°10°

Madison's (POV)



Hindi ko parin malimutan yung nangyari kanina at sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa iyon ay hindi ko maiwasang hindi matawa.dahil sa tuwing naaalala ko yung itsura niya,napapangiti na lang ako. Akalain mo nga namang marunong palang matakot ang mayabang na iyon.

"Huy! Mads! Are you insane? Makangiti wagas! Anong meron?" binato ako ni Yara ng tissue kaya napa pitlag ako, ngayon lang nag process sa utak ko yung sinabi niya.

"Wala,I'm just remembering someone" ngumiti pa ako at ngumisi dahil hindi talaga maalis sa isipan ko.

"Woaw! Sino yan ha? Ikaw Mads ha,naglilihim ka samin" kinulbit naman ako ni Selene sa tagiliran ko kaya lumayo ako sakanya.

"Gaga ka! May new maid kasi ako,hinire ni kuya" pag dadahilan ko, buti at naka hanap ako ng lusot kundi patay sa sekreto ni mister na takot sa height.

"Oh? Sino?" tanong ni Yara sakin sabay simsim sa kanyang ice tea and speaking off, palakad dito si Honey papunta sa table namin,tinuro ko siya kina Yara and Selene using my lips, agad naman silang tumingin sa tinuturo ko.

"Hello Mads!" Honey waved her hands at me at umupo sa tabi ko, katabi ko si Selene na sinusundot sundot ako sa tagiliran pero sinisiko ko siya, si Yara naman na nasa harapan na upuan ni Honey.

"Honey, this is Yara" turo ko kay Yara at nag shake hands sila "and this is Selene" nakipag shake hands din si Selene "My Best of friends"

"Nice to meet you po!" nag bow pa siya sakanila, kaya napa ngisi ako. Hindi naman kagalang galang itong dalawang ito.

"Wag mo na silang galangin,hindi naman sila kagalang galang eh" sabay bulalas ko ng tawa sa sariling sinabi, at ang sama lang ng tingin nila sa aking dalawa habang natawa ako dito.

"Ang sama mo Madrigal!" inis na sabi ni Selene sabay halumbaba sa table tumigil na ako sa katatawa ko.

"Joke lang,wag mo na silang galangin ka edad mo rin lang naman sila actually turning 20's na yang mga yan,and ako naman turning 18! Baby pa kasi ako" narinig kong tumawa yung dalawa pero hindi ko nalang pinansin nakatingin lang ako kay Honey.

"Okay..." nag beep yung phone niya kaya binasa niya ito,sabay tingin sakin "Sige Mads,i need to go maglilinis pa ako ng condo mo eh, Bye" tumayo na siya at nag beso sakin ganun din kina Yara at Selene.

Yara Flores, 19 years old Tourism 2nd Year college. Kaya tourism ang kinuha niyang course kasi gusto niya daw mag travel at libutin ang buong mundo. Bestfriend ko na siya simula pa noong grade 6 ako,kaya alam ko na ang kagagahan niyan,she already had 6 boyfriends na hindi niya sineryoso, gaga yan eh!

Selene Angeles 19 years old Fashion 2nd year college. Na meet namin siya ni Yara sa isang fashion contest noong high school kami kaya ayun! Naging friend namin siya ni Yara. Bata pa lang daw siya hilig na niya ang fashion,kaya yan hanggang sa paglaki niya hilig niya parin,Isa palang nagiging boyfriend niyan,at wala ka! Ilang buwan yang nagkulong sa kwarto niya dahil dun sa hilaw niyang jowa na niloko siya.

Nung nag college silang dalawa ,sa ibang school sila nag aral,kaya nung grumaduate na ako lumipat sila dito sa MU kasi daw miss na miss na nila yung beauty ko. Hindi talaga nila matiis ang ganda ko.

Kahit na magkakaiba kami ng course at buildings, nagagawa parin naming magkita kita, diba nga! Kapag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan! So that's are friends walang iwanan.

"Ang lalim ng iniisip mo ah! Kanina kapa" nag snap si Selene kaya natauhan ako.

"May iniisip lang yan si Mads na ayaw sabihin satin kung sino, ikaw babae ka ha nag lili--- Aray! Ano ba?!" binato ko kasi siya panyo ko,ayun sapul sa mukha.

"Gaga kayong dalawa! Tigilan niyo nga ako,at isa pa walang forever!" diniinan ko talaga yung huli kong sinabi.

"Bitter ang peg! Grabe ka girl ah" tumawa naman yung dalawa, ako naman nag smirk lang,diba wala naman talagang forever? Diba? Diba?

"Hindi ako bitter! Totoo yun! "i crossed arm, Napipikon nanaman ako sakanilang dalawa.

"Hanggang ngayon kasi hindi kapa maka get over kay Calvin!"natauhan ako sa sinabi ni Yara na kasalukuyang tumatawa, agad na nagpantig ang tenga ko nang marinig ko pangalang sinabi niya, bakit nasama sa usapan si Calvin? Hindi dapat siya sinasali sa ganitong usapan!

--

Selene's (POV)

"Hanggang ngayon kasi hindi kapa maka get over kay Calvin!" namilog ang mata ko dahil sa pagka bigla sa sinabi ni Yara, gaga talagang Yara! Lagot nanaman siya kay Mads! Kung anu-ano kasing nalabas sa bibig eh!

Pinalo ko ang kamay ni Yara at nilakihan siya ng mata, nag bago kasi ang aura ni Mads dahil sa narinig niya, tinabihan ko si Yara at bumulong sakanya.

"Naku! Bakit dinamay mo pa si Calvin! Patay ka kay Mads!" ayaw na ayaw ni Mads na dinadamay sa usapan si Calvin dahil nga sa nangyari noon and we all know how Calvin affects Madison so much.

"Hindi ko naman—help me!" natatakot na siya kay Mads, actually iba talagang magalit si Mads kaya hindi ko siya ginagalit,sadyang si Yara lang talaga itong tanga na hindi nadadala.

"Hindi kita kargo girl, kasalanan mo yan ikaw ang lumutas" bulong ko ulit sakanya at tumayo na ako para lumipat sa kinauupuan ko kanina sa tabi ni Mads at nakita ko naman na takot na si Yara, naawa ako kanya.

"Uhmm Mads, Yara didn't mean na---" gagawan ko pa sana ng dahilan si Yara pero wala na rin akong nagawa.

"That's not a Good joke Yara!" sigaw nito kay Yara,padabog siyang tumayo dahilan para matumba iyong upuan, pati tuloy ako natatakot sakanya.

"Mads, calm down okay?" sinubukan kong kalmahin si Mads kasi lahat na ng estudyante dito cafeteria ay napapatingin na saamin.

"Calm down Selene?! Calm down! Ha! Putulin mo yang dila nang kaibigan mo! Ugh!" halata na sa boses niya yung galit niya kasi sumisigaw na siya, yung tipong lumalabas na yung litid niya sa leeg? Hinawakan ko siya sa braso niya at pinilit na kalmahin siya.

"Don't ever touch me!" tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig, pati tuloy ako nadadamay sa kagagahan ni Yara eh! Naku! Lagot sakin 'to mamaya! Agad na tumayo si Yara para tulungan akong tumayo,si Mads naman nangingilid na ang mga luha sa mga mata pero halatang pinipigilan niya, ang pula na rin ng mukha niya dahil sa sobrang galit naka kuyom rin ang mga kamao nito, sino ba namang hindi magagalit?

"Natatakot na ako sakanya" bulong sakin ni Yara,l umapit samin si Mads na narinig ata iyng sinabi ni Yara!.

"Scared?" sarkastikong tumawa si Mads, pero agad niya itong binawi at agad na sinamaan ng tingin si Yara na kapit na kapit sa braso ko "Don't be scared! Hindi naman ako ghost! Takot ka sakin diba?" marahas na hinawakan ni Mads ang braso ni Yara, mahigpit iyon dahil dumiin ang hawak ni Yara sa braso ko "Sa susunod na idamay mo si Calvin sa usapan! Hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko sayo!"marahas din na binitawan ni Mads ang kamay ni Yara at umalis na.

Nagsimulang humagulhol si Yara, buti nalang at mababait ang mga estudyante dito at hindi kami vinidyuhan kundi! Naku! Patay!

--

James's (POV)

Ang daming taong tumatakbo papunta sa cafeteria, ano nanamang meron? Palakad na sana kami dun ni Renzo ng makita naming palabas si Madison na padabog at halata sa mukha niya ang galit dahil namumula pa siya palapit na siya saamin.

"Mads okay ka--- Aww!" agad na tinulak si Renzo ni Madison at dumeretso lang sa paglalakad niya.

"Anong nangyari dun?" tanong ko.

"Mukha bang alam ko eh magkasama tayo ngayon, tanga mo rin" sagot ko sakanya at naglakad papunta sa cafeteria, nadatnan ko dun ang mga estudyanteng nakaharang sa pinto kaya naman tinulak ko sila, kapag may umangal babaragin ko ang mukha.

Nakita ko dun ang dalawang kaibigan ni Mads, at 'yong isa ay umiiyak pa kaya lumapit ako sakanila.

"Anong nangyari?" tumingin sakin si Selene.

"It's none of your business" gandang sagot diba? Magkakaibigan nga sila.

"Sakin pwede mong sabihin?" singit ni Renzo na naka akbay sakin, tumango naman si Selene at pinaupo si Renzo tumabi naman ako kay Renzo na kunware ay hindi ko sila pinapakinggan, pake niyo ba? Eh gusto kong malaman kung anong nangyari.

Sinabi niya lahat kay Renzo ang nangyari habang pinapakalma ang kaibigan niyang umiiyak. May nabanggit siyang dahilan kung bakit sila nag away away, dahil dun sa.......Calvin ba yun? Pero sino naman siya sa buhay ni Madison?

Pinilit na ipasabi ni Renzo kay Selene kung sino si Calvin pero ang sabi niya lang ay 'wala ako sa pusisyon para sabihin ang tungkol dun' yan yung sinabi niya.

Agad akong tumayo at lumabas, tinanong pa ako ni Renzo kung saan ako pupunta pero hindi ko lang siya pinansin, hahanapin ko si Madison hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit gusto kong malaman lahat ng tungkol sakanya at kung sino man ang Calvin na iyon, tiyak ko na sobra niyang naapektuhan si Madison dahilan para maging ganoon na lamang ang reaksyon niya.

--

Madison's (POV)

Nang makasakay na ako sa kotse ko ay hindi ko na napigilan ang mga luha kong gusto ng pumatak kanina pa lang.

"Sorry about that Calvin, I'm sorry" I said between my sobs, isinubsob ko ang mukha ko sa manibela ng kotse at dun umiyak, nang tumigil na sa pagpatak ang mga luha ko tumunghay ako at kinuha ang phone ko 4 pm na,isang oras pala na umaagos ang mga luha ko, tumingala ako sa kalangitan mula sa bintana ng kotse.

"Bakit ang lungkot mo? "Nakatingin lang ako sa langit na pati siya ang lungkot din, naramdaman ko na pumapatak nanaman ang mga luha ko "Sana kasama pa kita ngayon, sana hanggang ngayon nasa tabi parin kita" pinahid ko ang mga luha sa mga pisngi ko "Ang unfair ng heaven satin Calvin, I miss you so much" yung mga luha ko tuluyan ng kumakawala, buti nalang at tinted ang kotse koat walang sinuman ang makakakita saakin.

Nasa MU parin ako dahil hindi pa ako naalis kasi kapag nag drive ako ng lutang pa ako baka kung ano pa ang mangyari sakin.

Natuon ang atensyon ko sa phone ko ng tumunog ito, pinahid ko muna ang luha sa mga mata ko at tsaka iyon binasa.

From: Renzo
Where are you Madison? I'm worried

Ibinaba ko ulit ang phone ko sa passenger seat, gusto ko munang mapag isa ngayon gusto kong makapag isip.

Pupuntahan ko muna si Calvin ngayon, i need him.



***

You can follow me on my social media accounts:

Instagram: borjadaniella_

Twitter: dwanwella

Use the Hashtag #MFmMS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top