Chapter 40
"Sure. I promised I'd go visit you next time, Mom," sambit ko sa mama ni Jhon Rey. Ngumiti siya. Sandali pa kaming nagkwentuhan, bago siya tuluyang nagpaalam. Binisita lang daw talaga niya ako.
And when she was about to leave, Jhon Rey came. Binati niya ang mommy niya.
"What brought you here, ma?" Jhon Rey asked. He looks so worn out, just like that weekend when he went home from the airsoft game and lied. I can't look at him for that long. The thought of them suffocates me.
"I want to see the both of you if you're fine, but I'm so disappointed to see your wife's situation. Look at her; parang wala siyang asawang nag-aalaga sa kaniya."
Jhon Rey looks at me in disgrace. "She's a picky eater, ma, that's why."
Tumango na lang ako bilang sagot.
"I do not believe that she is. She does not refuse the food that I had prepared for her earlier, and she eats everything. Even though it has only come to my attention recently, she appears to have an allergy to avocados."
I was surprised to hear that from her. I clearly made it not so obvious to her, but how could she notice it? Itinago ko ang kamay ko na kanina pa nangangati.
"Allergic ka sa avocado?" tanong ni Jhon Rey sa akin, habang nakakunot ang mga noo. Nahihiya akong tumango, bago ako umiwas ng tingin. "Then, why didn't you tell me?"
"Because you told me it was your favorite."
He sighed.
"Mukhang marami ka pang hindi alam tungkol sa asawa mo. Saan ka ba galing? Is it so important to leave your wife alone in this house? What if something bad happens to her and you're not here to help her, who would she call?" The tone of Mrs. Carpio's voice suggested that she was annoyed and disappointed with his son.
Hindi nakasagot si Jhon Rey.
"Never mind. Magandang dalhin mo na siya kay Doctor Patricio so he can check kung may possible effect sa baby niyo ni Sheen May"
Lumingon sa akin si Mrs. Carpio. "I'm sorry, late ko nang napansin hija."
"Okay lang po. It's an honor to have a meal prepared by you po." Ngumiti siya at hinawakan ang balikat ko.
"See you again, Sheen May."
Tuluyan na siyang nagpaalam sa aming dalawa. Naiwan kami ni Jhon Rey sa living room. I was surprised when he approached me and checked my hands. He looks so annoyed.
"Let's go to Doctor Patricio."
Hinila niya ako papunta sa sasakyan. Pansin kong paulit-ulit siyang umiiling.
Nakatitig lang ako sa kaniya at pinipigilan ang sarili kong umiyak habang naaalala ang mga narinig ko kanina noong tawagan ko siya. Napasakit para sa akin na umuwi siya pagkatapos ng ginawa nilang dalawa ng babae niya.
"What did you and my mother talk about?" he asked. "Did you tell her everything?"
Umiling ako, kahit na pinapatay ako ng mga isiping magkasama sila ng babae niya. "No, you don't have to worry about it. I told her you were just out jogging."
"You were good at lying," he commented.
"Yeah, I learned that from you."
Hindi na siya nagsalita pa. Mabuti naman dahil pakiramdam ko nanghihina na rin ako at maging ang paghinga ko'y bumibigat. Nakakaramdam din ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa sintido ko habang nakapikit.
Tiis lang, Sheen May. Ilang minuto lang, makakarating na rin kayo kay Doctor Patricio.
Pagka-park ni Jhon Rey, hindi ko na siya hinintay pa at bumaba na ako ng sasakyan niya. Dali-dali rin akong nagpunta sa office ni Doctor Patricio, pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok nang magdilim ang paningin ko.
"Sheen May!"
Tuluyan na akong nawalan ng malay.
*****
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ipinasada ko ang mga tingin ko sa paligid. Nasaan ako?
Napatingin sa dako ko si Doctor Patricio maging si Jhon Rey. Nasa office ako ni Doctor Patricio? Doctor Patricio came and immediately checked my vital signs. "How are you feeling?" he asked me.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. "Medyo nahihilo pa rin po at parang nasusuka ako."
Tumango siya. "Jhon Rey, alalayan mo ang asawa mo. Nasusuka raw siya."
"No need. Kaya ko po," sabat ko. Akmang lalapit na si Jhon Rey sa akin nang bumangon ako. "Baka lalo akong masuka."
Pumasok ako sa cr sa loob ng office ni Doctor Patricio, and I did my business there. Pagkalabas ko pareho silang nakatingin sa akin. Siguro'y na-bother sila sa ingay ng pagsuka ko.
"Doctor Patricio, can I get some fresh air outside?" I asked, and he nodded.
"Of course, I will discuss your health condition exclusively with your husband." Before expressing gratitude, I gave a slight nod. Husband.
After leaving their home, I headed to the garden area located on the east wing of the building. I found a spot on the little bench, sat down, and exhaled deeply. This place is immaculately kept, and the scenery is breathtaking. Exceptionally soothing. May mga bulaklak rin at iba't ibang halaman, kaya naman tila ba parang nare-relax ako.
"Sheen May, you're here." Napalingon ako kay Rod nang marinig ko siya. Papalapit siya sa akin. Mukhang kararating niya lang galing sa university niya, dahil naka-uniform pa siya. "What happened to you? Bakit parang ang laki ng ipinayat mo? Nagkita pa tayo noong nakaraan, okay ka pa ah. Para kang may sakit ngayon," puna niya.
"I'm fine," ngumiti ako sa kaniya. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. "Ikaw kumusta? Galing kang school?"
"Yeah, may practical exam kami kanina, pero okay naman so far. I'm confident na mataas na grade ang makukuha ko."
Natawa ako sa kaniya. "Wow, parang lumakas 'yong hangin."
Umupo siya sa tabi ko. "Anong ginawa mo rito? Nagpa-check up ka ulit?"
"Yes, nakakain kasi ako ng avocado kanina, eh, allergic ako roon."
"Nakakain o kumain?" Siniko ko nga siya. "Ang laki-laki ng avocado para hindi mo makita."
"Eh basta! Huwag mo na nga akong intrigahin!"
"Tsk. Jhon Rey made you eat that? Sabagay, favorite niya 'yon. Hindi niya siguro alam na allergic ka?"
"Yeah, I never told him."
"Tsk. So, anong sabi ni dad? Makakaapekto daw ba sa baby mo?"
I shrugged. "Si Jhon Rey na lang daw ang kakausapin ni Doctor Patricio about do'n."
"So you mean nandito si Jhon Rey?"
Tumango ako. "Yeah, he's inside."
"Mabuti naman. Akala ko hindi na kayo magkakasundo. Anyway, sama ka ulit sa amin sa bowling alley?"
What he said caught my attention. Nanumbalik sa akin ang saya noong maglaro kaming apat. "Kailan? Alam mo sobrang nag-enjoy ako ro'nn sa laro natin. Isama niyo ulit ako!"
"This weekend ulit. Gusto mo i-celebrate na rin natin ang Mother's Day, kasi kinabukasan Mother's Day na, hindi ba?"
Natawa ako. "Oo nga pala no? Mother na nga pala ako," komento ko, habang itinuturo ang sarili.
"Oo kaya advance, happy Mother's Day! Sama ka sa 'min, ha? Sasabihin ko sa kanila na sasama ka ulit."
"Sure, basta turuan mo ulit ako. Pa'no ba kasi 'yong technic?" Tumayo ako at nag-aktong parang magbo-bowling. "I seemed to forget about it. Can you teach me how to swing again? Is this how you do it?"
He shut his eyes with his hands and prevented himself from laughing. "Hindi ganiyan! What's with you? Akala ko ba cum laude ka? Nalimutan mo na agad 'yong tinuro ko? For sure, my brother will laugh at you again this weekend."
"Okay lang. Tatawanan ko rin siya kapag nahuli siyang tumatakas sa academy," saad ko.
Natawa naman siya, pero napansin kong hindi na nakatingin sa akin si Rod.
"Oh Jhon Rey, nand'yan ka pala. Kanina ka pa d'yan?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top