Obsession

Hunter Jared De Valencia

Tahimik siyang nag kakape sa isang sulok ng coffee shop.

Tulad nang dati ay minamasdan niyang muli ang bawat kilos at galaw ng babaeng mukhang hindi nagsusuklay, ngunit napaka ganda pa rin sa kanyang paningin.

Hula niya noong una ay katulad lamang din ito ng ibang mga babae na hindi maawat sa social media activities,dahil palagi itong nag titipa sa laptop nito.

Ngunit ayon sa pagtatanong-tanong ng mga body guard niya sa mga staff ay manunulat daw ang babae at talagang doon sa pwestong iyon ito palaging umuupo para magsulat.

At base nga sa pagmaman-man niya ay pumupunta ito sa coffee shop araw-araw,at umuupo sa parehong pwesto na iyon.

Sa edad niyang kwarenta ay nagugulat siya kung bakit napaka lakas ng atraksyon ng babae sa kanya.
Daig pa niya ang manyakis na bigla na lamang nag iinit ang katawan pagkakatitig niya sa mapuputi nitong hita. Idagdag pang palagi siyang horny kapag napapasulyap siya sa dibdib nitong palaging nakadungaw sa suot nitong puting sando na paborito nitong suotin araw-araw.

Napaka puti ng babae at napaka kinis!
Tila isa itong kamatis sa kanyang paningin na masarap pisil-pisilin at pindot-pindotin.

Sa dinadami ng babaeng kanyang natikman ay kakaiba ang karisma ng isang ito. Pwede siyang magpaligaya ng sarili habang tumititig lamang sa mukha nito o kahit sa hita man lamang nito.

Ganun kalakas ang hatak sa kanya ng babaeng flawless na ito. Madalas niyang marinig na tinatawag itong Miss. Flawless ng isa sa mga kasundo nitong staff ng Coffee Shop.

Oh damn!

Kailangan na talaga niyang matikman ang babaeng ito bago pa siya masiraan ng bait kakaisip kung gaano kalambot ang kulay rosas nitong mga labi.

Tapos na siya sa patingin-tingin mode dito, halos saulado na niya kung anong Size ng damit, sapatos at maging ang sukat ng mga underwares nito ay kalkulado na niya sa tagal ng araw na inilaan niya para titig-titigan ang dalagang ito.

Ang hindi lang niya alam ay kung may grado ang antiparang suot nito.

Obsessed na siya!

Oh mas tamang sabihin na,napossess na siya ng kagandahan ng babaeng hindi nagsusuklay!

Wala sa sarili siyang tumayo sa kinauupuan niya at humakbang patungo sa kina uupuan ng babae.
Tumigil siya sa tapat nito, at muli itong tinitigan mula sa malapitan.

"Miss? "Untag niya dito, ngunit ni hindi ito tumunghay kahit isang saglit man lamang.Hindi yata siya narinig, sanay siyang ang boritonong boses pa lamang niya ay nakaka pag palingon na ng mga babae.

Bakit hindi ang isang ito?

"Miss? "Ulit niya ng may kalakasan ang boses para marinig nito.

"Narinig kita! "Mataray na sagot nito, ngunit nanatili pa ring nakatunghay sa laptop nito habang nagtitipa sa keyboard."Bakit ba? "Tanong pa nito

"Can, I sit here? "He asked.

Tumango lang ito sabay sabing...

"Okay lang hindi ko naman pag aari itong buong coffee shop! "

Diretsa pa ring sagot nito sa kanya. Suplada pala ang babae, at may pagka prangka kung magbitaw ng mga salita.Sa tantiya niya ay nasa bente kwatro hanggang bente singko na ito, Ayon sa hitsura at pagsasalita nito. Ngunit mukha na itong trenta kapag ang magulo nitong buhok ang pagbabasehan.

Marahan niyang hinila ang upuan sa tapat nito at naupo. Napansin niyang wala ng laman ang iniinom nitong iced tea kaya sumenyas siya sa staff ng dalawa pa niyon, pati ng muffins na binabanatan nito mula kanina pa.

Hinila niya ang baso ng iced tea na walang laman at ipinalit niya ang bagong order niya maging ang muffins ay inilapat din niya sa plato nito na wala ng laman kundi gasumot na paper cups ng muffins.

Balewala namang ininum nito at kinain ang ibinigay niya. Sa tingin niya ay sanay itong may naglilibre dito dahil maganda ito.

Patuloy pa rin ito sa pagtipa sa keyboard. Madalas na ibinu bulong-bulong pa nito ang eksenang itinitipa nito kaya't naririnig niya ang eksena sa nobelang ginagawa nito.

Nalilibang siyang panoorin ang babae, kahit ni hindi siya nito tinapunan ng kaunting sulyap man lamang. Para siyang teenager na kinikilig sa presensiya ng babae, pakuya-kuyakoy pa ang kanyang mga binti sa ilalim ng mesa habang relax na relax na nakasandal sa sandalan ng inuupuan niyang silya.

Ang isang kamay niya ay tahimik na hinihimas himas ang kanyang torso. Naninigas ang laman niyon, na wala namang bago. Dahil talagang madalas siyang panigasan ng kuwan niya kapag nakikita niya ang babae.

Oh shit! Gusto niya itong tikman!

Nagulat pa siya ng biglang tumunog ng pagkalakas-lakas ang cellular phone na katabi lamang nito.

"Oh shit! "Ang tanging nasabi nito ng matingnan kung sino ang caller nito.

Matagal na nagring ang cellular phone nito bago napagpasyahang sagutin iyon. Hindi man lamang nito iniangat ang gadget. Sinagot nito iyon ng naka baba sa mesa, bago ini-on ang loud speaker mode ng cellular phone.

"You know what Mami Dhel, you are so kulet! "Bungad nito sa kung sinong mang tumawag dito.

"Jade... Ano na? Hinaharass na ako dito sa publishing house kung nasaan na daw ang storya ng magaling kong alaga! "Tili ng isang matandang bakla ang narinig niyang sumagot sa kabilang linya.

Halos gusto niyang magtakip ng tenga sa lakas ng pagkakatili ng bakla. Kung malapit lang iyon, marahil ay nasungangi na niya iyon. Ang sakit sa ulo ng boses ng baklang iyon.

"Mami dhel, paano ko matatapos itong niru-rush ko kung ganyang panay ang tawag mo sa akin? Nakaka abala ka alam mo ba iyon? I'm on my last chapter pero hindi ko matapos-tapos dahil sa maya't-maya mong pagtawag sa akin! "Naiirita ng sagot ng dalaga sa bakla.

"Heh! "Singhal dito ng bakla. "Dapat mo iyang matapos ngayong araw kundi ay wala kang bakasyon! "
Patuloy pang sabi ng bakla.

Tumirik ang mata nito sa kisame ng coffee shop bago pumikit na tila rinding-rindi na ang hitsura.Buti pa ang kisame tinapunan nito ng sulyap, samantalang siya ay ni hindi nito tiningnan man lamang.

Napalingon siya ng magsalita sa likod niya ang isa sa dalawang body guard niya.

"Boss, may appointment ka kay Mr. Ching ngayong alas dose. "Sabi nito.

Tumango lamang siya dito, bago dahan-dahang tumayo.

"Alis na ako Miss! "Sabi niya.

Inaasahan niyang tutunghay ito sa kanya, ngunit bigo siya. Nakaramdam siya ng pagkainis sa ginawa nitong pang iisnob sa kanya.Padarag na itinulak niya ang silya, kaya nabangga niyon ang mesa nito.

Ngunit hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.Naiinis na siyang tumalikod para umalis.

"Salamat sa meryenda! "

Narinig niyang sabi ng dalaga, kaagad siyang lumingon at baka tumungay na ang babae.Ngunit talagang taranta ang mga kamay nito sa pag tata type ng mga ibinubulong nitong salita.

Buset na babaeng ito!

"Welcome!"Nasabi na lamang niya bago nagpatuloy na lumabas ng coffee shop.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top