°3°


Madison's (POV)



Ang tagal mag start ng classes, masyado pa kasing maaga 7:00 am palang, another one hour of waiting. Napagod na ako sa paglalakad kaya naupo muna ako, sakit na ng legs ko dahil kanina pa ako palakad lakad.


Wala pa kasi ngayon ang mga kaibigan ko, si Yara nasa hongkong pa samantalang si Selene naman ay nasa Ilocos pa kaya ako, eto nag sisipag, Hindi kaya ako na absent laging perfect ang attendance ko, tsaka ayoko na nahuhuli ako sa pinag aaralan.


Kinuha ko ang cellphone ko, may mensahe pala saakin si Kier hindi ko napansin.

From:Baby Bro

Ate! How are you? I'm going to my first class now :) take care Love lots Mwa!


Ang sweet naman baby bro ko. Na miss ko tuloy siya agad, ngiting ngiti ako dito habang binabasa ang message ni Kier, mamaya ko nalang siya rereplayan sabi niya nasa first class na daw siya.


Pinapanood ko lang ang mga ginagawa ng mga tao dito, eh wala naman akong makausap, diba nga sinabi ko na sainyo na hindi ako friendly na dapat sila yung unang mag approach sakin.


"Umm excuse me Miss" lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, nakita ko yung babaeng mukhang na shock nang makita ako.


"You okay?" hindi parin kasi kumukurap yung mga mata niya na nakatitig lang sakin "What's wrong?"


"Oh My God" yun lang ang sinabi niya sakin, at tinakpan ang bibig niya na para bang pinipigilan ang sarili niya na tumili. "Miss Madison!" Nabigla ako kasi nagtatalon siya.


"Hey! Why?" tumayo ako para pantayan siya.


"First time ko po kayong makita sa personal!" i smiled at her widely.


"Hindi ka ba sa MHS nag aral?" takang tanong ko sakanya.


"Hindi po eh, transferee lang po ako dito, nakikita ko lang po kayo sa facebook and IG" napa 'Ah' nalang ako kasabay ng pagtango, ngumiti ulit ako sakanya dahil sa ang cute niya, baby face.


"Oh, really? Paano mo ako nakilala?"


"Nakikita ko lang po ang mga pictures niyo sa IG at FB tsaka lagi po kayong pinag uusapan ng mga classmates at schoolmates ko" nabigla ako sa sinabi niya, ganun na ba talaga ako ka sikat? Pati ibang school ina admire na ako?


"Okay" then smiled sweetly, ayoko pang mag taray ngayon masyado pang maaga tsaka mabait siya, alangan namang tarayan ko 'diba?


"Umm,Miss Madis--" pinutol ko ang sasabihin niya.


"Just call me Madison" i said.


"Umm okay po, Mis- ay este Madison pwede po bang mag request?" ngumiti siya sakin na parang nahihiya.


"Yeah sure! What is it?"


"Pwede po bang magpa picture sayo? kung pwede lang po" ngumiti ulit siya na nahihiya.


"Okay" with a sweet smile, kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at nag selfie kaming dalawa "Ako naman maghahawak" agad niya namang binigay sakin ang phone niya at nag selfie ulit kami.


"Thank you very much po!" nag bow pa siya sakin.


"You're very much welcome" sabi ko naman, nag wave na siya sakin at umalis na, bumalik ulit ako sa pagkakaupo ko.


Tumayo ako at nag lakad ulit, ang boring lang talaga, nakakainis! Wala pa akong kasama at makausap dito.

--


Nandito ako ngayon sa field, naglalakad mag isa at lahat ng nakaka salubong ko ngumingiti sakin at binabati ako, pero wala ako sa mood ngumiti at pansinin sila alam na naman siguro nila na snobber ako hindi ba? Sila pa nga nag bigay ng titulo na iyon saakin.


Patuloy lang ako sa paglalakad nang may mga babaeng nakaharang sa daraanan ko, actually nag chichismisan sila at grabe! Yung mga pinaguusapan nila puro kalandian! Babae ba talaga sila?

"Ehem-Ehem" sabi ko para mapansin nila na nandito ako, shet! Hindi ba nila ako kilala?

Tuloy parin sila sa paguusap nila "Excuse me" dagdag ko pa, pero hindi parin nila ako napapansin.


Urg! they're pissing me off! Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.


"Get! Out! Of! My! Way!" lahat sila tumingin sakin, and thank God tumahimik rin sila at napansin na ako.


Lumapit sakin yung babae na malapad ang noo "Who the Hell are you?" Trying hard siyang magkaroon ng accent ang english niya.


Nagsilapitan ang mga tao at pinalibutan kami at ang sama ng tingin nila dun sa babaeng malapad ang noo.


"Hindi mo siya kilala?" rinig kong tanong nung isang babae, i remember siya yung sumigaw kanina noong pagkadating ko.


"Itatanong ko ba kung kilala ko siya" pagtataray nung babaeng malapad ang noo, napangisi nalang ako, shet! This will be fun!


"Sino ka ba sa tingin mo ha?" dagdag pa nung babaeng malapad ang noo.


"You don't know me" i said sarcastically "Gusto mo pa bang makilala ako?" unti unti akong lumalapit sakanya, napapa smirk nalang ako kasi yung reaction niya, mukhang tanga!


Tinanggal ko ang shades ko at tinitigan siya.


"Wala akong pakealam kung sino ka mang....Bitch ka!" nagpantig ang tenga ko sa mga narinig ko.


"What did you say? Bitch?" nanlisik na yung mga tingin ko sakanya, napakuyom ang kamay ko sa inis! "Ako? Bitch?"


Nilibot ko sa mga taong nandito ang paningin ko.


"Eh mas mukha ka namang bitch kaysa kay Miss Madison eh!" iritang sabi nung babae, lahat sila ang sama ng tingin kay babaeng malapad ang noo.


"Tingnan mo nag agree sila sa sinabi mo" i tapped her left shoulder "Hindi ka ba nasasaktan sa sinabi mo? Tinawag mong BITCH! ang sarili mo" then i laugh after i said that.


Narinig ko din ang malalakas na tawa ng mga estudyante dito na nanonood saamin ngayon.


"Urg! Isusumbong kita sa Dean!" Ay na beastmode na si ateng, ano ba yan nag eenjoy pa naman akong makipag away.


"Then go, dali! Samahan pa kita" ngumiti ako ng malapad, nilagay ko muna ang shades ko sa head ko "oh! What are you waiting for? Let's go!" Tinignan niya lang ako ng masama.


"I'm gonna kill you now!" tatangkain niya ng sabunutan ako pero.....


"Hey Stop!"


May humarang sakanyang lalake kaya nabigla yung babaeng malapad ang noo.


"Umalis ka diyan! Hindi pa ako tapos sakanya!" sabi niya dun sa lalaki na nakaharang sakin.


"Just stop this" The guy said.


Inilagay ko ulit yung shades sa eyes ko umiinit na kasi, pinatong ko yung kamay ko sa left shoulder nung guy at pina move siya sa side.


"Kaya ko 'to" Nginitian ko ang lalaki na naka shades din. he's kinda cool but wala akong pakealam sakanya ngayon.


"Hey, Poor little Bitch! Kung magsusumbong ka sa Dean, then go! I'm not scared tsaka kapag tinanong niya kung anong nangyari, don't change the story ha kasi madaming nakakita oh!" lumingon ako sa lahat ng tao dito "They all notice how BITCH YOU ARE!" nilakihan ko siya ng mata at napa atras siya.


Nakita ko sa mga mata niya yung takot, sinimulan niya 'to edi ako ang tatapos.


Tumalikod ako at aakmang aalis na sana pero may nakalimutan akong sabihin sakanya, muli ko siyang nilingon.


"I forgot to tell you this, kapag sinumbong mo ako just say 'Hi' me to my Kuya nalang ha" ngumiti ulit ako ng nakakaloko.


"Wh-what do you mean?" ay kinakabahan si ate mong malapad ang noo, masyado akong nag enjoy.


"Sorry you don't know me nga pala, I'm Madison Kiera MADRIGAL" diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko ng surname ko "Now! You know me na, Go to my kuya isumbong mo na ako" ngumiti ako ng sarkastiko at tumalikod na, sakto namang bumungad saakin iyong lalaki na humarang kanina.


"Thanks for the help but no thanks kasi hindi ko kailangan, Bye" then i smiled and wave, halatang nabigla siya sa ginawa ko kasi nanlake yung eyes niya.


Naglakad na ako papunta sa cafeteria, i need a drink masyadong natuyot yung lalamunan ko masyado atang nanibago sa pagtataray.


"That was fun" Sabi ko sa sarili ko, habang may malapad na ngiti sa mga labi.

--








Kellen James's (POV)


"I'm gonna kill you now!" tatangkain na sana nung isang babae na sabunutan yung Angel ko, kaya agad akong naalarma at hinarangan siya.


"Hey Stop!" sigaw ko dun sa babae,at sinamaan siya ng tingin.

Numula pa yung pisngi nung babae na halatang nagulat, tapos bigla nalang ako sinamaan ng tingin. Hindi nadaan sa kagwapuhan kong ito.


"Umalis ka diyan! Hindi pa ako tapos sakanya!" lalapit ulit siya kay Madison pero hinarangan ko ulit siya.

"Just stop this" hinigpitan ko ang hawak sa braso niya kaya napalayo siya.


Nagulat ako ng ipatong ni Madison ang kanang kamay niya sa kaliwang balikat ko, na ikinabigla ko naman, tinignan ko siya at nakatingin rin siya sakin at ngimiti. SHET! THAT SMILE!

"Kaya ko 'to" sabi niya sakin at pinatabi ako, bilib rin ako sa babaeng 'to, lakas ng loob.


Sinundan ko siya ng tingin palapit siya dun sa babaeng kaaway niya.


"Hey Poor little Bitch! Kung magsusumbong ka sa Dean, then go! I'm not scared tsaka kapag tinanong niya kung anong nangyari, don't change the story ha kasi madaming nakakita oh!" lumingon sa amin "They all notice how BITCH YOUR ARE!" tumawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya, nakakatawa yung itsura nung babae.


Tumalikod na siya dun sa babae at aakmang aalis na sana pero napatigil siya na parang may naalala, muli siyang humarap duon sa babae.


"I forgot to tell you this, kapag sinumbong mo ako just say 'Hi' me to my kuya nalang ha" naguluhan naman ako sa sinabi niya.


"Wh-what do you mean?" pati yung babae naguguluhan narin.


"Sorry you don't know me nga pala, I'm Madison Kiera MADRIGAL" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, so ibig sabihin nun? "Now You know me na, go to my kuya isumbong mo na ako" Sila ang may ari ng school na ito?


Tumalikod na siya, at naglakad papalapit sa--akin?

"Thanks for the help but no thanks kasi hindi ko kailangan, Bye" ngumiti siya sakin ulit,Pucha! Ngiti palang, nakaka laglag panga na.








--








"Grabe bro, Hindi ako makapaniwala" Nandito kami ni Renzo sa tambayan namin sa garden, tahimik dito at presko.

"Oo nga eh" nakatulala lang ako at iniisip parin si Madison, ang ganda niya kasi! Sobra!

"Bro okay ka lang?" nagising ako sakanya, letche storbo eh!

"Ngayon alam ko na kung bakit minamadali mo akong makita ko siya" Nakatingin parin ako sa kawalan, iniisip ang mga nangyari kanina.


"I told you Bro" inakbayan niya ako "Ganda niya 'no" ngumiti sakin ng nakakaloko si Renzo.


"Putcha ka! Walang agawan!" at binatukan ko siya, at ang loko nagawa pang tumawa.


"Tignan natin!" Inaasar talaga ako netong bwisit na 'to, binatukan ko siya ng sunod sunod "ARAY!" tumigil ako at tinignan siya ng masama.


"Kingina mo Renzo" binalik ko ulit ang tingin ko sa kawalan.


"Joke lang bro, ikaw naman di ka na mabiro, syempre no! Walang agawan ang bait ko kaya" sabi niya pa at inakbayan ako.


Natahimik kaming dalawa na pinag mamasdan lang ang paligid.


"Her family owned this school, i didn't even know about that" Sabi ko at dahilan para mapa tingin si Renzo saakin.


"Ngayon ko nga lang din nalaman, tsaka Bro! Grabe ang tapang niya no! Siya yung tipo ng babaeng walang inuurungan"


"I want to know her more" interesadong interesado ako sakanya, siya na ata yun, siya na ata yung matagal ko ng hinihintay.


"Tutulungan kita diyan James" inakbayan ulit niya ako at ngumiti sakin.


"What do you mean, bro?" tanong ko sakanya.


"Kakaibiganin ko siya, para marami akong info na makuha tungkol sakanya" tinaas taas niya pa yung kilay niya sakin.


"Basta bro, wag kang mahuhulog sakanya ah" yun lang ang sinabi ko sakanya,aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.


"San ka naman pupunta?"


"Gonna find Madison bro, bye see you sa class" at nag wave na siya sakin at tuluyan ng umalis.


"I think, i already found the right person" sabi ko sa sarili ko kasabay ng malapad na ngiti ko sa labi.

--





Madison Kiera's (POV)


I'm still waiting for the time, ang tagal mag start ng class gusto ko ng mag aral.

I'm drinking my Apple juice, sobra akong nainitan sa nangyari kanina but its Fun! Nag enjoy ako sa pagtataray ko. My phone is ringing so i get my phone inside my bag and check who is the caller, it's my Kuya, i answered it.


"Hello kuya!" energetic kong sabi.


"Hi" Kuya said.


"Why did you call kuya?" then i eat my sandwich.


"I heard what happened earlier" kuya said.


"So, nagsumbong pala yung girl na malapad ang noo" napairap naman ako sa hangin.


"Nope, narinig ko lang sa mga studyanteng nadaanan ko kanina" kuya answered.


"Ow, okay" sabi ko na lamang.


"Be careful 'lil sis, bawasan mo 'yang patataray mo baka ma detention ka niyan" pag-aalalang sabi ni Kuya.


"Kuya, i know my limits naman pero you know naman na i can't tolerate people with a bad attitude" hindi ako nagpapatalo sa kung ano man o kung sino man.


"Yeah, i'm just reminding you Madi. Okay I'll hang up na i need something to do, Bye Love you" then kuya end na call.


I deep sigh. Mabait naman yan si kuya, kaso wala pang love life lagi siyang broken pagdating sa love, hindi niya man sinasabi sakin pero ramdam ko na nasasaktan siya.


"Are you okay?" nag angat ako ng ulo dahil sa gulat, nilingon ko naman yung nagsalita.

"Yeah! I'm okay ginulat mo ako kaya eto, hindi na!" napa sapo ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng kabog, kaya ayokong nagugulat eh! kakakape ko 'to e!


"Sorry naman" tsaka siya nag peace sign sakin, i found him cutte naman "Can i sit here?" Tinuro niya yung space sa tabi ko.


" okay lang" umisod ako ng kaunti para makaupo siya, ang sarap pisilin ng cheeks niya!


"Renzo nga pala" inilahad niya ang kaliwang kamay niya.


Tinanggap ko naman yung kamay niya "Yeah, I remember you kanina sa field, By the way I'm Madison nice meeting you Renzo" Ngumiti ako sakanya ng napaka lapad, I think i have a friend now!


Umiwas naman siya sakin ng tingin at mabilis na tinanggal ang kamay niya mula sakin, ngumiti nalang siya sakin at uminom sa juice niya.


He's kinda weird but I'm happy to have a new friend now.






***

You can follow me on my social media accounts:

Instagram: borjadaniella_

Twitter: dwanwella

Use the Hashtag #MFmMS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top