Siblings
Shoutout ulit kina...
YnaAnonuevo,user12999886,user32550690....thankie guys..!!!
And again...promote ko lang ulit ang mga magagaling kong co-writers. Please do read their stories...
YourDreamMan
ChiMoBby....MissChexo...
atengmansanas27
EvaInBlack
BBsecondaccount
gelai_WP...
Tsaka na ulit ang iba guys....
-----------------------------------------------------------
"At kailan ka pa natutong uminom ng alak ha, Dianna Jade? "
Nakapamaywang na tanong ng kanyang ina.
Oh shit!
Bigla siyang narindi ng marinig sa ina ang buo niyang pangalan.
Para itong ang kanyang lola kung makatawag sa kanya.
"Mama, it's Jade okay! "Naka nguso niyang wika sa ina.
"Oh isa pa iyan, at kailan pa naging bawal na tawagin kitang Dianna, aber? "
Patuloy na butaktak ng kanyang ina, sumunod pa ito sa kanila ng kanyang Daddy Zach sa may wine bar.
"Ma, please,Rinding-rindi na ako kay lola sa mansion. Pati ba naman dito?"
May bahid ng iritasyong sagot niya sa kanyang ina. Ayaw kasi siyang tigilan mula pa kaninang pagdating niya.
Tila nagtampo naman itong bumalik sa pagkaka upo sa sofa.
Oh my!
Pabebe na naman ang kanyang ina!
Nakukunsensyang ininum muna niya ang alak sa kopita bago lumapit sa may likod ng sofa na kinauupuan ng kanyang nag iinarteng ina.
"Ma, I'm sorry! Okay,Sasagutin ko ang tanong mo but promise me na titigilan mo muna ako okay?"Saad niya.
Naka irap na sumulyap sa kanya ang ina niya, ngunit alam niyang pumapayag ito kahit hindi sumagot.
"Matagal na akong marunong uminum ng alak. "Napamulagat ang mata nito sa kanya at tila balak pang magsalita, pero inunahan na niya. "Ma, naman bente sinco na ako! And please stop calling me Dianna! "
"Bakit nga?! "Mulagat ang matang tanong nito sa kanya.
Napaka kulit lang talaga!
"Ah basta ayoko! "Piksi niya.
Bakit nga ba?
Ang lola na lang niya ang tumatawag sa kanya ng Dianna kahit palagi niyang sinasabi na Jade ang itawag sa kanya.
Bakit noong nag patawag ng Dj ang ate Nica niya ay wala namang umangal sa mga ito?
Dahil ba pulis na ang kanyang ate?
JadeMcBride ang pet name niya sa pagsusulat at doon siya sumikat bilang writer sa pangalang iyon.
Hindi naman niya gustong tanggalin ang Dianna sa pangalan niya.
Nagsimula lang naman iyon ng mag disi otso siya.At sa kalagitnaan ng party niya ay biglang ini-announced ng lola niya na engaged na siya sa isang milyonaryo.
Sa anak ng isang Amiga nito.
Ini-announced iyon ng matanda ng ni hindi man lamang isinangguni sa kanya o sa kanila.
Nagulat silang lahat ngunit walang umapila sa announcement ng kanyang lola. Palaging sinasabi ng kanyang ina na malaki ang kanilang utang na loob sa matandang McBride.
Na totoo naman dahil saksi sila ng kanyang mga kapatid sa pagiging mabait nito.
Kaya lamang ay pati buhay pag ibig niya gusto nitong ito ang masunod.
Tama ba naman iyon?!
Sapul ng doon sila ng Ate Nica niya tumira sa mansion ay sunod-sunuran na sila sa lahat ng gusto nito.
Ngunit wala naman itong nagawa ng mas pinili niyang maging manunulat kesa sa kagustuhan nitong maging doktor siya.
At hindi din nito napilit na maging abogada ang ate niya, dahil pinangatawanan ng kanyang ate ang kursong education at pagkatapos ay biglang nag pulis.
Natatawa siya kapag naalala niya ang mukha ng matanda ng malamang nag pulis ang kapatid niya. Biglang sumama ang lasa ng matanda na kunyari ay aatakihin sa puso, na hindi naman bumenta sa kapatid niya dahil binale wala lang nito ang nag iinarteng Senyora.
Dianna Jade McBride ang pagkaka kilala sa kanya ng lalaking dapat ay mapapangasawa niya na lantaran niyang tinanggihan noong una.
Ngunit bumenta sa kanya ang atake sa puso emote ng lola niya dahil nahilo ito at bumagsak.
Kaya napapayag siya ng matanda kasabay ng pangako nitong hindi muna siya ipapakilala sa lalaki at hindi kaagad magtatakda ng kasal hangga't hindi pa siya handa.
Gusto niyang magwala ng panahong iyon. Gusto niyang ipamigay ang sarili sa kahit na kanino ngunit napag isip-isip niyang masisira lamang ang buhay niya.
Nagbuo na lang siya ng balak sa isipan niyang pakakasal sa lalaki at pagkatapos ay hahanapan ito ng butas para mahiwalayan niya.
"Jade, anak oh alak pa! "Kalabit ng kanyang amain sa kanya. Sabay abot ng kopitang may alak sa kanya.
Napatingin siya sa kopita, inagaw iyon sa kamay nito at mabilis na tinungga.
Tanging ang Daddy Zach, nila ang kakampi nila ng ate niya sa pag tutol sa mga kagustuhan ng kanilang lola. Dahil ang kanilang ina ay palaging sunod-sunuran sa matanda.
"Babe,wala pa nga pala sina Barry at Acia! "Muling sumbong ng ina niya.
"Babe, Let the kid's enjoy their life,Okay? Uuwe din ang mga iyan. Isa pa may kanya kanyang body guard ang mga anak mo. So nothing bad will happen to them."Masuyong sagot ng kanyang amain.
Napakabait ng kanyang step father, napaka swerte nila sa pangalawang ama nila. Mapag pasensya ito mula sa kanilang makulit na ina hanggang sa kanilang lahat na magkakapatid.
"Hay naku Zacharias! Hump! D'yan na nga kayo! "Nagdadabog na wika ng kanyang Mama.
Natawa na lang ang kanyang amain sa inasal ng kanyang ina.
Pabebe si Mama!
Lihim siyang natawa, tulad kasi ng kanyang lola ay mabait na strikta ang kanyang ina.
Mabuti pa ang kanyang lola na sunod ka lahat sa layaw, may kapalit nga lang na agenda.
Hump!
"Dad, kilala mo ba ang ipakakasal sa akin ni Lola? "Biglang naitanong niya sa kanyang amain.
"I know nothing about it, Jade. Kung meron mang unang umapila sa lola mo tungkol sa kasal na iyan ay ako iyon, anak! "Tila naaawa ang kanyang Daddy Zach sa kanya.
"But don't worry, I will work on it! Malalaman din natin kung sino iyang pontio pilatong iyan! "Tiim ang bagang na wika pa nito.
Napailing na lamang siya.
"Salamat, Dad! "
Gusto sana niyang sabihin sa amain kung bakit siya napadpad sa bahay ng mga ito, kaya lamang ay tahimik na itong umiinum ng alak. At may malalim ding iniisip. At isa pa, masyado ding matapang ang kanyang amain, baka biglang halughugin ang buong Pilipinas makita lamang ang itim na sasakyang humabol sa kanya hanggang Batangas.
Naghanap na lamang siya ng ibang topic na pagpupulungan.
"Dad, pasaway ba sina Barry at Acia? "
Lumingon sa kanya ang amain, at pagkatapos ay ngumiti.
"Acia is seventeen now, hindi lang matanggap ng ina mo na ang baby girl niya ay lumaking maganda, at napaka raming manliligaw as in marami. Ayon sa ina mo ay play girl daw ang kapatid mo."
Dapat na pala niyang dalasan ang pagdalaw dito, para gabayan ang kanyang mga kapatid. Lalo na si Acia, at baka maligaw ng landas.
Natawa pa siya sa word na play girl.
At the age of seventeen play girl na ang kapatid niya, samantalang single pa sila ng ate Nica niya.
"At si Barry naman,Unlike sa typical young boy of this time, masyado ng seryoso sa buhay niya."Patuloy ng kanyang amain.
"Oh ayaw ba ni Mama noon? Wala siyang sakit ng ulo! "Naisatinig niya.
Natawa ang kanyang amain.
"Anak, thirteen lang ang kapatid mo. But he's acting like an old man.Magugulat ka kapag nakita mo mamaya kapag umuwe."
Natatawa pa ring kwento ng kanyang amain.
"Baka gustong mag pari, Dad! "Biro niya.
Muling natawa ang kanyang amain.
Napatayo sila sa kinauupuang stool sa may wine bar ng makarinig ng komosyon sa labas ng bahay.
Narinig nilang may pumasok na dalawang magkasunod na sasakyan.
At pagkatapos ay ang tila nagbaba ngayang mga tao.
"Ate, Why don't you just fix yourself, look at you mukha kang nakapilang pokpok sa Calamba! "Narinig niyang wika ng isang lalaki, habang pumapasok sa salas ng bahay.
Si Barry iyon,Napakataas nito sa edad na trese.Tulad ng dati ay kasing pogi pa din ng kanyang Daddy Zach. Kuha nito ang buong asset ng ama nito, mula buhok, asul na mata at ang malaki niyong kaha na alangan sa edad nito.
"Palagi mo na lang akong pina kiki- alaman, Von Zacharry. Namimihasa ka na ha, baka nakaka limutan mong matanda ako sayo ng apat na taon! "
Mataray na sagot dito ng babaeng nakatalikod. Tiyak niyang si Acia iyon.
Naka suot ng black tight denims at black tube na halos ang dibdib lang ang natakpan.Naka blazer na itim din at hanggang sikmura lang din naman ang haba. Labas mula sikmura ng kapatid hanggang sa magandang kurba ng baywang nito. At bakat lahat ng dapat na bumakat sa suot nito.
Although medyo daring talagang tingnan ay hindi naman malaswa dahil uso ang ganitong pananamit ngayon sa kabataang tulad nito. Kung siya nga ay halos kita na ang kuyukot at singit sa igsi ng salawal niyang suot.
Na ipinag papasalamat niyang hindi na napansin ng kanyang ina.
Nananatili silang nanonood ng eksena ng Daddy Zach niya.At parang hindi rin naman sila na papansin ng nagtatalong magkapatid.
"Kung ayaw mong napapaki alaman, Then act like a descent woman! Look at you, nahihiya akong amining kapatid kita sa hitsura mo! "Tila galit talagang singhal ni Barry sa ate nito. At nakakatawang pakinggan sa panenermon gayong trese lamang ito.
Katuwa diba?
"And please, ate Acia. Huwag ka namang nakikipag halikan sa lansangan. Bakit hindi sa loob ng Bentley mo, at hindi iyong kung kailan ako dadaan sa ay tsaka kita aabutang nakikipag lampungan sa lalaki mo! "Patuloy na nito.
"Excuse me! Hindi ko lalaki iyon ano! Sumakay lang ako sa dare ng mga friends ko ano! "Nakatirik ang matang sagot naman ni Acia.
"Then you should find a new set of friends, bad influence sila sayo! "Asik pa rin ni Barry sa ate nito.
Natatawang sumabat na siya sa mga kapatid.
"Hey, palagi ba kayong ganyan mag usap? "Bungad niya sa mag kapatid.
Gulat namang napa tingin sa gawi nila ng Daddy Zach nila ang dalawa.Tila napahiya ang mga ito na nasaksihan pa nila ang pag sasagutan ng mga ito.
Napakamot pa sa batok si Barry pagka kita sa amang nakatayo sa likuran niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top