°2°


Kellen James's (POV)


Alam niyo nanaman kung anong klaseng gwapo ako diba? Okay ipapakilala ko muna ang sarili ko sainyo.

I'm Kellen James Levina Half korean pure mayabang, tsaka kung hindi niyo naitatanong, may lahi rin akong kagwapuhan eh, ano namang magagawa ko? Pinanganak na akong habulin ng chicks. May mga bagay na gusto kong gawin at may mga bagay na ayaw na ayaw ko.


Gusto ko yung mga bagay na COOL! Like Skating, surfing, swimming, bullying syempre hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi ko 'yun nagagawa 'no at marami pang iba, 'yung mga bagay na ayoko naman ay mga taong nag mamarunong, ayoko sa mga taong kinakalaban ako at ang pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay ang mga matataas na lugar, naalala ko noong first year high school ako, noong nag travel kami papuntang cebu, grabe noong nasa eroplano ako hindi ako mapakali then sabi ni Mom nag block out daw ako kaya ayun, pagkagising ko nasa hotel na kami.


Hinding hindi ko makakalimutan iyong araw na 'yun, kaya simula no'n, never na akong nag travel, nag ta-travel ako pero kotse lang ang gamit ko.

--




"Kuya wala ka bang balak pumasok?" inangat ko ang ulo ko nang marinig ko si Kira, busy kasi ako sa pag lalaro ng COC sa phone ko.


"Maaga pa" binalik ko ang tingin ko sa phone ko, pasukan nanaman at ang magandang balita college na ako. Nakaka tuwa 'yon, achievement to saakin.


"Kuya naman eh! Malelate ako niyan!" ay, nakalimutan kong ipakilala sainyo yung childish kong kapatid na si Kira, 16 years old na pero childish parin. Parehas kaming nag aaral ngayon sa MU, ako nung high school dun ako pinag aral ni na Mom and Dad sa cebu, si Kira simula nung nag aral dun na siya laging napasok sa Madrigal's school, ewan ko ba dun sa mga magulang namin kung bakit laging sa Madrigal kami gustong pag aralin.


"Magpahatid ka nalang" kumamot pa ako sa batok ko, letche naman oh na attack ako dito iniistorbo ako.


"Kuya please, diba may pasok ka rin? Sige na magbihis kana please?" hinigit higit pa niya ang braso ko at pilit na tinatayo ako.


"Haaayy! Kung hindi lang talaga napaka gwapo ko hindi kita ihahatid" padabog akong tumayo at ginulo ang buhok niya.


"Yes! You're the best kuya ever!" isip bata talaga. Umakyat na ako at ginawa ang morning rituals ko, ang aga aga palang tinatamad pa akong pumasok 6:00 am palang kaya, mamayang 8 pa naman pasok ko at 7 am naman ang pasok ni Kira.


Nakaharap na ako sa salamin at pinagmamasdan ang napaka gwapo kong mukha "Nakakainis na ang kagwapuhan kong ito" pag kausap ko sa aking repleksyon sa salamin.


"Kuya, late na ako!" grabe naman parang walang bukas kung kumatok !humiga ako sa kama.


"6:30 palang oh! Wag excited ah" nag unat unat pa ako, mukhang inaantok pa 'tong magaganda kong mga mata ah.


"Kuya! 7:00 am pasok ko! 30 minutes nalang malayo bahay natin sa school! Kaya tumayo ka na diyan sa kama mo at ihatid mo na ako!" wait paano niya nalaman na nakahiga ako sa kama? Eh naka sarado naman yung pinto?


"Paano mo nalaman na nakahiga ako?" pagtataka kong tanong sakanya, bumangon ako pero na upo lamang ako sa gilid ng kama ko.


"Kuya! Ihahatid mo ba ako o ihahatid mo 'ko?" ay iyan na, na beastmode na kapatid ko. Wala naman akong choice sa choice na ibinigay niya.


"Wala naman akong pag pipilian" tumayo na ako at binuksan na ang pinto "Tara na" mabilis akong bumaba at dumeretso sa garahe.


Napahawak ako sa bulsa ko, shet! Nakalimutan ko pa cellphone ko sa itaas!


"Sumakay ka na, may kukunin lang ako" agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko.


Thank God at nandito lang sa kama, buti at naalala ko pa, saktong pag damopot ko ng cellphone ko ay tumunog iyon, tinignan ko kung sino ang tumatawag at ang magaling ko lang palang bestfriend "Renzo" agad ko itong sinagot.


"Waaaaaaah! Bro!" nailayo ko ang cellphone mula sa tenga ko, takteng Renzo 'to! tatawag tawag para manigaw.

"Putcha naman Renzo! Ang sakit mo sa tenga" irita kong sabi sakanya.


"Pumasok kana dali! Bilisan mo! Dali!" para siyang natatae na ewan, na parang kinikilig na...hindi ko mapaliwanag sa tono ng pananalita niya sa kabilang linya.


"Bro wag ako ha! Wag ako! Maganda gising ko ngayon" sabi ko sakanya, lumabas na ako ng kwarto at naglakad na pababa.


"James! Mas lalong gaganda araw mo dito! Basta bilisan mo nalang okay?" ano ba talagang meron? Takte naman!


"Ano bang meron?" pagtataka kong tanong, nandito na ako sa tapat ng sasakyan, agad na akong sumakay at minaniobra ito.


"Kuya sino yan?" pabulong na tanong ni Kira sakin, hindi ko inaalis ang tingin ko sa daan baka maka aksidente pa ako. Kinuha ko ang ear pods na naka lagay sa dash board bago ikinonekta sa cellphone ko.


"Kuya Renzo mo" maikli kong sabi sakanya, at napa tango naman siya.


"May magandang chicks dito Bro, bilisan mo baka maagaw ko pa sayo" nagsing ako sa sinabi niya, shet! Chicks yun hindi niya ako mauunahan.


"Letche ka bro sakin lang yan" pinatay ko na yung tawag at binilisan ang pagmamaneho.

--




"Kuya una na ako, bye" bumaba na ng sasakyan ko si Kira, nandito na kasi kami sa tapat ng school niya, yung papasukan ko ay katabi lang nitong paaralan nila.

My phone beep.


From: Renzo

James nasaan kana ba? Baka umalis siya dito bilisan mo!


Excited talaga si Renzo, napaka ganda ba talaga nung babaeng nakita niya? At grabe kung madaliin niya ako?

--





As usual pinagtitinginan nanaman ako ng mga babae dito, kung maka tili eh wagas hindi na ba sila nasanay sa kagwapuhan ko?


"Ang gwapo niya talaga!"


"Hoy akin lang siya"


"Share tayo girl"


Rinig kong chismisan nung mga babae dito, wish lang nila na maging kanila ako no! may class naman akong pumili sa mga babae. Nakita kong tumatakbo si Renzo papunta sakin.


"Bro!" pinatong niya yung dalawa niyang kamay sa balikat ko, tanga rin nitong kaibigan ko tumakbo takbo pa, iyan tuloy hiningal.


"Masyado mo naman ata akong na miss Renzo" ngumisi ako, kinginang 'to! Binatukan pa ako! "Abat! Kanina ka pa ha!" hinihingal parin siya hanggang ngayon.


"Kasi naman! Kanina pa kita tinawagan pero ngayon kalang naka rating" hingal na hingal parin siya, then i smirk.


"Alam mo Bro,d apat tayong mga lalake hindi laging habol ng habol sa mga babae, kaya kung sino man 'yang nakita mo makakapag hintay 'yan" inakbayan ko siya "Dapat chill lang tayo, para hindi bawas pogi points diba?" Ngumiti ako sakanya.


"Ang dami mong sinabi, may pa hugot hugot ka pang nalalaman diyan, tara na nga baka maunahan pa tayo" hinigit higit na niya ako na para bang wala ng bukas.


"Hoy! Baka mapigtas braso ko ano ba!" binawi ko ang braso ko mula sakanya at hinimas ito "Putcha! Namula tuloy" ang higpit kasi ng pagkakahigit niya parang gago.


"Sorry na Bro, tara na kasi dami pang arte eh" ngumiti pa ng nakakaloko sakin, puchang to! Pinagtitripan ata ako.


"Grabe pare! Ang ganda talaga ni Madison 'no! Grabe ngiti niya palang"


Napatingin ako dun sa mga lalakeng nag uusap lima sila, na kung makapag usap abot hanggang Batanes yung lakas ng boses.


"Ang swerte mo nga eh, kinausap ka niya" sabi naman nung isa.


"Sino ba yung tinutukoy nila?" pagtataka kong tanong kay Renzo, na nag liwanag naman ang mukha.


"Siya na nga yun bro! siya 'yung sinasabi ko sayo!" inalog alog niya pa nga ako "Bro ano pa bang hinihintay mo? Tara na kasi" nauna na siya sakin sa paglalakad, baka naman siya yung mas excited pa kesa sakin? Baka siguro maganda talaga yung babae kaya ganun siya kung maka react.

--






"Yan tuloy! Naka alis na siya" sinapo ni Renzo yung mukha niya at naupo "ikaw kasi pabebe pa" at sinamaan ako ng tingin ng loko.


"Muntanga ka 'lam mo yun?" tumabi ako sakanya at inakbayan siya "Dapat kasi hindi mo na ako hinintay, siguro ngayon nakuha mo na number niya" sinamaan niya ulit ako ng tingin.


"Lilinawin ko lang sayo ha, hindi ko siya gusto para sakin gusto ko siya para sayo" Tumayo siya "Para naman magka girlfriend ka na, ang tanda tanda mo na" tumawa siya na parang wala ng bukas, hawak hawak niya pa yung tiyan niya, letche! Inaasar nanaman ako ng gagong 'to.


Binatukan ko siya ng napaka lakas "Aray!" hawak hawak niya yung ulo niya at tumigil sa pagtawa.


"Asarin mo pa akong gago ka" iniwan ko na siya dun at naglakad na papasok sa una kong klase, si Renzo lang naman yung ganyan saaming magkakaibigan, yung trying hard sa paghahanap ng magiging girlfriend ko.


"Bro! Hintay!" nakita ko nalang na nakasunod na pala sakin si Renzo "'Kaw naman ang tampuhin mo" inakbayan niya ako at naglakad, hindi ko nalang siya pinansin ayokong masira ang first day ko.


Nabibingi na ako sa mga tili ng babae dito! Lahat na lang ng dinadaanan ko manghang mangha sa kagwapuhan ko, Famous akoe kaya hindi narin bago saakin pero nakakairita lang talaga.


"Sino ka ba sa tingin mo ha?"


Ang daming tao doon sa field, may artista ba? Ay mali may show pala, o away ang lakas kasi ng sigawan dun.


Lumapit kami ni Renzo para malaman kung anong meron doon.


"You don't know me"


Habang palapit kami ng palapit, tuloy parin 'yung sagutan no'ng mga babae.


"Shet!" nagulat ako sa sigaw ni Renzo na nasa tabi ko, nandito na kasi kami pero may mga nakaharang na studyante kaya hindi ko pa nakikita kung sino yung mga nag aaway "James siya yun!"


Hinawi ko ang mga tao at nakita ko kung sino ang tinutukoy niya, at bigla na lamang akong natigilan sa nakita ko.


"Oh God, an Angel!"


***

You can follow me on my social media accounts:

Instagram: borjadaniella_

Twitter: dwanwella

Use the Hashtag #MFmMS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top