Chapter 38

"Are you trying to kill the child?" tanong ni Jhon Rey, na siyang hindi ko inaasahan. Bukod sa hindi ko akalaing babalik siya, wala sa isip ko na kakausapin niya pa ako, pagkatapos ng naging pagtatalo namin noong nakaraan.

"N-no," sagot ko. Nauumid ang dila ko dahil nakakatakot ang aura niya. 'Yong ganitong ugali, ganitong ugali ang nasanay ako noon, pero naging mabait siya sa akin ng ilang panahon kaya ngayon, lalo kong naramdaman ang takot sa presensya niya. Iba siya sa taong pinakasalan ko. Para siyang ibang tao ngayon sa harap ko.

"Then, what are you doing? Are you trying to ruin this marriage by any chance? I thought you were fine with me being away from you; why do you look so stressed and unhealthy?" he shouted. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Mas lalo akong nakaramdam ng takot.

"I'm trying my b-best to survive," I replied. I saw him wipe his lips; it seemed like he was now finished eating.

"Saan ka galing?" pag-iiba niya ng usapan.

"Kay Doctor Patricio," sagot ko.

Ngumisi siya at napailing. "Really? O baka gumagawa ka lang ng excuse para makita si Paolo Rod mo?"

Kumunot ang noo ko. Napakagat ako sa labi, habang pinipigilan pang lalo ang pagluha, pero nasasaktan ako sa ipinaparatang niya sa akin.

"W-what are you talking about? Nagpa-check up ako sa dad niya, and Rod wasn't there. Bakit ka gumagawa ng issue?"

"So you're disappointed that you didn't see him?" He accused me sarcastically.

I mustered up the courage to talk back to him. "Jhon Rey, pwede ba, tumigil ka na? Ikaw ang dahilan ng depression ko, hindi mo ba alam? Ikaw ang dahilan kung bakit ako nai-stress."

Tumayo siya sa pagkakaupo bago naglakad papalapit sa akin. Ang sama ng tingin niya sa akin. Para bang nakikita ko si dad sa kaniya. Ang sakit makitang nagagalit siya sa akin. Parang kailan lang masaya naming pinagsasaluhan ang isa't isa sa lamesang ito pero ngayon, nasasaksihan nito ang pagkamuhi sa akin ng lalaking pinakamamahal ko.

"Ako? Ako pa ang sinisi mo, eh utak mo 'yan." He sounds so annoyed and in disbelief. He is standing closer to me now, and fear is eating every part of my being.

Tuluyan na akong napaluha. "I-I told you what kind of father I have, Jhon Rey, and here you are making me feel you are like him. You are definitely like my father." Nabasag ang boses ko. Nanunuot ang takot sa buong pagkatao ko. Akala ko malaya na ako, dahil nagpakasal ako sa kaniya. Akala ko magagawa ko na ang gusto ko. Naging panatag ang loob ko sa kaniya. Akala ko may nararamdaman na siya sa akin. Akala ko aalagaan niya ako, pero puro akala lang pala lahat.

He touches my neck. "Can a father do this?" He kissed me, even biting my lips aggressively. Muli siyang tumitig sa akin pagkatapos niya akong bitiwan, habang ibinababa ang kamay mula sa pisngi ko. Napakagat na lang ako sa labi ko. I tried to contain myself and glanced at him. He's expressionless, cold as stone, and can take affectionate advantage of my weakness.

I held his chest while I shook my head. "Why are you doing this to me, Jhon Rey?" He doesn't seem to care about my agony.

"I feel unsafe. I feel I'm alone in this world. I feel suffocated," dagdag ko pa, habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa pisngi. "Bakit mo ako ginaganito? Bakit sa lahat ng babaeng pipiliin mong saktan, ako pang nagmamahal sa 'yo?"

But here I am, pleading with him to hear me.

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Hindi mo ba kayang magstay dito sa akin?"

Am I becoming greedy?

"Why are you so bad towards me? Ano bang nagawa ko?"

For asking him this too much?

Even though I was obviously a pitiful sight in his eyes, I was helpless to stop crying. Sobrang bigat ng puso ko at ang masaklap ay sa kaniya pa ako umiiyak, gayong alam ko namang mas lalo niya lang akong sasaktan.

"I thought I can depend on you. Are those lies too? Lahat ba ng sinabi't ginawa mo para sa akin, hindi 'yon totoo lahat?"

I am looking directly into his eyes. Fuck. Bakit ba pakiramdam ko mahal niya ako sa tuwing tinitingnan niya ako? Bakit naiisip kong itinatago niya lang?

Bakit ba pinipilit ng puso ko na naririnig niyang mahal din ako ni Jhon Rey?
Bakit ba hindi ko matanggap ang katotohanan na wala naman talaga?
Bakit ba pinapaniwala ko ang sarili kong may pag-asa ako sa kaniya?

"Hindi lahat," sagot niya.

Mas lalong tumulo ang luha ko.
Eto na naman, umaasa na naman ako.
Sa konting pagtanggi niya, umiikot na naman ang mundo sa kaniya.

"Kung gano'n, just this once, I want you to answer honestly. Jhon Rey, please, tell me, ano ba ako para sa 'yo?"

I feel shivers down my spine.
The silence between us scares me.
I shouldn't have asked that but I want answers. I'm desperate. I want to know the whole truth.

"Stop crying," sambit niya, na lalong nagpaiyak sa akin.

"I am not crying for you to feel bad. You can answer freely. What am I to you, Jhon Rey?" giit ko. Para akong tangang nagpupumilit sa kaniya.

He gasped trying to find answer.

"Jhon Rey, what am I to you?"

Para akong nanglilimos ng pagmamahal. Nakatingin sa mga mata niya habang naghihintay ng sagot. Umaasa.

"I don't know," he hardly answered. Napakagat ako sa labi ko. So this is my defeat. "So, stop asking me questions."

He left me there without giving me a defined answer. He chooses to sleep on the couch while me on the bed. But I couldn't bring myself to sleep. Why am I so persistent in holding him?

I'm so stupid.

"Can I sleep here?"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Jhon Rey. Hindi ko napansin agad na nakatayo na pala siya sa tabi ng kama. Muli na namang nagbabadya ang mga luha ko.

"S-sure, I can sleep on the couch," sagot ko at akmang tatayo na nang hawakan niya ang braso ko.

"Stay here. Your mother might see us sleeping separately."

Tumango na lamang ako bilang sagot. Inayos ko ang sarili ko at sinubukang huwag umiyak para hindi siya maistorbo habang natutulog. I tried to distance myself from him. Nakatagilid ako at nakatalikod sa kaniya. Maybe he's doing that too so he can't see me.
I sighed in my head. It would be best if I could get some sleep right now.

The following day, I made an effort to get up early and start preparing certain foods for us to eat. I need to prepare at least decent meals for the three of us because my mother will be here with us today.

I sighed as I remembered what happened last night. I should just do my part by acting like we're fine when we're clearly not.

I hope Mom will not notice. Lalo na itong mga namumugto kong mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top