°8°
Madison's (POV)
One week later.
Excited na akong lumipat sa condo ko! I'm the first winner and i message Yara and Selene na samahan ako sa paglipat ko sa condo ngayon. Nandito pa ako sa bahay at hinihintay ko sila and as usual hindi pa sila nananalo saakin, remember 2 winners but I'm the first one so isa nalang ang kailangan.
"Kailangan ba talagang sumama pa kami?" sumalubong sakin ang bored look ni Selene. Ano naman kayang masama ang nakain nito sa umaga?
"Hindi ka ba marunong kumatok?" tumayo ako sa kama ko at nag lakad patungo sa kanila.
"So? whatever" mataray na sagot ni Selene pero inirapan ko nalang siya. Masama ata gising nito ngayon.
"By the way,where's Yara?" i crosseed my arms while letting her inside my room, actually silang dalawa lang ni Yara ang nakaka pasok sa kwarto ko, kahit si Kuya o si Baby bro pa, walang kahit na isang nakakapasok sa kwarto ko, syempre kailangan ko naman ng privacy diba!
"I don't know, she's not answering my calls" iritang sabi niya.
"Why are you like that ba? Okay ka lang?" at dun na nga, she screams kaya napatakip nalang ako sa tenga ko, nag papapadyak pa siya na parang bata.
"Kasi si Dad eh! Ayaw pumayag na magkaroon ako ng condo! Pumayag na nga si Mom eh! Ugh! Kainis talaga!" tumawa naman ako ng mahina dahil sa pag mamaktol niya.
"Intindihin mo nalang din sila, syempre protective parents mo eh" matawa tawa kong sabi, tinignan naman niya ako ng masama.
"Hmp! Ang daya nila!" sabay cross arm niya, at nag pout na parang bata.
"Let's go na nga!" hinigit ko na siya at lumabas na kami, dala dala ko na ang maleta kong isa, iyong iba pa eh nasa mga butler ko na nasa Van na.
"Buti ka pa pinayagan" pagmamaktol parin ni Selene sa tabi ko.
"Don't worry I'll talk to Tito Sev" hinawakan niya ang braso ko at niyugyog ako, kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Really?! Sana ma convince mo siya!" ang lapad ng ngiti niya sakin, napa smirk nalang ako at umiling.
Nang naka baba na kami, nadatnan namin na nakatayo at naghihintay sakin si Kier, Kuya, Mom, and Dad tatawagin ko nalang silang Mom and Dad kahit na galit ako sakanila.
Bumungad sakin ang malalapad na ngiti nila, agad akong sinalubong ni Kier ng mahigpit na yakap.
"Mamimiss kita Ate!" mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya sakin, binitawan ko ang maleta ko at niyakap ko rin siya ng mahigpit.
"You can visit me! And you can stay there if you want" bumitaw siya sa pagkakayakap niya sakin at humarap sakin.
"But Ate, Mom and Dad want me to stay here" niyakap niya ulit ako.
"Kasi Kier it's not time, tsaka magiging busy ang Ate mo, hindi ka niya masasamahan sa condo" biglang singit ni Mom, humarap naman sakanila si Kier.
"Okay Mom, I understand" nakayuko parin si Kier, ginulo ni Dad ang buhok ni Kier. "Dad! Stop it!" 'yan ang pinaka ayaw ni Kier sa lahat ang guluhin ang buhok niya.
"Dad! Ayaw ni Kier na ginugulo ang buhok niya" Sabat ni Kuya, 'yan ang hirap sakanila eh! Sa pagiging masyadong busy nila wala na silang alam tungkol samin.
"Ow! Sorry" at inalis na ni Dad ang kamay niya sa ulo ni Kier, sinamaan naman ng tingin ni Kier si Dad, napapa smirk nalang ako.
"Alis na po kami" singit ko sa pagkukulitan nila, ayoko mang maka storbo eh naaalibadbaran ako.
"Gusto mo bang sa-----"
"No i can manage everything, thanks nalang" hindi ko na pinatapos si Mom dahil gusto ko na talagang umalis, tuluyan na akong lumabas at sumakay na sa kotse ko, si Selene lang ang kasama ko, 'yung mga butler ko pati 'yung mga bags ko eh nasa Van.
"Are you o---"
"Yes I'm okay!" ngumiti ako ng pilit kay Selene,sa totoo lang nag seselos ako kay Kuya at kay Kier dahil binibigyan sila ng importansya nina Mom and Dad, pero i don't care! I have friends naman eh.
Ang tahimik namin buong byahe, naka focus lang ako sa dinadaanan namin, si Selene naman naka focus sa cellphone niya, wala akong sa mood makipag usap ngayon.
--
"Wow! Girl! Ang laki naman nito!" pati ako ay manghang mangha rin sa laki nitong pent house, grabe! Parang isang buong pamilya ang pwedeng tumira dito sa sobrang laki!
"Four rooms ang meron nito, 'yung master's bedroom ang sayo then yung tatlo guests' room na" napatingin ako sa may pinto.
"Kuya! What are you doing here?" Gulat na tanong ko sakanya.
"Sinundan kita, para wala ka nang tanong" at ngumisi pa siya, i rolled my eyes at him.
Umakyat ako sa taas para tingnan ang magiging kwarto ko, ang laki! Mas malaki pa ito sa kwarto ko sa bahay! Ang saya ko! This is so so so so! Ow My God! Ang elegant ng color! Sinara ko muna ang pinto at ni lock ito,ako lang pwedeng pumasok dito kahit sina Yara at Selene pa.
Naputol ang pagmamasid ko sa kwarto ko nung may kumatok "Madi, did you like it?" ow si kuya nga pala.
"Yes! I really really like it! Actually, i love it na nga e. Thank you Kuya!" magiliw na litanya ko.
"Hindi mo ba ako papapasukin?" narinig kong sigaw ni Selene sa labas.
"No!"
Kung nakikita ko siya ngayon,siguro naka simangot yun. Inggit siya,naisipan kong picturan yung room ko,pang IG!
Caption: My Condo's Room
After uploading it,nilagay ko na sa bag ko ang phone ko at iniwan sa couch,lalabasin ko muna sina kuya at Selene,baka kung ano nang ginagawa nila
"Buti naman at nilabas mo pa kami" naka cross arm si Selene naka kunot ang noo at naka pout pa.
"Ang drama mo!" hinampas ko siya sa braso niya hindi naman yun masakit kaya hindi siya umangal "By the way,where's kuya?" tinuro niya yung isang kwarto banda dun sa dulo,naglakad ako papunta dun.
"Why are you here?" sumandal ako sa edge ng door at tinignan ko lang si Kuya na pinagmamasdan ang view ang balcony.
"Wala lang nagpapahangin" deretso parin siyang nakatingin sa labas.
"You look stress kuya" pumasok ako at sinamahan siya dun sa balcony,ang ganda nga nang view! Isa siguro ito sa mga guest's rooms dito,pero mas malaki yung sa kwarto ko,mas maganda ang view,nasa 20th floor kasi ang condo ko.
"Panget naba ko?" hinawak hawakan niya pa ang buong mukha niya,napangisi naman ako.
"Nah. mean is, nag mumukha ka ng matanda dahil sa ka wowork mo" naka ngisi kong sabi.
"Ganun din yun!" binaling niya ulit ang tingin niya sa labas "No choice ako Madi, panganay eh" huminga siya ng napaka lalim at umiling iling pa.
"Why didn't you tell us about this? Lalo na kay Dad" curious ako kay kuya, kasi siya na yung tumayo magulang sakin nung mga panahong wala ang mga parents namin.
"Tss.Wala ring mangyayari Madi" yumuko si Kuya, agad ko namang ipinatong ang ksmsy ko sa balikat ni Kuya.
"Kuya, hindi buong buhay nakatali ka diyan sa work work mo! You need something or 'SOMEONE' better" diniinan ko talaga ang pagkasabi ng someone.
"Yan ka nanaman sa someone better mo na yan eh! Wala akong panahon diyan!" kumamot pa siya sa batok.
"Eh paano ka nga magkakaroon ng panahon kung ikukulong mo yang sarili mo diyan sa letcheng work mo na yan! And marami namang kamag anak si Dad na pwedeng mag handle niyang mga work mo Kuya! You need to Relax!" tinuro ko sakanya ang magandang tanawin" Hindi mo na napagmamasdan ang kapaligiran dahil sa sobrang pagka busy mo" nakatingin rin siya sa paligid, napaisip siguro siya.
"Edi kayo na mature mag isip ni Kier, Ipapatong ko na sainyo ang korona ni Madam auring" nag gesture pa siya na parang nagpapasa sakin ng korona.
"Kuya, I'm damn serious here!"
"Sorry naman! Napaisip mo kasi ako sa mga sinabi mo"
Lumapit ako sa likod niya at nag back hug "You know Kuya, i want you to be happy and i want you all the best in this world!" hinawakan ni Kuya ang dalawang kamay ko at hinarap niya ako sakanya habang hawak hawak niya parin ang mga kamag ko.
"You're the best sister! Ever!" niyakap niya ako at ganun din ang ginawa ko "Thanks for everything Madi! You and Kier makes me feel better" hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.
"No need to thank me Kuya, i'm your beautiful sister! And besides ako lang naman talaga ang nag iisa" tumawa si Kuya dahil sa sinabi ko "Oh? What's funny?"
"Nothing I'm just, I'm just happy to have the most beautiful girl In this world" this time, ako naman ang natawa dahil sa ekspresyon ng mukha ni kuya, parang bakla!
"Tapos naba kayo sa kadramahan niyo?" sabay kaming napalingon ni Kuya sa nagsalita, si Selene pala nakataas lang ang kilay niya samin, tumingin kami ni Kuya sa isa't isa at ngumisi nalang.
I want kuya to be happy, gusto ko maging masaya naman siya sa mundong kinatatayuan niya, gusto ko siyang magmahal dahil hindi niya pa ito nararanasan kahit ni minsan sa ibang babae, yung tipong mamahalin siya pang habang buhay.
***
You can follow me on my social media accounts:
Instagram: borjadaniella_
Twitter: dwanwella
Use the Hashtag #MFmMS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top