°4°
Kira's (POV)
Lunch break na namin ngayon hindi naman masyadong hustle yung 4 subjects namin kanina, hindi rin masyadong nag discuss, siguro bukas? Hay, okay na rin yun para hindi kami mabigla.
Nandito kami ng kaibigan ko sa cafeteria. Dito kasi sa MHS dapat lahat may lunch, i mean is hindi kailangang magbayad para mag lunch yung pipila ka nalang, pero dapat yung pagkain na kukunin mo ay kailangan mong maubos kasi sayang daw yung pagkain ganun sila ka strict dito pero sanay na naman ako, simula elem sa Madrigal's school na ako nag aaral.
"Hoy Kira!"
"Urg! Ano ba?! Ginulat mo naman ako eh!" tinulak ko si Sienna, kaya nahulog siya sa upuan.
"Ouch ha! Letche ka! Ang sadista mo talaga no!" tumayo siya at bumalik sa kinauupuan niya.
"Kailangan ba talagang mang gulat? Tss, gaga ka talaga" nag mumuni muni ako tapos eepal siya? Kainis!
"Tulaley ka kasi girl, baka mahipan ka ng hangin diyan" sabay higop niya sa soup niya.
"Na pagod lang ako sa paglalakad" sabi ko at huminga ng malalim "Hayyy!" sinapo ko ang ulo ko, sabay inom sa ice tea ko.
Kumain lang si Sienna habang tinitignan ko siya, napansin niyang naka tingin ako sakanya kaya nilakihan niya ako ng mata sabay tingin sa food ko.
"Wala ka bang balak kumain? Hindi ka mabubusog sa ganda ko"
"Don't talk when your mouth is full! Tsaka, nakakawalang gana lalo na't nakikita kita" sabay irap ko, binato ko siya nang tissue pero nasalo niya naman, uminom siya ng ice tea niya at nagsalita.
"Mapapanis yang pagkain mo oh! Nilalaro mo lang" sabay turo niya sa pagkain ko, nilalaro ko kasi ng spoon yung food ko.
"Wala akong gana" naka sapo lang ako sa baba ko habang pinaglalaruan ang pagkain.
"Sinasayang mo lang yung pagkain. Ang dami kayang taong nagugutom, tapos ikaw mawalan lang ng gana sasayangin mo na ang pagkain" hindi ko siya tinignan, at ako patuloy parin ako sa paglalaro sa pagkain.
"Pake mo ba?" maikli kong sabi "Aray!" binatukan ako ng gaga! "Ano ba?" irita kong sabi.
"May pake ako tanga! Alam mo bang iyang kinakain mo! Madaming tao ang nagpakapagod para lang makakain tayo, tapos lalandiin mo lang umayos ka nga! Kung ayaw mo di sana hindi mo nalang pinaglaruan!" uminom siya ng ice tea niya "Akin na nga yan!" Hinigit niya sakin yung food ko kaya nabigla ako at napatingin sakanya.
"Anong gagawin mo diyan?"
"Baka ipanglampaso ko, tanga lang e no! Edi kakainin ko! Shunga mo" sinimulan na niyang kainin yung food ko na kinuha niya.
"Eh pinaglaruan ko na yan eh!"
"Masamang magsayang ng pagkain Kira, kapag nagutom ka mamaya wag kang magpapasama saaking bumili ah" patuloy lang siya sa pagkain pero inirapan ko lang siya "at kapag nakita ka ni Mrs.Domingo, lagot ka,Guidance abot mo"
Hindi ko nalang inintindi yung mga sinabi niya, ganun dito kapag hindi sumunod sa rules and regulations guidance agad.
"Miss Levina where's your food?" ow shet! Tinamaan na ng lintik, speaking off.
"A-ah ka-kasi p-" tumingin si Mrs.Domingo kay Sienna.
"Miss Angeles bakit dalawa ang plate mo?" nagulat naman si Sienna, na punong puno ang bibig niya ng pagkain.
Bumalik ulit sakin ang tingin ni Mrs Domingo, God sorry po 'di ko na po uulitin promise po.
"Miss Levina! guidance now!"
Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos niya, shet Nakakahiya.
--
"Miss Levina simple lang naman ang patakaran hindi ba? kakainin mo lang ang pagkain at uubusin, para rin naman sa kapakanan mo ang rule na yun" Nasa guidance na ako ngayon, at kasalukuyang sinesermunan ng guidance counselor na si Mrs Rodriguez.
"Sorry po Ma'am, 'di na po mauulit" nakayuko lang ako dahil sa takot ko sakanya,tsaka nahihiya rin ako.
"Hindi na talaga ito mauulit Miss Levina, Dahil sa ginawa mo meron akong ibibigay sayo na task na dapat mong gawin, sa ayaw at sa gusto mo" napa angat ang ulo ko at tumingin kay Mrs Rodriguez ng may pagtataka.
"Ano naman po 'yon?" ngumiti si Mrs Rodriguez na para bang.....ewan?
--
Sa lahat naman ng task! Eto pa talaga? What the hell!
"Hoy! Panget! Focus nga!"
Bakit? Siya pa? Kainis naman? Bakit kailangang si Kier Madrigal pa yung magtuturo sakin? Bakit siya pa? Porket ba laging top 1 siya? Eh ano bang pakelam nila sa grades ko?
"Nakikinig ka ba?"
Sabi ni Mrs Rodriguez, mag papa-tutor daw ako Kay Kier kasi mabababa daw yung grades ko at kapag nag improve yung grades ko, makakapasa ako para sa college, pero kasi? Si Kier yung magtuturo sakin eh! itong mayabang na ito?
"Hoy! Levina! Are you listening?" iritang sabi niya, at sinara ang libro.
"Tss, ang ingay mo!" i crossed my arm, letche! Hindi ko matatagalan ang kayabangan netong lalake na'to.
"Kung ayaw mong makinig sakin umalis ka nalang sa harapan ko, you're wasting my time" inayos na niya yung mga libro.
"Okay, Hindi ko naman kailangan ng tulong mo, and I've never ask for it" kinuha ko na ang bag ko "Bye" nag wave na ako sakanya at tumalikod na paalis.
"Wag kang lalapit sakin kapag bumagsak ka" nilingon ko siya, tumayo na siya at umalis na, nung nasa pinto na siya.....
"Tss little dwarf!" sigaw ko sakanya, tumigil siya at tumingin ng masama sakin.
"What did you say?" unti unti siyang lumalapit sakin, with that creepy face of him. Oh-ow.
"Bingi ka ba? Tss little dwarf" tinarayan ko lang siya pero tuloy parin siya sa paglapit sakin.
"Little Dwarf?" tuloy lang siya sa pagtawa ng sarkastiko,sa bawat pag lapit niya sakin napapa atras nalang ako "Tss, tandaan mo 'tong araw na 'to Miss Levina" at umalis na siya ng tuluyan.
Naka hinga ako ng maluwag dun ah! Naku! Kukutusan ko yang Dwarf na yan eh! Tss kainis!
--
Madison Kiera's (POV)
I'm going to my last class now which is math, my favorite subject. Actually it's fun day Kahit na wala pa dito yung mga kaibigan ko, wala namang sumira ng araw ko kaya it's super fun!
"Outch!" napahawak ako sa braso ko dahil sa sobrang lakas ng pag bangga niya sakin, Shet! "Watch your step naman!" sigaw ko sakanya, pero naka talikod lang siya sakin, hindi man lang ba siya hihingi ng sorry?
He just walked without saying anything! Shet! Hindi ba siya tao? Hindi niya alam yung salitang sorry? May dumaan sa tabi ko na isang studyante na may dalang makapal na libro, ayaw mong lumingon saakin ha.
"Can i barrow your book?" ngumiti siya sakin at inabot ang libro, medyo mabigat pero okay na 'to, bago pa tuluyang makalayo yung guy na hindi marunong mag sorry eh pwersa kong binato sakanya itong librong hawak ko.
"Puta!" Ow poor guy, bagay lang sayo yan! Napa upo pa siya dahil sa sobrang lakas ng impact sakanya, nakakatawa siya, Tumawa ako ng mapang asar, simple lang naman ang gusto, na humingi siya ng sorry, hayan tuloy.
--
Kellen James's (POV)
On the way to my last class, Math i hate that subject! Bakit pa kasi nauso yan, Putcha! Nag ring yung phone ko, ow! It's Kira, i answered it.
"Yes 'lil Sis?"
"Kuya, mauuna na ako ha, i have so many assignments pa eh"
"Nasaan ka ngayon?"
"Palabas na ng school, why?"
"Wait me there okay"
"Wag mo na ako ihatid Kuya,i can commute."
"No, ipapasundo nalang kita kay Kuya Mike"
"Kuya, I text him na kanina, susunduin niya daw si Mom"
"Okay just wait me there okay, ihahatid kita sa sakayan baka kung ano pang mangyari sayo"
"Bu-"
Pinatay ko na ang phone ko at nagmadaling maglakad, kailangan kong mahatid si Kira bago mag start ang klase namin. at sa pagmamadali ko, may nabangga ako na hindi sinasadya.
"Outch!" napasulyap ako sa nabangga ko, Shet! si Madison! "Watch your step!" sigaw niya sakin, yumuko ako para hindi niya ako makita, umiiwas ako ng tingin kapag napapa tingin siya sakin.
Mabilis akong nag lakad palayo sakanya, shet! Nakakahiya! Hindi nalang ako nagsalita.
"Puta!" napaupo ako dahil sa sakit! Tangna! Sinong bumato sakin? Natamaan ako sa likod!
Nagawa niya pang tumawa? Tangna! Ang sakit ng likod ko! Tinignan ko yung librong binato niya sakin, letche! Ang kapal pala neto! Sino bang hindi masasaktan dito?
Nilingon ko siya, sabay tayo.
"How's the feeling?" pang aasar niya pa sakin, tangna! Kahit anghel 'to! Hindi ko papabayaan na masaktan ako!
"Tangna" mahina kong sabi habang palapit sakanya, hawak hawak ko parin yung likod ko na binato niya.
Nagsilapitan yung mga tao dito, at as usual naki isyoso nanaman paano ba naman ako 'to! Famous ako!
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at tinext si Kira na mauna na siya.
Nandito na ako sa harapan ni Madison at tinignan ko siya ng masama.
"Kung ikaw kaya batuhin ko ng librong 'yon!" sabay turo ko dun sa librong binato niya sakin "Hindi ka ba masasaktan?!" sigaw ko sakanya, pero tinawanan niya lang ako, what! The Hell!
"Binalik ko lang naman sayo" lumapit siya sakin, yung malapit na malapit,shet! I can smell her breathe "Yung sakit!" Pinag diinan niya talaga yung pagkasabi ng sakit "Look!" sabay turo niya dun sa braso niya na nabangga ko kanina, shet! Dumudugo! Nanlaki ang mata ko "Dahil diyan sa bracelet mo na mukhang pang demon!"
Puta! Hindi ko namalayan na mayroon pala akong suot neto! Tangna, nasugatan ko siya! Patusok tusok kasi 'tong bracelet ko na medyo matulis.
"Sa susunod na babanggain mo 'ko! Mamamatay ka na! Letche! Ang hinihintay ko lang naman eh yung sorry mo! Pero wala eh, you just walked without saying anything!" bakit hindi ako makapagsalita? Hindi ko siya malabanan! Nasan na yung kayabangan ko? Bakit iniwan ako ngayon?
"At eto! Binigyan mo pa ako ng remembrance na hindi ko gusto!" tinignan niya ulit ako ng sobrang lisik.
Shet! Ginalit ko siya! Mag sosorry nalang ako.
"I'm really really so---"
"Sorry your face! Ngayon pa na hindi ko na kailangan niyan! Tss just get out of my way! Baka kung ano pang magawa ko sayo!" tinulak niya ako ng malakas, huminga nalang ako ng malalim dahil hindi talaga ako makapaniwala na hindi ko man lang siya napatulan? Tangna! Nasaktan din naman ako ah.
Tangna! Ano ba talagang nangyayari sakin?
***
You can follow me on my social media accounts:
Instagram: borjadaniella_
Twitter: dwanwella
Use the Hashtag #MFmMS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top