Chapter 27
Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw ng birthday ko na araw din kung kailan itatali na kaming dalawa ni Jhon Rey sa isa't isa.
Nasa waiting area ako habang nagdadasal na huwag tumuloy ang ulan. Makulimlim kasi ang langit na nagbabadya ng paparating na malakas na ulan.
We never saw it coming.
Nagulat ako nang pumasok sa loob si Jhon Rey. He seemes worried about me. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko.
"Hey, are you okay?" tanong niya.
"Yeah," sagot ko.
Tinawag na kami ng wedding organizer namin na si Miss Honey. Malapit na raw magsimula ang seremonya.
"Should we go together?" tanong ni Jhon Rey sa akin kasabay ng pag-alok niya ng kamay niyang hawakan ko.
He looks so dashing wearing a white tux. My heart feels so overwhelmed. Ang worry ko lang ay kapag lumakas ang ulan, hindi kami magkakarinigan sa loob ng venue.
At nagsimula na ngang mangyari ang ikinatatakot ko. Kumidlat at kumulog nang lumabas kami ni Jhon Rey sa waiting area na para bang binibigyan ako ng sign na may hindi magandang mangyayari.
Lumakas ang ulan at nakita ko ang mga mukha ng kakaunting bisita namin na parang nag-aalala. I bit my lip as I attempt not to let my emotions show over this.
"Seemed like the rain wants to object this marriage," sambit ko na mukhang narinig ni Jhon Rey.
I saw him smile. "What if the clouds were just happy for us at nagpapaabot sila ng pagbati by showering us their tears of joy?"
Tila ba nawala ang pag-aalala ko dahil sa sinabi niya. What kind of mindset does he have? How can he turn this sad event to a brighter one because of his perspective?
Maya-maya lang ay lumapit na sa akin si mom and dad. Nagpaalam na rin si Jhon Rey na pupwesto na siya sa unahan.
The wedding is simple but more on the side of elegance. The surroundings are field of flowers, one of them is my favorite, white tulips which signifies forgiveness, respect, purity and honour.
"Smile, anak. Sobrang ganda mo ngayon," bati sa akin ni mama habang hinahawakan ang kamay ko. "Okay lang kahit umulan, ang mahalaga naman ay ang pag-iisang dibdib ninyo ni Jhon Rey." Nakangiti si mom habang binabanggit ang mga iyon na para bang siya ang number one fan ng relationship namin ni Jhon Rey. Wala nga kaming relationship, eh.
So far, in the past few days, I have proven that Jhon Rey somehow appreciates me. I thought he was going to hate me forever for this, but it turns out he actually cared about both me and our child.
Nakakatuwa na parang nakikita ko na ang good side niya indication na pinagkakatiwalaan niya ako just like Rod mentioned to me before.
"Tama na ang drama. Magsisimula na," sambit ni dad nang makalapit siya sa amin. Ipinulupot ko ang braso ko sa braso niya. Si mama naman ay bumalik na sa unahan.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko lalo na't hawak ko si dad at hawak niya ako. Magkalapit kami sa isa't isa na para bang hindi makikitang palagi kaming nagtatalo. Hindi ko akalaing darating ang araw na ito na mahahawakan at mararamdaman ko siya bilang ama.
Nagsimula nang tumugtog ang awit ng kasal. Ang lahat ng nakikita ko habang naglalakad kami ay kapuwa nakangiti sa akin. Ang iba ay hindi pamilyar sa akin kung kaya't naisip ko na baka malapit iyon sa pamilya ni Jhon Rey.
Nakita ko si Dean Rivera na nakangiti sa akin. Ganoon din si Anne. Sa kabila naman ay nakita ko si Rod at Aaron. Even Derrick was there. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkakumpleto nang makita ko ang mga importanteng tao sa buhay ko. Naroon din si Doctor Patricio na ipinagpaliban ang mga schedules niya para lang maka-attend sa kasal namin.
Dumapo naman ang mga mata ko kay Jhon Rey. Nakangiti siyang naghihintay sa akin. Lalong kumakabog ang puso ko. Parang kahapon lang noong unang beses ko siyang makita. Noong nag-transfer siya sa university namin. Noong nahanap niya ang wallet ko. Noong tinulungan niya akong ayusin ang sintas ko.
Unti-unting bumalik sa akin ang mga alaalang kapag binabalikan lalo kong nararamdaman kung gaano kahalaga. Hindi ko inaasahang siya pala talaga ang hantungan ko.
Inabot na ako ni papa kay Jhon rey nang makarating kami sa dulo ng aisle, sa may altar. Narinig ko pa ang bulong ni dad sa kaniya, "Take care of my daughter."
Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilan ang mga luha. It feels like it was the first time na naramdaman ko ang affection ni dad for me. Hearing those words from him makes me cry a river.
Tumango si Jhon Rey bago niya tuluyang tanggapin ang mga kamay ko. Nakatingin lamang kami sa isa't isa. Nakangiti. Pero ako'y mukha nang ewan sa pagpigil ng mga luha.
Nagsimula na ang seremonya.
"Ikaw, Jhon rey Carpio, tinatanggap mo ba si Sheen May Velasco bilang iyong asawa. Mangangakong habangbuhay na magsasama sa hirap at ginhawa?"
"Yes, I promise." Bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumiti siya sa 'kin. Pakiramdam ko nabibingi ako. Sabihin niyo sa akin, hindi ako nananaginip!
"Ikaw, Sheen May Velasco, tinatanggap mo ba si Jhon Rey Carpio bilang iyong asawa at mangangakong habangbuhay na magsasama sa hirap at ginhawa?"
This is it. No turning back once I said yes. Jhon Rey cast a quick glance in my direction and waited for my response.
"O-opo, nangangako ako." Pagkatapos no'n ay naramdaman ko na lang ang mga labi ni Jhon Rey sa labi ko. Tila ba tumigil ang mundo ko nang halikan niya ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko na lang huminto sa tagpong ito ang buhay ko. Maaari ba iyon?
Tiningnan ko siya nang humiwalay siya sa 'kin.
We are now married. Suot na namin ang aming singsing na simbolo ng...hindi ko masabi dahil ako lang naman ang nagmamahal sa aming dalawa, pero baka balang araw puwede na. Matututunan niya rin akong mahalin. Sana.
We have already exchanged our vows to each other, which also made my heart feel so happy. I don't want this day to end. I never imagined that this day would be great because I can remember how he hated me before and wished me to disappear, and now he's here, willing to be with me for a lifetime.
I don't want to be greedy, but I can't help but harbor the dream that one day I will be able to win his heart.
The crowd is giving a rousing round of applause and cheers, which I can clearly hear. They expressed their joy at our successful wedding. And that made me sob much more than I already had. I was not prepared for the fact that we would still be able to hold this wedding even if it rained fiercely all day.
They were congratulating us up until we were at the reception; their expressions of happiness did not change. Sana lang ay totoong magkasundo na ang mga pamilya namin. Sana mali si Derrick na isa lang itong paraan para makahanap ng butas na ikasisira ng isa't isa.
Anyhow, ayoko munang mag-isip ng iba pa. Mas gusto kong enjoyin ang araw na ito dahil bukod sa birthday ko ay ito rin ang araw ng kasal ko kaya magpapakasaya ako nang lubos!
Natanaw ko si Anne na kasama si Aaron. Naroon din si Rod at Jhon Rey na nag-uusap sa may gilid. Nakaupo sila sa couch na para bang nagpapahinga.
"Oh, saan ka galing?" tanong ni Anne nang makita ako.
"Just went from the bathroom," sagot ko. At saka, galing ako sa side ng family ko na palaging concern kung anong nangyayari sa buhay ko dahil isa akong best students sa pamilya namin. Well, hindi ko na iyon masisiguro pa dahil sa mga nangyari.
I simply devised a plan to get away from them and pretended like I had to go to the bathroom. They were aware that I was pregnant, so they gave me my freedom and I used that opportunity to locate my best friend. Now that I am here, I can see how drunk she is.
"You look so pretty on your dress, Sheen," komento naman ni Rod. He was referring to the dress I was wearing, which exposed my back.
"Thank you," sagot ko bago ngumiti. Napansin ko naman si Jhon Rey sa tabi niya na nakayuko. Lasing ba ang asawa ko?
Kumunot ang noo ko at napatingin kay Rod. "He's fine," he responded. "He's just tipsy." Tumango ako.
"Here, sit here, Sheen."
Tumabi ako kay Anne kahit amoy na amoy ko ang alak na nainom niya. Si Aaron naman ay tumitingin lang sa akin, pero wala yatang balak na batiin ako sa kasal namin. Naiinis pa rin ba siya sa akin dahil sa nagawa ko sa girlfriend niya? Eh okay na nga kami ni Anne, eh!
"Alam mo ba Sheen? Pinagmamayabang sa amin ni Jhon Rey na isa siya sa hearthrob sa school nila nung elementary," saad ni Rod.
"Really?" Napatingin ako kay Jhon Rey. Tumingin siya sa akin. "No, it was when I was on highschool," pagtatama niya.
Natawa ako. Akala ko naman ay itatanggi niya at magiging humble siya. Tinama lang naman pala niya 'yong information tungkol sa kaniya.
"Sige, sige, ikwento mo kay Sheen kung bakit isa ka sa mga hearthtrob. Tingnan natin kung maniniwala siya," hirit pa ni Rod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top