°44°
Chapter 44
I WAS looking at myself who's facing the mirror now as I fix myself for my plan today. I didn't notice that my phone is ringing nonstop, kung hindi pa pumasok si Honey sa loob ng kwarto ko at sabihing kanina pa nag iingay ang cellphone ko ay hindi ko mapapansin.
Balak ko sanang sabihan si Honey na samahan ako sa lakad ko ngayon, ngunit ayaw ko nang maka abala pa sakanya at alam kong may gagawin pa siya sa univ.
Dinampot ko ang cellphone na patuloy parin sa pag iingay, si Kuya Harries ang tumatawag na kaagad ko namang sinagot.
"Kuya..." I heard a rustling sound on the other line and I guess he's doing something.
"Are you sure that you're okay? We can still cancel the meeting with our parents---" I cut kuya's words with a sigh.
"I'm already fine with it kuya, tiyaka isa pa gusto ko ring maka usap sina Mom and Dad," kinuha ko ang sling bag na naka handa na sa kama ko at isinukbit iyon saakin, "Paalis na ako kuya, see you later."
"Okay, if you say so. Just leave me a message if you already arrived there, may dadaanan lang ako saglit."
"Okay, drive safely."
"I will, you too. See you later, bye." Nang matapos ang tawag ay tumingin ako kay Honey na kanina pa palang naka tayo sa may pintuan ng kwarto ko na sa tingin ko ay kanina pa ako hinihintay.
Pinatay ko muna ang ilaw at ang aircon sa kwarto ko bago ako nag lakad patungo sakanya na nauna ng lumabas, nang makalabas na ako ay isinarado ko ang pinto ng kwarto at humarap sakanya na may pag aalinlangan sa mga mata.
"You look bothered, are you okay?" panimula kong tanong sakanya, naka sunod lamang siya sakin habang nag lalakad ako pababa ng hagdan.
Hinintay ko ang sagot mula sakanya ngunit nang lumipas na ang ilang minutong hind siya sumagot ay huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Honey, ayos ka lang?" bakas sa mukha niya sa may bumabagabag sakanyang isipan kasi panay ang pag buka at sara ng bibig nito pero wala namag lumalabas na salita mula roon. "You can tell me anything Honey, may problema ka ba?"
Mataman ko lamang siyang pinag mamasdan hanggang sa siya ay sumagot. "Uhm," yumuko ito at tinuon ang atensyon sa mga daliri nito, "May nag deliver kasi kanina ng bulaklak, pero hindi sinabi kung sino. Sa tingin ko para 'yon sayo." Nangiti ako dahil sa sinabi niya.
Akala ko naman may problema siyang mabigat at may nangyaring hindi maganda kaya siya hindi mapakali kanina pa at hindi masabi saakin ng deretso, iyon lang pala ang dahilan.
"You can just tell me, akala ko may nangyari ng hindi maganda sayo." Nangingiti parin akong nagpa tuloy sa pagbaba sa hagdan at dumeretso sa salas kung saan nakalapag ang isang bouquet ng pink roses at ay naka lagay na isang maliit na sobre ruon.
"Wala bang sinabi ang nag deliver kung kanino galing?" tanong ko kay Honey habang sinusuri ang bulaklak, nag angat ako ng tingin kay Honey nang hindi ito sumagot kaagad.
Umiling ito bilang paunang sagot, "Ang sabi niya lang para daw po sainyo at ayaw daw ipasabi ng nagpa deliver na sakanya galing." I nodded.
Muli akong tumingin kay Honey habang iniaalis sa loob ng sobre ng sulat na nasa loob nito. "May pupuntahana ka ba ngayon? Isasabay na kita." Agad itong umiling.
"Hindi na Madison, kaya ko na ang sarili ko." Naka ngiti nitong sabi bago muling umakyat sa itaas. Nailing nalamang ako, Honey is always like that na ayaw na ayaw akong inaabala.
Such an independent woman.
I shrugged and decided to just read the letter,
"I guess you already knew the truth about my father, Madi. I'm really, really sorry for lying to you. I'm going to sort all of these by myself. I'm the one who should fix my Father's mess.
I love you Madison, and that's the only thing that I can't lie about. I love you, and I know that you will never forgive me for what I did to you but always remember that I love you and I will choose to love you every second every hour and every day.
-Kellen James"
I didn't realize that I'm already shedding tears after I read the letter from Kellen. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon, nagagalit ako at alam kong dapat akong magalit, pero sa kabila ng galit na nararamdaman ko ay nagagawa ko pang makaramdam ng pangungulila sakanya at mas lalo akong nagagalit sa sarili ko.
I miss him already, I miss how he bothers me every day, I miss his sweet tongue; his sweet words that can bring butterflies inside my belly and can make my knees lose its stability. I miss his smile, his laughter and him.
I miss that freaking liar already. But I shouldn't feel this thing for him, niloko at nag sinungaling parin siya saakin. Kung mahal niya ako bakit kailangan niyang mag sinungaling saakin? Bakit kailangan niyang mag sunod sunuran sa ama niya na alam naman niayng masama na hindi maganda ang ginagawa? Bakit kailangan niya akong gamitin para sa kapakanan ng tatay niya?
Bakit nagawa niya akong lokohin at gamitin kung mahal niya ako? Pag mamahal ba ang maaari mong itawag doon?
Hindi, mali 'to. Maling nag papatalo ako saaking emosyon, walang magandang mangyayari kung pangungunahan ako ng emosyon ko. Kahit saan man natin tignan, mali parin naman ang ginawa niya and I can't tolerate what he did to me, to us.
Kahit na mahal ko pa siya.
"Mads? Ayos ka lang ba?" nabigla ako sa biglang pag sulot ni Honey saaking harapan at kaagad kong pinalis ang mga luha saaking mata at inilapag ang bulaklak sa lamesa at itinapo sa basurahan ang sulat na iyon.
Nakangiti ko siyang nilingon, "I'm fine, nothing to be worry about," tumango tango ito kahit mukhang hindi naman siya kumbinsido sa sagot ko, ipinagsa walang bahala ko nalamang iyon at naglakad papalabas ng aking unit. "Hindi ka ba talaga sasabay?" tanong ko kay Honey nang makalabas na rin siya.
Pero katulad ng nakuha kong sagot sakanya kanina ay ganun rin ay nakuha kong sagot ngayon. Hinayaan ko nalamang siya at nang makababa kami ay hinintay ko muna siyang maka sakay ng cab bago ako nag tungo sa parking para kuhanin ang sasakyan ko.
Before I turn on the engine, I received a message from Kier.
From: Baby Bro
Ate 😊 I helped Mom cook our lunch for today! Mom is so excited to see you, and me too! <3
I automatically smiled when I read the message from Kier, I compose a reply saying 'Miss you too! I will judge your cooking later'
Inilapag ko na sa dash board ang cellphone ko, pinaandar na ang sasaktan at nag simula ng mag maneho.
I miss them too, mostly Mom and Dad. These past few years, I'm not a good daughter to them because of what happened in the past. Now, I realized that I'm wrong to be mad at them for such a very long time. But knowing everything that Dad did for me? I realized that I'm being too much from them. na hindi dapat ako nagali =t sa kanila ng ganuon katagal.
Tama nga sila, na kayang tiisin ng anak ang kanyang mga magulang pero hindi kayang tiisin ng magulang ang kanilang mga anak. And I already proved it myself, I'm not a good daughter to my parents; but I can still change, right?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top