

"Sana po! Pero matagal pa po 'yon. Dapat ko po munang galingan para hindi po nila ako basta palitan."

"Yan ang tamang mindset, apo. Sipag, tiyaga, at respeto sa trabaho. At huwag kang makakalimot sa pamilya mo, ha?"

"Opo, Lolo. Lagi ko pong isasaalang-alang 'yan." Sagot naman ni Yuri bago humigop ng kape.

"Mabuti naman. At h'wag kang masyadong magpapakastress, ha? Kumain nang tama, matulog nang sapat, at huwag kalimutang magdasal." Sabi pa ng lola Concha niya. Kung mga aral lang ang pag-uusapan, lumaki talaga si Yuri sa relihiyosong pamilya, hindi nga siguro kataka-taka kung bakit madali siyang mahabag sa mga taong nangangailangan.

"Oo nga, Concha. Pero, alam mo, dapat mag-celebrate tayo kahit papaano. Ano sa tingin mo? Magluto tayo ng espesyal na hapunan para kay Yuri mamaya?"

"Magandang ideya 'yan, Damian. Apo, ano bang gusto mong ulam?"

"Kahit ano po, basta luto ni Lola, masarap!"

Habang nag-uusap, ramdam ni Yuri ang suporta ng mga lolo't lola niya. Nagkatawanan silang tatlo, masaya sila sa simpleng usapan sa oras na iyon. It won't be their last, but she will make sure na aaraw-arawin niyang maging masaya at matatag para sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top