°5°
Kellen James's (POV)
"Letche bro! Hindi ako nakapalag sakanya" ginulo gulo ko ang buhok ko dahil sa sobrang inis ko sa babaeng yun!
"Ako pa ni leche mo" may binulong pa ito na hindi ko naman klaro na narinig.
"Edi Wow" tumingin ako ng masama kay Renzo, kanina pa kami nakauwi sa bahay at dito ko muna pinatambay si Renzo dahil kailangan ko ng kausap, 'yung matino!
"Tangna mo! Kailangan ko ng MATINO ha MATINO! na kausap" bwisit 'tong lalakeng 'to! Ngayon pa naging ewan kausap.
"Bro naman kasi, ikaw naman kasi 'tong tanga" aba't sinisi pa ako lalo ng gago. Patuloy lang siya sa pagkain niya ng ice cream, nandito kami ngayon sa dining area at naghanap ng makakain sa fridge namin si Renzo at tamang ice cream naman ni Kiera ang nakita niya.
"Renzo naman eh! Payong matino 'yung kailangan ko!" inis na litanya ko, sinapo ko ang ulo ko at huminga ng malalim.
"Eh kung payong matino ang kailangan mo Kuya, bakit hindi ka sakin lumapit?" nabaling ang atensyon ko kay Kira na kaka pasok palang ng dining area "diyan ka pa kay Kuya Renzo lumapit, eh hindi naman yan matino kausap" tumawa siya ng mahina habang palapit samin. Napa ismid naman si Kira nang makitang kinakain na ni Renzo ang ice cream niya pero hinayaan na lang nito.
"Grabe ka sakin Kira" sabay subo ni Renzo ng ice cream "Kashi wala lang talaga akong sa mood bro"
"Alam mo yung kasabihan na, don't talk when your mouth is full kuya Renzo?" Then she rolled her eyes. Tinignan lang siya ni Renzo ng masama.
"Back to the topic please,nagsama nanaman kayong dalawa" tinakpan ko ang dalawang tenga ko, at tumalikod sa kanila.
Kapag kasi magkasama itong dalawang ito, eh lagi nalang nag babarahan, Basagan ng trip ganun! Pero lagi namang talo si Renzo ,para ngang sila pa 'yung magkapatid kapag magkasama sila.
Naramdaman kong tumabi sakin si Kira kaya napatingin ako sakanya with my bored look.
"Kuya,ano bang problema?" sabay akbay niya sakin.
"Hindi ko nga rin alam eh, naguguluhan na ako sa sarili ko" ginulo ko yung buhok ko.
"Dalhin mo na sa mental 'yang Kuya mo, may sira na----Aray!" hindi ko na siya pinatuloy sa pag sasalita ng masama kasi binatukan ko na siya, kahit kailan talaga!
"Tumahimik ka na nga lang diyan! 'Di ka nakakatulong na gago ka" tumayo ako at umalis na dun, takte! Na babadtrip ako lalo!
"Hmp! Batukan kita diyan eh!" narinig kong sabi ni Kira kay Renzo.
"Kuya wait lang" huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. "Kwento mo naman sakin 'yung nangyari kung bakit ka nag kakaganyan." tinaas taas niya pa ang kilay niya sakin na puno ng kyuryusidad ang mga mata.
Gusto ko talagang may maka usap at may mag bigay saakin ng maayos na payo so i told her everything kompleto lahat ng detalye, at habang nag ke-kwento ako ay nagingiti lamang sakin si Kira ng makahulugan na para bang may iniisip na kung ano.
"Alam ko na Kuya, May gusto ka sakanya" oo alam ko naman but i won't admit it.
"Ano? Ako? Wala 'no!" pagtatanggi ko.
"Eh sa bawat description mo sakanya eh kumikinang 'yang mga mata mo tapos ngumingiti ka pa, edi may gusto ka nga sakanya" At tinawanan niya pa talaga ako " 'Wag mo na kasing itanggi kuya, hindi naman makakabawas ng ego mo yun eh" she's so nosy.
"Basta wala akong gusto sakanya, hindi ako dapat ang unang nag kakagusto dapat sila" umiwas ako sakanya ng tingin, tama naman ako diba? tss.
"Hay! Ewan sayo Kuya! Humingi ka pa ng matinong kausap kung hindi ka rin lang makikinig, diyan ka na nga" padabog siyang lumabas ng kwarto ko, hay! Gulong gulo na talaga ako!
Bwisit na babaeng 'yon! siya lang nanggulo sa isip ko ng ganito.
--
Madison Kiera's (POV)
Have a nice day to me! Good morning! I'm so hyper today, but i don't know why maybe i have enough sleep last night.
I will prepare first. After my morning rituals tinignan ko ang phone ko, at wala man lang nagpaparamdam sakin wala man lang nag m-message
Bumaba nalang ako para puntahan si Baby Bro, naabutan ko ang mga maids namin na naglilinis. Noong mapansin nila ang presensya ko ngumiti sila sakin at nag bow.
"Good morning Ms.Madison!" sabay sabay na bati nila sakin, pero tinaasan ko lang sila ng kilay as usual.
"Where's Kier?" i ask in mataray way.
"Naka pasok na po Ms.Madison, may gagawin pa daw po siya eh" sabi ng katulong--ano ngang pangalan neto? Paki ko ba?
Iniwan ko na sila doon at dumeretso na ako sa dining, kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at nag tipa ng mensahe para kay Kier.
To: Baby Bro
Baby Bro, are you busy?Just text me okay! Love you.
I will just eat my food fast, hindi ko naman ma eenjoy kasi wala naman akong kasamang kumain.
"Good morning Mam, Sir!" sabay sabay na bati ng mga maids namin, napalingon ako sa kanila at nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko alam na narito pala ang mga magulang ko ngayon sa pamamahay.
"Good morning Anak" sabay na bati nila saakin matapos tumayo at ngitian ang mga katulong na bumati sakanila, i just smirk and rolled my eyes.
"May anak pa pala kayo" sinadya ko talagang iparinig iyon sakanila, as a matter of fact galit ako sa kanila.
"Anak, hindi mo ba kami na miss ng Daddy mo?" tinignan ko si Mom ng nagtataka, and that made me smirk.
"Tss, obvious ba?" tumayo na ako at dumeretso sa sala para kunin ang bag ko.
"Anak na---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mom dahil nainis na ako.
"Please! Wag niyo akong tawaging anak! Please lang! Ayokong masira ang araw ko!" badabog akong lumabas ng bahay, letche! Maka tawag ng anak wagas!
--
I arrived at University that i'm still mad and not in the mood.
"Good morning Miss Madison!" yan ang sabay sabay na bati sakin ng mga taong nakakasalubong ko. Hindi ko sila pinapansin,pangelam ko ba? hindi ko naman sila kilala.
Nasira ang araw ko ng dahil dun sa mga nag mamarunong kong mga magulang, sinira nila ang maganda kong gising! Urg! Nakaka beast mode!
"Hi"
"Gosh!" napasapo ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat, pero naka ngiti lang siya sakin, tinaasan ko lamang siya ng kilay "Lagi ka nalang bang mang gugulat ha?" then cross arm.
"Sorry" at nag peace sign siya, ang cute niya pero bad trip ako kaya tinarayan ko nalamang siya.
"Tss,just get out on my way" at naglakad na ako, habang naka cross arm parin, sumusunod lang siya sakin at kinukulit ako, pero hindi ko nalang siya pinapansin.
"Madison uy! Saan first class mo?" hindi ko parin siya pinapansin "Uhmm, itatanong ko lang sana kung pwed---"
"Please. Just. Stop." mariin kong sabi, naiinis na ako sa sobra niyang ingay. I want to be alone "Just leave me alone!" sigaw ko sakanya, nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko.
And thanks! Hindi na niya ako sinusundan. Gusto pa talagang masigawan, Nakakabingi ang kaingayan niya.
"Ang gaganda nila no!"
"Sino kaya yung mga yun?"
"Parang ngayon ko lang sila nakita dito sa MU"
Narinig kong sabi nuong mga babae na nakasalubong ko, sa lakas ng paguusap nila.
"Aww!" biglang nagtakbuhan yung mga lalake dito at nabangga pa nga nila ako, hindi ba nila ako napansin?
Sinundan ko kung saan sila papunta at may nasagip ang mga mata ko na may mga tumpok ng tao sa may parking area.
Naglakad ako papunta doon, I'm kinda curious hindi ko mapigilan. Nandito na ako sa tapat ng maraming tao na nagkaka gulo, hindi naman as in na nagkaka gulo para lang silang nababaliw na ewan. Hindi naman ako makikipag siksikan sakanila no! May mas madaling paraan....
"Can i Excuse?" sigaw ko, napangiti ako nang lahat sila ay tumingin sakin at huminto sa pag iingay. Tumabi silang lahat at binigyan ako ng daan. "Thank You" then fake smile tsaka nag lakad patungo roon sa pinagkaka guluhan nila kanina pa.
At nagulat ako sa bumungad saakin, Oh My Gosh!
"MADS!" they hugged me so tight!
"Hey! I can't breath!" sigaw ko sakanila napa hinga ako ng malalim nang kumawala sila sakin.
"Na miss ka namin!" bakit ba lagi silang sabay?
"Mag kakaibigan pala sila"
"Grabe! Nagsama sama ang mga diyosa!"
"Gusto ko silang maging friends!"
Marami pa akong naririnig na kung anu-anong sinasabi ng mga estudyante dito. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa mga kaibigan kong nasa harap ko.
"And....So?" then i laugh sarcastically, naka tingin lamang sila sakin kaya napahinto ako at tumingin sakanila "Joke lang" sabay peace sign "Na miss ko rin kayo!" at niyakap ko rin silang dalawa ng napaka higpit.
Kumawala na ako sa pagkaka yakap ko sakanila at tinignan nila ng nagtataka "Explain everything to me" then crossed my arm.
"Ang what?" maarteng tanong ni Yara. Naglakad kami papasok sa loob, dahil nga nasa parking lot kami at napapaligiran kami ng maraming tao. We need our private space naman.
"Ngayon lang kayo pumasok, and you said Yara na nasa hongkong kapa kahapon" mataray kong sabi, I'm on a bad mood now okay.
"Hehe sorry Mads, the truth is" tumingin ako sakanya at tinaasan ko siya ng kilay, kumamot naman siya sa batok niya "Uhm kasi, tinamad ako eh" sabay kapit niya sa braso ko pero tinignan ko lang siya ng masama.
"Tss, may bago pa ba sayo? Lumaki ka ng tamad, tss" inalis ko ang pagkakakapit niya sa braso ko.
"Uy! Mads! Wait us!" sigaw ni Selene, ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi sila pinapansin "Ikaw kasing bruha ka eh! Kutusan ko yang ngala ngala mo eh!" narinig kong sabi ni Selene kay Yara, napa smirk naman ako dahil dun.
"Mads!" hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Selene na medyo hingal dahil siguro tumakbo siya "You okay? You look...stress" napahinto ako dahil sa sinabi niya.
"Halata ba?" tumingin ako sakanya, at hinaplos ko ang mukha ko.
"Hindi naman sa face mo girl, sa mga mata at kilos mo what happened ba?" tanong niya sakin, nag pout ako at huminga ng malalim.
"Parents...." nagsimula na ulit akong maglakad "I don't want to talk about them, masisira lang lalo ang araw ko" sabi ko habang patuloy parin sa paglalakad.
"I'm here na, also Yara to comfort you" inakbayan niya ako, kaya tumingin ako sakanya.
"I don't need comfort Selene because I'm okay i just need to be happy, ayokong ma stress sa mga taong walang kwenta" nginitian ko siya ng pilit.
"Sali naman ako diyan!" nagulat ako ng biglang umakbay sakin si Yara, tinignan ko siya ng masama "Oh! Why?"
"Ikaw babae ka! Hmp!" binatukan ko siya, hinawakan naman niya ang ulo niya "Magtino ka na nga!" sigaw ko sakanya.
"Matino naman ako ah!" natatawa ako sa itsura ni Yara, nag pout siya kaya halata 'yung mga pisngi niyang matataba.
"Tss, tamad ka parin" ngumisi ako at nagsimula na kami mag lakad ni Selene, nag belat naman si Selene kay Yara.
Ganyan kami mag bonding, laging kawawa si Yara kasi siya yung tamad samin ni Selene, matalino din si Selene hindi siya nawawala sa top samantalang si Yara puro parties and bars ang alam, in short happy go lucky.
"Sorry na Mads, magtitino na ako sa studies promise!" tinaas ni Yara ang right hand niya as a sign of her promise, binaba niya na ito at nag pout ulit "Hindi ako bibigyan ni Dad ng condo kapag mababa parin ang grades ko ngayong college" sabi niya habang nakayuko.
"I have an idea Girls!" sabay kaming napatingin ni Yara kay Selene, nag taas ako ng kilay kay Selene, nabasa ko kaagad kung ano ang nasa isip niya at eto nanaman tayo sa Dare Game na yan!
"Dare Game tayo!" sabi ko na nga ba, alam ko na "Kung sino ang first two na magkakaroon ng condo...." nag isip muna siya "Uhmm...." nag taas din ng kilay si Yara.
"What's the catch?" sabay crossed arm ni Yara.
"Wala akong maisip, kayo anong gusto niyo...." ngumiti siya ng may kahulugan "pero, ano game kayo?" hinintay niya kaming makasagot.
"Sige Game! Ako!" excited na nag tatatalon si Yara "Gagalingan ko sa Class para manalo ako!"
"Mag isip ka muna ng Catch! Kapag nakaisip kana tsaka na ako papayag" then i flipped my hair and walked,mag sisimula na yung klase kailangan ko ng pumasok.
***
You can follow me on my social media accounts:
Instagram: borjadaniella_
Twitter: dwanwella
Use the Hashtag #MFmMS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top