°33°
New book cover by aestaetic
Chapter 33 - Trouble
"Bakit mo kami pinapunta dito? 'Nuh balita? Kamusta akads mo?" Yara ask while she's looking some food on the fridge,diyan talaga siya dumeretso pagka dating niya si Selene naman agad na padapang humiga sa long couch na ani mo'y pagod na pagod.
Mga kaibigan ko sila,pero bakit wala akong alam sa mga buhay nila? Ganuon ba ako ka busy-ing tao?,kaloka!
"Yeah,anong balita sa'yo? Balita ko nababaliw kana sa kaka review para sa mid terms ah,sorry girl we don't feel you" halata sa boses ni Selene ang pagod pero nagawa pa akong lokohin ng gaga,dumampot ako ng isang pillow at binato 'yun sakanya sakto naman na natamaan siya sa mukha.
"Nakakainis kasi kayo! Na excepted tuloy kayo dahil sa lesheng trip niyo na 'yon.Urgh! Ang hirap pagsiksikin lahat ng topics ng subjects sa utak ko ah,pero kayo hayahay lang kasi ang dami niyong free time-" agad akong pinutol ni Selene sa pagmamaktol ko ng bigla siyang umayos ng upo at huminga ng malalim,she looks frustrated.
"For your info Mads,never akong pinagpahinga ni Dad dahil sa business namin! Na excepted nga kami pero handling business naman ang pinalit ni Dad,sheez! Nakakainis!" Konti nalang ay mapuputulan na ng litid si Selene dahil sa kakasigaw niya,narindi rin ako dun ah.
Yara sit beside me. "Ayaw kasi ni Tito na lumandi ka muna kaya puro negosyo ang pinapaatupag sa'yo" anito habang sumusubo sa ice cream na nakita niya sa fridge ko,
"Ice cream ko 'yan e!" Pilit kong inagaw sakanya ang solo pack chocp fudge na pinabili ko kay Honey kanina nung pauwi siya,tapos kakainin niya lang? Panay parin ang agaw ko sa ice cream na hawak niya pero bigla niyang dinilaan lahat ng ibabaw ng ice cream
"Yuck! Kadiri ka!" Sabay naming sabi ni Selene dahil ginagawa ni Yara,para siyang aso kaya.
"Nakain ko na kasi,ano 'to isusuka ko pa?" She said then scoop a spoonful of ice cream and put it into her mouth,salaula talaga ng babaeng 'to.
"Back to the topic nga,what's Yara mean? 'Yung sa nakikipaglandian ka,ano 'yon?" Biglang sumama ang tingin ni Selene kay Yara na seryosong kumakain ng ice cream,pero bago pa ako masagot ni Selene si Yara na ang sumagot sa tanong ko
"Kasi 'yang friend natin,nahuli ni Tito na may ini-stalk sa facebook,IG,pati narin kamo sa twitter.Then itong ate girl mo,gabing gabi na kung matulog kaya hayan may isang maletang eye bags,palagi kasing may kausap sa cellphone.And if you're ask me kung sino 'yun? No one knows girl,'yung malandi lang ang nakakaalam kung sino ang nilalandi--Aray ko naman! Batuhin kaya kita ng sofa diyan!" Hindi naituloy ni Yara ang pagsasalaysay niya ng batuhin siya ni Yara ng pillow
"Maka malandi ka ha! You don't know what really happens so don't judge me,it's hurt huh" umarte ito na parang nasasaktan,pero hindi naman madamdaming tao 'yang si Selene kahit siguro i bash 'yan ng sandamakmak na fans ng ibang model ay hindi 'yan ma he-hurt.
"Dami niyong dada,so ano na nga kwentuhan niyo na ako"
"E sino ba kasi ang nagpapunta saamin dito 'diba? Ikaw maunang mag kwento." Bumalik ulit si Selene sa pagkakahiga niya sa couch pero nakatingin lang saakin at parang hinihintay akong magsimulang magkwento,ganun din si Yara na nakamasid saakin habang sumusubo sa kinakain niya.
I deep sigh. "Bukod sa pinoproblema ko ang mid terms," huminga ulit ako ng malalim bago nagsalita "Si James,i can't understand his moodswings.Yesterday,sa rooftop bigla nalang siyang nagalit saakin at iniwan ako" pagrereklamo ko na animo'y bata.Kasi totoo naman e!
"Isipin mo kung anong nangyari or nagawa mo bago siya nagkaganuon" ani Selene
"Yep.I think he have a reason naman kaya siya nag mala Delima 'diba" ani Yara,gumana nanaman ang pagiging konyo niya.
"Bago siya nagalit,tumawag si Russel saakin para itanong kung anong gusto ko para sa lunch so that's it-"
"Naku girl! Teka Yara! Umalis ka diyan baka matapakan mo 'yung buhok ni Mads,ang haba e!" Bigla bigla nalang tumayo si Selene at hinila si Yara na hindi maintindihan ang ginagawa niya "Kasi naman girl,ganyan ka na ba talaga kamanhid? Alam mo kung katabi mo si Calvin ngayon,siguro nakurot ka na nun sa tagiliran dahil niyan sa katigasan ng puso mo na hindi na makaramdam," she paused, at kinotongan ako bigla
"Nakakasakit kana ah! Bakit ba? Tsaka,bakit ba ang big deal sainyo ng word na 'manhid na 'yan? E hindi ko naman natuturuan 'yung puso ko na maging malambot nalang ulit 'diba?" Hinimas ko ang ulo ko na kinotongan niya
"Dapat nga 'yan saiyo ang manhid mo kasi,nagseselos si James kaya ganuon nalang ang naging reaksyon niya kaya 'wag ka nang magtaka kung iniwan ka nalang niya bigla,buti nga at iniwan ka ni James para matauhan ka."
--
Hanggang ngayon iniisip ko parin ang sinabi ni Selene kanina,nagseselos? Si James? Hindi ko inakala na ang isang Famous at sanay sa atensyon na katulad niya ay nakakaramdam ng selos,hindi pa nga nag si-sink in sa sistema ko ang sinabi niya na mahal niya ako e,at ngayon nagseselos na siya? At ng dahil pa kay Russel,tumawag lang naman siya saakin at 'yun lang.
Hindi ko maintindihan ng maayos,pati itong sarili ko at puso ko ay hindi ko maintindihan dahil parang ang saya saya niya na nagseselos si James,parang biglang sumaya at sumigla ang puso ko na isin na nagseselos talaga siya.Aish! Huwag! It's a no,no,no hindi ko panghahawakan ang sinabi ni Selene kung hindi ko pa naman napapatunayan kung ano ba talaga.Hindi muna ako aasa kasi baka mauwi nanaman ako sa pagiging luhaan.
James's POV
Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama,nakatingin lang ako sa kisame at iniisip lahat ng nangyari ngayong araw.Sa isang buong araw na ito parang napaka daming nangyari pero bumagsak nanaman ang puso ko at hindi nanaman nito kinaya.
Bakit ba ang hina hina ng puso ko pagdating sakanya? Pagdating sa lintik na pagmamahal na 'yan?
"Hayyy! Nakakainis! Bakit ba kasi ang manhid manhid niya?! Ganun na ba ako kawalang kwenta sa paningin niya?! May puso rin naman ako oh! Puta!"
"You can't solve anything if you just lay on your bed and you don't do anything to prove yourself to her" napabangon ako bigla dahil sa nagsalita
"K-Kira,anong ginagawa mo riyan?" Nakatayo kasi ito na hamba ng pinto,bakit ba nakalimutan kong isara 'yon?
"Kuya,baka nakakalimutan mo na katabi lang ng kwarto ko ang kwarto mo.Bigla bigla nalang kitang maririnig na sumisigaw diyan pero wala ka namang kausap,kuya may kilala akong psychiatrist gusto mo?" Sarkastikong sagot saakin ni Kira,ang bait niya talaga saakin kaya mahal na mahal ko ito e.Tumayo ako at lumapit sakanya
"Just think that this is not happened,go to your room" nanatiling walang emosyon ang mukha niya
"Kuya,hindi ka magiging okay kung hindi mo hahayaan ang sarili mo na maging okay,pretending is one of the wrong words in this world.You're jealous right? But you don't make a move kasi nga sabi mo manhid siya,yes manhid nga siya at hindi niya naramdaman na nagseselos ka,so she's free to do things what she wants.Malay mo masaya na pala sila ngayon ng taong pinagseselosan mo,'diba masaya 'yon?"
Napatanga ako dahil sa sinabi niya.
"Sige,maaga pa ako bukas.Goodluck saiyo kuya kong napaka tanga" umalis ito sa harapan ko at nanatili parin akong nakatulala na parang tanga at hindi alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko.
Walang mangyayari kung hindi ko gagawin ang dapat na mangyari.
Mahal ko siya at dapat ako lang ang taong mamahalin niya.Ako lang.
A/N: Bakit ba kasi ang manhid mo Madison ha? At ikaw James,tutunganga ka nalang talaga diyan? Hay bwisit!
BITTER SI AUTHOR KAYA 'WAG NIYO AKONG TATANUNGIN SA MGA LOVE LOVE NA 'YAN KUNDI MATITIRIS KO KAYONG BUHAY.
CHARUT!
#HindiNatatakotAngTaongTunayNaNagmamahal
#ItsAlreadyNear
#We'reInTheHalf
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top