°6°
Madison Kiera's (POV)
"Napag isipan mo na ba kung ano ang catch?" tanong ko kay Selene bago sumimsim sa Frappe ko.
"How about car?" Nagningning ang mga mata ni Yara sa suhestiyon ni Selene .
"Sige! Game ako diyan, luma na car ko eh!" excited na sabi ni Yara, i rolled my eyes on the air.
"Okay Game ako, kung sinong matatalo bigay kotse ah! Wala ng patumpik tumpik pa!" sabi ko sabay simsim muli sa Frappe ko.
"Bale dalawa ang ibibigay na kotse nung matatalo?" alam kong itatanong ni Selene ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa kakuriputan niya.
"Ikaw nag sabi niyan, wala ng bawian" mapang asar na sabi ni Yara at tumawa ng mahina.
"Okay! Okay! Game na ako" natawa naman ako sa inasal ni Selene, she pouted then crossed her arms on her chest, lagot samin yang Bank account mo! sigaw ng isip ko. Well, hindi pa naman namin sigurado kung sino ang matatalo so, goodluck to Selene.
"Siguradong ako ang mananalo!" nasamid naman ako sa sinabi ni Yara, tinignan ko siya ng nakakaloko.
I smirked "I always 'WIN', ihanda niyo na 'yang mga bank accounts niyo kasi for sure mababawasan 'yan kasi ako ang mananalo" tumawa naman silang dalawa, ano namang nakakatawa sa sinabi ko? I'm just stating a fact here.
"Wish mo girl! Pa'no ka magpapaalam sa parents mo?" sabay simsim ni Yara sa Frappe niya. Ow, that hits me huh.
"Tss, i don't care, kay kuya ako magpapa alam" wala akong parents okay! Wala!"When we will start the Game?"
"Now!" Sabay nilang sabi, ngayon ko lang na feel na sobra ko pala silang namiss. Itong mga bagay na naka sanayan nanaming gawin.
"Okay then, be ready to lose again Girls!" pang aasar ko sakanila.
"Tss, too confident ah!" then Yara flipped her hair "Hindi na ako magpapatalo at this time"
"Pagsikapan mong tumaas yang grades mo Yara" at tumawa ako, mukhang matatalo siya sa game na 'to, may biglang pumasok na idea sa isip ko "Wait Girls! Dapat may Dare tayo sa matatalo" excited kong sabi.
"Grabe naman yun! Kawawa yung matatalo, mag bibigay na nga ng kotse tapos may dare pa?" Ani Selene.
"Eh kaya nga Dare Game diba! Tsaka ikaw nagpasimula neto! Kaya wag ka nang umangal" sabay simsim ko ng Frappe ko, pero wala na kong masimsim dahil ubos na pala.
"Takot lang matalo si Selene" sabay tawa nito kung makapang asar 'tong si Yara kala mo nanalo na sa game eh.
"Alam niyo, wag na kayong mag aksaya pa ng panahon, sure naman akong ako ang mananalo" then i flipped my hair.
"For your info Mads, dalawa ang mananalo! Kaya wag kang confi masyado" at tinarayan ako ng magaling na Yara, konyo talaga!
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko "Oh saan ka pupunta?" tanong sakin ni Selene nilingon ko sila.
"I'm going to start the Game! Bye!" ngumiti ako sakanila ng nakakalo, at mabilis na akong umalis para puntahan si kuya sa office niya, masaya to!
--
Selene's (POV)
Kainis! Dapat di ko nalang naisip ang game na yun eh! Mukhang malulugi pa ako.
"Competitive talaga ni Mads!" inis na inis na sabi ni Yara "Kainis! Ayaw niya talagang magpatalo" ginulo niya ang sarili niyang buhok.
"Alam mo, magsimula narin tayo alam ko nanaman na mananalo si Mads, so tayong dalawa nalang yung totally na maglalaban" Tumayo na ako at nilingon ko na siya "So Bye!" mabilis na akong tumakbo at sumakay ng kotse ko.
Kahit na pinagtitinginan ako ng mga estudyante dito, Malamang nakikilala na nila ako, no! Not this time! Wala pa akong sa mood pagkaguluhan!
"Girl diba siya yung model" sinundan ako ng tingin nung mga babae, ow! Crap!
"Oo Girl siya nga yun!" at tinuro pa nga nila ako. Walangya talaga.
"SELENE ANGELES!" sabay sabay nilang sigaw ,napatigil ako sa pagtakbo dahil pinagtinginan ako lahat ng tao dito. What's wrong with these people? tao lang rin naman ak at hindi kailangang pagka guluhan. Kaloka.
"Gosh! Bad timing" bulong ko sa sarili ko, may kumalabit saakin kaya napalingon ako.
"Ow! My! Gosh! Ikaw nga!" nanlaki pa yung mata ko dahil parang nag hysterical yung babae, sigaw siya ng sigaw at talon ng talon.
"Ow! Hi!" i just wave my hands at them, nag silapitan na sakin ang mga tao at nilabas ang mga cellphones, ipads, tablets, etchetera para lang picturan ako.
"Pwede po bang magpapicture?" alam ko na na darating ako sa punto na ito, ayoko namang maging masama ang tingin nila sakin at ayokong masira ang image ko.
"Sure!" sabay ngiti ko, kahit medyo pilit, hindi ko nga pala kasama ang mga bodyguards ko! Letche Naman!
Nagpa picture yung tatlong babae sakin, ang sikip na dito sobrang init! Kailangan kong maka alis dito.
"Ahm! Can i leave now? I have something important to do, so may i excuse?" sabi ko sakanila, pero dahil ang dami nila at nagkakagulo pa, hindi nila ako narinig.
Ow lord! Gusto ko na pong umalis rito, Please po.
Pero parang may mali....
Hayyy! Mads! Pinag isipan mo talaga 'to! sinadya niyang iwan kami kasi alam niyang mangyayari 'to.
Bwisit! Bakit ngayon ko lang 'to naisip? Ang galing talaga mag laro ni Madison, grabe.
--
Yara's (POV)
"Ughhh! Kainis talaga yung dalawang yun! Naiwan nanaman ako! Bwisit!" nagpapapadyak ako dito sa Frappe shop, pinagtitinginan na ako ng mga tao dito e pake ko ba?
"Kilala ko siya eh" narinig kong sabi nung nasa kabilang table.
"Saan ko nga ba siya nakita?" at nag isip yung babae "Oo! Tama! Siya yung cover sa isang magazine!" dahil sa pagsigaw niya, lahat ng tao dito ay narinig siya, at lahat sila tumingin sakin.
"Shet patay" bulong ko sa sarili ko habang unti unting tinatakpan ang face ko, Naman eh! Pagkakaguluhan nanaman nila ang beauty ko!
Mabilis akong kumilos para umalis, pero nang tumayo na ako at tumalikod na.....late na ako.
"Miss Yara pwede pong magpapicture?" nakangiting tanong sakin nung babae kanina, ang dami ng tao na nasa harapan ko ngayon, paano na'to? Ngumiti nalang ako dun sa babae.
Paano na yung game? Letche! Mukhang planado 'to ni Mads! Lagot sakin yung babaeng yun!
--
Madison's (POV)
Ang lapad ng ngiti ko habang naglalakad papuntang office ni kuya, siguro sa oras na 'to pinagkakaguluhan na sila? Oo alam ko na, na mangyayari yun mga models kasi, ayan lagot sila ngayon.
Sure na akong mananalo ako, as always. Hindi ko namalayang nandito na ako sa tapat ng office ni kuya, binuksan ko na ang pinto at bumungad saakin si kuya na nakaharap sakanyang laptop. Napansin niya ang presensya ko kaya tumingin siya sakin.
"Oh! Madi! Why are you here?" tumayo si kuya para salubungin ako.
"Uhm, kuya can i sit first?" i said.
"Ow! sorry" inalalayan niya ako sa couch, umupo rin siya sa tabi ko.
"Kuya, may hihingin sana akong favor eh" kumunot ang noo niya sakin, sabay ngisi.
"Ano yun?" he asked.
"I'm on the right age nanaman kuya diba?" i hope pwede "Can i have condo na kuya?" huminga siya ng malalim, tsaka tumingin sakin.
"Game niyo yan 'no?" nanlaki ang mata ko. How did he know?
"Paano mo nalaman?" puno ng kuryusidad kong tanong.
"Tss as always, i know your friends are already here kaya alam ko na magkakaroon kayo ng game" tumayo si kuya at bumalik siya sa table niya.
"Uhm kuya please?" tumayo rin ako para sundan si kuya sa table niya.
"Kung papayag si Mom and Dad" tinignan ko ng masama si Kuya. What the heck?!
"Kuya naman! Kaya nga ako sayo humihingi ng favor eh kasi ayaw kong ipaalam sakanila at ayaw kong magpa alam sakanila" tumawa siya kaya mas lalo akong nainis.
Matagal ako nitong tinitigan sabay hagalpak ng tumawa. My forehead creased, is he joking me around? kasi hindi nakakatuwa "Joke lang, sige pagiisipan ko, pero paano si Kier?sinong makakasama niya sa bahay?" umupo ulit ako sa couch, napaisip ako sa sinabi ni kuya, paano na si Baby bro ko? Wala siyang makakasama sa bahay.
"Pwede ko naman siyang isama sa condo kuya, malayo ang house natin sa school's naming dalawa, So..." tumingin ako kay Kuya with matching puppy eyes pa.
"Okay, pagiisipan ko muna" ngumiti sakin si Kuya.
A triumphant smile formed on my lips "Kuya make it fast"
"Madi easy ka lang, mahirap mag decide lalo na at babae ka" tumayo ulit ako at hinarap si Kuya.
"Kuya, you know naman na independent ako diba? so i can live all by myself" lumapit sakin si Kuya at ginulo ang buhok ko.
"Ikaw talaga Mads, big girl kana" niyakap ako ni Kuya "I love you my sister" ngumiti ako ng malapad.
"Love you too my childish Kuya" hinarap niya ako sakanya at tinignan ako ng masama.
"Childish ka diyan! Ang sama mo sa Kuya mo!" inis na sabi ni Kuya.
I chuckled. "Joke lang, ikaw kasi mas mature pa sa iyong mag isip si Kier"
"Sadyang pinanganak lang yang si Kier na matanda na kung magisip" niyakap ulit ako ni Kuya.
"Sige na go back to your class, ma-le-late ka pa niyan" humiwalay na siya sa pagkakayakap namin.
"Uy Kuya make your decision fast ah, Bye" nag wave na ako sakanya at lumabas na ako sa office niya.
Nararamdaman ko na ang pagkapanalo ko! Whooo! Hooo!
--
James's (POV)
"Wala Bro, tinarayan lang ako, mukhang bad trip siya eh" nandito kami ni Renzo sa garden, tambayan na namin 'to.
"Tss sabi ko naman sayo eh, may sa halimaw yung babaeng yun, ang ganda ganda ang taray naman" sabay kagat ko sa mansanas ko. I thought she's really an angel because of her angelic face, but no she's not.
Hindi ko na siya gusto ngayon, maganda nga halimaw naman.
"Hindi bro, mabait yun badtrip lang siguro" pinapaglaban talaga niya eh 'no. Eh kung siya kaya nabato ng libro? makapag sabi pa kaya siya na mabait ang babae na iyon?
Nag beep ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko, nag text yung isa sa mga chicks ko.
From: Anjie
Hi baby! Where are you na? Miss na kita eh love you
I smirked, kahit isa sakanila wala akong seneryoso. kapag fling, fling lang walang halong feelings.
"Tss, kaysa naman sa mga babae mong kulang nalang maging clown sa sobrang kapal ng mga make up" nakatingin lang sakin si Renzo. I don't care about that thing, as long as they are good in bed then it's okay for me.
"Edi kung gusto mo siya, sayo na" kumagat ulit ako sa mansanas ko.
"Kung pwede nga lang bro liligawan ko siya, pero kasi hindi ko siya type eh" he answered, sinamaan ko lamang siya ng tingin.
"Ang gulo mo" tumayo na ako at pinag pagan ang pants ko.
Napaisip ako sa sinabi ko kay Renzo, tama nga ba na ayaw ko sakanya? Kingina! Naguguluhan ako sa sarili ko!
Ang nararamdaman ng puso ko eh gusto ko siya, pero sabi ng isip ko galit ako sakanya dahil sa ginawa niya at sa ugali niya.
But i am eager to know her more. What's happening to me?
***
You can follow me on my social media accounts:
Instagram: borjadaniella_
Twitter: dwanwella
Use the Hashtag #MFmMS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top