Chapter 36

"Sheen May?"

Umigting ang panga ko. I heard him say goodbye to her and even say he loved her in front of me.

Lumapit siya sa akin pero hinarang ko ang kamay ko sa kaniya. "You don't need to explain," I said in response as I fought back the tears that were about to fall, but these people are traitors just like he was.

"Sheen May, I—" muli niyang tawag sa akin.

"I said you don't need to explain!" I let out a yell. My soul is aching with grief, and I am suffering from intense discomfort.

"Sheen may let me just—" He made an attempt to cling to my arms, but I was able to escape his grasp. I was making an effort to compose myself, but I looked so distraught. I was able to hold back the tears long enough to attempt a grin. "I know! Alam kong kasama mo si Quency, dahil kasama ko si Rod kanina!"

"What do you mean?" Mukhang nainis siya sa sinabi ko at kasabay no'n ay ang pagkagulat. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. "Sheen May, what do you mean you two were together?"

"What do you think I mean?" I sarcastically asked throwing him the same question. Of course, what I want to say is that I am aware that he is lying due to the fact that Rod was with me. Nakita ko siyang lumunok. So that's how he looks kapag nabibisto sa mga kagaguhang ginagawa niya sa akin.

"Saan kayo pumunta?" Tanong pa niya. He rumbled, and the muscles in his jaw began to twitch.

I clenched my teeth, but my tears were like rivers. My throat is itching now, just like my nose, too. "Anong pakialam mo? Did I even bother to ask you where you and Quency went, at kung bakit mukhang pagod na pagod ka?" pabalang kong sagot na ikinainis niya.

"So kaya rin ba pagod ka ngayon? Did you do it with him?"

Kumunot ang noo ko. What does he mean? Lumakas ang kabog ng puso ko. I was shocked as I glanced at him. 

"What are you saying?" I asked in disbelief. I saw anger written all over his flushed face, but my current concern is that he is trying to blame everything to me.

"Is there something between you and my friend, kaya paulit-ulit mong sinasabi na kumustahin ko siya para sa 'yo?"

Nagsalubong lalo ang mga kilay ko. "What in the world are you talking about?"

"Did you have sex with him?!"

That brought a gasp out of me. The gall of this man to accuse me of such!

"W-What?" I inquired out of shock. "Ano ba 'yang ibinibintang mo? We were just playing bowling earlier. Jhon Rey, you are the one who is sneakily doing that behind my back! Pero wala ka namang narinig sa akin. Ni hindi kita pinipigilan!"

"And for what purpose? So that I won't stand in the way of you having sexual encounters with other people? Totoo bang bowling ang ginawa niyo kanina o may iba pa?"

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "I would never do something like that! Aren't you aware how foolishly I'm in love with you?!"

I could not believe it.

I was completely speechless for a brief moment.

My emotions are so out of control, and I just can't seem to hold back the tears any longer. It hurts my feelings to hear him accuse me of disloyalty when all I've done is give him what he wants, to satisfy his desires.

It's hard for me to think that all of my hard work has been for nothing.

Hinila niya ako at iniharap sa kaniya."Foolishly in love with me? Ginagago mo ba ako?" tanong niya pa na hindi ko na kinaya.

Napabuga ako. "Bakit parang ako pa 'yong may kasalanan, Jhon Rey? Ikaw 'tong may kausap na iba! Pinag-uusapan niyo pa ako. Masaya ka ba na tangang-tanga ako sa 'yo?" Pinunasan ko ang mga luha ko. My eyes are now hurting because of these nonstop tears. I couldn't grasp the fact that he was betraying me after all the things I did for him. He should have told me right away, or he should have never allowed me to believe his deceptions. Maiintindihan ko naman, but why is he doing this in such a painful manner?

"You're making fun of the love I have for you, Jhon Rey, when it was you who made me believe you needed me! But what else can I do except endure it all?!"

Pinunasan ko ang mga luha ko habang nakatitig pa rin sa mga mata niyang walang emosyon. Ni hindi marunong maawa. Kitang-kita ko sa mga mata niyang wala talaga iyong lamang pagtingin sa akin. 

"Yeah, it's funny how I can't let you go still because I don't want to ruin everything," sagot niya pa na para bang hindi pa sapat ang mga narinig ko kanina para saktan ako. Inaamin niyang hindi niya na talaga matiis na sirain ang kasisimula palang naming pagsasama. Bakit ba umasa pa ako? Bakit ba napaniwala na naman ako?

I sighed in defeat. Ano pa nga bang magagawa ko? "Hindi kita pipigilan, Jhon Rey. Patayin mo na ako sa selos, pero dito lang ako, hindi ako magsasalita."

Kumurba sa mga labi niya ang matalim na ngisi. "So are you telling me I can do what I want?" He seemed so happy about that, and that made my heart tear apart.

Lumunok ako, na para bang buong pagkatao ko ang pinilit kong lunukin. "Yeah, if that will make you happy, go on."

"Alright. Siguraduhin mo lang na hindi 'to makakarating sa ama mo at sa kahit kaninong tao. You don't want me to be your enemy, don't you?"

Napapikit ako nang kumuha siya ng bag at nilagyan niya iyon ng mga damit. Ni hindi na siya tumingin sa akin at basta lumabas ng bahay. Napasalmpak na lang ako sa sahig, habang nanginginig ang mga tuhod. My life is a roller coaster. Got ups and downs. Pero ang majority, nakakahilo, napakasakit, kasi pinapaikot lang ako literal. 

Buong gabi akong umiiyak. Ni hindi ko kayang patahanin ang sarili ko. Marami akong naiisip. Bakit kailangan niya akong pahirapan nang ganito? Bakit patuloy akong nagtitiwala sa kaniya sa kabila ng paulit-ulit niyang pananakit sa akin? Bakit isang sorry niya lang, okay na ako? Bakit kaya ko siyang tanggapin agad? Ganito na ba talaga ako katanga? Tipong alam kong ang tanga ko na pero pinagpapatuloy ko pa. Umaasa pang babalik siya rito at magso-sorry. Ako si tangang naghihintay. Hindi ko na lang sana pinakitang nakita ko siya. Pinigilan ko na lang sana ang sarili kong malaman ang totoo, para kahit anong mangyari narito lang siya sa tabi ko.

Tuluyan na siyang umalis na para bang hindi man lang nagsisi na umuwi siya, dahil sa nangyari, nakalaya siya. Parang kanina lang ay kung halikan niya ako, parang gusto niya talaga akong maging asawa pero kasinungalingan lang pala ang lahat.

Naiwan ako sa bahay nang hindi alam kung saan siya pupunta. Mali. Alam ko kung saan, pero hindi ko alam kung kailan siya babalik o kung babalik pa siya. Hinilot ko ang sintido ko nang maramdaman kong parang nahihilo ako. Bumalik ako sa kwarto at saka nagpahinga. Pinilit kong matulog at dahil siguro sa kaiiyak ay nakatulog ako.

Iminulat ko ang mga mata ko. Umaga na. Umasa akong babalik si Jhon Rey, pero hindi. Lumipas ang ilang araw na walang paramdam. Kahit sa school ay hindi siya pumapasok. Dinadahilan ko na lang na may sakit siya sa mga kaklaseng nagtatanong kung nasaan siya.

Commute lang ang ginagawa ko pauwi at papunta. Actually, hindi ko nga alam noong una kung paano. Mabuti na lang hindi ako nahiyang magtanong sa mga taong nakasalubong ko noon kaya ngayon kabisado ko na ang pasikot-sikot sa lugar kung saan kami nakatira, at kung paano makararating sa university.

Saturday comes, and I have an appointment with Doctor Patricio to get a checkup, and I am currently getting ready. Mukhang magko-commute na lang din ako papunta roon. At isa pa, kailangan kong ihanda ang sarili ko, dahil baka makita ako ni Rod at kung ano-ano na namang tanong ang ibato niya sa akin. Kapag siya pa naman ang kausap, walang takas.

I was about to go out when my phone rings. It was Anne. She's calling me all of a sudden.

"Hello?" sagot ko. "Anne, napatawag ka?"

"Where are you?"

"Hmmm... At home. Why?"

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Natahimik ako at nag-umpisang kabahan.

"Tungkol saan?"

"Huwag ka nang maglihim sa akin. Kilala kita. Hindi lang ako umiimik dahil hinihintay kitang magkwento sa akin, pero lumipas ang isang linggo na hindi ka nagsasalita. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, nag-away na naman ba kayo ni Jhon rey?" sunod-sunod na tanong sa 'kin ni Anne Marie.

"H-hindi, bakit naman kami mag-aaway? Okay kami," pagsisinungaling ko. Para bang may bumara sa lalamunan ko.

"Talaga? So, nasaan siya?"

"Nandito sa bahay. Magkasama kami. Sige na, ibababa ko na 'tong tawag. Nanonood kami ng movie." Inilayo ko ang telepono ko para hindi niya marinig ang paghikbi ko.

"Talaga? Nand'yan siya? Ipakausap mo nga sa akin."

"Ha? Tumayo, eh. Tsaka, aalis na rin ako. Sige na ibababa ko na 'yong tawag. Nagmamadali ako."

"Oh, sige."

Napanatag ang loob ko nang ibaba niya na ang tawag. Mabuti naman at hindi na siya nangulit pa. Lumabas na ako sa bahay at laking gulat ko nang bumungad sa harap ng gate ang pagmumukha ng best friend ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top