Little Dianna
Siya si Dianna Jade Piamonte McBride.
Dati siyang Rivera, ngunit nang maka pagpakasal ang kanyang ina na si Melanie sa kanyang Daddy Zach ay inampon na sila nito at ipinalipat sa McBride ang dinadala nilang apelyido.
Hindi naman tumutol ang kanilang ama na may sarili na ring pamilya.
Simula ng mag pakasal ang kanyang Tita Daisy/ninang sa kanyang Ninong Deo ay sila na lamang ng kaniyang naka tatandang kapatid na si Danica Jane ang natirang nakatira sa mansion kasama ang kanilang Lola Guada.Ang ina ng kaniyang Daddy Zach.
Dalawa na ang anak ng Ninang Daisy niya, at madalas din nila itong dalawin ng ate niya sa green hills kung saan nakatira ang mga ito.
Ang kaniya namang ina at ama-amahan ay sa Batangas pa rin nakatira kasama ang dalawa pa niyang kapatid na sina Dacia Janelle at Von Zachary.
Ang kanya namang ate ay hindi niya maintindihan kung bakit mula sa tinapos na BS Education ay mas ginusto nitong maging isang pulis.
Sigurado siyang dahil iyon sa pagkabigo nito sa pag ibig noong nasa kolehiyo pa lamang ito.
Kaya biglang naging haragan at mukhang siga pa sa kanyang Daddy Zach, ang dating mahinhin at malambing niyang ate.
Siya naman ay pina ngatawanan na talaga niya ang pagiging manunulat.
Sinuportahan naman siya ng kanyang Lola Guada at baka maisipan pa daw niyang sumunod sa pag pupulis ng kanyang kapatid.
Noong una ay libangan lamang niya ang paghabi ng mga kwento. Nang lumaon ay talagang nalibang na rin siya sa tinatamasang kasikatan bilang isang sikat na writer ng isang kilalang Romance pocket book company.
Hindi na niya mabilang ang mga naipublish at pumatok sa masa na mga nobelang nagawa niya.
Sikat siya under her author name na JadeMcBride.
Sanay siyang tinatawag na Ada ng ate niya at Dianna naman ang tawag ng Lola niya sa kanya. At jade naman sa mga kapwa writer niya maging sa mga malalapit niyang kaibigan.
Dati-rati ay sa kanyang kwarto lamang siya nagsusulat ng kanyang kwento o kaya'y sa hardin ng kanyang Lola Guada.
Ngunit ngayon ay hindi na, mas madalas siyang tumambay sa isang sikat na Coffee shop sa loob ng Forbes Park Subdivision kung saan sila nakatira.
Paano ay kitang-kita mula doon sa paborito niyang pwesto ang isang malaking billboard ng isang gwapong lalaki.
Ito ang palaging basehan niya ng kanyang bidang lalaki sa kanyang nobelang sinusulat lalo na ngayon sa kanyang tinatapos na istorya.
Bokal siya sa lahat, maging sa mga staff ng coffee shop na talagang inlababo siya sa lalaking nasa billboard na kung tawagin niya ay si Mr. Billboard.
Hunter Jared De Valencia
A multi Billionaire
Nakalagay na pangalan nito doon. One of the most eligible bachelor of the country.
Bilyonaryo daw ito at take note ha, binata pa daw ito.
Paanong hindi,ayon sa nababasa niya sa mga Magazine ay ubod daw ito ng suplado.
Pero para sa kanya ay walang supladong lalaki.Dahil kahit sinong lalaki na poporma pa lamang para dumiskarte sa kanya ay binabara na niya. Ngunit hindi syempre kung ang magsusuplado sa kanya ay ang kanyang Mr. Dreamboy!
Natigil siya sa pagsipsip ng kanyang paboritong iced tea ng muling mag ring ang kanyang cellular phone .Calling Mami Dhel,Ang kanyang mabait pero super-duper kulit na editor. Madalas na makulili ang kanyang tainga sa matanda dahil palagi siya nitong minamadaling tapusin ang kanyang nobela.
Hindi niya sinagot ang tawag, isang tingin pa sa billboard na nasa kanyang tapat at muli na niyang kinabig palapit sa kanyang harap ang kanyang laptop.
May niru-rush siyang nobela, na kailangang maihabol sa editing at publishing.
Nasa last two chapter na lamang siya kaya nag meryenda muna siya, kaso napag ka kulit talaga ng Mami Dhel niya. Palagi na lamang itong akala mo'y hinahabol ng pitong impakto sa pagmamadali.
Binigyan siya nito hanggang tanghali ngayong araw para tapusin ang kanyang storya. Kaya kailangan talaga niyang tapusin iyon kung gusto niyang tumigil sa pag ngangawa ang kanyang cellular phone.
Pinangakuan siya ng kanyang editor na bibigyan ng bakasyon sa oras na matapos niya ng maganda at maayos ang kanyang istorya.
Matagal-tagal na rin siyang walang pahinga, ilang nobela ang sunod-sunod niyang tinapos ng walang patlang. Walang araw na hindi niya inasawa ang kanyang laptop. Tulad ng ibang writer ay madalas na gawin niyang umaga ang gabi para sa ikagaganda ng kanyang obra.
Magsuklay pa ng buhok ay hindi na niya magawa, nakaka alis siya ng mansion ng walang bahid kahit na pulbo ang kanyang mukha.Kung sabagay talaga namang buhay at maganda ang tubo ng kanyang buhok, kaunting hagod lamang ng kanyang mga daliri ay presto at ayos na kaagad ito. Talaga ring wala siyang kahit na anong kolorete na inilalagay sa kanyang mukha. Likas na maputi at makinis ang kanyang mga pisngi at natural na pinkish ang kanyang mga labi.
At nakaka alis siya sa kanilang bahay kahit na naka simpleng sando at short-shorts lamang siya. Mas komportable siyang kumilos kung naka sando, t-shirt at maikling salawal lamang siya.
Ang sabi ng kanyang lola ay bagay daw sa kanya kahit basahan ang isuot niya. Dahil daw sa kutis niyang natural na maputi at makinis. Miss. Flawless kung bansagan siya noon sa campus nila noong kolehiyo pa lamang siya.
Ngunit lahat ng mga katangiang sinasabi ng mga taong nasa paligid niya ay hindi tumatanim sa utak niya dahil pangit pa rin ang tingin niya sa sarili niya dahil sa napakapal niyang salamin sa mata.
Gumaganda lamang siya sa kanyang paningin kung naka contact lens siya, na bihira niyang gawin dahil mas sanay siyang gamitin ang kanyang salamin sa mata.
Pakiramdam niya ay bulag siya kapag hindi niya suot ang kanyang salamin kahit sa totoo naman ay nakakakita pa siya kung walang suot niyon.
Madalas niyang sabihin sa mga nakakasalamuha niyang tao na hindi na hindi na siya nakakakita kapag walang suot na antipara sa mata.
Iyon ang madalas niyang gawing katatawanan sa mga kasamahan niyang writer kapag naihuhulog ng mga ito nang hindi sinasadya ang kanyang salamin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top