Confession of a Woman
Titig na titig siya kay Jade.
Inis na inis siyang nabitin siya.
Pero napalitan iyon ng awa ng makita niya itong tila nahihirapan at pumapatak ang mga luha habang sinasabi sa kanyang pakinggan muna niya ito bago siya magalit.
Mahirap ang sitwasyon nito alam niya iyon. Hindi man nito sabihin sa kanya ay nararamdaman niyang naiipit ito sa tama at maling dedisyon. Nahihirapan na rin siya. Gusto na rin sana niyang magtapat dito kaso ay masyado na itong maraming dala dala sa dibdib.
"Uhhhh... M-may dahilan kung bakit doon ako sa coffee shop nagsusulat ng aking obra."
Panimula nito.
At hindi niya malaman kung paanong doon nag uumpisa ang sasabihin nito sa kanya.
Pero hindi siya umimik kamunti man.
"Ang dahilan ay ang lalaking nasa billboard sa labas ng shop na malinaw kong natatanaw sa aking kinauupuan. "
Patuloy nito habang tumutulo ang mga luha.
At siya ang nasa billboard na sinasabi nito kung hindi siya nagkakamali.
"Siya ang bida sa bawat storyang ginagawa ko. At ako ang bidang babae sa aking imahinasyon. "Patuloy na tumutulo ang luha nito. "Mabigat ang problema ko sa aking pamilya. Mula sa aking lola, sa aking ina at ang paglayo ng kapatid ko sa amin. Pero gumaan iyon kapag nakatitig ako sa billboard na iyon.Minahal ko ang lalaking nasa billboard kahit hindi ko iyon kilala. "
Nagulat siya sa rebelesyon ng dalaga.ibig ba nitong sabihin ay matagal na rin siya nitong mahal?
"Mas natuwa ako ng nakilala kita ng personal.Noong dinukot mo ako upang bilhin ang aking puri. Samantalang karangalan na sa akin ang mayakap at mahalikan ka. "
Mas naawa siya rito dahil humahagulhol na ito. Pasinghot singhot ito habang nag sasalaysay.
Lalapitan sana niya ito pero inawat siya niyo. Umiling iling pa ito. Bahagya pa nitong sinuntok suntok ang dibdib nito.
"Gusto kong malaman mo na mahal na kita mula noong labing isang taong bata pa lamang ako. Mas minahal kita dahil nalaman kong si Hunter Jared De Valencia na mahal ko ay ang binatang itinatangi ng mura kong puso noon."
Bahagya pa itong ngumisi na tila may naalala.
"Nakuha mo ang aking puso ng dahil sa isang kahon ng pizza."
"Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon. Kaytagal kong hinintay na bumalik ka. Palagi kong sinisilip ang bahay ninyo pero hind kana nagbalik pa roon."
Tumayo ito at tumanaw sa beranda...
Tumitig sa kawalan.
"Hindi ako kaylaman nagkaroon ng kasintahan. "Tumingin ito sa kanya. Alam naman niya iyon. Dahil iyon din ang kwento ng lola nito sa kanya.
"Mahal na mahal kita...sanay nararamdaman mo iyon...P...pero malapit na akong ikasal. "
Muling namalibis ang mga luha nito.
"In three months ay sasapitin ko na ang ikadalawamput limang kaarawan ko.Iyon ang panahong nakatakda para sa kasal namin ng lalaking humingi ng aking kamay kay lola.Hindi ko gusto ang lalaking iyon. Pero humanga ako sa kanya. Dahil ayon sa kwento ng lola ay hiningi raw niyon ang aking kamay ng siya lamang mag isa.Taliwas sa pag aakala kong ginamit nito ang kanyang mga magulang upang makuha ako. "
Muli itong tumingin sa kanya. Tuyo na ang mga luhang kaninay nag uunahang pumatak mula sa mga mata nito.
"Bago ako pumunta rito ay buo na ang desisyon kong ipagkaloob sa iyo ang aking katawan. Kasabay ang pagtatapat ko sayo at ang sa huli ay ang sabihin sa iyong kalimutan mo na ako dahil hindi tayo nakatadhana. "
Napamulagat siya dito. Kaya pala tumakbo ito kanina habang umiiyak. Iyon pala ang dahilan.Kaya pala ito ang unang nag insist na magtalik sila.
"Mahal kita Hunter... Binalak kong ibigay sa iyo ang aking katawan bilang kabayaran sa gagawing kong pag iwan sa iyo. Pero hindi ko pala kaya. Nakakaawa naman ang lalaking aking mapapangasawa kung ang magiging asawa niyay tira tirahan na ng iba.Mahal kita, pero taliwas ito sa aking paniniwala. Dahil sa aking pananaw ay dapat na malinis ang isang babae sa unang gabi nila ng kaniyang nakaisang dibdib."
Pagtatapos nito sa salaysay nito.
Mas lalo siyang humanga sa babaeng ito. Marami rin siyang nais sabihin pero ayaw lumabas niyon sa kanyang bibig.Nais na niyang magtapat ngunit mali ang timing niya. Baka kung ngayon siya magtapat ay kamuhian siya nito. Hahanap na lamang siya ng ibang pagkakataon.
Kung bakit kasi hindi siya naging tapat sa dalaga sa simula pa lamang. Disin sanay may maayos silang relasyon ngayon. Hindi tulad nitong hindi pa man sila nagkakaroon ng tamang relasyon ay bumibitaw na ito.
"Im sorry!Pero...ito na ang huli nating pagkikita.Maghanap ka ng babaeng kaya ipaglaban ang nararamdamang pag ibig para sa iyo.Hindi ako iyon dahil nakatali ako sa isang pangakong mahirap talikuran."Nakatitig ito sa kanya ng may lambong ng lungkot ang mga mata.
"Goodbye... Hunter. " lumapit ito sa kanya at kinintalan siya ng isang mabilis na halik sa labi. Nais sana niya itong yakapin ng mahigpit pero kaagad na siya nitong itinulak palayo.
"Ihahatid na kita... Ipahahatid ko na lamang ang motorsiklo mo bukas ng umaga. " Wika niya at nauna na siyang lumabas ng kwarto.
"Huwag na..."
"I insist! " He said. "Consider this as our last moment... together... "At inakay na niya ito sa isang braso nito.Isinakay niya ito sa kanyang sasakyan at walang imik na nagmaneho.
Kanakain siya ng kanyang konsensiya! Ano itong nagawa niya sa dalaga. Nasaktan niya ito ng husto. Pinahihirapan niya ang kalooban nito sa pagkaka akala nitong mali ang ginagawa nito. Bumitaw ito sa kanya sa pag aakalang nagtataksil ito sa kanyang mapapangasawa. Na wala namang iba kundi rin siya.
Saglit lamang nilang tinakbo ang papunta sa mancion ng lola nito.
Kaagad itong bumaba. Hindi na hinintay na pagbuksan niya ito ng pintuan ng sasakyan.
"Goodbye..." Pagkasabi niyon ay walang lingon na itong nag lakad papasok sa bahay ng mga ito.
" See you in three months ,babe... "Tanging naibulong niya sa kanyang sarili. Iyon ay kung hindi siya nito isumpa kapag nalaman nitong halos pinaglaruan niya ang dadamdamin nito.
Damn!
Hinintay niyang makapasok sa loob ng mancion ang dalaga bago nagmaneho na siya paalis sa lugar na iyon.
Senyora Guada's POV...
Bakit parang may iba sa kanyang apo.
Kanina pa niya ito pinapanood habang nagdidilig ng halaman. Tila wala ito sa sarili nito. Lunod na ang mga rosas bago ito lumipat sa ibang bulaklak.
At kanina habang kasabay niya itong mag almusal, hindi ito umangal ng isang basong gatas ang ibinigay niya rito at hindi kape.
Pukto ang mga mata nito na parang nag iiyak ito magdamag. Tinanong niya ito subalit simpleng sinisipon ang sagot ito sa kanya.
Tinanong naman niya ang Amiga niyang may ari ng Hospital kung saan naka confine ang apo niyang si Danica ay okay na raw ito. Successful ang operation nito at hinihintay na lamang gumising ito mula sa pag kaka coma nito. Epekto raw iyon ng mga gamot na ginamit sa kanyang apo. Pero sooner ay magigising na rin ito.
Ano ang dinadalang problema ng kanyang apo?
"Lola! "
Nagulantang naman siya. Nakalapit na pala ito sa kanya ng hindi niya namamalayan.
"Yes Hija? "
"Gaano kahalaga sa iyo ang palabra de honor? "Pagkawasay tanong nito.
Napatitig siya rito. At pagkatapos ay kaagad din niyang inilayo ang kanyang paningin. Parang alam na niya ang ipinagkakaganito ng kanyang apo. Nakausap niya si Hunter at inirelay nito sa kanya ang lahat ng nangyare sa mga ito.
Ayaw na niyang makialam sa buhay ng mga ito. Last na ang hiling ni Hunter na kasunduang kasal. Tapos na siya sa pakikialam sa buhay ng kanyang mga apo. Hindi lamang si Melanie at Zack ang nakakaaway niya kundi maging ang mga ito. Matanda na siya. Ang tanging nais niya ay masayang pamilya.
"La... "Kalbit nito sa kanya.
"Depende sa tao... "Parang ayaw lumabas ng mga salita sa kanyang bibig. Kundi lamang maganda ang hangarin ni Hunter para sa kanyang apo ay ipagtatapat na niya rito na ang mapapangasawa nito at si Hunter ay iisa.
Tumikhim siya... Para kasing may nakabara sa kanyang lalamunan.
"May tao na balewala lang ang salita
...binitawan tapos wala lang. At hindi natin sila pwedeng husgahan dahil kanya kanya tayo ng pinagdadaanan sa buhay. "Tumitig siya sa kanyang apo na tila sinasaloob ang kanyang sinasabi rito. "Pero maganda sa tao ang may isang salita. Igagalang ka ng ibang tao kapag marunong kang tumupad sa iyong salita. Sa aking pananaw ang pagtupad sa pangako ay gawain ng isang mabuting tao. " patuloy niya.
Ohhh my God... Forgive me for what I have sin...
Last na last na ito Lord... May binitawan siyang pangako kay Hunter na hindi magtatapat kay Jade. Na hahayaan niyang malaman iyon ni jade sa oras ng kanilang kasal.
At kinikilig siya sa isiping magiging maganda ang kalalabasan ng love story ng dalawa.
"Paano kung ayaw ko ng magpakasal sa lalaking ipinagkasundo mo sa akin, 'La? "
Muntik na siyang mahulog sa kanyang kinauupuan sa narinig sa dalaga.
"'La? "
"Ummmm... It's up to you... Tulad nga ng sabi ko sayo dalawa lang ang pagpipilian ng isang tao sa kanyang magiging pagkatao. Isang tama at isang mali.Bakit, ayaw mo na bang ituloy ang kasal? " baling niya rito mata sa mata. Gusto niyang arukin kung ano ang tunay na saloobin ng kanyang apo.
"Magagalit ka ba sa akin kung sakali, 'La? "
Ito naman ang tumitig sa kanyang mga mata na tila siya ang sinusuri nito sa kanyang magiging sagot.
Bigla siyang tumayo...
Hindi na niya kinakaya ang sitwasyon...
"Hindi pa pala ako nakakainom ng gamot sa alta presyon... "Iyon ang tangi niyang nasambit bago iwanan ang kanyang apo na hindi naman siya hinabol.
Kung alam lamang nito na matagal ng walang kasunduang nagaganap sa pagitan nila ni Hunter. Nagkataon lamang na nakita niyang mahal na mahal ni Hunter ang kanyang Apo. Tinupad nito ang pangako nitong babalikan si Dianna sa tamang panahon. Muli niyang nakita ang nakita niyang sinseridad sa binatang naglakas loob noon upang hingin ang kamay ng kanyang apo.
I'm sorry Jade... Time will come... At sanay huwag kang magalit sa akin kapag dumating ang oras na iyon. Tanging kaligayahan mo lamang ang aking hangad apo ko.
Patawad apo...
Patawad!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top