°9°
Chapter Nine
Ang sarap ng tulog ko! Parang ayoko pang bumangon sa kama ko dahil sa sobrang compy. Napatingin ako sa wall clock, shemay! 7 am palang! Bakit ang aga kong naging? 9 am pa pasok ko tapos yung prof namin sa english wala kaya vacant time and first subject, hindi na ako makakabalik sa tulog neto.
Tumayo na ako sa bed ko at nag unat, napatingin ako sa may kurtina lumapit ako dun at hinawi ito, bumungad sakin ang sinag ng araw at ang malakas na simoy ng hangin.
"I need to prepare na pala" isinara ko ulit ito at dumaretso na sa banyo, after my morning rituals naupo ako sa couch at kinuha ang phone ko.
From:Baby Bro
Good Morning Ate! How's your sleep? I miss you already ate!
Ang sweet talaga ng baby bro ko! Kung pwede lang sana na dito nalang siya kasama ko. Balak ko sanang mag tipa ng reply kay Kier nang bigla nalamang tumunog ako tiyan ko, nagugutom na ako.
Lumabas ako ng kwarto ko at laking gulat ko dahil sa bumungad saakin.
"Good morning Ma'am!" bungad sakin ng isang babae na sa tingin ko ay ngayon ko lamang nakita. Kaagad akong kinabahan dahil baka kung sino siya at kung anong maaari niyang gawin saakin.
"Who are you?" matapang pero may kaba kong tanong.
"New maid niyo po" awtomatikong tumaas ang aking mga kilay dahil grabe siya kung maka ngiti, hindi ba nangangalay ang panga niya?
"Who hired you?" hindi parin kasi talaga ako convince kaya tanong ako ng tanong.
"Si Ser Harries po, yung kuya niyo po" huminga ako ng malalim at napasapo sa ulo ko, why didn't he tell me sooner about this?
Umupo na ako sa dining chair, nakapag handa na pala siya ng breakfast, nagsimula na akong kumain,at my peripheral vision nakikita ko siyang nakatingin lang sakin, nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
"Why are you looking at me?" taas kilay kong tanong sakanya.
"Ang ganda niyo po kasi eh!" tinaasan ko lang siya nakita, maliit na bagay pinapalaki niya.
"By the way, how old are you?" I ask her before I put the food inside my mouth.
"19 palang po ako" napakunot ako dahil sa sinabi niya, she's too young for this kind of work.
"You're too young! For this kind of work!" binitiwan ko ang spoon and fork ko at humarap ako sakanya.
"Hindi naman po, kailangan ko po kasing mag trabaho para may pang aral po ako" my forehead creased. I can't stop myself from pitying her.
"Paano ka nakilala ni kuya?" tanong ko.
"Anak po ako ni Aida, yung isa po sa mga maids niyo" napa tango naman ako sa sinabi niya, yes i remember yaya Aida siya yung nag aalaga kay Kier noon nung mga panahong wala si Mom.
"Wag mo na akong i-po mas matanda ka naman sakin eh, Ano ngang pangalan mo?" ibinalik kong muli ang atensyon sa pagkain ko at kumain ulit.
"Honey po" at humagikhik pa siya, mas matanda siya sakin pero parang mas isip bata pa siya saakin.
"Join me, sit here and eat" sabay subo ko sa ham, pinapaupo ko siya dun sa tapat kong upuan naramdaman kong hindi naman siya gumagalaw sa kinatatayuan niya kaya tinignan ko siyang muli.
"Pero Maam ka--" kaagad kong pinutol ang kanyang sasabihin.
"Susundin mo ako? O susundin mo ako?" I made a no choice for her and I don't want to starve her to death, I'm not that bad. Umalis na siya at pumunta sa kitchen na kumuha pala siya ng plato niya at umupo na "Go eat"
"Baka po magalit ang kuya niyo" nag aalala niyang tanong. Honestly? She doesn't have to be afraid of kuya, he's harmless after all, I think?
"Sinong boss mo? Siya ba?" natahimik naman siya sa sinabi kong iyon, akala ko ay may sasabihin pa siya pero nag simul ana siyang mga lagay ng pagkain sa plato niya.
Uminom na ako ng tubig at tumayo na, kinuha ko ang phone ko sa bag ko at tinawagan si kuya and after a couple of rings he finally answered.
"Oh! Ba---" pinutol ko na ang sasabihin niya at nagsalita na ako.
"Kuya,why didn't you tell me na mag ha-hire ka pala ng maid ko, and bakit bata pa?"huminga ako ng malalim at tumingin kay Honey na naka tingin rin pala sakin, nung nakita niyang naka tingin ako sakanya ay umiwas siya ng tingin ng kumain ulit.
"First, nag hire ako ng maid dahil hindi mo pa kaya ang mag isa diyan kahit nga pagpiprito ng itlog hindi mo pa kaya eh! Second siya yung lumapit sakin at humingi ng pabor na bigyan ko siya ng trabaho kaya tinggap ko naman kasi kailangan niya daw and anak naman siya ni Yaya Aida, so you don't have to worry" narinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya.
"But kuya,shes still studying" well, i'm just worried about her.
"Kailangan niya ngang magtrabaho para may pang aral siya eh" sagot naman nito saakin.
"Haaay! Okay ako na bahala sakanya "ibababa ko na sana ang tawag nang narinig ko pa siyang nagsalita sa kabilang linya.
"What do you mean?" bakas ang tono ng kuryusidad sa boses nito.
"Pag aaralin ko siya kuya, Hindi ko rin siya itatratong katulong and so whatever it it called, ayoko namang makasagabal sakanya" sabi ko. I'm not that bad and I'm really not bad.
"Kung yan ang gusto mo Madi, ang bait mo talaga" kung nakikita ko si kuya ngayon nasisiguro ko na nakangiti siya.
"Kuya ngayon lang ito, remember mabait lang ako sa mabait? Bye na " i ended the call at nilingon ko siyang nakatingin lang sakin na gulat na gulat.
"Faster" sabi ko sakanya at binalik ko ulit ang tingin ko sa phone ko.
"Totoo po ba yung sinabi niyo?" hindi makapaniwalang tanong niya sakin.
"Yeah, ayaw mo ba?" nagulat ako nung bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sakin at niyakap ako.
"Gusto po! Gustong gusto! Salamat po!" nakayakap parin siya sakin at punong puno pa ng pagkain ang bibig niya, inalis ko ang mga kamay niya na nakayakap sakin at tinignan ko siya.
"Don't talk when your mouth is full okay?faster and prepare I'll wait you here" umupo ako sa couch sabay dekwatro, bumalik siya sa dining table at tinapos ang pagkain niya.
Nag log in ako sa facebook at nakita kong may nag aadfriend sakin 'Kellen James Levina" who's this? Parang familiar sakin yung nasa profile pic niya? Haaay! Wag na nga pag aksayahan ng oras yan.
--
"Pagdating mo sa MU, hanapin mo ang office ni kuya ha" deretso lang akong nakatingin sa daan habang nag mamaneho.
"Opo" nilingon ko siya.
"Diba i said earlier na wag kanang mag po o mag Opo sakin and don't call me Ma'am na just call me Mads" bumalik ulit ako ng tingin sa daan, takot kaya akong makasagasa oh masagasaan.
"Okay.......Mads" nginitian ko lang siya. Nang makadaring na kami sa MU pinauna ko na siya kasi nagpark pa ako, and as usual nung lumabas ako panay ang greetings ng mga estudyante, pero hindi ko sila pinapansin, hindi pa ba sila nagsasawa na pansinin ako every time and everywhere? Hindi ko na nga sila pinapansin eh!
At dahil nga maaga akong pumasok, hindi pa ganun karami ang mga tao dito ngayon, iba't ibang department pa sila dahil hindi pa nga time.
Hindi ko pa din nakikita yung mga bruha kong kaibigan, mga tulog pa siguro. BS Ad ang tinitake ko ngayon, hindi pa nga ako sure dun eh! Ewan ko ba?
Puros chismisan ang mga naririnig ko dito, saan nga ba walang tao?! Sa Rooftop.
Naglalakad lang ako papuntang elevator papuntang rooftop, actually wala akong kasabay sa elevator and I'm scared! Baka mamaya nay kung sino akong kasama dito! Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at huminga ng malalim, nung tumunog na ang bell it means na nandito na ako sa floor, agad akong lumabas sa elevator at huminga ng malalim.
--
James's (POV)
Nagulat ako sa pagmumuni muni ko dito nang may narinig akong boses malapit dun sa elevator, nakaupo lang ako dito sa sahig dahil ayokong dumungaw sa baba, diba nga! Takot ako sa heights! ako lang naman ang pumupunta dito ah! Mapuntahan nga kung sino iyon.
--
Madison's (POV)
"Hoy!"
"Aaahhhhh!" na out of balance ako dahil sa sobrang gulat ko, pumikit nalang ako at hinihintay ko na bumagsak ako sa sahig pero hindi, iminulat ko ang mata ko at laking gulat ko sa tumambad saakin.
--
James's (POV)
Nanlaki ang mga mata ko, shet! Tangna! Bakit siya nandito?! Nakapikit parin siya at nung minulat na niya ang kanyang mga mata, nanlaki rin ito dahil sa gulat shet! Buti nalang at nasalo ko siya kung hindi plakda siya sa sahig, and her breath, ang bango! Ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't isa, letche! Eto nanaman yung puso kong abnormal!
Nagising ako sa realidad nang ilayo niya ang mukha niya sa mukha ko. Panira talaga ng moment 'tong babaeng snobber na ito! Gumalaw na ako at itinayo ko na siya, ang sama lang ng tingin niya sakin at ganun din ang ginawa ko hindi naman ako mag papatalo sakanya ano.
"What are you doing here?" sabay naming sabi sa isa't-isa.
"Ako unang nagtanong" I crossed my arms over my chest. Napaka taray talaga ng babaeng ito, pero bakit saakin lang? ano 'yon special treatment?
"Paano mo nasabing ikaw ang na una? Eh sabay lang tayo" saad niya. Masama lamang ang tingin niya saakin and then she crossed her arm as well.
"Tss, teritoryo ko ito!" and then I point out every part of this rooftop.
"And so? I don't even care" sabay irap niya sakin, Naman oh! Bakit napaka taray ng babaeng nasa harapan ko?
"Umalis kana" hinawakan ko siya sa likod at tinulak siya papunta sa elevator "ARAY!" Napaka sadista talaga neto! Kurutin daw ba ako sa kamay?
"DON'T. YOU.DARE.TOUCH.ME!" Napapa atras nalang ako dahil sa pagduro duro niya sakin, lakas ng loob ng babaeng ito na duruin lang ako ah! Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at hinigit siya palapit sakin.
"Umalis ka sa teritoryo ko kung ayaw mong umuwing sugatan!" akala ko matatakot siya sa sinabi ko pero akala ko lang pala! Nagawa niya pang tawanan ako.
"Hindi mo ba alam na family ko ang nagmamay ari niyang kinatatayuan mo at lahat ng bagay dito" huminto siya sa pagsasalita ng tinignan niya yung kamay ko na naka hawak sa wrisk niya "Bibitiwan mo o bibitiwan mo?" nakalimutan ko na Madrigal nga pala siya, bakit ba ang malas ko ngayong araw? Agad kong binitiwan ang kamay niya, at siya naman tinalikuran na ako at umupo siya sa gilid ng rooftop, hindi ba siya natatakot na mahulog diyan?
"If you don't want to see me here, you can leave now" she smiled at me sarcastically, at nangunguyakoy pa talaga siya! Ako nga hindi ko magawang dumungaw diyan dahil ang taas tapos siya! Nagawa pang mag chillax?
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at yumuko nalang. Bwisit! Panira ng araw. Kaya nga ako pumasok ng maaga para makapag isip ako ng maayos kasi nitong mga nakaraang araw ay binabaliw niya akong maigi.
"Takot ka sa heights 'no?" napaangat ako ng ulo at tinignan ko siya ng nagtataka, paano niya nalaman e hindi ko naman nabanggit sakanya? "Am i right?" nakatingin lang siya sa langit.
"P-Paano..." I can't even speak properly because of her! Damn, and now I'm doomed.
"So, tama nga ako" sabay hagalpak nito ng tawa, naman! dapat hindi nalang ako sumagot! Shet! Nalaman niya yung sekreto mo!
Bumaba na siya sa kinauupuan niya at nag tungo sa harapan ko, tiningala ko naman siya dahil nga nakaupo ako. "Good luck nalang sayo, ipagdasal mo nalang na hindi ko maalala" ngumiti nanaman siya ng nakakaloko sakin. Ano namang ibig sabihin niya duon?
"Don't you dare tell anyone about this!" tumayo ako kasabay ng masamang tingin ko sakanya.
"Don't worry, hindi ko sasabihin kahit kanino Promise!" tinaas niya pa 'yung kanang kamay niya as a sign of promise, huminga naman ako ng malalim buti naman at matino siyang kausap "But i can't promise na...." lumapit siya sa tenga ko at may binulong "Hindi kita pagtitripan, good luck" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, umalis na siya at iniwan akong nakatulala at kinakabahan.
Magsisimula na ata akong matakot sa babaeng snobber na yun! Why do I have to meet her after all? Binabaliw na nga niya ang isip ko nitong mga nakalipas na araw tapos ngayon naman ito? Pucha naman.
***
You can follow me on my social media accounts:
Instagram: borjadaniella_
Twitter: dwanwella
Use the Hashtag #MFmMS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top