Chapter 35

"We're happy na nag-enjoy ka, Sheen. Sayang lang at wala si Jhon Rey."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang mabanggit ni Rod ang pangalan na iyon.

"Bakit nga pala hindi sumama ang isang 'yon?" tanong ni Aaron. Kasalukuyan na kaming naglalakad at naghahanap ng kakainan dito sa mall. Para kaming mga magtotropang siga kasi nakaharang kami sa daan. As in kaming apat.

"May pupuntahan daw, eh. Niyaya ko siya, kaso may mahalaga atang gagawin," sagot ni Rod bago tumingin sa akin.

"Oo, mag-airsoft daw siya," sagot ko naman.

"Oh, talaga? Di man lang nagyaya. Well, in any case, I much rather play bowling than airsoft. But knowing Aaron, he must be feeling down now to hear that from you since Aaron was interested in that game and wanted to play it since then but never had a chance because he was locked up in the academy."

Napatingin naman ako kay Aaron, at nakita kong nakabusangot ang kaniyang mukha. "Dapat sa kaniya na lang pala ako sumama. Bakit hindi man lang ako niyaya?"

"Sino raw kasama niya?" tanong naman ni Anne na nagpatigil sa akin.

"Ahhh, 'yong mga pinsan niya." Tumango naman sila. Sa wakas mukhang nakumbinsi ko naman sila.

Pagkatapos naming kumain, sabi ko kay mom na lang nila ako ihatid. Baka kasi nasa bahay na si Jhon Rey at makitang kasama ko si Rod. Baka magkaroon pa kami ng away. Maiging dito na lang nila ako ihatid. Magpapahatid na lang ako kay Derrick pabalik sa bahay at sasabihin ko ring sinundo lang ako ni Derrick.

Ganoon nga ang ginawa ko. Idinahilan ko na lang kay mom na miss na miss ko na siya kaya dumaan ako sa kaniya. She was baking, at pinabaunan ako ng cupcakes na ginawa niya. Naalala ko, that was my hobby too. I should start doing it again soon. I had forgotten how satisfying it was when I whipped up a batch of scrumptious cupcakes, and I wonder if that was why I experienced, a similar high when I bowled a perfect strike earlier, since it was the first time in my life that I had the opportunity to do something completely different.

Mom packed some cupcakes for me before letting me leave with Derrick. She even gave some to Jhon Rey. I went to the car, and it was just a little moment when Derrick entered too

"I'm sorry, naabala pa kita para ihatid ako, Derrick," paghingi ko ng paumanhin. Abala siya sa pagmamaneho para ihatid ako sa bahay.

"No problem, Miss Velasco. It's an honor. I mean, Mrs. Carpio."

My lips formed a straight line. I forced a smile, hearing that name. "Kumusta na nga pala ang business nila dad?" pag-iiba ko ng usapan.

"It's getting better, Miss Velasco, I mean, Mrs. Carpio."

Natawa ako. "Call me, Miss Velasco. I prefer you calling me that."

Sinilip niya ako mula sa rearview mirror. Tumango naman siya. "Alright, Miss Velasco." Matipid siyang ngumiti. "Your father is somehow at ease now, because he will start his great plan as soon as possible with the help of Carpio's family."

"Really? I thought they were still looking for each other's weak spot and sabotage each other's business once they get close," I stated.

"But it looks like they've found each other's trust now. They certainly give off the impression of being the best of friends. Because both families are working toward the same goal, it does not make sense for them to continue their feud. Everything is possible because of you and Jhon Rey." I gasped at the back of my mind. Mabuti pa sila, nagkakasundo na.

Napatango ako. "Good to hear that."

"How about you? How are things going between you and your husband? Can I ask to that extent?" Hindi ko maiwasang mapailing at mapangisi. Heto na naman siya sa pagiging mausyoso. He sounded like a father when he asked me that.

Natatandaan niya siguro 'yong gabi ng kasal namin ni Jhon Rey kung saan nakita niya akong parang hindi masaya. Why am I such an open book?

"I'm fine. All is well," sagot ko na lamang, kahit na sa kabila no'n ay ang pagtitiis.

Makalipas ang isang oras ay nakarating na kami sa bahay. Napansin kong wala pa ang sasakyan ni Jhon Rey. Wala pa siya siguro, pero mag-aalas sais na ng gabi.

Nagpaalam na si Derrick sa akin. Nagpasalamat ako sa kaniya, bago tuluyang pumasok sa bahay namin. Tama, wala pa nga si Jhon Rey.

Pinili ko na lamang na maglinis ng katawan, bago umupo sa sofa at nanood. Medyo inaantok na ako, pero gusto kong hintayin si Jhon Rey. Sa kabila ng lahat, nag-aalala pa rin ako para sa kaniya lalo't mag-a-alas nueve na. Nasaan kaya siya? Uuwi pa ba siya?

Napatalon ako sa gulat nang bumukas ang pinto. It was him, looking tired but still so handsome I can admit.

Sinalubong ko siya. "Are you alright?"

Tumango siya, at iniiwas ang tingin niya sa akin. Napabuga ako nang maramdaman ko ang bigat sa loob ko, pero mas pinili ko na lang na magpatay-malisya. "Okay, you can go straight to the bathroom. I'll prepare your robes," I added as I got his bag from him to put it on the side table.

"Did you wait for me?" tanong niya.

I nodded. "Yeah, I was worried. I can't bring myself to call you to ask for an update dahil ayaw kitang maabala." Ngumiti siya bago ginulo ang buhok ko. He kissed me but I couldn't respond. He noticed it.

"You can go there now so that you can rest," I told him in return. "You look so tired."

Ngumiti siya. "I am, but I am thankful you're here to take care of me," he replied.

"Of course, you're my husband after all."

Ngumiti ako sa kaniya, ngunit nawala din ang mga pekeng ngiting iyon nang pumasok na siya sa bathroom. Ang bigat sa loob na maamoy ko siya na amoy pabango ng babae. Kinukutuban ako, pero pakiramdam ko, mas lalo kong hindi kakayanin kapag nalaman ko ang totoo.

Napakagat ako sa labi ko, habang pinipigilan ang mga luha. Tumayo na lang ako mula sa pagkakaupo para ipaghanda na siya ng damit pangtulog. Pagbalik ko ay napansin kong panay ang vibrate ng phone niya sa table. Napatingin ako roon pero nagsisi lang ako nang gawin ko iyon. I saw messages from Paolo Rod.

Napabuntong-hininga ako. Why would he bother to change the name to Rod? I am not that stupid to know that it was Quency. Siya lang naman ang mahal niya. Bakit niya pa tinatago sa akin?

Pinili ko na lang na patayin ang tv, bago ilapag ang mga damit ni Jhon Rey sa lamesa. Pumasok ako sa kwarto at humiga na lang ako sa kama. I should sleep now. Katulad niya ay pagod din ako. Sa pag-aakala kong maaga siyang uuwi, pinahirapan ko pa ang sarili kong dumaan kina mom bago umuwi rito.

Pumikit na ako, pero ilang minuto lang ay naramdaman ko na ang presensya ni Jhon Rey. Naaamoy ko ang bango niya lalo na nang tumabi siya sa akin.

"Sheen May?" tawag niya, pero nagkunwari na lang akong tulog dahil totoo namang ayoko na munang kausapin siya dahil baka magkagulo lang kaming dalawa. Naramdaman kong hinaplos niya ang balikat ko at inayos ang kumot ko.

"You must be really tired too," komento niya. Narinig kong binuksan ni Jhon Rey ang phone niya. May tumawag doon. Bago niya ito sagutin ay lumabas siya ng kwarto namin.

Napakagat ako sa labi ko.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Is he talking to her right now?
Nag-uusap ba sila tuwing natutulog ako?

I clenched my teeth. Masakit pero gusto kong makasiguro.
Ilang sandali lang ay naglakas loob akong bumangon. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto. At doon nakita ko siyang may kausap sa phone niya. Nakangiti. Nakikipagtawanan.

"She's asleep now. No, she won't know about us. Everything is under my control."

Napasinghap ako.

"Babe, how many times do I have to tell you it's you, always? Kahit pa ikinasal na ako sa kaniya, my heart always belongs to you. It's you who I love. I love you."

Para akong sinasaksak. How can those words easily spill out of his mouth?

"Yeah, she loves me that's what I don't understand about her. I can't love someone who doesn't care about herself, her attention is on me always, and I don't want that. It's suffocating me. That's why I like you, 'cause you're so hard to get. No, I'm doing this for my sake, for us, Quency."

I clutched my chest. It hurts a thousand times to hear those words from him. Pinipigilan kong umiyak kahit nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya habang kausap ang iba.

"She won't notice it. I always do kind things to her. I acted like I was her real husband. It was you whom I wanted to apologize, lumiliit ang oras ko para sa 'yo. Sana nabawi ko kanina ang mga pagkukulang ko sa 'yo."

Hindi ko na napigilang umiyak. So ginagawa nila ang ginagawa namin?

Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko matanggap. So does that mean what he said that night at the reception was not a lie but a pure truth? They were planning to marry each other. They did not break up. They are here to fool me. To use me.

Why does he act so well in front of me?

Bakit kung tingnan, hawakan niya ako, parang ang saya niyang ako 'yong kasama niya habang ginagawa 'yon?

Why is he hugging me as if he's delighted that I'm with him when we're making love?

Why is it called making love when there's no love to start with?

Hindi ako makahinga. Nakatingin lang ako sa kaniya habang suot ang mga tanong na puro bakit at paano niya ako nasasaktan nang ganito.

Then, his glance met mine.
I was able to witness his shock firsthand.

"Sheen May?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top