One in a Million
Dedicated to ching5577....thank u bebe...
Shout-out muna sa iba...
jho-jhona
user12999886
user32550690
gatdulaantonette
exkoh07
JoannaMarieVentura93
dethmabago
Salamuch guys... Lab yah!!!
Ligawan portion muna tau guys, saka na ang chukchakan... Hahaha...
-----------------------------------------------------------
Jade's POV
Dahan-dahan siyang bumangon, tinatamad na nagpainat-inat siya ng katawan.Halos umaga na siya ng makatulog.Simula ng bumalik muli siya sa pagsusulat ng mga nobela ay ganito ng ganito ang routine niya sa araw-araw. Tutulog sa maghapon at gising naman sa gabi tulad ng dati niyang gawi.
Minsan na lamang din siya kung bumisita sa coffee shop. Itinalaga niyang katiwala sa shop ang Tita Rose niya. Dating katulong sa Mansion na kinuha ng kanyang ina at naging malapit na kaibigan. Kinausap niya ito nang huli siyang bumisita sa Batangas. Tuwang-tuwa naman ang huli sapagkat magkakaroon na raw ito ng panahon upang makahanap ng mapapangasawa. Papaano ay tumanda na rin itong dalaga sa pag aalaga kay barry.
May tiwala siya sa mga kaibigan niyang nagtatrabaho sa shop.Kaya't noong una ay hinayaan na niya ang mga ito. Subalit umapila ang kanyang Abuela.Iba pa rin daw iyong may isang tumitingin at namamahala. Huwag daw siyang magtiwala ng husto sa mga taong hindi naman niya lubusang kilala. Hindi siya sangayon sa sinabi ng matanda ngunit hindi na lamang siya sumuway. Siya ang taong lubusan kung magbigay ng tiwala sa isang tao.Hindi rin niya ugali ang mang husga ng kapwa tao. Lumaki siyang salat sa buhay at sanay siyang makisalamuha sa mga tao.Kaya't natuto siyang kumilatis ng taong magpagka-katiwalaan at hindi. Pero para na rin sa ikatatahimik ng kalooban ng kanyang Abuela ay sinunod niya ang payo nitong kumuha ng mapag ka-katiwalaan.
Kilala niya ang matanda, hindi ito titigil hanggat hindi nasusunod ang gusto.
Naagaw ang atensiyon niya sa pag mumuni-muni ng makarinig siya ng katok mula sa kanyang pintuan.
Bumangon siya at tinungo ang pintuan.
"Senyorita, Ipinapatawag po kayo ng Senyora. Sabay na raw po kayong mag tanghalian. "Bungad sa kanya ng kanilang kasambahay nang mapag -buksan niya.
Nginitian niya ito bago tumango ng bahagya.
"Pakisabi na bababa na ako, Salamat!"
Pagkarinig ng kanyang tinuran ay tumalikod na ang kasambahay. Kaagad siyang nag sepilyo ng kanyang ngipin, bahagyang nag hilamos at pandalas na binaybay ang hagdanan pababa. Ayaw na ayaw ng kanyang Abuela ang pinaghihintay. Kaya't mabilis pa sa alas kwatro siyang kumilos upang sabayan itong mananghalian.
Inabutan niya itong nagkakape habang nag babasa ng paborito nitong tabloid.
"Morning, 'La! "Bati niya sa matanda habang hinahagod ng kanyang mga daliri sa kamay ang kanyang buhok. Paano ay kakaiba na naman ang pagkakatingin nito sa kanya. Sigurado siyang sasabunin muna siya nito bago dulugan ng pagkain.
At hindi nga siya nagkamali dahil halos hindi pa lumalapat ang puwet niya sa upuan ay rumatsada na ang mga linya nitong paulit-ulit na lamang sa kanyang pandinig.
"Daig mo pa ang bata, Dianna. Kung hindi pa kita ipinagising ay hindi ka pa babangon. Wala pang laman iyang sikmura mo, gayong malapit na akong maghapunan! "Sermon ng matanda."And my Gosh, Apo! Ni hindi mo na magawa pang magsuklay muna ng iyong buhok bago bumaba ng komedor! "
"'La, alam mo naman na puyat ako..."Dahilan niya, ngunit hindi pa siya tapos sa kanyang katwiran ay muli na naman itong nagsalita.
"That's exactly my point! Nang dahil sa pagsusulat mo ay halos napa-pabayaan mo na ang iyong sarili. Bakit hindi mo i-enjoy ang pagiging dalaga mo. Aba! Eh baka tumanda kang dalaga sa ginagawa mong iyan!"Patuloy na wika ng matanda.
Heto na naman ang kanyang Abuela. Kulang na lamang ay papilahin siya sa ermita para makapag asawa.
Alam din niyang mula't sapul ay tutol ito sa propesyong napili niya. Ngunit hindi ito maka angal dahil pinanindigan niya ang kanyang kagustuhan.
"Pinag-initan n'yo na naman ang pagsusulat ko."Naka labi niyang sagot dito. "Isa pa, bakit n'yo ba ako minamadaling magka asawa gayong mag bebente sinco pa lamang naman ako. "
"So, kailan mo balak mag hanap ng mapa-pangasawa,aber? Kapag kuluntoy na iyang pechay mo at hindi na kayaning buhayin ng basta dilig lamang, Ha?! "
"Lola! "Bulalas niya!
"Heh! Huwag mo nga akong ma lola-lola ha, Dianna Jade! Kapag ako namatay ng wala kang naibigay kahit isang apo sa tuhod, ang lahat ng mamanahin mo ay paghahati-hatian ng mga katulong natin dito sa mansion! "Pagbabanta ng matanda.
Hump!
Tangi niyang naisagot. As if naman na may interes siya sa pera nito. Gayong alam naman nito na wala siyang interes sa mamanahin niya kuno mula rito. May trabaho siya at kahit papaano ay matatawag na negosyo ang kanyang coffee shop.
"Alin? Alin ang ipinagmamalaki mo ha, aber? "Bigla siyang napatingin sa matanda.Nakita marahil nito na ngunguto-nguto siya habang humihigop ng kanyang kape. "Iyong kapehan mong ipinagkatiwala mo sa iyong mga kaibigan at sa isang dating katulong? Bukas makalawa ay wala na iyon kapag hindi mo binantayan! "
Pahabol pa nito.
"'La! "Apila niya sa hindi nagustuhang nasabi ng matanda.
"Oo na! Mali na naman ako!"Nakangusong sambot kaagad nito. "Kumain ka na. "Utos nito bago tumayo at tila batang nagmartsa palabas ng komedor.
Kuuuu!!!
'Pag hindi ka naman naagasan! Ipinagising siya para mananghalian pero binusog naman siya sa sermon nitong walang katapusan.Walang alam ang kanyang lola kundi maniobrahin ang kanyang buhay. Tumitigil lang ito ng pasumandali kapag nag a-away na sila. Pero kapag ayos na sila ay balik na naman nito sa bisyo nito. Ang paikutin siya sa mga palad nito. Siya naman si mabait na apo ay sunud-sunuran dito lalo na kung kaya rin lang naman niyang ibigay,huwag lamang silang magkagulo.
Talaga lang minsan ay sumusobra ang matanda kayat naiinis siya rito.
Nawala tuloy ang nararamdaman niyang gutom. Inubos na lamang niya ang kanyang kape.Tatayo na rin sana siya sa pagkakaupo sa harap ng hapag kainan nang lumapit ang isang katulong bitbit ang pulumpon ng american red roses, at ilang kahon ng mamahaling tsokolate.
"Senyorita, ipinaabot po ng guard natin."Nakangiti ngunit nahihiyang wika ng kasambahay.
Napakunot ang kanyang noo. Wala siyang manliligaw na basta na lamang nagpapadala ng bulaklak. Karamihan ay dumadalaw kasama ang mga body guards o kaya kasama na ang mga magulang.Advanced masyado mag isip.Diretso panhikan na raw kung sakali mang sagutin na niya.
Kakabuset lang!
"Kanino raw galing? "
"Basta iniabot na lamang daw po ng delivery boy sa guard natin. " Sagot ng kasambahay. "May card na kasama, Senyorita. Tingnan mo kaya! "Biro pa nito sa kanya.
"Oo nga naman!"Natawa pa siya sa tinuran nito. "Oh siya, sige na!Umalis ka na sa harapan ko bago makurot ko ng pino iyang singit mo. Patawa ka eh hindi ka naman kalbo. "Natatawang wika niya sa kasambahay na narinig pa niyang napahagikhik ng malakas habang naglalakad palabas ng komedor.
Kaagad niyang kinuha at binuksan ang card na kasama ng bulaklak.
And it said...
Roses are Red, Violet's are blue, I've never met anyone as beautiful as you!
Ilang ulit niyang binasa ang note and seems so sweet. Ang nakakagulat lang ay kung sino ang sender nito. Galing iyon kay Hunter.
Ano to manliligaw?
Para ano?Para muli nitong paasahin ang puso niya. Ang puso niyang masyadong asaness na darating ang panahon na totohanin ng binata ang pangako nitong liligawan siya hanggang sa maka recover sila sa maling pagkaka kilala nila.
Kahit gusto niyang kiligin ay hindi niya magawa. Ayaw niyang muling umasa at masaktan.Halos hindi nga maka moved on ang puso niya sa dapat sanay nangyaring bilihan portion nila ni Hunter. Pilingera siya na magustuhan din siya nito after na matikman siya. Humaba ang buhok niya sa pag aakalang one in a million ang ganda niya kayat siya ang napili ng lalaki para gustuhin. Iyon pala ay napili siya nito dahil madali siyang nasilaw sa milyones nito.
Dahil hampas lupa lamang siya!
Oucha!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top