Grandma

                 Dedicated to ching5577
-----------------------------------------------------------

Wala naman siyang hangad na masama para sa kanyang apo. Ang tanging gusto lamang niya ay mapabuti ito, bago siya mawala sa mundo. Minahal niya sina Danica at Dianna bilang totoong apo, kahit anak na ang mga ito ng kanyang manugang na si Melanie bago pa mapangasawa  ng kanyang anak na si Zach. Ang totoo niyan ay siya ang naging tulay ni Zach at Melanie. Napalapit ang manugang sa kanya hanggang sa hiniram niya ang dalawang anak nito at pinag aral.
Minahal niya bilang tunay na kadugo ang dalawang bata.

Sa dalawa niya ibinuhos ang mga pagkukulang niya kay Zach bilang isang ina. Siya ang gumanap na ina ng dalawa na nakapag pasaya sa kanya dahil wala siyang anak na babae. Ang mga ito ang nakapag puno ng kahugkagan sa kanyang buhay nang makapagasawa ang kanyang nagiisang anak.

Ibinigay niya ang lahat-lahat sa magkapatid. Sinusunod niya ang lahat ng kagustuhan ng mga ito. Tutol siya sa kursong tinapos ng mga ito ngunit hindi siya umapila, dahil na rin sa pakiusap ni Melanie at Zach.Kapag may hindi nagustuhan ang dalawa sa mga pasya niya ay palaging kay Daddy Zach nila humihingi ng tulong ang mga ito. To the point na silang mag ina ang nag-aaway, dahil iginiit niya ang kagustuhan niya. Ngunit palagi siyang tinatakot ni Zach na kukunin ang dalawa kapag pinilit niyang pasunudin sa kagustuhan niya ng labag sa kalooban ng mga bata. Kaya sa bandang huli ay siya na rin ang sumusuko sa takot na totohanin ng mag asawa ang banta ng mga ito.

Alam niyang matagal nang gustong kuhanin ni Melanie ang mga anak nito, ngunit palagi siyang inaatake sa puso sa sama ng loob, dahil ayaw niyang ibigay. Hanggang sa hindi na ulit naungkat ang pagkuha sa mga ito.

Ngunit malaki ang idinulot niyong hinampo sa magkapatid. Nagtanim ng galit ang dalawa sa ina ng mga ito sa kaalamang ipinamigay na sila sa kanya. Minsan na niyang narinig na nag uusap ang magkapatid ukol sa itinatagong lihim na hinampo sa sariling ina.

Dumating sa puntong gusto na niyang isauli ang dalawa para muling mapalapit sa ina at mga kapatid. Ngunit tila huli na ang lahat, dahil ayaw nang bumalik ng magkapatid at halos ayaw man lamang dalawin ang kanilang ina sa Batangas. Alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit nagka ganoon. Ngunit wala siyang magawa dahil kahit siya ay bihirang kausapin ng mga ito, at kung kausapin man ay mararamdaman mong may bahid ng galit sa bawat binibitawang kataga. Likas na mababait ang magkapatid kaya alam niyang masama lamang talaga ang loob ng mga ito sa kanila ni Melanie.

Nawalan na siya ng control kay Danica simula nang nagmatigas ito at pumasok bilang isang alagad ng batas. Mula sa pagiging mabait,mahinhin at malambing na Danica ay naging tila tomboy ang kanyang panganay na apo. Naging haragan ito na dahil na rin sa tawag ng tungkulin. Doon na ito nagsimulang lumayo sa kanya, taunan kung dumalaw sa kanya at dalawin kung hindi naman ang ina. Daig pa niya ang nawalan ng isang tunay na apo ng nagpasya itong bumukod na. Nasa tamang edad na ito at talagang ayaw na rin namang paawat kaya't wala na siyang nagawa kundi pumayag.

Si Dianna naman ay likas malapit sa kanya, simula labing isang taong gulang nang mapunta ito sa kanya ay talagang malambing ito at masayahing bata. Masunurin ito sa kanya at maalalahanin. Konting daing niya na masakit ang dibdib ay nais kaagad siya nitong dalhin sa ospital.Kaya't kung malapit siya sa ate nito ay mas napamahal ito sa kanya lalo na noong nag dalaga ito at nanatili sa kanyang poder.

Hindi totoo ang sinasabi nitong sinasakal niya ito. Masyado niya itong minahal, kaya't ang lahat ng pag iingat na alam niya ay ginawa niya. Bukod sa body guard nitong kasama ay may bantay pa ito sa malayo na hindi nito nakikita. Subalit ayaw na ayaw nito ng bantay. Galit na galit ito nang malamang pina ba-bantayan niya ito.

Hindi rin totoong kaya niya ito pina ba-bantayan ay dahil baka tumakas ito at tumanan sa iba. Hindi totoo iyon, Oo nga't ipinag kasundo niya ito sa anak ng amiga niya.Subalit kung talagang iibig ito at sasama sa iba ay wala naman na siyang magagawa kundi hayaan.

Ipinagkasundo niya ito dahil mismong ang binatang anak ng amiga niya ang humingi kay Dianna noong onse anyos pa lamang ito. Lumapit sa kanya ang gwapong binata at lakas loob na sinabing pakakasalan niya pag laki ang batang naglalaro sa hardin. Natawa pa nga siya dahil nakakatuwang isipin na naglakas loob itong hingiin ang kamay ng kanyang apo kahit hindi katabi ang mga magulang nito.

Sinagot niya ang binata na ipag ka-kasundo niya rito ang apo, kung iibigin itong kusa ng kanyang apo.At ipa ka-kasal niya ang mga ito pagsapit ni Dianna ng bente sinco.Kaagad na inilahad ng binata ang napag usapan nila sa mga magulang nito, kaya't napilitan siyang i-announce iyon noong ika labing walong kaarawan ng dalaga.Iyon ang matinding ikinagalit sa kanya ng dalaga. Palagi nito iyong inu-ungkat kapag nagagalit ito sa kanya.

Sa totoo lamang ay hindi na niya alam kung gusto pa ng binata ang apo niya. Sapagkat hindi naman ito gumawa ng hakbang para suyuin at paibigin ang kanyang apo. Kaya't naisip niyang nag asawa na ito, dahil malaki ang tanda niyon kay Dianna. Pero hindi niya binabawi sa apo ang kasunduan nilang iyon. Pumayag ito ng minsang pagsikipan siya ng dibdib ng una itong tumanggi sa kanya, at syempre pa ay noong payagan niya itong maging isang manunulat.

Sa dami ng nagawa niyang pangingialam sa buhay ng apo niya ay hindi na tuloy niya alam kung papaano pang lumapit muli rito. Hindi na bata si Dianna para mauto pa niya. Ngayon siya nagsisising kinuha pa niya ang magkapatid sa ina ng mga ito. Disin sana ay may sasalubong sa kanya ng yakap at halik sa tuwing dadalaw siya sa Batangas. Katulad noong maliliit pa ang mga ito at tuwang tuwa pa sa pasalubong niyang Pizza.

Hindi na tuloy niya malaman kung paano mag re-reach out sa mga ito. Napakatagal nang panahon ng huli siyang yakapin ni Dianna, at taon na nang huli pa siyang dalawin ng ate nito.

Pakiramdam tuloy niya ay napaka walang kwenta niyang tao dahil halos tumanda siyang mag-isa.Tulad ngayon, nag-aagahan siya na tanging mga katulong ang kasama. Halos hindi niya malunok ang pagkain dahil sa lumbay ng pag-iisa.

Kung maibabalik lamang niya ang panahon ay hindi na niya pakikialaman ultimong buhay ng sarili niyang anak.
Dahil walang naidulot na kabutihan ang pang hihimasok na ginawa niya sa mga ito.

Kung mayroon man, ay iyong naging manugang niya si Melanie na siyang nakapagbigay sa kanya ng mga apo.
Ang mga anak nito na nagbigay kahulugan sa buhay niya bilang isang Lola.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top