°16.2°
Chapter 16.2 - Punishment
James's POV
NAKAKA BADTRIP.Pinahirapan na nga kaming lahat,tapos nagagawa pa nilang mag relax.Isa pa itong si Renzo,ako yung kaibigan niya dito pero dun siya sa Russel na 'yun nakapit.Hindi na nga ako nakikisali sa paguusap nilang dalawa.
Umalis nalang ako duon sa bahay na hinintuan namin at nagsimula na ulit akong maglakad.Bago ako umalis eh kinuha ko muna kay Russel yung phone na binigay ni Madison kanina saamin,yung may map papunta sa hacienda nila.
Buti nalang at maraming puno at halaman dito at hindi ganuon kainit,muntikan na nga akong masuka kanina dahil nga takot ako sa matataas na lugar.
"HOY LALAKENG PIKUNIN! HINTAYIN MO NGA KAMI!"napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa likuran,hayop talaga si Renzo! Nagiinit ang ulo ko sa kanya
Sinamaan ko lang siya ng tingin at dumeretso ulit ako sa paglalakad pero binagalan ko lang dahil medyo pagod narin ako
"Ganito na ba ako kabait para sundin ang ka demonyohan ng babaeng iyon? Hayst!"
--
Madison's POV
It's already 8 pm,at wala parin yung tatlong lalake.Kinakabahan na ako ah,but i teach them a lesson lang naman kaya wala ako dapat ipa konsesya.
"Naku! Madi,kapag may nangyari dun sa tatlong 'yun ikaw ang mananagot ah!"sinamaan ko ng tingin si Selene,nakasandal ako dito samay pinto at nagmamasid sa labas,sila naman ni Yara eh nanonood ng TV sa may Salas.
Si Lolo at Lola,ayun tulog na maaga kasi matulog ang mga tao dito sa probinsya kaya kami kami nalang ang gising ngayon
"Hindi mapapahamak ang mga 'yon,besides Russel know the road here"binalik ko ulit ang tingin ko sa labas,hindi talaga ako mapakali dito kaya nilapitan ko sila sa sala"Girls samahan niyo ako,abangan natin sila"nagkatinginan pa silang dalawa sabay tingin sakin
"Okay"sabay nilang sabi
Agad na kaming nagtungo sa may gate,medyo malayo ito sa hacienda kaya napagod rin kami sa paglalakad,napaupo kaming tatlo sa upuan na bato at sabay sabay huminga ng malalim
"Tayo nga napagod na sa kaunting lakarin,sila pa kaya?"nakokonsensya talaga ako sa ginawa ko sakanila,napatingin ako kay Yara"Hindi mo nanaman kailangang gawin yun sakanila,siguro nabigla lang din sila sa nangyari sakin kanina"Yara have a point their
Hay! Mas lalo akong nakokonsensya eh!
"Look,they're here!"napatingin ako sa tinuturo ni Selene at nakita ko yung tatlong pagod na pagod ang itsura.Sinalubong namin sila pero bakas sa mga itsura nipa ang pagod,i look to Russel 'are you okay?' Walang tunog na tanong ko sakanya,and he just nodded ganun din ang ginawa ko kay Renzo at nagawa niya pang ngumiti
Nang si James na ang tatanungin ko,bigla akong nakaramdam ng kaba.Wala man lang akong makitang expresyon sa mukha niya,napaiwas ako ng tingin ng tumingin rin siya sakin
"A-Are y-you o-okay?"hindi ko alam kung baket ako ng e-stutter sa harap niya,i heard him sigh a scary one
"Happy now?!"
O___O
What just happened? Parang feeling ko ang laki laki ng kasalanan ko.Binalik ko ang tingin ko sakanya at hindi ko na siya nakita duon kaya napalingon ako sa likod at nakita ko na siyang naglalakad
"Pag pasensyahan mo na,i think he just tired"Renzo said,i look to him
"No,i think he mad at me.It's my fault,I'm so sorry"lumapit sakin si Russel
"It's okay,kasalanan rin naman namin kung bakit mo kami pinarusahan"sabi niya"Now,can we eat?"napahawak pa siya sa tityan niya
"Sorry! Tara na"aya ko sakanila ni Renzo,bumalik na kami sa hacienda at pinaghanda ng makakain sina Renzo at Russel
Halatang malaking gutom ang inabot nila dahil sa paglalakad at ganung kalayo,ang laki talaga ng pagsisisi ko dahil sa ginawa ko sakanila.Kasi naman eh! Masyado akong nagpadalos dalos,sana mapatawad nila ako dahil sa ginawa ko sakanila.
Hindi naman ako ganun kasama diba? Urg! Na gui-guilty talaga ako ey!
--
Nasilaw ako sa sikat ng araw galing sa terrace,nagkusot ako ng mga mata at tinignan ang oras,alas kwatro palang ng umaga ang aga ko naman atang nagising? Nakaramdam ako ng lameg kaya agad akong kumuha ng sweater sa luggage ko at nag tungo sa terrace,isasara ko na sana ang pinto nito ng may naaninag akong tao sa may garden na naka upo sa wooden swing.
Lumabas ako ng terrace at pilit inaninag ang lalaken iyon,pamilyar sakin yung katawan niya ey siguro si Russel 'to,pero maaga pa ah? Atsaka pagod siya,pero bakit ang aga niya atang nagising?
Hayy! Para akong tanga dito na tanong ng tanong sa sarili,eh kung lapitan mo kaya Mads?! Naku! Ikaw talaga.
Dali dali akong lumabas ng kwarto ko.Napahinto ako ng nakita kong naka bukas ang pintuan ng kwarto nina Renzo at James,ano? Titingnan ko ba o titingnan ko?
Hindi ko na napigilan ang sarili kong silipin yung dalawa sa kwarto nila,pero ng mapansin kong si Renzo lang ang nandun sa kwarto eh nagtaka ako,nasaan kaya si James? Sa pagkaka alala ko e hindi siya kumain kanina,baka naman bumaba lang at kumuha ng makakain niya? Hayy siguro nga.
Pagbaba ko ay dumeretso ako sa kusina,pero patay ang ilaw rito at walang tao,nasaan naman kaya ang lalakeng iyon?napailing nalamang ako at pinuntahan nalang kung sino ang pakay ko
"Russel,why are you here? It's too early and besides you're tired right?"tinabihan ko niya,nakasandal ang ulo niya sa edge ng duyan
"Hindi ko rin alam eh,pero diba dati ganitong oras rin tayo nagigising nung mga bata pa tayo,tapos maglalaro tayo dun sa may kakahuyan,then sa tuwing magigising sina lolo at lola eh natataranta sila dahil sa kakahanap satin"may namuong ngiti sa mga labi ko,yes i still remember that days
Ang sarap kasing balikan ng mga masasayang ala ala"Nung nahanap na tayo nila lola,kukurutin tayo sa tagilirang tatlo kasi ang kukulit natin,umiyak ka pa nga nun eh"sinamaan niya naman ako ng tingin"Totoo naman eh! Ang tagal mo kayang tumahan nun"
"Eh syempre! Ang sakit mangurot ni Lola,tapos pinagtatawanan niyo pa ako"tawa lang ako ng tawa ng mapansin kong nag iba ang itsura niya
"Oh? Baket ka naman nalungkot diyan?"pinunasan ko ang luha sa mga mata ko dahil sa kakatawa
"Nakakamiss din pala yung makumpleto tayo no,tayong apat nina Amy,ako,ikaw tsaka si Calvin"nalungkot din ako dahil sa sinabi niya,nabawasan na nga talaga kami at kahit kailan hinding hindi na kami mabubuong apat,pero sabi ko nga kay Calvin I'm going to move on na alam ko nanamang masaya na siya para saakin eh
"Russel i know that Calvin is happy for us,atsaka hindi naman siya nawala eh kasi nandito na siya sa mga puso natin,at alam mo magiging masaya 'yun kung tayong tatlo nila Amy eh magsama ulit 'yung mag reunion tayong tatlo"napakunot naman saakin si Russel sabay ngiti
"Ikaw ba talaga yan? Kasi sa tuwing nababanggit ko dati yung pangalan ni Calvin eh maiiyak kana,but now!"he chuckle
"Grabe ka! Syempre people change"mas lalo niyang nilakasan yung pagtawa niya
"Hahahaha! People change! Hahaha!"pinalo ko siya sa braso
"Ang panget mo tumawa! Magtigil ka nga! Batuhin kita diyan ng sandamak mak na palaka eh!"agad siyang napatigil ng marinig niya yung sinabi ko,takot siya sa palaka ever since kaya kapag inaasar niya ako nuon eh may pang bawi naman ako sakanya
"Ano dating gawi?"
"Anong dating gawi?"tanong ko sakanya
"Paunahan sa kakahuyan,ang mahuli lalagyan ng putek sa mukha"tumayo ako at umarteng ayaw ko,nang mapansin kong tumayo nadin siya
"GAME!"at inunahan ko na siya,teknik ko na 'to matagal na ewan ko lang sakanya kung baket hindi pa siya nasasanay.
James's POV
Nakaramdam ako ng gutom kanina kaya bumaba ako sa kusina at naghanap ng pagkain,buti nalang at may nakita pa akong kanin at ulam sa ref kaya ininit ko muna ito sa oven at agad na kumain
Hindi ko binuksan ang ilaw para walang makakita saakin,pero ng maramdaman kong may paparating eh agad akong nagtago
Baket kaya ang agang nagising ng babaeng iyon? Nang maka alis siya ay agad kong hinugasan ang pinag kainan ko at sinundan siya
"Russel i know that Calvin is happy for us,atsaka hindi naman siya nawala eh kasi nandito na siya sa mga puso natin,at alam mo magiging masaya 'yun kung tayong tatlo nila Amy eh magsama ulit 'yung mag reunion tayong tatlo"narinig kong sabi ni Madison kay Russel,baket sila magkasama? Ng ganitong oras? At sila lang dalawa ah?
Nakaramdam ako ng inis dahil sa naririnig at nakikita ko ngayon,naiinis ako na hindi ko alam.
Paksyet talaga! Dapat hindi nalang ako pumayag na sumama dito eh,simula palang ramdam ko ng hindi talaga ako mag eenjoy dito
Nagulat ako ng biglang tumakbo si Madison at agad naman siyang sinundan ni Russel.
"Tsk!"inis kong sabi at bumalik nalang ulit sa kwarto,nakakainis na hindi ko alam!
BWISIT! nagiinit ang dugo ko sakanila!
--
A/N: Sorry mga fwends dahil ngayon nalang ulit ako nakapag update,tapos ang lame pa sensya na talaga.Busy much ang ateng niyo ey! Haha promise kapag free ako bawi ako sainyo
Don't forget to vote and leave a comments on this part love lots
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top