Achy Breaky Heart
"Dianna, open this door! " Dani is knocking like she's bragging to break the door.
"Dianna... Hindi ako nagbibiro! Kapag hindi mo ito binuksan gigibain ko ang pintuang ito.!"Hurumentado na siya. Kanina pa siya kumakatok pero ayaw nitong magbukas ng pintuan.
"Maaaa... Daddy Zach....! "Sigaw niya.
Sanay hindi totoo ang kanyang naiisip na ginagawa ng kanyang kapatid. Nasa drawer lamang ng aparador ang kanyang service pistol.
Ohhh my God!
Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang kapatid.
"Bakit ka ba sumisigaw Danica? " Tanong sa kanya ng kaniyang ina. Kasama nitong dumating ang kanyang Daddy at Lola Guada.
"Dad... Susi... Dali....! "Naiiyak niyang sabi sa mga ito.
Kaagad namang tumakbo ang kanyang kapatid na si Barry upang kuhunin ang susi sa kwarto ng kanilang mga magulang.
"Jade anak... Open this door. " Samo ni Zach sa may pintuhan.
"Barry bilissss...! " Sigaw ng kanyang lola.
Humahangos na iniabot ni Barry ang susi sa palad ng kanilang ama.
At pandalas nitong isinuksok ang susi sa seradura.
Ngunit bago pa bumukas ang pintuan ay nakarinig sila ng putok ng baril.
Napasigaw silang lahat...
Lalo siyang kinabahan...
"No dianna... No...! "Nangangatal na usal niya.
Sa wakas ay bumukas ang pinto.Pilit iyong binalya ng kanyang ama dahil hindi ito bumukas sa susi. Naka double lock sa loob ang seradura.
Nang abutan nila si Dianna ay naka lupasay ito sa lapag. Yakap yakap ang kanyang service pistol. Pumapalahaw ito ng iyak.
Nagtangka itong barilin ang sarili pero nagbago siguro ng isip. Sa kisame niya nakitang tumama ang pinaputok nito kanina.
"Akina ang baril ko Dianna! "Samo niya sa kapatid.
"Ateeeeee... "Lalo itong pumalahaw ng iyak ng makita siyang umiiyak.
Kaagad itong yumakap sa kanya ng yakapin niya ito. Inagaw niya ang baril na kusa rin naman nitong ibinigay. Iniabot niya iyon sa kanyang Daddy Zach.
Umiiyak na silang lahat sa awa sa kapatid.
"Kasalanan mo itong lahat Melanie. "Pagkawasay biglang sumbat ng kanyang Daddy Zach sa kanilang ina.
Nagulat ang kanilang ina. Maging sila ay nagulat. Hindi pinagsasalitaan ng kanilang Ama ang kanilang ina ng ganoon. Palagi itong sunod sunuran sa kanilang ina.
"Kung hindi ka naging sunud sunuran kay Mama ay hind magkaka ganyan ang mga anak natin... "Patuloy pa ng kanilang ama.
Ang kanilang lola Guada naman ay tila nauupos na kandilang napaupo sa gilid ng kama ni Dianna.
"Alam mong hindi totoo yan Zacharias! "
Sagot ng kaniyang ina. "Alam mong inaaway ko si Mama. Pero sadyang makulit ang ina mo. Ayaw magpa awat. Pinaglalaban ko ang mga anak ko kapag nakikita kong ginagawa na silang manikang de susi ng iyong ina.But there where times na nakikita kong maganda ang hangarin ni Mama. "Umiiyak na ang kanyang ina. At lalo na sila ni Dianna. This is the topic na ayaw nilang maungkat dahil malaki ang nasaktan nitong bahagi sa puso nilang mag ate.
"Matagal ko nang binabawe ang mga anak ko kay Mama... Saksi ka na ayaw ibigay ni Mama ang mga anak ko. Bakit ako ang dapat sisihin ngayon ha Zach.? Alam mo mulat sapul na iginalang ko't minahal ang iyong ina dahil iyon ang tama... Dahil mahal mo siya kaya minahal din namin siya. Mali ba iyon ha Zach?! Tell me! "
Nagulat silang dalawa ni Dianna sa rebelasyon ng kanilang ina. Hindi nila alam ang bagay na iyon. Ang buong akala nila ay kusa silang ibinigay ng kanilang ina sa kanilang Abuela upang maenjoy nito ang bago nitong asawa.
"Anong sabi mo noon.? Hayaan na muna ang mga bata kay Mama. Wala kamong kasama sa Mancion. Pumayag ako noon dahil nandoon si Daisy. Upang gabayan ang mga anak ko sa piling ni Mama. Kinukuha ko sila ng magsabi sa akin si Dianna na mas gusto nilang sa atin tumira. Pero ayaw silang ibigay ng mama. Bakit hindi ikaw ang nakipag laban kay Mama gayong ikaw lamang ang kaniyang pinakikinggan. Dahil kaming lahat ay laruan lamang sa palad ng iyong ina.! " At nagmamartyang lumabas ng kwarto ang humahagulhol nilang ina.
Kaagad naman iyong sinundan ng kanilang Daddy Zach. Knowing him. Hindi iyon mapapakali hanggat galit dito ang kanilang ina.
"'La? "Duet pa silang magkapatid ng tumingin sa lola nilang pinagsisikipan na rin ng hininga kakaiyak.
"Yes... Totoo lahat ng sinabi ng inyong ina.! "
Iyon lang ang tanging nasabi nito bago lumabas ng kwarto. Panay pa rin ang sigok nito.
"Ate... Si Mama... "Umiiyak pa ring sambit ni Dianna. Napakabait talaga ng kanyang kapatid. Nagawa pang mag alala sa kanilang ina.
"Shhhh... Andon na si Daddy Zach. Siya na ang bahala kay Mama."pang aalo niya rito.
"Huwag mo na ulit gagawin iyong ginawa mo Hah... Alam mo bang tinakot mo ako ng husto."Pangaral niya sa nakababatang kapatid.
Tahimik naman silang pinapanood ni Barry sa may pintuan. Nakakuyom ang isang kamao nito. At ang isang kamay ay nakatago sa likod nito at hawak hawak ang iniabot na service pistol ng kanyang Ate Dani.
Si Acia naman ay heto at walang muwang sa nangyare. Bagong gising! Bahagya lamang sumilip at kaagad ring bumalik sa kwarto nito. Ito ang taong walang pakialam sa nangyayari sa mundo. Kapag hindi mo kinausap ay hindi ka rin kakausapin. Kapag hindi mo siya isinali sa pangyayari ay mas lalong hindi nito isinasali ang sarili.
Katwiran nitoy I'm too beautiful para ma stress, Mama.!
Iyon ang palagi nilang naririnig na sagot nito sa kanilang ina. Na tinatawanan lamang nilang magkapatid.
Hunter...
Natagpuan na ng kanyang mga PI ang kinaroroonan ni Jade.
Ngunit hindi pa siya handang humarap doon. Haharap siya sa mga ito sa ipinangako niyang araw sa lola ni Jade. At iilang araw na iyon. Ang ika dalawamput limang kaarawan ng dalaga.
Nadagdagan pa ang dala dala niyang alalaha nin.
Lumabas na ang suspect sa pamamaril sa kanya noon,ilang buwan na ang nakakaraan.
Nakakuha sila ng CCTV...
At nagulat siya sa napanood niya.
Ang ate Dani ni Jade ang nagtangka sa kanya. At ang kanyang tauhan ang nakabaril dito kaya ito na comatose sa Hospital.
Bakit dumagdag pa ito gayong malaki na ang dala dala niyang problema.
At matay man niyang isipin ay hindi niya alam kung ano ang kasalanan niya sa kapatid ni Jade upang pagtangkaan nito ang kanyang buhay.
First time niya itong nakita noong naka confine ito. At sure siyang kailanman ay hindi pa niya ito nakaka encounter sa buong buhay niya.
Kaya paanong nagkaroon siya ng kasalanan dito upang pagtangkaan siya nitong patayin.
Hindi siya nagsampa ng kaso laban dito. Pero hindi niya alam kong may balak ang mga itong magdemanda laban sa kanila ng bodyguard niya. Pero hindi iyon ang iinisip niya sa ngayon.
Ang gumugulo sa isipan niyay ano ang ikinagagalit nito sa kanya?
Ano?
Kailangan na talaga niyang magpakita sa pamilya nito.
Pagod na pagod na siyang makipag laro ng taguan sa mga ito.
Pagod na rin siyang manghula sa kung anong dahilan at balak siyang patayin ng kapatid ni Jade.
There must be something...
May mali sa scenario...
At dapat niya iyong itama.
Maging ang resulta man niyon ay ang tuluyang paglayo sa kanya ng kanyang minamahal na si Jade.
Tatanggapin niya...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top