Chapter 42

Napagdesisyunan na namin ni Jhunel na maglakad papunta sa classroom. Medyo kinumusta pa nga niya ako kung bakit ako namayat;  of course, the lamest justification I could give him was that I was keeping my figure.

Nasa corridor na kami nang matanaw ko si Jhon Rey sa labas na nakatingin sa amin. Walang reaksyon ang mukha niya.

Bigla na namang bumigat ang paghinga ko. Lalo na nang makita kong hindi niya suot ang wedding ring namin. Balak niya talagang sirain ang araw ko. Hindi ko na rin dapat sinusuot 'tong singsing ko kung ipaparamdam niya sa aking wala lang 'yong kwenta para sa kaniya.

Hindi ko na sana papansinin pa si Jhon Rey, nang lapitan siya ni Jhunel. Jhunel tapped Jhon Rey on the shoulder which made Jhon Rey perplexed. "Thank you."

Nakangiting pumasok si Jhunel sa classroom, at akmang susundan ko na siya nang pigilan ako ni Jhon Rey. Hinawakan niya ang braso ko. 

"Can we talk?" tanong niya.

Pangalawang beses ko nang naririnig 'yang mga salitang 'yan.

"May klase tayo," matabang kong sagot. Nakita kong pumasok na si Professor Magalona sa room kaya sumunod na rin ako. Wala akong balak makipag-usap sa kaniya at makarinig na naman ng mga kasinungalingan. Lalong alam kong madali niya lang akong nakukuha gamit ang mga mabubulaklak na salita. Madali niya lang akong mapaikot, dahil isa akong tanga.

Sinubukan kong mag-focus na lamang sa mga kwento ni Professor Magalona dahil wala na rin naman kaming masyadong klase. Tapos na ang project namin sa kaniya at nalalapit na rin ang final exams. Nakikipagkuwentuhan na lang siya sa amin for formality na kunwari nagdi-discuss pero in the sense na may natututunan pa rin kami. Nakakatuwa kasi biglang dumako 'yong usapan tungkol sa John Wick 4 kaya nagkaroon ako ng interest na mag-focus sa pakikinig. Gumagawa raw kasi si prof ng research tungkol sa movies kaya napanood niya raw.

Hindi naman maalis sa isip ko si Jhon Rey, lalo na't siya ang kasama ko sa panonood no'n. I suddenly felt a bittersweet feeling while attending the class. I wonder if Jhon Rey thinks about me too this time.

Todo tanong naman si Jhunel kung napanood ko na raw 'yong binabanggit ni Prof. Hindi pa raw kasi niya napapanood, pero nabibigyan na siya ng spoiler kaya naba-badtrip siya. Natawa na lang ako sa kaniya.

The class ended, and I was about to go to Anne to invite her to lunch when Jhon Rey called my name, which really surprised me.

Napatingin tuloy ang buong klase sa kaniya. Nakaramdam ako ng hiya at pati ng takot na baka kung anong isipin nila tungkol sa pagsasama naming dalawa. Natanaw ko ang reaksyon ni Anne Marie at tumayo siya na mukhang handa nang upakan ang asawa ko.

"What is it?" tanong ko sa malumanay na tono, trying to tell him na he should keep it down. Maraming matang nakatingin. He should be aware of his act.

He drew in his breath and spoke in a hushed tone in my ears. Almost immediately, I became aware that my classmates were giving me the "side eye," as if they were envious and delighted.

"Meet me outside," he stated, before leaving.

Napabuntong-hininga ako nang mawala ang presensya niya sa loob ng classroom.The other students in my class were trembling with excitement. They wouldn't be fazed by that at all if they understood that we were actually struggling with something on the inside. Napansin ko naman si Dhonna at Klarissa na nakatingin sa akin at kapwa umirap nang dumapo ang mga mata ko sa kanila. They looked so annoyed.

"What did he say?" tanong ni Anne, nang makalapit siya.

"He wants to talk," bulong ko.

"Tsk. At muling utuin ka. Kaunti na lang talaga mauubos na ang pasensya ko d'yan sa asawa mo."

I let out another sigh as I said my goodbyes to Anne, para puntahan ang asawa kong naghihintay sa labas. Seryoso ang mukha niya, na mukhang kanina pa nababanas at naiinip.

"What do you want?" I beat around the bush.

I watched as each of my students emerged from the classroom and then made their way to the cafeteria to get something to eat. It was good to see them leave and not put their noses in the conversation I would be having with my so-called husband.

"For what exactly did he thank me?" tanong niya na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko.

"He? Sinong tinutukoy mo?"

"Your ex-boyfriend. He thanked me earlier. Bakit siya nagpasalamat sa akin? Are you two together again? Does he know what's going on between the two of us?" He continuously asked, accusing me again of something I wouldn't do. Why would I be in a relationship with my ex-boyfriend again when I am married to him?

"Bakit hindi siya ang tanungin mo? Malay ko ba kung bakit siya nagpasalamat sa 'yo?" naiinis kong sagot. "Is that the only reason you called me to talk? Hindi ba magseselos si Quency kapag nalaman niyang kinakausap mo ako?"

He heaved a sigh. "Hindi na ako babalik sa kaniya."

I couldn't help but laugh despite my amazement. "You want me to believe that?" I asked.

I walked out, pero sinundan niya ako at pinigilan. "Sheen May!"

I stared at him. Muli kong pinipigilan ang sarili kong umiyak. Gusto ko sa pagkakataong ito, maging malakas ako. Ayoko nang magpaloko sa kaniya.

"Bakit ba ayaw mo akong tigilan, Jhon Rey? Okay na nga 'di ba? Payag na nga akong magsama kayo. Ginugulo mo na naman ako," naiinis kong sabi. Bakit ba kasi kung kailan naniniwala na ako sa kaniya, sisirain niya ang tiwala ko, ngayong sira na ang tiwala ko, paniniwalain na naman niya ako? Pinaglalaruan niya ba talaga ako? Paulit-ulit na lang. Nakakapagod.

"I'm sorry."

I bit my lip. That made me feel bullshit more.

"Sana kayang maayos lahat ng isang sorry lang," I uttered.

"What do you want me to do?" There is a trace of agony in his tone as if he is begging me to help him fix what was broken between us. Wala namang aayusin, dahil umpisa naman ay hindi naman kami nabuo.

"My heart hurts when you're acting like this," he added. "Ni hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bakit nakakaramdam ako ng galit kapag dumidistansya ka."

I smirked. "Stop this nonsense, Jhon Rey, will you? I have no idea what's gotten into you all of a sudden, but I'm happy with the way things are going between us. Kasal tayo, oo. Kung gusto mo akong umaktong masaya sa harap ng iba, sige. Kung hindi ka sa 'kin uuwi, payag ako. Huwag mo na lang akong pakialaman pa. Don't mess with my head."

"It's you who's messing with my head right now."

Napabuga ako. Ako pa ngayon?

"Fuck you, Jhon Rey! Shut the fuck up!"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top