°14°

Chapter 14 - Acting Weird

Madison's POV

"MADS! We mis you so much!"Sabay nila akong niyakap,hindi naman halata na namiss nila ako diba?

"Halata namang namiss niyo yung ganda ko"Sa higpit kasi ng pagkakayakap nilang dalawa sakin na kulang nalang eh maubusan ako ng hininga,miss na miss nga nila ako"Hoy! Bitaw na"inalid ko na ang pagkakayakap nila saakin

"We're super duper miss you"sabi naman ni Selene

"Sorry about sa nangyari between sating dalawa-"nginitian ko si Yara

"Just forget about that,let's moved on"ayoko ng pagusapan pa iyon,kinalimutan ko na nga eh napansin ko na may mga kasama pala sila si Renzo tsaka si ano ngang pangalan neto? John ba yun? Oh Jun? Hindi ko matandaan

"Ah sinama kasi sila ni Yara dito"napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Selene,sinama? Bakit naman? Eh kahit kailan hindi pa naman natutong makipag kaibigan si Yara sa mga boys eh,dali dali ko silang hinigit na dal'wa

"Bakit mo sila sinama?"pabulong na tanong ko kay Yara

"Si Renzo lang kasi eh,i didn't know naman na that James will sama"i sighed

"Ipaliwanag mo sakin ang lahat mamaya,paalisin mo muna sila"

James's POV

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang ang saya neto? Ng puso ko,hindi ko maintindihan kung bakit napakalakas ng "dug dug" niya,na parang may kakaiba akong nararamdaman ng makita ko siya,hindi ko mapigilan ang saya ng puso ko.Matagal ko siyang hindi nasilayan,at sa bawat araw na yun nararamdaman ko na parang may kulang ang araw ko.

Hindi ko talaga maintindihan,sinasapian na ata ako.Ngayon lang tumibok ng ganito ang puso ko,hindi naman ako ganito sa mga babae ko eh,may kakaiba lang talaga.

"Ah,Renzo you'll make uwi na ha see you nalang tomorrow"sa pagkakatulala ko kay Ms.Snober hindi ko namalayan ang mga nangyayari,bumabsgal ata ang ikot ng mundo?

"Oh sige,see you nalang bukas.Sige Selene salamat sa pa meryenda ha tsaka Madison nice to see you again"hinila na ako ni Renzo papasok ng elevator"Dude,okay ka lang?"nabubuang na ata ako? Pvta naman! Ano ba talagang nangyayari?! Ipaliwanag niyo nga sakin?"Hoy!"bumalik ako sa aking katinuan

"Bakit ba?"inis na sabi ko sakanya

"Hindi ka nga okay"tinawanan pa ako ng gago,tangna talaga!

"Pakyu! Tantanan mo nga ako!"mas nilakasan pa niya ang pagtawa niya

"Dude! Haha! Nakita mo ba yung reaksyon mo kanina nung dating si Mads? Haha parang kang pusang kinikiliti haha!"Hindi ko gets,kayo ba gets niyo? Pusang kinikiliti?

"Tsk! Gago"hindi ko nalang pinansin ang sinabi niyang pusang kinikiliti,tangna hindi ko alam yun!

"Haha! Sige Dude deny ka pa,haha tangna Dude! Ang bading lang ha---Aray!"hindi ko na napigilan ang inis ko sakanya kaya marahas ko siyang binatukan

"Tangna mo! Tantanan mo nga ako! Tsk"mabilis akong lumabas ng elevator at iniwan ko siya doon,tangna! Nakakabading na 'tong nangyayari sakin,pvta! Hindi ko na siya hinintay pa at umalis na ako,tss bahala siyang maghanap ng sasakyan diyan.May kotse naman siya nakikisakay pa sa kotse ko.

"Bakit ka ba ganyan ha?"nababaliw na nga talaga ako,pati puso ko kinakausap ko eh hindi naman ito magsasalita.

Nakakabaliw lang talaga.

Madison's POV

"Siguro naman isasama niyo ako diba?"matapos kong malaman na may lakad pala sila bukas

"Oo naman 'no! Syempre isasama ka nga namin"pagkaalis nung dalawang lalake kanina ay isinama ko sila sa orphanage

"I'm going to tell you naman about this,kaso naunahan mo ako"dumeretso muna kami sa mall para mamili ng gamit para sa mga bata pati narin ang mga pangangailangan ng orphanage

"Pero mas nauna mo pang sabihin kina Renzo"nag da drive na ako papuntang orphanage nasa backseat si Yara at nasa passenger seat ko si Selene

"Kasi i contact Selene but he didn't answer my calls,so i call Renzo nalang"nagkatinginan kami ni Selene dahil sa sinabi ni Yara,mukhang parehas lang ata kami ng iniisip"Bakit ganyan kayo kung magtinginan?"bumalik ang tingin ko sa daan

"It's obvious Yara.Don't deny it"narinig ko ang pagngisi ni Selene,tinignan ko si Yara sa mirror at parang hindi niya ma gets yung sinabi ko

"Obvious?! Alin?"ang galing talagang mag deny ni Yara at mahina ring maka gets

"Deny pa girl,sige i-push mo pa 'yan"tumawa naman si Selene,ayokong makisali sa kasiyahan niya baka madisgrasya pa kami

"Hindi ko kayo ma gets"kumamot naman siya sa ulo niya,minsan talaga may kuto siya eh kamot ng kamot sa ulo eh,tss ewan ko ba diyan.

Nag focus nalang ako sa pag da drive at mabilis naman kaming nakarating sa orphanage,ibinaba na namin ang aming mga pinamili,tinulungan naman kami ng mga trabahador dito na magpasok nito sa loob.Marami rami rin kasi ito dahil matagal akong hindi nakapunta dito,pinapadalhan ko lang sila minsan sa driver ko ng mga pagkain at kagamitan.

Agad kaming sinalubong ni sister Mary kasama sina sister Amy at sister Maria,para na silang second family ko dahil noong hindi pa busy ang schedule ko ay palagi akong narito,at nung mga panahon na 'yon kasama ko pa si Calvin.Nang malaman nila na wala na si Calvin,nanatili silang nasa tabi ko para palakadin ang loob ko.

"Iha! Masaya kaming nakadalaw ka na!"masayang pag bati sakin ni Sister Mary"Na miss ka ng mga bata"kung tutuusin,mas magaan pa ang loob ko sakanila kaysa sa parents ko

"Pasensya na po ah,kakatapos lang po kasi ng first quarter exam kaya po hindi ako nakadalaw ng madalas"pinapasok na nina sister's yung mga dala namin sa mga trabahador

"Naiintindihan namin iha,kailangan mo ding pagtuunan ang pagaaral mo"sabi naman ni Sister Amy,siya yung pinaka maganda sa lahat ng sisters dito para siyang pang Ms.Universe

"Na miss ko nga po kayong lahat eh"parte na sila ng buhay ko,lagi kaming nandito ni Calvin pati ni Russel,kaya kilalang kilala na nila kami"Oo nga po pala,kasama ko po si Selene at Yara"napasarao na ang paguusap ko kina sister,kaya hindi ko namalayan na may mga kasama ako

"Hi po"sabay na sabi nilang dalawa,minsan sinasama ko talaga sila dito,pero si Yara ang mas madalas kong kasama dahil si Selene eh pinapag praktis na ng dad niya sa pag mamanage ng business

"Tara! Pasok na tayo na loob.Excited na ang mga bata na makita kayo"sabi naman ni Sister Maria,pumasok na kami sa loob.Nasa play room daw sila,umalis muna sina sister's dahil maghahanda ng sila ng tanghalian ng mga bata

Nakasarado ang pinto ngunit rinig ko ang mga boses ng mga bata,sumasagot sila ng 'opo' mukhang may kausap sila.Binuksan ko na ang pinto at lahat ng atensyon nila napunta samin.

"Ate Madison!"lahat sila ay tumayo papunta sakin,niyakap nila akong lahat halata ngang na miss nila ako.

"Na miss ka nila girl"bulong sakin ni Selene,nginitian ko lang siya.Mahilig kasi talaga ako sa mga bata,kami ni Calvin at ni Russel sumasaya kami kapag kasama namin sila.

Lahat sila may mga pangarap,at gusto kong ipagpatuloy nila yun,kaya libre silang mag aral sa mga school's namin,may mga nakapag tapos na nga ng pag aaral at ngayon ay asinsado na.Ayokong maudlot ang mga pangarap nila dahil walang naampon sakanila.Hindi dahil iniwan sila dito ng kailang mga magulang ay mawawalan na sila ng pag asa,lahat ng sister's dito ay kanila ng mga magulang,kasama narin kami doon.

"I know that you're coming"iniangat ko ang ulo ko sa isang pamilyar na boses,narinig ko ang kantiyawan ng mga bata

"Russel? I didn't know that your here"naramdaman ko ang pagsiko sakin nung dalawa kong kaibigan sa beywang ko

"Tara na mga bata,kakain na"hindi ko alam kung anong plano nung dalawa,sumama nalang yung mga bata sakanila at iniwan kami dito ni Russel

"'Wag mo nga akong tingnan ng ganyan,kinikilig ako eh"nilakihan ko siya ng mata

"Russel!"

"Okay okay,pero 'wag mong aalisin yang ngiti sa mga labi mo,mas gumaganda ka"napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya,parang feeling ko nag iinit ang mukha ko

"Okay ka lang?"lumapit siya sakin at iniangat ang ulo ko paharap sakanya.

"Don't touch me.I'm fine"tinalikuran ko na siya,paalis na sana ako ng higutin niya ang braso ko kaya napa harap ako sakanya

"Don't go"napakunot ako.Anong ibig niyang sabihin?"Tsk.Lika na nga"inakbayan niya ako,pero nanatili parin akong clueless

"Ang misteryoso mo talaga"

"Oo,misteryosong nag mamahal sayo."at muli na namang nag wala ang buong sistema ko"Boom! Kinilig ako!"napa iling nalang ako,kahit kailan talaga si Russel"Uy! Aminin mo,kinilig ka"

"At bakit naman?"

"Your blushing"napatakip ako sa pisngi ko at dali daling tumakbo papasok sa dining room.

Ugh! Kainis! Ayokong may makakita sakin ng ganito.I'm blushing and i don't know why? At nagwawala parin ang buong sistema ko hanggang ngayon.Nawawala na ata ako sa aking sarili.

"Huy!"napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat

"Bakit?"inis ko silang nilingon

"Para kang nakakita ng multo"sino pa nga ba? Sina Yara at Selene

"A-ah there's a cat outside,you know i hate cats"palusot ko

"Ah okay.Hinahanao ka na ng mga bata"tumango nalang sko sakanila at dumeretso sa mga bata.Hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari sakin? It's weird

Third Person's POV

Hindi maintindihan nina Yara at Selene kung bakit nagkakaganun si Madison,isinang walang bahala na lamang nila ito at tinuon ang pansin sa mga bata.

Si Russel ay hindi mapigilan ang pagtawa dahil sa naging reaksyon ni Madison,sabi niya nga parang pusang kinikiliti.Masaya si Russel dahil naka balik na siya sa piling ni Madison,noong nawala si Calvin siya lagi ang nasa tabi ni Madison,minsan nawawalan na siya ng pag-asa na maging okay pa si Madison pero ngayon bumalik na siya ngunit hindi buong buo,Yung dating Madison na masiyahin,yung loka loka,yung makulit na Madison ngayon ay wala na.Pero kahit na ganun laking pasasalamat niya na kahit papaano eh nandiyan na si Madison.

Tumunog ang cellphone niya kaya agad niya itong sinagot.

"Hello.....Yes Tito.....Opo i am with her....Okay na po siya,ang saya niya po nung makita niya ang mga bata......I will Tito,i will take care of her,she's my everything Tito.....Sige po,bye"

Ibinaba na niya ang tawag at pumunta na ng dining room.

Madison's POV

Ng makakain na ang mga bata ay naglaro muna kaming kasama sila,pinamigay din namin ang aming mga pinamili sakanila,nag enjoy kaming lahat.Hinintay muna namin silang makatulog bago kami umuwi.

Tuloy parin ang plano bukas ni Yara,pero may mga binago ako.Parehas lang kasi kami ni Yara ng probinsya kaya napagpasyahan namin na sa hacienda nalang namin kami tumuloy,buti naman at may makakasama na akong magbakasyon kina lola at lolo.

"Excited na ako para bukas!"inihatid pa kasi ko ni Russel sa condo ko eh,at excited?! Para bukas?

"Ha?"tumingin ako sakanya at tinaasan ko siya ng kilay

"Sa lakad natin,siguro ma su-surprise sina lola at lolo"

"At sinong may sabing kasama ka?"pinameywangan ko siya

"Wala.Ako lang ano namang problema dun?"mas lalo akong napasama ng tingin sakanya

"Hindi ka sasama! Period!"i slap the door at umakyat na ako sa kwarto ko,ayokong makipag talo pa sakanya

Mag eempake na ako para sa dadalhin ko bukas,8 am ang flight namin bukas kaya dapat matulog ako ng maaga.





**

A/N:Oh my gosh! This is the start! Kaninong team kayo? Team JaSon or team MaRu? Comment na! Hihi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top