Million's over You
N/A
Ayiiii... Ang harot ko...
Mas harot ako sa bida ko so harot ang title nito... Joke... Whahaha...
Pabati lang po ako ng Happy mother's Day. Dahil all of this is dedicated to my beloved mother. Mrs. Guadalupe Ferriols. Samonte
"Isa kang Anghel na pinababa ni Lord dito sa lupa upang kalingain kaming 10 anak mo. I love u more and more my dear Mama... "
Alam kong hindi sapat ang thank u at salamat... Pero thank u so much for being so mabait as in sobrang mabait na Ina sa aming lahat na mga anak mo!
Oooops... Sorry for the inconvenience my dear readers... Hahaha...
Medyo senti ang story teller ninyo ngaun, so pabili po ng pasensya...
Ayiiii... So here it goes...
Ang pagtatagpo...
-----------------------------------------------------------
At the moment...
Mulat...
Pikit...
Mulat again...
And at last gising na siya with wide eyes na umiikot sa loob ng kwarto na sigurado siyang hindi sa kanya.
Mabilis niyang pinagana ang utak niyang natutulog pa ata. Hinahagilap niya sa isip niya kung ano ang nangyare na nalimutan niya at nasa ganito siyang sitwasyon ngayon.
Nang maalala ay pinakiramdaman niya ang sarili niya.Marahan niyang kinapa ang kanyang kuwan kung may kirot kaunti man. Ngunit wala, pakiramdam pa nga niya ay napakagaan ng kanyang katawan at tila napaka haba ng kanyang naging pahinga.
Huminga siya ng malalim.
Pangit ba siya?
Naitanong niya sa sarili niya. Bakit ni hindi siya pinag interesan man lang ng mga tumangay sa kanya.
Hindi naman sa assumerang frog siya na gustong magahasa. Kaya lang, diba kadalasan ay ganoon? Re reypin tas papatayin? Siguro ay hindi nagandahan sa kanya.
Hump!
Bulag sila!
Kulang lang kaya siya sa suklay. Talagang tamad kasi siyang magsuklay. Sabi kasi ng lola niya ay maganda siya kahit mukhang bruha ang buhok niya.
Muli niyang binistahan ang sarili niya. Hindi na niya suot ang maong na blazer na suot niya ng ma-kidnapped siya. Tanging ang panloob niyang tank top ang natira at ang pantalon niyang wakwak hanggang singit. At speaking of singit, heto at nakabuyang- yang dahil naipit niya ang bulsang tanging tumatabing dito.
My Gulay!
Buti na lang hindi mga hayok sa laman ang mga goons na iyon.Kundi nagahasang sleeping beauty ang labas ng kwento niya! Kung bakit naman kasi nakatulog pa siya,gayong nasa alanganing lagay na siya. Talagang nalu-luka na siya, tiyak na pagtatawanan siya ng mga kaibigan niya kapag naikwento niya ang pangyayaring ito.
Nasa ganoon siyang sitwasyon ng may tumikhim sa kanyang harapan.
This must be the leader of her abductors.
Dahan-dahan siyang tumunghay.
Mula sa balahibuhin at mahahabang mga paa, pataas sa mapuputi at balahibuhin pa ring mga binti. At balahibo pa rin ang nabungaran niya pagtaas ng paningin niya sa may puson nito. At balahibo pa ulit hanggang sa may tiyan nito paakyat sa may dibdib. At nang itaas pa niya ang kanyang paningin sa mukha ng kung sino mang lalaki ay nganga ang peg niya.
Fuckshet na malutong!
My labs...!!!
Daig pa niya ang natuklaw ng ahas na hindi na nai-alis ang paningin sa mukha nito.
Sinisiguro niya kung totoo nga ito. Tinapik-tapik niya ang kanyang pisngi kung hindi na siya nananaginip. Ngunit talagang gising na siya! Humapdi na ang mukha niya ngunit hindi pa rin naglalaho ang lalaki sa harapan niya.
Ang lalaking pakatagal-tagal na niyang pinapangarap. Ang lalaking palaging laman ng kanyang mga nobela at laman ng kanyang pusot isipan.
Ang kanyang Mr. Dreamboy!
Ang kanyang Mr. Billboard!!!!
Fuckshet!!!
Panay ang tili ng kanyang isipan kahit nananatiling siyang nakanganga at tulala.
Nakikita niyang nagsasalita ang lalaki ngunit wala siyang naiintindihan. Napakarami nitong sinasabi at ipina- paliwanag.
Hanggang sa...
"Ahm... I like you young lady. No,hindi pala, I want you! I'm addicted to you!"
Ano raw???
Like?
Want?
Addicted?
"And I'm willing to pay you, just to be with me. A million every time we slept together. "Buong-buo ang loob na wika pa nito.
"What? "Tanging naibulalas niya.
A million???
What da?
Nasisiraan na ba ang lalaking ito?
Ano ang nakita nito sa kanya para dukutin at bilhin ng milyon-milyon.
At susme naman...
Paano naman siyang tatanggi gayong kahit hindi ito bumayad eh talagang bibikaka siya ng kusa sa harapan nito. At malamang kung nalaman niyang ito ang nagpadukot sa kanya, malamang kagabi pa lamang tapos na ang usapan nila!
True manay!
My God naman!
Sobrang gwapo ng my labs niya sa personal!Aawayin niya ang gumawa ng billboard nito. Dahil hindi napalabas ng mga ito ang totoong kagwapuhang taglay ng my labs niya.
"Hey, young lady... Are you listening? "
Lumapit ito at bahagya siyang tinapik sa pisngi.
Oh My God, Forgive me for what i have sin... Hindi niya matatanggihan ito.
Pero syempre hindi siya magpa-pahalata na patay na patay siya rito.Hindi siya naging si JadeMcBride para maging easy to get.
Pa hard to get muna ang peg!
Kinalamay niya ang kanyang sarili at ilang beses na lumunok ng sariling laway bago tumayo. Hindi pa rin makapaniwalang palakad-lakad sa loob ng marangyang kwarto ng my labs niya.
"Sa pagkakaalam ko hindi ka naman pipi ah! "
Bigla siyang napatingin dito.
Ang damuho ang sarap ng higa sa kamang inalisan niya. Nakatihaya at tila inaakit siyang tumabi rito.
"You know what mister, hindi talaga ako pipi.Gulat na gulat lang talaga ako sa mga pangyayari at lalong-lalo na sa mga rebelasyon mo! " Hindi na niya napigilang magtaray. Ito siya! Prangka at punto por punto kung tumira. Maigi na malaman ng lalaking ito kung ano siya.
"At maari bang bumangon ka riyan?!Paano tayong magkakalinawan gayong parang balak mo atang matulog, aber? "
On her dismay,bigla itong humalakhak ng malakas sa halip na mayamot sa pekeng pagtataray niya.
Tinaasan lang niya ito kunwari ng kilay. Bumangon ito at naupo sa gilid ng kama.
"Baka kasi pumayag ka kaagad, eh di ready na sana ako. "Sagot nitong hindi pa rin mawala ang pagkakangiti sa mukha.
Gusto niyang kiligin ngunit pinilit niyang hindi.
"Alam mo, maganda siguro kung magdahan-dahan tayo ng ating usapan."Madiplomasyang wika niya,tiningnan niya ito at tahimik naman itong nakamasid sa kanya."Una, hindi ko kayang tanggihan ang iniaalok mo sapagkat walang sino man ang tatanggi sa million mo.Ngunit, may gusto lamang akong linawin sa iyo. Bakit ako? "
Sumandal siya sa ding-ding ng kwarto, habang nakahalukipkip ang mga braso sa kanyang dibdib.
"Why not you? "Sagot nito na pinapapungay pang lalo ang sadyang mapupungay ng mga mata.
Fuckshit!
Kapag hindi umayos ang isang ito, siya na ang unang gagahasa rito. Sobrang pa cute eh!
Pinanlakihan niya ito ng mga mata para sumagot ng maayos.
"Okay... Because of this! "
Pagkuway sagot nito, sabay tunghay nito sa torso nito.
Ngayon lang niya napansin, isang kapirasong boxer short lang pala ang suot nito. Ang tangging tumatabing sa buhay na buhay nitong pag aari na tila ahas na palaging handang manuklaw.
Dala ng gulat ay ninais din sana niyang takluban ang kanyang mga mata. Ngunit bakit naman niya gagawin iyon. Napakatagal niyang pinangarap ang lalaking ito tas ngayong nasa harapan niya ay mag iinarte lamang siya?
No way, subway!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top