°32°
Chapter 32 - What the heck?!
Madison's POV
Malapit na ang mid terms kaya puspusan ako sa pag re-review ng notes ko,madami narin akong nahiram na libro kahapon sa library para sa pag re-review,hindi naman kasi natin alam kung alin ba ang mga kasamang topic sa exams kaya lahat nalang ay ire-review ko para wala ng makaligtas,kahit nga 'yung mga topic na hindi namin napag aralan ay inaral ko narin para wala ng problema.
Mag-isa lang akong nag rereview dito sa rooftop dahil dito ang lugar kung saan walang iistorbo saakin,hindi naman ako sasamahan ng butin kong mga kaibigan para mag review kasi exempted na sila sa exam kasi sila ang pinakamaraming nalikom sa pera nuong foundation day,bakit ba kasi ako hindi sumali sakanila? Edi sana hayahay ako ngayon,pero kung sumali naman ako malilintikan ako sa kuya ko pati narin kay Mom and Dad,mas okay na sigurong mag aral at mag exam kaysa ganuon.
Buti nalang talaga at handa ako sa labanan,ginawan kasi ako ng lunch kanina ni Honey kaya eto hindi na kailangan pang bumaba at pumunta sa canteen para kumain,hindi narin ako naistorbo sa pag aaral ko.Kumakain ako habang nagbabasa ng libro ng tumunog ang cellphone ko sa gilid ko,kanina pa ako hinahanap ng mga taong ito mga istorbo e,papatayin ko na sana ang phone ko ng bigla nalang lumitaw ang pangalan ni James na tumatawag kaya napindot ko ang answer.
"Hi Madison,asan ka? Kanina pa ako nag papaikot ikot dito pero hindi kita mahanap,asa condo mo ba ikaw? Pupuntahan kita-" huminga ako ng malalim ng mahinto siya sa kakatanong niya
"James,ang dami mong tanong,imbestigador kaba? To answer your all questions,wala ako sa condo ko kasi nandito ako sa Univ,and andito ako sa rooftop kasi nag re-review ako kaya 'wag kang OA diyan,at huwag na huwag mo akong iistorbohin kasi busy ako kundi malilintikan ka saakin,bye." Mabilis kong pinatay ang tawag at in-off ang phone ko para wala ng istorbo pa na mangulit saakin.
Malapit ko ng matapos ang librong binabasa ko ng biglang dumilim ang harapan ko na parang may nakaharang na kung ano,inangat ko ang tingin ko.
"What the hell are you doing here? Sabi ko sa'yo na ayoko ng istorbo 'diba?" Pagtataray ko sakanya pero nginisihan lamang ako ng lokong 'to.Tumabi siya saakin ng upo sa sahig,sinundan ko lamang siya ng tingin at ganun din siya na wagas kung makangiti.
"Promise ko,hindi ako magiging istorbo sa pagre-review mo.I'm staying here,sitting beside you.Just pretend that I'm not here so you could focus" he winked at me then he focus on his ipad.Napairap nalang ako sa hangin at pinagpatuloy ang pagbabasa ko.
Natapos ko na ang libro kong binabasa at dinampot ko naman ang isa ko pang babasahin ng pigilan niya akong kunin iyon,nilingon ko siya na halos malugmok na ang itsura.
"Oh? Baket nanaman?!" Para itong bata na nakasimangot.
Bumalik nalamang ulit ako sa pagbabasa ng notes ko pero bigla niya itong inagaw
"Hey! Stop bothering me! James ibalik mo sakin ang notebook ko! Nagbabasa ako e"sigaw ko sakanya pero patuloy parin ito sa pagtaas ng notebook ko para hindi maabot
"No I cant"sabi niya,pero patuloy ko paring inaagaw ko sakanya ang notebook ko
"Why?!"tanong ko sakanya kahit sobra na akong iritado sakanya na sa point na masasapak ko na talaga siya
"I want to hear your fucking voice! And i want to be with you"sabi niya sakin,napatigil ako sa pag abot at tiningnan siya ng hindi makapaniwalang tingin
"Tsk,corny"sabi ko and i took the opportunity para maagaw ko ang notebook ko at nagbasa ulit kung saan ako huminto kanina.
Hindi pa ako nakakapag simulang magbasa ng bigla niya nalamang akong itinulak sa pader nang medyo malakas pero hindi naman masyadong masakit
"Ouch! Wh---"hindi ko naituloy yung sasabihin ko ng bigla niya nalang siilin ang labi ko ng mga labi niya.
And Fvck!
He kiss me so fast,dammit! Hindi ko mahabol ang paggalaw ng labi niya,hindi ko rin alam kung ilang minuto o segundo man ang itinagal ng paghahalikan namin ng siya na mismo ang tumapos ng sinimulan niya.
Halos mapugto ang hininga ko dahil sa halik na pinag saluhan namin.Isang masamang tingin ang itinapon ko sakanya pero nginitian lang ako ng loko at bumalik sa pusisyon niya kanina na parang walang nangyari.
"Bwisit ka,alam mo 'yun" padabog akong bumalik sa pwesto ko at nagbasa nalang ulit lahit hindi na ako makapag focus dahil sa ginawa namin.
"Hindi ka pa ba tapos diyan?" Tumawa ako ng pagak bago siya sinagot
"James,nag rereview ako diba? Ikaw lang naman ang kusang nagpunta dito tapos itatanong mo kung hindi paba ako tapos dito,syempre hindi pa.Kung naiinip kana,pwede kanang bumaba" ibinalik ko ang atensyon ko saaking binabasa,nakakainit din ng ulo ang isang ito kung papansinin ko pa.
"Psst.Sorry,galit ka ba? Gusto lang naman kitang makasama,uy 'wag ka namang ganyan" isinara ko ng malakas na pwersa ang librong binabasa ko at aakmang ipupukpok yun sakanya at umilag naman ang gago.
"Isa pa talagang pangungulit mo ipupukpok ko na ito sa bungo mo!" Agad naman siyang tumahimik na parang batang napagalitan,i deeply breath,jusko po! Mababaliw ako sa kakulitan ng taong ito "hindi ako galit,just please let me finish what I'm doing,mid terms na kaya kailangan ko talagang mag focus."
"Sorry" he whispered, but i can hear him.Tumango nalamang ako bilang sagot at nagpatuloy sa pagbabasa.Magsisimula na sana akong magbasa ng mag ring ang phone ko,and it's Russel who's calling,isa parin itong istorbo.
"Yes?" I ask straight to the point.
"What do you want for lunch? Honey?" Ayan nanaman siya sa kakalandi niya,kung pwede lang ipamigay ang pagmamahal sa iba siguro matagal ko ng pinamigay ang damdamin saakin ni Russel,pero hindi naman nangyayari 'yon 'diba?
'Hindi naman kasi natuturuan ang puso kung sino ang gustuhing mahalin nito'
"Anything,just don't disturb me this time,bye" pinatay ko na ang tawag at magbabasa na sana ulit ng mapansin kong may matatalim na tingin ang nakatingin saakin.
"What?"
Matiim lang siyang nakatingin saakin,at nakatiim bagang ito na para bang may nagawa akong kasalanan.Wala naman 'diba?
" 'Pag ako ayaw mo,kapag siya pwede.You're unfair." Tumayo ito
"Huy! Hindi kita gets,ano bang ipinuputok ng buchi mo diyan? Wala-"
"Yuon nga ang mahirap saiyo e! Hindi mo ako ma gets,hindi ko alam kung nagbubulag bulagan ka o sadyang napaka manhid mo lang? Alam mo na naman na gusto kita,no scratch that,mahal na nga kita e tapos eto pa ang isusukli mo,Madison naman! Be fair." Tumayo ako para pantayan siya,i pointed him.
"I really don't understand you.Can you just straight to the point? Kasi nakakabaliw mag isip kung ano bang tumatakbo diyan sa malisyoso mong utak-"
"So,ako pa talaga ang malisyoso ang utak? Wow,just wow." Tumalikod ito at maglalakad na palayo
"Ano bang nagawa ko?! If i can still remember ang gusto ko lang naman ay 'wag mo akong isturbuhin sa pag re-review ko and that's all,tapos bigla kang mag dadrama ng ganyan,you're being childish James" tumigil ito sa paglalakad pero hindi parin tumitingin saakin
"Think more." Iyon lamang ang sinabi nito at nanatili lamang na naka tayo ruon at nakatalikod saakin.
Ano pa bang iisipin ko? Please,enlighten me kung ano man ang kinagalit ng taong ito.Think,please think.
"Sana maisip mo,hangga't kaya ko pang pasanin lahat ng sakit." Sabi nito bago mabilis na umalis dito sa rooftop.
"Hay! Ano bang gagawin ko sa taong ito! Pwede bang magpahinga kahit one day lang?! Bwisit naman oh!"
--
A/N: So 'yun na nga,bitin ulit alam ko.Pero kahit anong gawin ko,mas pinili niya parin ang iba kaysa saakin CHOOOOS! saan naman nanggaling 'yon? Basta,eto lang ang masasabi ko.'Yang mga may lablayp na 'yan,tsk tsk hindi rin kayo magtatagal masasaktan ka lang tandaan mo.
Ano bang naidudulot ng pagmamahal? Masaya sa una pero masasaktan ka sa huli,sabi nga ng teacher ko sa E.S.P,kaya mayruong pagmamahal ay nakalaan tayo para magmahal at magparamdam ng pagmamahal sa isang tao.Pero masasaktan ka lang kung puro katangahan 'yang pina iral mo!
BITTER nga kasi ako! BITTER AKO!
Hanggang dito nalang mga bebes,wait for the next update.Sayonara!
PS: LOVE CAN'T HEAL YOUR WOUNDS,IT WILL MAKE MORE SORE.MAS NAGMAMAHAL,MAS NASASAKTAN.
#BABYtayinKitaKapagUmiyakKaDahilSaLeshengPagmamahalNaYan
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top