Jade McBride
Eksaktong alas dose ng matapos niya ang ni rush niyang story.
Kaagad niya iyong ini email sa kanyang editor bago siya relax na relax na nag inat-inat ng katawan.
Natawa siya ng maalala niya ang kung sino mang lalaki na naki upo sa mesa niya kanina. Sanay na siyang basta na lamang may umuupo sa tapat niya para makipag kilala pero ni hindi niya pinapansin dahil sa masyado siyang busy sa ginagawa niya.
Kapag nagsusulat siya ay hindi siya nagpapa abala sa kahit na sino. Lalo na kaninang may ni ru-rush siyang storya.Kahit na gaano pa iyon ka gwapo at hindi siya nanghihinayang dahil talagang pag nagtatrabaho siya ay tutok talaga siya sa trabaho. No matter what happen, kahit pa umulan ng malalaking batuta ng lalaki sa tabi niya ay deadma pa rin siya.
Hahaha....
"Uy Miss flawless, ang haba ng hair mo kanina ha, akalain mong inisnob mo lang iyong poging umupo sa tabi mo kanina! "Biro sa kanya ng isang baklang staff ng coffee shop na kilala niya sa pangalang Angel,Angelo daw ang true name nito.
"Kilala mo naman ako, hindi ako basta mahilig lang sa gwapo. Kailangan type ko, hihihi...! "
Malanding sagot niya sa kausap.
Nakitawa sa kanya ang iba ang staff na nakikinig sa usapan nila ni Angel. Halos kasundo na niya lahat ng staff ng shop dahil sa palabiro siya at palagi siyang may pasalubong sa mga ito kapag dumarating siya.
"Naku Jade, nahinaan ka pa sa kapogian nung lalaki ha, Naka business suit siya at sobrang lakas ng appeal. Dalawang linggo na rin iyong pabalik-balik dito. "Sagot ng isa pang babaeng staff na si Caroline, habang nagpupunas ng lamesa niya.
"At take note... Nagtanong-tanong sa akin ang body guard niyon ng ilang bagay-bagay tungkol sayo! "Malanding imporma sa kanya ni Angel.
"Sus...kayo talaga, kung kani-kanino ninyo na lang ako inirereto. Hindi na kayo nasanay sa mga lalaki, basta bago sa kanilang paningin gusto ng mga iyan! "Balewalang sagot niya sa mga kausap na staff.
"Oo nga naman, kung kani-kanino ninyo pa inirereto si Jade, eh nandito lang naman ako! "Sabay akbay sa kanya ng isang lalaking staff na si Hermie. Madalas siya nitong biruin na type daw siya nito, kaya love ang tawag sa kanya.
Siniko niya ito sa sikmura, kaya tatawa-tawa itong napasapo sa tiyan nito.
"Hoy, ikaw nakakarami kana ng pananantsing sa akin ha! "Pabirong bulyaw niya rito. "Maghanap ka ng ibang pagtataniman niyang similya mo at ako wala akong balak na maging punlaan ng isa sa mga panganay mo! "Patuloy niyang singhal sa lalaki. Paano alam niyang babaero ito at bali-balitang marami nang anak sa ibat-ibang babae.
Nakisabay naman siya sa malalakas na tawanan ng mga staff na nakapalibot sa kanila.
"Ito, naman hindi na mabiro."Sabay bawi nito. Na lalo nilang ikinatawang lahat.
"Oh s'ya diyan na kayo at pihadong hinihintay na ako sa bahay. "
Pamamaalam niya sa mga ito. "Babush! "At binitbit na niya ang laptop niya na siya niyang tanging dala-dala. Isinilid iyon sa kanyang may kalakihang body bag at isinukbit sa kanyang katawan.
"Oh love, dala mo ba ang Motor mo? Kung hindi ihahatid na kita. "Hirit pa ni Hermie.
"Oo dala ko... If i know gusto mo lang mayakap kitang damuho ka! "Sabay dampot niya sa pulang helmet niya.
Narinig pa niyang inaalaska ng mga kasamahan ang lalaki ng lumabas siya ng shop.
Hunter
Binalak niyang bumalik ng shop para sa babaing busangot ang buhok. Ngunit ito ang inabutan niya, sakay na ito ng isang maangas na pulang motorsiklo.
Happy Go lucky ang chikas na type niya.
Motorsiklo talaga, taliwas sa ganda nitong taglay.
Ang astig ah!
Inutusan niya ang kanyang driver na sundan ang babae.
Ngunit malayo na ang nararating ng motorsiklo nito ay hindi pa rin ito humihinto. Tila napakalayo ng inuuwian nito.
"Boss, malayo na ho tayo sa maynila, Batangas na ho itong binabagtas natin. "Wika sa kanya ng kanyang driver.
"Sige, basta't sundan mo at tingnan mo kung saan siya umuuwe. "Utos niya sa tauhan.
Ganito siya kabaliw sa babaeng hindi nagsusuklay.
As in baliw na baliw!
Hindi siya titigil hanggat hindi niya natitikman ang babae.
Limang taon siyang tila impotent. Kahit hindi naman.Ayaw tumayo ng alaga niya sa kahit na sinong magandang babae sa panahon ngayon.
Bukod tanging doon lamang sa babaeng palaging magulo ang buhok.
Halos nanawa siya sa mga magagandang babae, kaya dumating siya sa puntong halos hindi na tumigas ang kanyang alaga. Sa sobrang takaw niya sa babae noong kabataan niya ay tila ito ang naging parusa sa kanya.
Ayon sa mga doktor na pinagkunsultahan niya ay wala naman daw siyang dipirensiya.At wala rin naman siyang kahit na anong sakit para pagmulan ng pagka impotent niya.
Limang taong naghahanap siya ng lunas. Lahat ng magagandang modelo ay binayaran niya para maghubad sa harap niya.
Ngunit bigo siya, ni hindi man lamang tumunghay ang kanyang alaga.
Hanggang sa makita niya ang babaeng magulo ang buhok sa loob ng coffee shop na iyon.
Sa hita pa lamang niyong kumikislap sa kaputian ay pumilantik na tila palos ang kanyang alaga kahit pa nakatago ito. At kapag nasisilayan niya ang punong dibdib ng babae na madalas mangyare, dahil mahilig ang babae sa spaghetti strap na sando at mga low neck line na damit. Daig pa niya ang binatilyo, tatakbo siya sa loob ng kanyang sasakyan para ilabas ang pagnanasa dito.
Ganon siya kahaling sa babaeng iyon!
"Boss, pumasok sa iskwater area ang chick mo! "Pagbibigay alam sa kanya ng kanyang tauhan. "Lumiko sa may riles. Ayun oh mukhang doon nakatira, boss! "
Of all places?
Oh shit!
"Sige alis na tayo! "Utos niya.
"Tila umaayon yata sa iyo ang kapalaran, boss! "Baling sa kanya ng isa sa mga body guard niya. Si Samonte.
"Oo nga, Boss! "Segunda naman ng isa pa niyang body guard si Umali.
Kunot noo siyang napatingin sa mga tauhan. Hindi niya maintindihan kung anong ibig tukuyin ng mga ito.
"Sa iskwarter nakatira, Boss. Malamang sa malamang na mahirap lamang ang iyong chick na natipuhan. Ibig sabihin niyon, boss, pera lang ang katapat noon at mapapasa iyo ang babaeng tipo mo! "Paliwanag ni Samonte sa kanya.
"Sigurado ka? "May alinlangang tanong niya sa tauhan.
"Tiyak iyon, boss! Walang tatanggi sa milyon mo bossing! "Sabat ni Umali.
Sana nga!
Sana nga ay may katapat na halaga ang babaeng iyon.
Masakit mang isipin na mapapasa kanya ang babae ng dahil sa mukha itong pera ay, bibilhin niya ang puri ng babaeng iyon. Bibilhin niya ito, kahit ilang milyon pa ang halaga mito.
Matitikman niya ang babaeng gasumot ang buhok.
By hook or by crook!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top