Mr.Billboard

A/N

Shout-out sa mga invisible reader's ko out there. Lalong-lalo na sa anak kong tamad mag vote's! Pero gustong-gusto naman palaging nasa dedication list. Hehehe.

Hello to you ching5577 and  jho-jhona and to you also my dear cousin na bitin na bitin daw. Hahaha. Miss Myrah Manalo.

Xenxa na muna kau dito, diko pa na edit... Tinatamad mag edit ang iniong lingkod. Publish agad... Hahaha... Pakiunawa na lang...

Lab u all... Muah-hugs!!!
-----------------------------------------------------------

His point of View.

Dinaig pa niya ang detective sa galing niyang mag man-man.Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay wala na siyang ginawa kundi subay-bayan si Jade. Oh si Dianna Jade McBride!

Sa pagkaka subaybay niya rito dati ay nalaman niyang nakatira ito sa mansion ng mga Mcbride. Nagpanggap pa nga itong apo daw kuno ng katulong doon na hindi naman bumenta sa kanya.

Napatunayan niya iyon ng makatanggap siya ng tawag mula kay Senyora Guada. Itinanong ng matanda kung ano raw relasyon niya sa apo nito. Nagulat siya! Kung ganoon ay si Jade ang batang ipinagkasundo sa kanya ng Senyora. Mas lalo siyang nagulat ng inungkat ng matanda ang tungkol sa nakatakda sana nilang kasal ni Jade. Binabawi na raw nito ang pag Oo sa proposal niya rito dati.

Hindi siya nakaimik sa rebelasyon ng matanda. Matagal na rin naman niya iyong kinalimutan dahil nga sa naging sakit niya sa kanyang kuwan. Wala syempreng babae ang papayag na naipagkasundo na nga ng sapilitan eh sa isang impotent pa! Kaya't binura na niya iyon sa kanyang isipan. Natuon ang atensyon niya kay Jade dahil sa ito nga ang naka buhay sa natutulog niyang kuwan for almost five years.

Hindi naman niya akalain na ito ang apo ni Senyora Guada.

Mabalik tayo sa tanong ng matanda sa kanya na kung ano raw ang relasyon nila ng apo nito. Sinabi niya rito ang totoo as totoo sa naging usapan nila ng dalaga. Halos sumigaw nga sa kabilang linya ang matanda ng sinabi niya ritong pumayag sa ganoong usapan ang apo nito.

Bandang huli bago matapos ang usapan nila ay pinayuhan siya nitong kung totoong gusto niya at handa pa ring pakasalan ang apo nito ay gumawa siya ng paraan para magustuhan siya ni Jade. Suyuin daw niya at panhikin ng ligaw hanggang sa lumambot ang loob ng dalaga dahil likas daw na may pusong bato ang apo nito. Ayaw raw nito ng lalaking sunod-sunuran lang sa kagustuhan ng ina. Ayaw rin daw nito ng lalaking umaasa sa iba para makuha ang nais na makuha. Gusto raw nito ng matapang at makisig na mapapangasawa. Iyong may isang salita at may paninindigan.

Huwag daw siyang mag alala at kahit daw iniurong na nito ang kasunduan ay mananatili daw na nasa likod niya ito. Gusto talaga siya nito para sa apo nito kahit noon pa man. Basta't sakyan daw muna niya ang drama ng apo nito patungkol sa pagiging mahirap nito kunyari.

At sa lahat ng sinabi ng Senyora ay puro Oo lamang ang tangi niyang naisagot.

Bigla niyang naisip!

Paano kung ibang tao ang nag alok ng ganoong dirty proposal kay Jade at tinanggap naman nito. At kung sakali rin naman na matuloy ang kasal nila nito ay kawawa pala siya kung ganoon. Akalain mong akala niya pumayag ito dahil gwapo siya, o kaya ay dahil sa milyones niya. Iyon pala ay dahil nagrerebelde ito sa Abuela nito kaya't gustong ipamigay ang virginity nito sa kanya.

May pagaluka-luka pala ang babaing iyon ah!

Akalain mong hindi pa  man sila kasal eh may tatak na siyang pendeho.

Buti na lamang at maagap siya kundi ay totoong putatsing nga ang mapapakasalan niya kung sakali.

At the moment!

Sinusundan niya ang motorsiklo ni Jade. Tiyak siyang uuwe na ito base sa tinatakbong ruta ng sasakyan nito. Nang dahil sa dalaga ay muli siyang bumalik sa bahay ng kanyang mga magulang sa Forbes, kung saan halos magkatapat lamang ang bahay nila ng mga McBride. Noon pa niya iyon natuklasan ng sundan niya ito nang umuwe ito galing sa condo niya.

Nang dahil din sa dalaga ay nagpalit siya ng sasakyan para hindi makilala ng dalaga kung sino ang palaging nakabuntot rito. Iyon ay kung nahahalata nito iyon dahil masyado itong kampante kapag umuuwe galing sa coffee shop. Nalaman din niya na pag aari na nito ang naturang shop. Ngunit tumutulong pa rin ito sa mga staff na alam niyang puro malalapit na kaibigan nito.Napakaraming magagandang asset nito bukod pa ang pagiging mabait at madiplomasyang tao. Kung sa politiko ay maka masa ang ugali nito.

Taliwas sa lahat ng naka ugalian na niya.Sa kanya ang lahat ng bagay o kahit tao man ay may katapat na presyo.Walang hindi kayang bilhin ng kanyang pera. Perang tinatamasa niya mula pa sa pagkabata niya hanggang sa ngayon. Nag-iisa siyang anak ng mag- asawang mayaman na walang ibang ginawa kundi magpayaman.At nang sabay na pumanaw ang mga ito dulot ng isang plane crash, Ang lahat ng mga kayamanan ng kanyang mga magulang ay automatic na kanya napunta.Wala siyang kaagaw maliban sa mga charitable institution na iniwan ng kanyang ina na siya ang nagpatuloy. Awkward dahil lalaki siya pero ipinagpatuloy niya iyon bilang pag galang sa nawala niyang ina. Alam niyang kung nabubuhay pa ito ay hindi nito pababayaan ang mga mahihirap dahil likas itong matulungin sa kapwa. Kung meron man siyang nagawang mabuti sa buhay niya ay iyon ang pagpapatuloy ng ginagawa ng kanyang ina. Nagpatayo rin siya ng bahay ampunan para sa mga batang pagala sa lansangan. May sinosuportahan siyang pam-publikong paaralan bukod pa sa pag aari niyang private school na priority ang mga batang mahihirap na hindi kayang paaralin ng mga magulang.

Ang palihim na pagiging matulungin ang tangi niyang asset. Iyon ang tangi niyang namana sa kanyang ina na isang mabait at likas na mabuti ang puso sa mahihirap. Bukod doon ay wala na, dahil mula mukha niya hanggang sa pag uugaling mainitin ang ulo ay namana niyang lahat sa kanyang ama, lalong lalo na ang pagdating sa pagpapayaman.

Sa bandang huli ay naisip niya, kung aanhin niya ang limpak-limpak niyang salapi kung hindi naman siya maligaya. Wala siyang asawa at anak! Para kanino ang lahat ng mga pinaghirapan niya? Nagpapakahirap siya para ipamudmod din lamang sa ibang tao.

Wala siyang babaing nais mapangasawa kundi ang apo ni Senyora Guada na simulat maliit pa ay gustong gusto na niya. Palagi niya itong minamasdan at dinadalhan ngpasalubong kapag bumisita siya sa mansion.

Napakaganda nito at napakaputi. Maamo ang mukha at palaging itong nakangiti sa kahit na sinoman. Madalas niya itong makitang nag aalmusal sa den kasabay ang mga yaya nito at ang iba pang katulong na dadaan sa harap nito ay pilit nitong pinakakain.Malambing din ito at madaling magtiwala sa tao kahit hindi pa nito kilala. Katulad noong onse anyos pa lamang ito na pinalabungan niya ng isang kahong Pizza. Pangalawang kita na niya rito ngunit unang kita pa lang sa kanya ng musmos na bata. Pinupog siya nito ng halik sa mukha nang dahil sa paborito raw nito ang Pizza. Tuwang-tuwa siya rito noon na naging sanhi ng paghingi niya sa kamay nito sa sarili nitong lola.

At hindi niya akalaing si Jade na ang batang iyon. Si jade na pumayag na bilhin niya ng milyon kada siping dito, na sayang dahil hindi natuloy.
Lumaki itong nanatiling maputi at maganda. Malambing pa rin ngunit may angas na ang mga salita. Mula sa pagiging sweet nito ay lumaki itong matapang at matalino. Napatunayan niya iyon ng kidnapin niya ito. Hindi ito naghurumentado dahil marahil alam na mapapagod lamang ito dahil sa marami sila. Sa halip ay nakatulog ito sa loob ng kanyang sasakyan sa pag-iisip ng solusyon sa sitwasyon nito.

At ngayon ay siya ang hindi makahanap ng solusyon, kung paano ang gagawing paglapit muli sa dalaga.
Malaki ang tampo nito sa kanya sa pag-aakalang binibili niya ang puri nito sa kaalamang mahirap lamang ito na noong una ay totoo naman. Maliban na lamang noong mapagmasdan niya ang mukha nito noong natutulog ito sa kanyang kwarto. Sigurado siyang ito ang batang palagi niyang pina pasalubungan ng Pizza noon. Kaya't sinundan niya ito at nakita niyang sa mansion nga ng mga McBride ito umuuwe.

Kaya't mas lalo niya itong pinangarap na makuha By hook or by crook!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top