Missing
A/N
Hello again my dear readers...
Bago ang aking update ay shoutout muna sa npaka-super-duper kulit kong reader na si ching5577....Ching eto na ang request mong UD... Hahaha... (Bitter)... Tinatamad pa kasi ako eh... (Napilitan... Hahaha...)
Hi to my baby gabb... NORTHERNBEAST...
Lab yah....
Ps; Thanks sa flood votes Miss JoannaMarieVentura93....thanks pangkin...
And para sau rin user12999886...Miss Myrah Manalo and user32550690 Gladys Bolibar... Happy reading...
Lab yah all...
-----------------------------------------------------------
"Ano nang update sa pinapahanap ko sa iyo, Samonte? "Asik ni Hunter sa kanyang tauhan.
"Boss... Wala... Hindi bumabalik doon sa coffee shop na tinatambayan. " Sagot nito sa kanya, na lalong nakapagpainit ng kanyang ulo.
Inis na tinabig niya ang mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa. Ayaw niya ng negatibong sagot!
"Hanapin ninyo! Huwag kayong tumigil sa paghahanap! Maglagay ka ng tao sa mga lugar na maari niyang puntahan! "Sigaw niya sa tauhan.
"Yes Boss! "At tarantang umalis sa kanyang harapan ang inutusan. Hindi siya malupit sa tauhan niya, Pero
hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.Para siyang adik na nangangatal hanggat hindi niya makuha ang gusto niya.
Hinahanap-hanap niya ang babaeng gasumot ang buhok. Ngunit hindi ito makita-kita ng mga tauhan niya. Hindi na ulit ito bumalik sa coffee shop na tinatambayan nito. Hindi rin mahagilap ng mga tauhan niyang nagbabantay sa iskwater area na inuuwian nito.
Maiinit pa rin ang ulo niya ng lumabas siya ng opisina.
Kung hindi mahanap ng mga tauhan niya ang babaeng hindi marunong magsuklay ay siya na ang maghahanap dito.
--------------------
Samantala...
"Jade! "
Sigaw ng mga kaibigan niyang crew sa coffee shop na tinatambayan niya.
"Hello, guy's! "Ganting bati niya sa mga kaibigan.
"Jade,bakla.... buti at napadalaw ka dito! "Tili ni Angel.
"Oo nga, "segunda ni Caroline.
"Syempre naman, na miss ko kaya kayo. "Nakangiti niyang sagot sa mga kaibigang crew ng coffee shop.
"Bigyan mo nga ako bakla ng paborito kong iced tea at muffins. "
"Sure, bakla! "Malanding sagot ni Angel, at pakendeng-kendeng na iniwan sila ni Caroline.
Si Caroline naman ay kaagad na humila ng upuan at naupo sa tabi niya.
"Ay bakla, palaging may naghahanap sa iyo rito,halos araw-araw.!"Alipalay biglang sabi nito sa kanya.
Napangiti naman siya sa pag-aakalang gino good time siya ng kaibigan.
"Alam ko na, mga fans ko 'yan! "Bigla niyang naisip ang mga readers niya na palaging nag papa autograph. Lalo na kapag may bagong released siyang libro.
"Hindi, bakla...! "Umiiling-iling na sagot nito sa kanya. "Mga naka tuxedo na lalaki eh, hindi naman sila nakakatakot. Infact ang ho-hot nila at ang po-pogi pa...! "Kilig na kilig na sabi nito at tila namuso-muso pa ang mga mata.
"Naku Caroline ha, tigilan mo'ko! Sino naman ang herodes na iyan, aber?! "
Napakunot noo na rin siya sa pag-iisip kung sino ang maaring maghanap sa kanya. Gayong hindi naman siya sikat tulad ng mga artista. Infact bihirang reader niya ang kilala siya sa kanyang mukha bilang Jade McBride.
"Oh eto na ang iced tea mo, bakla! "
Matinis ang boses na kalabit sa kanya ng bumalik na si Angel. "Oh ano, sinabi na ba sa iyo ni Carolina ang tungkol sa mga naghahanap sayo rito araw-araw? "Usisa nito sa kanya.
Tumango siya, para tuloy gusto niyang kabahan. Ngunit iwinaksi din niya kaagad ang takot. Wala siyang inaapakang tao, kaya't wala siyang dapat na ikatakot. Kung sino man ang naghahanap sa kanya ay tiyak na mabuti ang pakay niyon dahil hindi naman siya masamang tao para huntingin ng kung sino.
"Okay, ganito na lang mga bakla. Kung sakali mang bumalik ang mga naghahanap sa akin ay ipaalam ninyo sa akin at haharapin ko sila.!"Matapang na wika niya sa mga kaibigan.
"What if... Masama silang tao bakla...?"Tila natatakot na tanong ni Angel.
"Hindi naman siguro. Sabi nga ni Carolina ang popogi daw. "Balewalang sagot niya. "Wala akong alam na kasalanan sa kahit na kanino, kaya't wala akong dapat na ikatakot. "
"Sabagay! "Sabay na sagot ng dalawa.
"Oh eh, bakit ka nga ba napasugod dito? "Si Caroline.
"Naku, as usual, balik trabaho ang lola n'yo. Naiinip na rin kasi ako na walang pinag kakaabalahan."Sagot niya.
Sabay namang tumili ang dalawa, pati ang iba pang crew na nakarinig sa kanya.
"Bakla... Ibig sabihin ay araw-araw ka na namang tatambay dito? " Maluwang ang pag kakangiting tanong ni Angel.
Tumango-tango naman siya.
"Oo, oh siya, iwanan n'yo na ako at magsisimula na akong magtrabaho. "
Wika niya.
Walang kumibo sa dalawang kausap niya. Alam niya ang dahilan kung bakit hindi umaalis ang mga ito. Patay malisya niyang inilabas ang kanyang laptop at ipinatong sa ibabaw ng mesa. Sunod niyang ipinatong sa ibabaw ang bag na naglalaman ng pasalubong niya sa mga kaibigan.
Pandalas na dinakot ng mga ito ang bag at kaagad ding umalis sa harapan niya. Nakita pa niyang sinalubong ang mga ito ng iba pang mga crew para makiparte.
"Thanks, Bakla! "Koro ng mga ito sa kanya.
Bahagya lamang siyang tumango, dahil abala na ang kanyang mga mata sa pag tingala sa kanyang mahal na mahal na billboard.
Mula sa kinatatayuan niya ay malinaw niyang natatanaw ang lalaking kinahuhumalingan niya. Ang kanyang Mr. Billboard. Bahagya pa siyang napadukmo sa mesa na tila nag i-imagine.
Pakiramdam kasi niya ay nakikipag titigan ito sa kanya. At tila inlove rin ito sa kanya kung makatitig na tila nangungusap ang mga mata.
Hay... My labs... Kelan kaya tayo pagtatagpuin ng tadhana. Iyong tipong sawang-sawa ka na sa mga nag gagandahang mga babae sa mundo mo at ako naman ang pagbalingan mo. At dalawang kamay naman kitang sasambutin sa piling ko...
Tanggap naman niya na langit ang lalaking iniibig niya at siya ay lupa. Ngunit masama bang mangarap? Iyon na nga lamang ang libre sa panahon ngayon.
"Hoy bakla, akala ko ba ay magtatrabaho ka na? "Kalabit sa kanya ni Caroline na bitbit ang tray ng inorder niyang muffins at iced tea.
"Pakialamera ka bakla, malay ba natin kung ang tinutukoy niyang trabaho eh ang burahin sa pamamagitan ng pagtitig lamang ang billboard ni Papa Hunter."Kantiyaw pa rin ni Angel.
"Heh! "Pabirong bulyaw niya. "Ako na naman ang nakita ninyo!"
Kunwari ay reklamo niya.Ito talagang mga kaibigan niya panira ng moment.
Nag mo- moment sila ng my labs niya eh. Pabirong inirapan niya ang mga ito bago nagsi alisan sa kanyang harapan.
Naghahagikhikan sa tuwang tumalikod na ang mga mahadera.
Naririnig pa niyang nagbubulungan ang mga ito, sabay magtatawanan ng malakas.
Naiiling na naupo na siya sa tapat ng kanyang laptop. Bago pa bumalik ang mga mahadera at kantiyawan na naman siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top