Mistakes

Dedicated to Miss Myrah Manalo
user12999886
----------------------------------------------------------

Natigil siya sa pagpasok sa komedor ng makitang naroon ang kanyang Lola Guada, at nag aalmusal mag-isa.Binalak niyang tumalikod na lamang ngunit tinawag na siya nito. Napilitan siyang lumapit dito at humalik sa noo.

"Morning 'La. "Kaswal na bati niya rito. Ilang araw niyang iniiwasan ang abuela sapul ng huli nilang engkwentro sa may hagdanan.

"Good morning, apo! Anong gusto mong almusal,Ipagpapaluto kita sa kusinera? "Balik na ulit sa dati ang matanda. Normal sa kanyang lola ang pagiging malambing at maasikaso. Lalong-lalo na kung wala silang pinagkakaguluhan.

Siya nama'y ganoon din, nagkakataon lang na napupuno siya minsan sa matanda. Alam niyang labag sa kagandahang asal ang ginawa niyang pananagot, na labis niyang pinagsisihan.

"Kape lang ako, 'La. "Sagot niya, kinambatan ng matanda ang katulong nila sa mansion na kaagad na tumalima.

"Pupunta ako sa Batangas, Hija, gusto mo bang sumama? "Malambing na tanong nito sa kanya. Mataman itong nakatitig sa kanya na tila inaarok ang nasa kanyang isipan.

"Hindi, 'La, May nirurush akong nobela. "Balewalang sagot niya sabay higop ng kape. Alam niyang pinag aaralan ng matanda kung totoo ang sinabi niya. Magsasalita pa sana ito ng biglang tumunog ang kanyang cellular phone.

"Excuse me, I have to take this call, Lola. "Tumayo na siya bago pa ito maka angal. Mabilis niya itong hinalikan sa noo bago iniwan.

Nagulat siya ng makita ang pangalang nakarehistro sa screen ng cellular phone niya.

Hunter calling

Wala siyang natatandaang ibinigay niya sa binata ang number niya. Kaya't kunot noong sinagot niya ang tawag nito.

[Hey babe! ] Bungad nito sa kanya.

Tila dalagitang biglang tumibok-tibok ng mabilis ang kanyang puso. Boses pa lamang ng kanyang minamahal ay hindi niya maiwasan ang kiligin.

[Saan mo nakuha ang number ko, Mr. Kidnapper? ]Kunway mataray na bungad niya rito, but deep inside ay gusto niyang himatayin sa sobrang kilig. Talagang gumawa ito ng paraan para makontak siya.

[Woah! Ang taray naman ng babe ko! Kinuha ko sa phone mo habang tulog ka. Can't you see nakasave na rin ang number ko sa phone mo.]

[Nakita ko nga, So anong kailangan mo this time?]

[Gusto ko lamang malaman kung may progress na iyong proposal ko sayo?]

Gusto sana niyang sagutin ng mabilis na Yes babe, I'm coming!

[Makulet ka rin, Mister! Sumagot na ako sayo ng Oo diba.]

[Yeah, but I want to know kung kailan pwede. I can't wait to see you lying on my bed, baby.]
Halos panuyuan din siya ng lalamunan sa boritonong boses nito.

[Okay, fine! Pick me up at the coffee shop tomorrow, Alas kwatro ng hapon. "

Mabilis niyang pinatay ang cellular phone bago pa magbago ang isip niya. Buo na ang desisyon niya! Kung talagang hindi na magababago ang desisyon ng kanyang lola, ay ito ang desisyon niya para sa sarili niya.
Kung sakaling mabuntis siya ni Hunter, bago ang ika bente singkong kaarawan niya ay baka hindi na siya ipakasal ng Abuela niya sa anak ng amiga nito. Iyon lang ang tanging paraan na naiisip niya.

At isa pa'y pagbibigyan niya ang kanyang sarili na mahalin ng kahit sandali ang kanyang mahal na Mr. Billboard. Sasamantalahin niya ang pagkakataon na nahuhumaling sa kanya ang kanyang mahal. Baka kasi dumating ang panahon na kahit ito ay talikuran na rin siya. Tulad nang ginawa ng mga mahal niya sa buhay.

Bago siya sumunod sa kagustuhan ng kanyang lola ay gagawin na muna niya ang gusto niya. Anuman ang kalabasan ng desisyon niya ay maluwag niyang tatanggapin sa sarili niya. Kahit magmukha siyang isang babaeng bayaran.

----------------

Afterwards,

Tuwang-tuwa si Melanie ng makitang dumating ang kanyang biyenan na si Senyora Guada. Sigurado siyang kasama nito ang kanyang mga anak. Dahil pinipilit nitong isama sia Danica at Dianna sa tuwing dadalaw ito sa kanila. Pandalas siyang pumanaog sa hagdan upang salubungin ang mga bagong dating.

Inabutan niyang nagmamano na si Zach at ang kanyang dalawang anak na si Acia at Barry sa Abuela ng mga ito.

"Mama! "Masiglang bati niya sa biyenan. Yumakap naman ito sa kanya na tila malungkot ang mga mata.

"Melanie, Hija! "

Iniwan niya ang matanda, at sabik na lumapit sa sasakyan nito.Baka nakatulog sa byahe ang mga anak niya kaya't hindi pa bumababa. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan, para lamang makaramdam ng kahungkagan. Walang tao sa loob ng sasakyan, kung ganoon ay hindi sumama ang kanyang mga anak sa matanda.

Nanghihinang napasandal siya sa sasakyan, talagang hindi na siya mapapatawad ng kanyang mga anak.

"Baka busy sa trabaho ang mga bata, Babe. "Pang aamo sa kanya ng kanyang asawa. Lalo lamang siyang naghinagpis sa sinabi nito, hindi na niya napigil ang mga luhang kanina pa nagbabantang pumatak. Awang-awa sa sariling napayakap siya sa kanyang asawa. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa kanyang mga anak. Pagkakamaling kailanman ay hindi na niya maitutuwid.

"Babe, halika na sa loob. Tiyak na may paliwanag si Mama kung bakit hindi niya kasama ang mga anak natin. "
Patuloy na pang aalo ni Zach.

"Zach, ang mga anak ko, tuluyan na akong itinakwil! "Umiiyak na sumbong niya sa asawa.

"Hindi, Babe, hindi. Nalalabuan lamang ang isipan ng ating mga anak. Bukas makalawa ay kusang lalapit ang mga iyon sa iyo, hintayin mo lang mahal ko. "Masuyong wika ni Zach sa kanya, bago siya iginiya papasok ng kanilang bahay.

Inabutan nilang masayang nagkukwetuhan ang mag lolola sa living room.

"Ma, look oh ang ganda ng dress na pasalubong sa akin ni Lola! "
Masayang sabi ni Acia, habang iwinawagayway sa kanyang harap ang kapirasong damit na pula."Wait lang lola, isusukat ko muna ito.! "At pandalas na nitong tinahak ang hagdanan paitaas. Sa mga anak niya ay si Acia ang hindi madrama. Hindi ito sumasali sa mga usaping hindi siya kaabat-usap. Mag-iiyakan ang lahat ngunit hindi ito, masisira daw ang poise niya, wika nito.

"Grandma, Bakit hindi mo kasama sina ate Danny at ate Jade? "
Malungkot na tanong naman ni Barry, malapit kasi ito sa dalawa kaya nalumbay din ito ng hindi makita ang mga kapatid.Ito namang si Barry, feeling matanda. Kahit hindi niya problema ay pino problema.

Malungkot namang tumingin sa kanya ang kanyang biyenan.

"Barry, iwanan na natin sina lola mo.Halika manood tayo sa theatre room. "Wika ni Zach sa anak nito.

Kaagad namang tumalima si Barry,bago muling humalik sa noo ng abuela nito.

"Melanie,Hija.Ipagpatawad mo na hindi ko napilit si Dianna na sumama sa akin papunta rito.May nira-rush daw siyang nobela,iyon ang sabi sa akin. Ang anak mo namang si Danica ay taon na ng huli akong dalawin sa mansion."Maluha-luhang pahayag ng kanyang biyenan.

Siya nama'y wala pa ring humpay ang pag luha simula pa kanina.

"Patawarin mo ako,Hija.Kung ibinalik ko lang kaagad sa iyo ang mga anak mo ay hindi sana sila nagtanim ng galit sa iyo."Tuluyan na ring napaiyak ang matanda sa nakikitang paghihinagpis niya.

"Wala naman akong hinangad na masama para sa mga anak ko,Mama.Ang lahat ng ginawa ko ay para rin naman sa kanilang kabutihan.Ibinigay ko sila sa iyo hindi dahil sa may bago na akong pamilya,kundi para magkaroon ka ng kasama sa mansion.Alam naman nilang malaki ang utang na loob namin sa inyo.."

Halos mawasak ang puso niya sa paghihinagpis. Bilang isang ina ay gusto niyang matikman ng mga anak niya ang bagay na hindi niya natikman noong siya ay bata pa. Ibinigay niya ang mga ito sa kanyang biyenan dahil alam niyang kukunsintihin ang mga ito ng matanda kahit ano pang gustuhin ng mga ito. Alam niyang handang ibigay ng matanda ang lahat-lahat para sa mga anak niya. Minahal nito ang mga anak niya at itinuring na tunay na apo.

"Patawarin mo ako, Hija. Ako ang may kasalanan kung bakit nagka ganito ang mga anak mo. Oo at ibinigay ko ang lahat sa mga anak mo, pero may mga sitwasyon na palaging ako ang nasusunod kaya natuto silang magrebelde sa akin."Bakas sa mukha ng matanda ang labis na pagsisisi. "Lalo na nang ipinagkasundo kong ipakasal si Dianna. Patawarin mo ako, Melanie. "Patuloy ng matanda, hindi pa rin maampat ang mga luha nito.

Aminado siyang nagbulag-bulagan siya sa sitwasyon ng mga anak niya sa mansion. Ngunit sa maliliit na bagay lamang iyon, dahil lingid sa kaalaman ng mga anak niya ay kinokompronta niya ang biyenan lalo na ng malaman niya ang tungkol sa fix marriage na nakalaan para kay Dianna. Ngunit nakita niyang mabuti ang hangarin ng matanda, nakausap din niya ang binatang nagkagusto sa anak niya at nakita niyang totoo ang sinasabi ng matanda na mamahalin nito ng wagas ang kanyang anak.Kinilig pa nga siya ng sabihin nitong pakakasalan ang anak niya sa kahit na saang simbahan,bastat pumayag lamang siya. Kaya't hindi niya sinoportahan ang anak ng magsumbong ito sa kanya. Bagkus ay inayunan niya ang matanda.Nalimutan niyang ang pag-ibig ay may dalawang mukha. Ang nagmamahal at ang minamahal ay dapat na magkasundo ang mga puso.

Alam niyang may hinanakit sa kanya ang mga anak niya, ngunit hindi niya pinapansin para hindi lumaki ang gulo sa pagitan nila. Aminado siyang naduwag siyang masampal ng katotohanan. Kaya't kahit nakikita niyang may hinampo ang mga anak niya ay nagpatay malisya na lamang siya.

May karapatan naman talagang magtampo ang mga anak niya. Pinabayaan niya ang mga ito na naging sanhi ng paglalim ng tampo ng mga ito. Masyado siyang nahumaling sa pag iibigan nila ni Zach, kaya't napabayaan niya ang mga anak niya.

"Hayaan mo, Hija.Aayusin ko ang pagkakasala ko sa mga bata, at ipaliliwanag ko sa kanila ang lahat-lahat.Tutal ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. "Pang aalo sa kanya ng matanda, gumanti siya ng yakap ng yakapin siya nito. Sana nga ay ganun lang kadali iyon. Sana nga ay nagmana ang kanyang mga anak sa kanya. Iyong simpleng paghingi lang ng tawad ay sapat na.

Kung ganoon lang sana ang lahat ng tao sa mundo.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top