Chapter 33
The next day, sabay kaming pumasok ni Jhon Rey sa school. I left him noong nakita ko si Anne sa hallway, but of course nagpaalam ako sa kaniya.
"Sheen! I missed you! Belated happy birthday! Sorry kung nalasing ako noong kasal mo kaya hindi kita masyadong na-entertain," she explained while holding my hands, pleading.
"Ano ka ba? Okay lang 'no? Ako nga dapat ang mag-entertain sa inyo kasi ako 'yong may event. Anyway, mukhang nag-enjoy ka naman kasi lasing na lasing ka. Kawawa si Aaron sa 'yo!"
She chuckled. "Buti nga nandoon siya para makapag-party ako nang todo-todo. Panatag akong may mag-aasikaso sa akin."
Umiling ako. "Naku! May balak ka lang yata kaya ka nagpakalasing, eh!"
Kinurot naman niya ako. "Huwag ka ngang maingay d'yan! Baka may makarinig sa 'yo at isiping malandi ako."
"Huwag kang mag-alala kasi ako ang may titulong pinakamalandi sa lahat dahil tinuhog ko raw 'yong dalawang transferee natin," natatawa kong komento. Hindi ko alam na darating pala ang araw na tatawanan ko na lang ang mga issue sa akin noon.
"Wala na silang masasabi sa 'yo kasi kasal ka na!" pahiwatig niya naman. "Kumusta nga pala ang unang gabi niyo?" pag-iiba niya ng usapan at muli ko na namang naalala ang unang gabi namin ni Jhon Rey.
"Wala, natulog lang. Lasing na lasing din 'yong isa, 'di ba?"
"Ganun?" she asked in a mournful tone.
"Pero bumawi naman kinabukasan." Nanlaki ang mata niya at pinaghahampas ako. "Yan ang sinasabi ko sa 'yo, Sheen! Porque nalaman mo lang na pwede, naging marupok ka na. So, nakailan kayo?"
Kinurot ko siya at pinilit na pinahihinaan ang boses. "Ano ba 'yan? Huwag mo na nga akong tanungin sa ganiyan!" Nahihiya kong sabi.
"Intrimitida ka! Pagkatapos mong sabihing bumawi kayo kinabukasan, bibitinin mo 'ko sa chika! Sabunutan kaya kita?"
"Basta marami," nagpipigil ako ng ngiti habang binubura sa isip ko ang mga nangyari. Nagulat ako nang tumili siya. Ewan ko kung kinikilig ba siya o naiirita o naiinggit. Grabe. I never imagined I'll be like this. Ni hindi ko nakita ang sarili kong magsasalita ng ganitong kahalayan. Ganito ba talaga kapag may asawa na?
"Hala, kailan kaya ako madidiligan?"
"Huy!" Natatawa kong sabi. "Mag-asawa kami kaya normal 'yon. Eh ikaw? May asawa ka na ba?" Sa wakas, nakaganti na rin ako sa kaniya sa mga pambubwisit niya sa akin noon.
"Ah gano'n? Iniinggit mo 'ko? Halika dito nang makatikim ka nang marami!"
Nagmadali na akong maglakad papunta sa room. Nakasunod naman si Anne na mababakas sa mukha na masaya siya para sa akin. Ako rin ay masaya, sa totoo lang hindi ko alam kung saan ilalagay ang galak ko. Naiisip ko palang si Jhon Rey, kinikilig na ako.
I noticed some of my classmates were looking at me. Because they had seen the news of my wedding to Jhon Rey, a few of them also wanted to extend their congratulations to me.
Jhon Rey was sitting behind my seat, but my seatmate hadn't arrived yet. I'm willing to wager that he harbors resentment toward both of us still.
After the morning class I tried to call mom to tell some updates about me. Ilang araw na rin kasi ang lumipas simula nang hindi ako umuuwi sa bahay ng pamilya ko dahil nakabukod na kami ni Jhon Rey. I can't still get a hold of it, but somehow I can feel my freedom now from my father. Ang disadvantage lang ay namimiss ko si mom.
"Hello, sweetie? Napatawag ka? Everything all right?" she asked on the other line.
"Yes, Mom, I just missed you. A lot," I admitted.
"Ganiyan talaga sa una, Sheen May, but everything will be fine and masasanay ka ring malayo sa akin. And if you want, you can visit me here sa birthday ko," pag-aalok niya. Right, my mother's birthday will be next month pero next month pa kasi 'yon! Wait, mother's day next Sunday, right?
"We will. Tell Dad that I'm fine," I stated.
"I will. Take care, my daughter. I love you. I miss you."
"Love you, mom."
The call ended. And I let out a sigh.
Right, iba na ang buhay ko ngayon.
I'm living with my husband and soon enough magiging tatlo na kami. Dapat masanay na rin akong malayo sa kanila, especially kay mom.
Anne approached me just a minute after my conversation with my mom. She asked me to go with her for lunch. I said yes. Kumakain na kami nang matanong ko siya.
"Hey, alam mo ba kung kumusta na si Jhunel?" tanong ko. Her eyes widened, pero parang na-gets niya naman kung bakit ako nagtatanong.
"Oh, hindi muna siya makaka-attend ng class, kasi busy sila sa training, that's what I heard. Lahat ng varsity player, naka-isolate for training kasi next week na 'yong start ng league."
Napanganga ako sa kwento niya. So that was the reason why Jhunel never appeared in the chair beside me. Tumango-tango ako.
"Masaya akong ipinagpatuloy niya 'yong training kahit nagalit siya sa amin ni Jhon Rey."
"Somehow, I can understand him. Kung may pangarap ako, gusto kong makuha 'yon ng nagsisikap. Hindi 'yong basta-basta dahil wala lang choice ay ako na ang kukunin. Gets mo? Masakit 'yon sa ego lalo pa si Jhon Rey 'yong pinalitan niya."
"Yeah, I understand him too medyo late nga lang, kasi all I wanted is to help him. Ganoon rin ang dahilan bakit ginawa 'yon ni Jhon Rey, to help him," giit ko.
"Well, magugulat din naman ako kung 'yong karibal ko, magiging mabait sa akin. Hayaan mo, someday, magkakaayos rin sila. Ikaw kasi, ang ganda mo masyado!" pang-aasar niya na parang sarcastic. "Anong feeling ng pinag-aagawan?"
Inirapan ko siya. "Kumain na lang tayo!" Tinawanan niya lang ako bago siya sumubo ng pagkain.
"Nga pala, Sheen May, niyaya ko si Aaron lumabas this weekend. Gusto mong sumama? Magbowling tayo, tara!" nakangiti niyang paanyaya sa akin.
"Sure ka ba? Ayaw mong magdate na lang kayo?" tanong ko.
"Eh, gusto raw kasing sumama ng kuya niya, kaya sabi ko isasama na rin kita."
Napakunot ang noo ko. "You mean, Rod? This weekend?"
"Yes, why? Ayaw mo siyang kasama?"
Inirapan ko siya. "Hindi baliw. Sure ka, kasama si Rod?"
"Oo nga! Ang kulit."
Napahinto ako sa pagkain nang maalala kong niyaya daw ni Rod si Jhon Rey na mag-airsoft. Baka ibang Paolo Rod ang tinutukoy niya, pero nabanggit niyang hindi makakasama si Aaron.
Bumigat ang paghinga ko. Was that a lie?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top