°11°


Sorry na agad sa mga typos and wrong grammars kung meron man.

-Enjoy reading bbs!



--


Selene's (POV)

Nandito kami ngayon sa starbucks nagpapalamig dahil sa nangyari kanina at kasama ko parin ngayon si Yara na lumilipad parin ang utak.

"Hoy! Gagita! Mukha ka ng tanga, umayos ka nga!"siniko ko pa siya dahil hindi parin kumikilos "Kasalanan mo naman eh! Kaya wala kang masisisi"

"Oo na, ako na may kasalanan" malungkot ang tono ng pananalita niya "Selene! Baka FO na kami ni Mads" niyuyugyog niya pa ang braso ko kaya hinawakan ko ang dalawa niyang balikat para patigilin siya sa ginagawa niya saakin.

"Hindi naman ganun si Mads, okay? Galit lang yun sa ngayon, mawawala rin yun" binitiwan ko na siya at ibinalik ang atensyon sa cellphone ko, nag babaka sakali na may mensahe si Mads.

"Kasi eh! Hindi ko alam kung san nanggaling yung sinabi ko kanina!" ginulo niya yung buhok niya, mukha na siyang baliw.

"Gaga ka kasi, dapat inisip mo muna bago lumabas diyan sa bibig mo" nakatuon parin ang tingin ko sa phone ko,narinig ko na huminga ng malalim si Yara at umubob sa table.

"Can I join you girls?" sabay kaming napatunghay ni Yara sa nagsalita. It's none other than Renzo.

"Sige, upo ka na diyan "agad siyang naupo sa harapan naming upuan, hindi ko napansin na nasa likod niya pala yung kaibigan niya "Hoy! Ikaw! Saan ka pumunta kanina?" sinamaan ko siya ng tingin habang papaupo sa tabi ni Renzo.

"I tried to find Madison, but I didn't see her" pa cool niyang sagot sakin, binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa phone ko habang si Yara naman nakalagay parin yung dalawang braso niya sa lamesa at dun naka patong ang ulo niya pero nakatingin lang siya kay Renzo.

"Are you okay?" tanong sakanya ni Renzo pero tumango lang siya ng walang gana.

"Ganun ba talaga kahalaga ang Calvin na yun sa buhay ni Madison?" napatunghay ulit ako dahil sa sinabi nung James.

"Higit pa sa mahalaga" ibubuka ko na sana ang bibig ko nang magsalita si Yara, naunahan na ako.

"What do you mean?" ang clueless naman ng lalakeng ito! Sa totoo lang ay inis talaga ako dito eh, porket famous siya at kinaaadikan ng mga babae dito? Eh mayabang na?

"Kung mag bibigay kami ng details, edi parang sinabi narin namin, tss" inis kong sagot, inirapan ko siya sabay ihip sa bangs na nakaharang sa mukha ko.

"Bakit ba kasi ayaw niyong sabihin saamin?" tumingin naman ako kay Renzo.

"Kasi nga bawal!" sagot ko. Hindi ba sila marunong maka intindi ng bawal? Tsaka isa pa, bago palang silang kaibigan ni Mads kaya wala pa silang Karapatan.

"Eh bakit kasi ba---" magsasalita pa si Renzo pero inunahan ko na siya.

"Isa pa talaga! Masasapak na kita!" itinaas ko ang kamao ko at pinakita sakanya, yumuko nalang siya at nag pout.

"Magkakaibigan nga kayo, tss" narinig kong bulong ni James, sus! Bulong bulong pa e naririnig din naman.

"Uy Selene! Bar tayo" niyugyog niya ulit ang braso ko kaya inirapan ko siya, 'yan nanaman siya sa bar bar na yan eh! Malalagot ako kay Dad.

"Ikaw nalang, strick ang parents ko at alam mo yan" ngumiti ako sakanya ng mapang asar, pinalo niya yung braso ko kaya napa 'aww' ako.

"Eh hindi ka naman iinom just like before, dali na samahan mo na ako please?" nag puppy eyes pa siya sakin, inirapan ko ulit siya.

"Ako nalang! Free ako today I can join you!" sabay kaming napaharap kay Renzo, tinaasan ko siya ng kilay nang kinindatan nito si Yara, at ang bruha! Kinilig pa.

"Are you sure? Baka may gagawin ka or so whatever?" nag kibit balikat nalamang ako, kinurot ko sa tagiliran si Yara dahil naninigas na sa kilig.

"Yeah! It's okay I'm free tonight, tsaka 5 pm palang naman oh! Maaga pa" ano kayang pumasok sa isip ng Renzo na ito? Para samahan ang kaibigan ko?

"Okay! Let's go na, bye Selene! I'll see you tomorrow" tumayo na silang dalawa at umalis na, hinipan ko nalang ang bangs na naka harang nanaman sa mukha ko. Babaeng 'to sama ng sama sa hindi pa naman gaano kakilala.

"May hang over yan bukas for sure" napasapo ako sa noo ko, narinig ko naman ang pag ngisi ng nasa tapat ko "Hey! Why?" tinaas ko ang isang kilay ko sakanya.

"Ganun ba siya grabe uminom?" wow? Feeling close kung makapag tanong si kuya mo.

"Hindi naman gaano kasi hanggang vodka lang siya, pero diba kapag sumobra nakakasama" humugot nalang ulit ako ng malalim na hininga sabay titig sa phone ko.

"Siguro paraan niya yan para makalimot saglit" tumingin ako sakanya saglit pero agad kong inalis ang tingin ko sakanya, hindi parin kasi kapani-paniwala ang isang Mr.Kellen James Levina ang famous sa MU at sobrang hangin, ay magiging matinong kausap! This is unbelievable.

"Hindi naman ako ganun kapag gustong makalimot sa problema" deretso kong sabi habang nakatingin parin sa phone ko then i heard him chuckled.

"May kanya kanya tayong paraan para makalimot,minsan nadadaan natin sa painom inom, meron din namang gustong lumayo para makapag isip isip, iba't iba ang klase ng tao hindi tayo umiikot sa isang lugar lang at meron lamang ang bawat isa na isang panahon kaya dapat chill lang, be happy and enjoy the life" I can't myself from being in awe because of what he said just now, ang ikli ikli ng sinabi ko? Siya nobela na? What the heck? May sakit ba siya? O may sape lang?

"Dami learn! Daig mo pa ang bookworm" singhal ko sakanya, ngumisi lang siya sakin. In fairness sakanya, ang ganda ng sinabi niya at hindi ko aakalain na sakanya nanggaling ang mga salitang iyon.

"Syempre! Kailangang maging madaming alam, para sa kinabuksan ng ekonomiya" umakto pa siya na parang miss universe dahilan para mapatingin sakanya ang ibang customer, ngumisi ako kaya mabilis niya iyong binaba at tinignan yung mga babaeng nakatingin sakanya,kinindatan niya lang naman pero yung mga babae grabe kung maglumpasay!

"Mukha kang tanga" at tumawa pa ako ng mahina, sabay ngiti niya ng malapad.

"So, friends na tayo?" inilahad niya ang kaliwang kamay niya, tinignan ko lamang iyon.

"In your wildest dream! Bye!" mabilis kong dinampot ang bag ko at umalis na.

--

James's (POV)

Habang busy ang dalawang nasa harapan namin sa pagtatalo, nakaisip ako ng idea para malaman yung tungkol dun kay Calvin, tinext ko si Renzo na nasa tabi ko lang.

To Renzo: Dude! I have a plan

Nakita kong tumingin sakin si Renzo ng masama.

From Renzo: Gago ka! Magkatabi lang tayo kailangan pang mag text

To Renzo: Pakyu ka! Listen first

From Renzo: Ano ba yun? Pvta naman eh!

To Renzo: Kailangan nating maging close sakanila, para malaman natin kung sino si Calvin sa buhay ni Madison.

Okay? What the fuck Kellen. Did you just compose that message? Wtf.

From Renzo: Uy! I smell something ayyiiiieee!

Sinipa ko ang paa nya na nasa ilalim ng upuan, umaray ito pero walang tunog at sinamaan ako ng tingin.

To Renzo: Ayos nga Renzo!

From Renzo: Oo na payag na ako, hahanap ako ng chempo wait ka lang

Narinig namin na nagtatalo sila dahil gusto ni Yara na samahan siya ni Selene sa Bar,oh! Eto na yung pagkakataon! Tinapik ko ang hita ni Renzo na buti naman ay naintindihan niya.

"Ako nalang! Free ako today i can join you!" hirit ni Renzo,kaya napangiti ako ng lihim

"Are you sure? Baka may gagawin ka or so whatever?" halata namang ayaw ni Selene na sumama si Renzo kay Yara, mainit ang dugo niya saamin, ay mali sakin lang pala.

"Yeah! It's okay I'm free tonight, tsaka 5 pm palang naman oh! Maaga pa" ang talino ni Renzo ngayon ah! Nakakapanibago.

"Okay! Let's go na, bye Selene! I'll see you tomorrow" at tuluyan na ngang umalis yung dalawa, kailangan ko ding maging close si Selene, malay mo na diba?

Kinausap ko lang siya ng kinausap,ang dami ko namang nasasabi? Daig ko pa si Tatalino eh! Pero wala eh, hindi ko makuha ang loob niya.

"So, friends na tayo?" inilahad ko ang kamay ko sakanya, sana naman okay na? Ang dami dami kong sinabi eh,napapahugot na nga ako, sana tumalab.

"In your wildest dream! Bye!" napapalo ako sa lamesa ng malakas, tangna! Wala man lang epekto ang katangahang ginawa ko? Letche talaga! Natapakan ang ego ko dun ah!

Si Renzo nalang ang pag asa ko, si Renzo nalang sana makuha niya yung kailangan kong impormasyon i need to know about that guy.

I don't know why I'm doing such things just to know whos' that guy is, pag dating talaga kay Madison gusto ko palagi na nalalaman ko ang lahat.

--

Renzo's (POV)

We're here at the bar at ang ingay nga na hindi ako maka chempong kausapin si Yara, and speaking off ayun nasa bar counter inom ng inom, nakikita ko naman mula dito sa kinauupuan ko na puro vodka lang ang iniinom niya pero nakakailang baso narin, lumapit na ako dun para patigilin na siya, iinumin na niya sana yun nang agawin ko sakanya yung baso at ako na ang umubbos ng laman niyon.

"Hey! That's mine eh!" inagaw niya sakin yung baso na wala ng laman, tinarayan niya lang ako at lumingon dun sa bar tender "Isa pa nga"

"No. Wag ka nang kumuha lasing na itong kasama ko eh" tumango lang sakin yung bar tender, aakmang magsasalita pa sana si Yara pero inunahan ko na siya "We need to go, now!"singhal ko sakanya sabay higit sa kamay niya, nang makalabas na kami ng bar mabilis niyang inagaw sakin ang kamay niya.

"Aissssh! I hate you!" nagpapapadyak siyang naglakad sa kotse niya at kaagad ko naman siyang hinabol.

"Hey Stop!" mabilis parin siya sa paglalakad niya kaya tumakbo na ako, i grabbed her wrist kaya napaharap siya sakin"where are you going?"

"I'm going home! Let me go!" inaagaw niya sakin yung wrist niya pero mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak dito.

"Going home? Your're drunk! Do you want to end your life?" tumigil siya sa pag agaw sakin ng kamay niya at tinitigan lang ako mata sa mata, pakiramdam kong bumibilis ang pagtibok ng puso ko, after a long time naging abnormal ulit ang puso ko! Nang dahil sa babaeng nasa harapan ko ngayon, ngayon ko lang napansin ang ka cutan niya sa bangs niya na mas lalo niyang ikina cute! Nang pumikit pikit siya at gumalaw doon na ako natauhan "Ako na maghahatid sayo" hinila ko na ang kamay niya, at eto nanaman ako! Nakaramdam ng kuryenteng dumadaloy sa kamay ko galing sakanya.

"But my car!"

"Just text your driver" deretso kong sabi at nang makarating na kami sa tapat ng kotse ko ay pinagbuksan ko na siya sa passenger's seat, hinihintay ko siyang pumasok pero nakatayo lang siya dun "What are you waiting for?" inaro ko na yung kaliwang kamay ko para pumasok na siya sa kotse.

"I can't go with you" she said.

"Why?"

"Magagalit si Dad kapag nakita niyang may kasama akong lalake" ngumisi naman ako sa sinabi niya.

"Tss, it's not a big deal! Just tell him that I'm your friend, sumakay kana mas lalo yung magagalit kung umuwi ka ng lasing tapos nag drive ka pa, so you choose" sinara ko muna ang pinto ng kotse at sumandal dun, hinihintay ang sagot niya.

"Let's go" ngumiti ako sakanya at binuksan na ang pinto at pumasok na siya, bago pa ako makasakay sa driver seat ay tumunog ang cellphone ko.

From KJ: What happened? Text back ASAP

oo nga pala! Naka limutan ko na! Napa kamot ako sa batok ko at tumipa ng reply sakanya.

To KJ: Dude! She's drunk, next time nalang

Agad naman siyang nag reply

From KJ: I understand dude, okay next time nalang thanks for your help

To KJ: As always dude

Hinintay ko pa siyang mag reply pero wala na,pumasok na ako sa kotse at tumambad sakin ang tulog na Yara na naka sandal ang ulo sa bintana, kaya lumapit ako sakanya para ang kanyang pwesto, at dahil sa ginawa kong pag lapi sakanya ay mas lalo ko siyang natitigan ng malapitan.

"I think! I have a crush on you" ngumiti ako ng malapad at sinuotan na siya ng seatbelt.

I didn't expect this could happen.

--

Madison's (POV)

Nagising ako sa sakit ng likod ko, minulat ko ang mga mata ko at laking gulat ko na nandito parin pala ako sa museleo ni Calvin, nag unat ako at tumayo nab ago kinuha ko ang phone ko sa bag ko, 9 pm na shocks! It's getting late!

"Calvin, I need to go now I'll visit you some other time, Bye" lumabas na ako at sinara na ang gate, araw-araw ko siyang dinadalaw dito noong bakasyon pero dahil nga may pasok na hindi na ganoon nadadalas, madilim narin at buti nalang may mga ilaw dito kaya aninag ko pa ang daan.

"Ginabi po kayo Miss Madi" muntikan na akong magulat sa biglang sumulpot sa harapan ko.

"Mang Anjo naman eh! You scared me" gamuntikan nanaman akong matisod. Magugulatin talaga ako, ewan ko ba dahil siguro sa kape.

"Sorry po Ma'am, nag ikot-ikot lang po kasi ako" napa kamot ito sakanyang batok "Teka Ma'am, bakit po kayo ginabi?"

"Nakatulog kasi ako dun sa museleo ni Calvin, napasarap kaya ayun! Hindi ko namalayan ang oras" ngumisi naman kaming parehas "Sige po,i need to go na. bye po" nag paalam na siya sakin kaya naglakad na ulit ako.

--

James's (POV)

Naisipan kong dalawin muna ying puntod ng lola ko dahil siya lang kasi yung nalalapitan ko kapag may kina iinteresaduhan akong babae, paalis na sana ako nang may naaninag akong babae sa hindi kalayuan ng sementeryo. Pamilyar ito saakin kaya lumapit ako ng kaunti para makita ko kung sino yun at laking gulat ko sa nakita ko.

Sino namang dinadalaw niya rito? Tsaka gabi na? I'm much curious now about her. I need to find an answer for this. I want to get to know you more Madison.



***

You can follow me on my social media accounts:

Instagram: borjadaniella_

Twitter: dwanwella

Use the Hashtag #MFmMS

author's note: Hi readers! Hehe kung may nag babasa man. Okay straight to the point tayo. I want to ask sana kung gusto niyong malaman ang about kay Calvin? Just comment if you are interested! Medyo excited din kasi ako na ipakilala siya sainyo.And by the way kung gusto niyo ring malaman ang nakaraan ni Madison kasama si Calvin just comment okay hehe.

I want a noisy readers! Just vomments lang kung nagustuhan niyo ang stories ko, wag kayong matakot sakin kasi hindi naman ako mangangagat friendly ako.

Thank you sa oras na ginugol niyo para basahin ang note ko!
Also my stories!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top