The Hardest Part
The hardest part talaga ito dahil hirap na hirap na rin ako... Hahaha... Mental block is coming... Halos ayaw kong bumitaw pagsusulat dahil natatakot akong mawala ang idea sa aking isipan. Pero ngalay na ngalay na dalaga ang mga daliri kuh pramizzzzzz hahaha...
Hello sa aking mga avid readers jan... Paramdam naman kayo. Miss kuh na ang mga message nio... And dont forget to hit the vote. Halabyooo all...
Kuhhh nalimutan kuh na ang iba...
Bastat lab na lab kuh kau guyssss....
Mhuahugs... 😍😍😍
*****************************************
Malapit na siyang masiraan ng bait.
Ohhh God knows how much she miss her!
Ilang beses na siyang pabalik balik sa mancion ng mga Mcbride pero ayaw siyang harapin ni Jade.
Maging ang Senyora ay ayaw din siyang harapin. It's been two months pero ayaw magparamdam sa kanya ng dalaga. Talagang pinangangatawanan nito ang pag iwas sa kanya.
Hindi ito pumupunta sa Coffee shop.
Palaging ang sabi ay wala ito sa mancion. Wala rin daw ang lola nito. At hindi niya alam ang bahay ng magulang nito sa Batangas.
"Samonte! "Sigaw niya.
Taranta namang lumapit ang kanyang kanang kamay slash bodyguard .
"Ano nang update? Gaano katagal pa ang ipaghihintay ko bago ninyo mahanap ang bahay ng mga Mcbride sa Batangas? Hah!"Nang gigigil na sigaw niya sa tauhan.
"Wala pa po Bossing! "
"Damn! Sayang lamang ang ibinabayad natin sa lintek na mga Private investigator na iyan! Gawan mo ng paraan! Kung kailangang ikaw ang maghanap doon ay gawin mo! " Halos nagwawala na siya.Wala na siyang maihagis dahil naihagis na niyang lahat ang laman ng mesa niya.
"Yes Boss! " At kaagad na itong umalis sa kanyang harapan.
Ohhh my God... This is not happening!
Pakiramdam niyay hindi nakatiis ang matandang Senyora at nagtapat na ito kay Jade. Kaya ayaw siya nitong harapin. At mas lalong ayaw ding magpakita ng dalaga sa kanya. Maaring iba ang version ng matanda sa versiong binuo niya sa kanyang isipan.
Napaluha siya.
Bakit ganito ang kinalabasan. Nais lang naman niyang surpresahin ang dalaga about sa pagkatao niya. Hindi ganito ang ini imagine niyang scenario sa kanyang utak.
Mahal na mahal niya ito at mas mabuti pang mamatay na lamang siya kung hindi babalik sa kanya si Jade.
Jade... Please comeback to me!
Tangi niyang nausal habang umiiyak ng tahimik.
Comeback babe!
Comeback!
Zacharias McBride...
He was looking at his child.
Jade is sitting in the wine bars floor... Yakap nito ang isang bote ng alak.
Umiiyak ng tahimik.
Panaka nakang sinisimsim ang alak direkta mula sa bote nito.
Nawalan ng direksyon ang buhay ng anak niya ng dahil sa pakikialam ng kanyang Mama.
Hindi na ito nagsusulat ng nobela.Hindi nito hinaharap ang mga kasamahan nito sa trabaho kapag pumupunta roon. Hindi rin ito dumadalaw sa coffee shop nito. Hindi rin ito lumalabas ng bahay.
Wala itong kinakusap sa kanilang lahat. Kumakain lamang ito kapag naisipan nito.
Tila nawalan ng kulay ang buhay nito.
Pinilit niyang patugain ang kanyang ina sa nangyare sa kanyang anak.Napilitan itong umamin at ipinagtapat sa kanya lahat lahat.
Halos nasigawan niya ito. Muli na naman itong nakialam sa buhay nilang mag anak.
Matagal na niya itong sinabihan na kakalimutan na niya ito kapag pinakialaman pa nito ang buhay ng kanyang mga anak. Hindi niya anak sa dugo si Jade pero anak ang turing niya rito.
Napaka sweet nitong bata noon.
Palangiti... Palabati... Madaling kausap... Malambing at higit sa lahat maunawain ito.
At lahat iyon ay sinamantala ng kaniyang Mama.
Kayat heto ngayon ang kanyang anak.
Sinisira ang sariling buhay!
Sa halip na maging masaya ito at kumpleto na ang pamilya nila.Magaling na si Dani at nagpasya itong bumalik sa kanila. Doon ito nagpahilom ng operasyon nito.
Pero tila wala itong nakikita.
Kahit malakas ang tawanan nilang lahat ay hindi ito lumilingon.
Dinala niya ito sa kaibigan niyang psychiatrist ...Pero wala daw mali sa kanyang anak. Sumasagot daw ito ng maayos at tama.
Iisa ang ibig sabihin niyon silang pamilya nito ang problema nito.
Lumapit ito sa kanya ilang araw na ang nakakaraan. Gusto nitong magbakasyon sa Bahay nila sa Canada. Ngunit ayaw ni Melanie at ng kanyang Mama. At sa tingin niyay hindi rin kaya ng dalaga ang manirahan doon mag isa sa sitwasyon nito ngayon.
Pero sa nakikita niyang sitwasyon ng anak niyay parang nais magbago ng kanyang isipan. Binubuo niya sa kanyang isipan ang pagma migrate nilang buong mag anak doon. Hindi pa final ang kanyang desisyon dahil hindi pa niya iyon nai oopen sa dalaga. Walang magagawa ang kanyang asawa at ina sa kanyang desisyon sa oras na pumayag si Jade.
Kung papayag ito.
Dahil ang nais nitoy lumayo sa kanila at hindi ang magbakasyon sa ibang lugar.
Kung maari lamang siyang pumatay ng tao ay uunahin niya ang Hunter De Valencia na iyon!
That damn moron!
Pasasaan ba at mag ku krus din ang landas nila ng hudas na lalaking iyon.
Tiim bagang na usal niya.
Time will come...
Von Zachary McBride...
Nakakuyom ang mga kamay na pinagmamasdan niya ang ate Jade niyang nakalupasay sa kalasingan. Pilit iyong ibinabangon ng kanyang ama upang dalhin sa kwarto nito.
Tahimik din niyang minumura sa kanyang isipan kung sino man ang Hunter De Valencia na iyon na sumira sa buhay ng kanyang kapatid.
Winasak nito ang buhay ng kapatid niya. Mula sa happy go lucky niyang ate ay naging parang manikang de susi ito na kikilos lamang kapag sinususian.
Nawala ang sigla ng kanyang kapatid. Nawala ang mga ngiti nitong tila walang problema sa buhay.
Nawala ang sigla ng bawat galaw nito.
Nawala ang kislap ng mga mata nitong palaging nangungusap.
Nawala ang kanyang kapatid.
At iisa ang pinapangako niya sa kanyang sarili.
Buburahin niya sa mundo ang taong sumira sa buhay ng kanyang minamahal na kapatid.
Ano man ang kahihinatnan ay tatanggapin niya. Maipag higanti lamang niya ito.
No matter what...
I will kill you Hunter De Valencia!
Danica jane Piamonte Mcbride...
Tumulo ang masagana niyang luha habang minamasdan ang kanyang kapatid na si Dianna habang buhat buhat ng kanyang Daddy Zach.
Tila dinudurog ng maso ang kanyang puso kapag nakikita niya itong yakap ang bote ng alak. Walang oras na nakakausap ito ng matino.
Wala isa man sa bahay na iyon ang kinakausap nito.
Walang isa man sa kanila ang makapag pagaan sa dinadala nitong problema.
At iisa ang pangako niya sa kanyang sarili.
Ipaghihiganti niya ito.
Kung nakaya niyang pagtangkaan ang Hunter De Valencia na iyon noon ay mas kaya niya itong patayin ngayon. Sa oras na lumakas siyay babalikan niya ang walanghiyang lalaking iyon.
Kung nagmintis siya noon at buhay pa niya ang nanganib ay sisiguruhin niya ngayong ito naman ang mag aagaw buhay bago niya iwanan.
Minsan na niyang pinag tangkaan ang buhay nito. Sapul ng malaman niyang ipinagkasundo ng kanyang lola ang kanyang kapatid ay hindi siya tumigil hanggat hindi nahahanap ang lalaking iyon.
Galit na galit siya noon sa kanyang Lola Guada. Ginawa sila nitong manikang de susi na kailangang sumunod sa lahat ng gustuhin nito.
Nag rebelde siya.
Mula sa simple niyang pangarap na magturo ng mga batang yagit ay mas pinili niyang magpulis.
Kahit palaging nag iinarte ang matanda na inatake sa puso ay hindi siya natinag sa kanyang desisyon.
Wala rin itong nagawa ng umalis siya sa mancion. Nanirahan siyang mag isa sa kanyang condo.
Hindi na niya kaya ang ginagawa nitong pag mamaniobra sa buhay nilang magkapatid.
Kayat malaki rin ang tampo niya sa kanilang ina. Ibinigay sila nito sa senyora para mas maenjoy nito ang bago nitong asawa.
Wala itong tutol sa mga balak ng kanilang lola. Maigi pa ang kaniyang Daddy Zach na nakikipag away sa kanilang lola upang lubayan silang magkapatid.
Pagod na pagod na siya!
Lalo na kapag umiiyak sa kanya ang kanyang kapatid upang isumbong ang mga ginagawa ng kanilang lola.
Narindi na siya!
Kayat nag leave siya sa pagpupulis.
Hinanap niyat tiniktikan ang bawat kilos ni Hunter De Valencia.
Natuklasan din niyang utay utay na itong lumalapit sa kanyang kapatid. Madalas niya itong makitang naka subaybay kay Dianna.
Minsan niya itong nahuling sinusundan ang kanyang kapatid hanggang Batangas. Alam niyang may masama itong balak sa kanyang kapatid. Kayat inunahan na niya ito.
Tinambangan niya ito ng minsan niya itong masumpungan na iisa ang kasamang bodyguard. Mabilis kumilos ang bodyguard nito. Mabilis na nai cover si Hunter at siya pa ang napuruhan nitot nag agaw buhay sa ospital.
Pero ngayon ay hinding hindi na siya mag mimintis.
Ano man ang mangyari ay papatayin niya ito upang mailigtas ang kanyang kapatid mula rito.
Hintayin mo lang Hunter De Valencia!
I will hunt you down!
Soon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top