Chapter 41

"Oh Jhon Rey, nand'yan ka pala. Kanina ka pa d'yan?"

Napalingon ako nang magsalita si Rod. Nakita ko si Jhon Rey na nakatayo sa may pinto at nakatingin sa amin. Naroon pala siya. 

"Hindi naman," matabang niyang sagot. Bakas sa mga mata niya na para bang hindi siya natutuwang magkasama kami ng kaibigan niya. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko nang maalala ko ang mga ibinibintang niya sa akin.

"Alam mo ba? Sayang hindi ka nakasama sa amin last time. You did not witness how much Sheen May really enjoyed bowling. Biruin mo, unang beses palang niyang sinubukan, napatumba niya lahat. Aaron and I were really surprised," kwento ni Rod.

Napatingin sa akin si Jhon Rey. "Really? Kasama niyo si Aaron?"

"Oo, pati si Anne," wika pa ni Rod. "Mabilis matuto 'tong asawa mo. Well, she's running for cum laude after all; I shouldn't have a doubt. So if I were you, be careful with your actions; baka kung anong matutunan nito sa 'yo. Baka talunin ka pa." Ibinaling naman ni Rod ang tingin niya sa akin. "Pa'no Sheen May? Kitakits uli this weekend."

"Sure!" nakangiti kong sagot, habang nagpapaalam sa kaniya. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay. Inalis ko na sa mga labi ko ang ngiti. Hindi ko na kailangang magkunwari, dahil si Jhon Rey na lang naman ang kaharap ko.

"Anong sabi ni Doctor Patricio?" I asked blandly.

"We can talk about that when we go home," sagot niya.

"Oh, I thought sa ibang bahay ka uuwi," pambabara ko.

Naglakad na ako papunta sa sasakyan at sumakay na roon. I also fasten my seatbelt. I closed my eyes and tried to fall asleep, dahil baka mamaya mahilo na naman ako sa byahe. Good thing, nakatulog nga ako.

Nagising na lang akong nasa tapat na ng bahay. Agad kong tiningnan si Jhon Rey. He was looking at me. Napalunok ako dahil sa mga tinging iyon. It was so intense, as if it has meaning. Pinigilan ko ang sarili kong magsalita o gumawa ng bagay na maaaring pagsimulan na naman na ng away namin. Hindi ko na siya pinansin at bumaba na lang mula sa kotse niya. Dere-deretso na akong pumasok sa kwarto upang magpalit ng damit at maglinis.

Narinig kong sumara ang pinto pati ang makina ng kotse niya. Umalis na naman siya. Mukhang kumuha lang ng damit. Napabuntong-hininga ako. I thought he'd be coming home soon. He must be really annoyed by how I acted.

I chose to sleep with an empty stomach, kaya kinabukasan hinang-hina akong pumasok sa school. Ewan, wala rin akong gana. Kapag kakain ako, isusuka ko lang din. Agad akong hinila ni Anne nang makita niya ako. Pinilit niya akong kumain kaya wala na akong nagawa.

"Hindi ka ba naaawa sa baby mo?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Nangilid na naman ang mga luha ko.

"Bakit nakasentro lang ang mundo mo sa isang tao? You should take care of your baby at least. I know your baby will never leave you no matter what happen kapag lumabas na siya. Huwag mo namang siyang balewalain!"

Hinawakan ni Anne ang kamay ko. "Hindi pa rin ba siya umuuwi?"

Umiling ako. "Sa iba siya natutulog."

Nakita kong nagngitngit ang ngipin niya. "Alam mo, naiinis na talaga ako sa asawa mo. At isa pa, hindi ko maintindihan, bakit may mga babaeng pumapayag maging kabit? Hindi naman maitatangging maganda siya, pero syempre mas maganda tayo, my point is bakit siya pumapayag sa gano'n? Hindi niya ba kilala si Jhon Rey?"

"Jhon Rey is different to her. He treats her well."

"Tsk. Maghintay lang siya. Mararanasan niya rin 'yong mga naranasan mo. Kung anong ginagawa sa 'yo ni Jhon Rey, ugali niya 'yon. For sure, itinatago niya lang sa Quency na 'yan," nag-iinit niyang komento. "Alam mo, huwag kang mag-alala. Hindi naman kawalan si Jhon Rey. Kung ayaw niya sa 'yo, eh 'di kay Jhunel ka na lang ulit! Wala siyang karapatang umapela ro'n, kasi siya nga nambababae eh, eh di manlalaki ka rin."

Gusto kong matawa sa kaniya. Nakakatawa kasi ang bad influence niya, pero masasabi kong may point din naman siya. Pero hindi naman tama na gantihan ng masama ang masama.
Baka lalo lang gumulo ang lahat.

"Sira," I blurted it out.

"Bakit? An eye for an eye, tooth for tooth. Ibalik mo sa kaniya 'yang energy na binibigay niya sa 'yo. 'Yong ginagawa niya, gawin mo rin sa kaniya para magtanda," matigas niyang litanya.

"Shhh, baka may makarinig sa 'yo."

"Hay, ewan ko ba sa 'yo, Sheen May! Nakakainis ang asawa mo, pero mas nakakainis ka!"

I exhaled. "I know. Kumain na lang tayo." Tinapos ko na ang pagkain ko. Himala at hindi ako nakaramdam ng pagkasuka, at sa wakas, nakaramdam din ako ng pagkabusog. Salamat kay Anne dahil narito siya para sa akin, para alagaan ako sa tuwing hindi ko kayang alagaan ang sarili ko.

"Hey, speaking of, it looks like Jhunel is looking for you, oh," she said pertaining to the man now looking at me. Tinuro niya ito at nakita ko ngang palinga-linga si Jhunel. Napakunot ang noo ko.

Lumapit nga ito sa amin. Ngayon ko na lang siya ulit nakita. Mukhang nagtaka pa siya sa itsura ko. Oo na, namayat na. Oo na, ako na 'yong mukhang hindi inaalagaan.

"Sheen May, can we talk?"

Napansin ko naman ang pagngiti ni Anne at pang-aasar. "Oo naman! Mag-uusap lang, eh. Maaga pa naman kaya go na! Hintayin ko na lang kayo sa classroom!" sunod-sunod na bigkas ni Anne. Tumakbo na siya palayo sa amin. Sisigawan ko pa sana siya na huwag tumakbo dahil kakakain lang, pero tuluyan na siyang naglaho na parang bula.

Napatingin ako kay Jhunel na mukhang naghihintay ng sagot ko. "Saan tayo mag-uusap?"

Dinala niya ako sa garden kung saan kami madalas mag-usap noon. Hindi ko mapigilan ang puso kong magtanong at ang utak ko na mag-isip. Masyado akong nataniman ni Anne ng tungkol kay Jhunel. 

"Siya nga nambababae eh, eh di manlalaki ka rin."

"What do you want to talk about?" I asked as I sat on the bench. I began to feel relaxed just by checking out those plants and flowers swaying together with the fresh breeze of air. Umupo rin si Jhunel sa tabi ko, at bakas sa mukha niya na para bang naghahanap siya ng lakas ng loob na magsalita. Tumingin siya sa akin.

"I just want to apologize how I acted last time.I realized that maybe you two did that to help me with my dreams. I am sorry kung naging makitid ang pang-unawa ko," panimula niya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Huwag mo nang isipin 'yon. Ang mahalaga matutupad mo na 'yong pangarap mo. Balita ko, magsisimula na raw ang league next week. Excited ka na ba?"

Kumislap ang mga mata niya, maging ang kaniyang ngiti ay lumapad. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa kung gaano niya kagusto ang bagay na 'yon. "Kung alam mo lang kung gaano ako kinakabahan, pero at the same time syempre nae-excite. And it all thanks to you and Jhon Rey. By the way, how are you two doing?" he asked, which made me come to my senses. Right, he'll ask about it, of course.

"We're doing good. So far, hindi naman kami nagkaka-problema. Nag-aaway minsan, pero nagkakabati rin." Mapupunta kaya ako sa impyerno sa dami ng kasinungalingang sinasabi ko sa kaniya?

Pero mas makabubuti na 'to, kaysa mag-alala siya sa akin at magkagulo pa.

"I felt envy, but at the same time, I'm genuinely glad for you. Sa wakas, you finally found your the one," sambit niya.

"And you will too."

I caught a glimpse of a smirk on his face. "I am happy that we can talk like this because we're friends. If you're not busy, you can watch our match in the arena. I'll be really delighted if you go. Pwede mo ring isama si Jhon Rey."

"Of course, I'll keep an eye on your match. I'll probably do that because it's our university that you're going to fight for, so I'll really check it out. I will go there one of these days. I'll also bring Anne, para may tagasigaw ako," biro ko.

"Right, I remember your cheers for me then. It feels nostalgic."

I smiled as I reminisced with him.

"Thank you, Sheen May, for letting me still be here in your life."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top