Abuela
A/N
I'm back.... Medyo nagpahinga lang po sa pagsusulat ang inyong lingkod. But i decided to continue all my pending stories for my dear readers.
But before that, shoutout muna kina.... esterelita,VintagePeirrie,hastinemaes,JaJa_Gribs,YnaAnonuevo,terieza,@NORTHERNBEAST,Danicajane28,hastines,EvaInBlack,ChiMoBby,JaDyDaVey,Scriptieeee,user12999886
Some of them are good writer's too...
Thankie guys...
-----------------------------------------------------------
Ilang minuto pa muna niyang pinag-
masdan ang malaking billboard ni Mr. Dreamboy niya.
Tinanggal niya ang kanyang helmet, bago mala puso-puso ang mga matang tinitigan ang lalaking kanyang kinababaliwan.
Kung may maka-kakita sa kanya ay a-akalaing bangag siya sa ipinagba-bawal na gamot. Daig pa niya ang wala sa sariling kina-kausap ng maluha-luha ang mga mata ang walang buhay na malaking billboard.
"Hay! Mr. Billboard,kailan ka kaya bababa diyan para lagyan ng sahog ang walang kakulay-kulay kong buhay? "Parang nalulukang sambit niya, bago pinunasan ang namalibis na luha sa kanyang mag kabilang pisngi.
"You have beautiful eyes, I just wish that they were looking at me! "Patuloy pa niya.
Daig pa niya ang nagluluhog ng pag ibig sa lalaking tila walang balak na siya ay sagutin.
Kung bakit naman kasi sa dami ng lalaking nagluluhog ng pag ibig sa kanya ay sa lalaking ito pa siya na in love.Gayong hindi man lamang siya nito matapunan ng kahit konting pagtingin ni Sharon Cuneta.
Hay naku!
Ikaw na damuho ka! Kahirap mong hanapin,kapag nakita kita hindi na kita papakawalan pa.Sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa ganda ko.
Pagbabanta niya sa malaking billboard.
Hay naku Jade, umuwe ka na at maya-maya pa ay ipahahanap ka na ng iyong lola. [Kunsensiya]
Ay oo nga pala!
Taranta niyang isinuot ang ang kanyang helmet at isa pang sulyap sa kanyang Mr. Billboard at mabilis na niyang pinaharurot ang kanyang motorsiklo.
Maghapon na siyang hindi umuuwe ng mansion, kaya tiyak niyang nag a-alala na ang kanyang lola. Pagbaba niya ng kanyang motorsiklo ay kaagad niyang hinanap ang kanyang abuela,bago pa man ito lubusang mataranta.Sa tuwing matataranda ang matanda ay kaagad itong tumatawag sa mga kaalyado nito sa kapulisan upang ipahanap siya, sa pag a-akalang tinakasan na niya ang ipinangako niya dito na magpa-pakasal sa lalaking napili nito para sa kanya.
Inabutan niya itong may kausap sa telepono.Kaagad naman itong nag paalam sa kausap at lumapit sa kanya.Gusto na tuloy niyang mapagod sa sitwasyong kinala-lagyan niya.Kung hindi lang sana sila ipinamigay ng kanyang ina ay may kalayaan sana siyang tinatamasa ngayon at hindi iyong ganito.Palagi siyang tarantang umuwe ng bahay para ipaalam sa kanyang lola na hindi siya tumatakbo sa kanilang usapan.
"Dianna,Hija,Saan ka ba nanggaling at ngayon ka lamang umuwe sa loob ng maghapon?"Kaagad na tanong ng matanda sa kanya.Napapagod na humalik siya sa noo ng abuela bago nahahapong naupo sa malaking sofa sa living room.Mukhang ayos naman ito at tila nag aalala pa nga sa kanya ang hitsura nito.
"Dumalaw ako kina Mama,'La"Halos ayaw bumuka ng kanyang bibig upang sumagot sa kanyang lola.
Bigla namang umaliwalas ang tila namo moroblema nitong mukha kaninang dumating siya.
"Really"At nakangiti itong umupo sa tabi niya.Alam niyang mag uusisa ito kung anong naging scenaryo sa Batangas ng bigla siyang sumulpot doon after a very long years.
"Yes,'La."Tinatamad na sagot niya.
"And what happened in there?Come on tell me!"
Ito na nga ba ang sinasabi niya sa halip na makapag pahinga na siya ay kailangan pa talaga niyang mag kwento sa matanda.Pa short cut niyang ikinuwento ang mga nangyari.But of Course,hindi na ang ginawa niyang pag da-drama doon.But knowing her mother,tiyak na naka tawag na ito sa matanda para mag kwento.But still,hindi pa rin niya ikinuwento sa matanda.
"Is that all?"Tila hindi kumbinsidong tanong sa kanya ng matanda.Base sa mukha nito ay hindi ito naniniwala sa mga sinabi niya.O kaya ay talagang naku-kulangan ito sa mga ikinuwento niya dito.Napa buntong hininga siya ng malalim bago nag salita at hinarap ang kanyang abuela.
"Napagod ako sa byahe,'La."Tumayo na siya sa pag kakaupo sa sofa."Alam ko namang nasabi na iyo ni Mama."Muli siyang humalik sa noo ng matanda,bago humakbang patungong hagdan.
Hindi naman na umapila ang matanda.Isa iyon sa gusto niya dito,iginagalang nito ang mga oras ng kanyang tantrums.Hindi tulad ng kanyang ina na parang ito ang palaging tama,Although mas madalas na nagger ang matanda sa kanila ng ate Nica niya ay malambing at sweet naman ito in her very own way.
"Hindi ka ba muna kakain,ha apo?"Malambing na tanong ng matanda.Bigla tuloy siyang nakunsensya na binabastos niya ito in a discreet way.Paano madalas niya itong iwanan kahit nagsa-salita pa ito,lalo na kapag tinatamad siyang makipag-usap dito.Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at patuloy na humakbang paitaas.Bago pa niya maisipang bumalik at yakapin ang matandang nag aruga sa kanila ng kanyang ate.
"Kumain na ako sa Batangas,'La."
Sagot niya at malalaki ang hakbang na nag patuloy siya pag-akyat sa kwarto niya.
Sa isang banda ng buhay ay totoo namang minahal sila ng kanyang ate ng Lola Guada nila,itinuring sila nitong tila tunay na apo.Kahit hindi pa nila hinihingi ng kapatid niya ay kusa na nitong ibinibigay at ipinag kakaloob sa kanila.Lahat ng mga bagay na hindi nila natikman noon sa piling ng mga magulang,ay tinamasa nila sa piling ng matanda.Mahal naman nila at iginagalang ito at itinuring rin naman nila itong parang tunay na lola.Sinusunod nila ang lahat ng gusto nito kahit iyon ay labag sa kalooban nilang mag kapatid.
Kaagad siyang dumukmo sa kanyang kama.Simula ng maging pulis ang kanyang kapatid ay humiwalay na rin ito sa kaniyang kwarto.Sa hindi niya malamang dahilan.Malamang ay dahil na rin sa propesyon nito o kung may iba pa itong dahilan ay hindi na niya alam.Pero kung siya ang masusunod ay mas gusto niyang mag kasama sila ng kanyang ate sa i-isang kwarto.
Hindi na dahil takot pa rin siyang mag isa sa kwarto kundi dahil talagang malambing siya sa kanyang kapatid.
God knows...How she missed her ate!
Gusto niyang magtampo ng pinili nitong humiwalay at mag isa sa condo nito,kesa manatili sa mansion.Alam niyang maraming dahilan pero para sa kanya ay hindi sapat iyon para iwanan din siya nito,katulad ng ginawa sa kanila ng kanilang ina.Ito na lamang ang nag-iisa niyang kakampi sa mundo tapos ay iniwan na rin siya.
Isinusob niya ang kanyang mukha sa kanyang unan.
Muling pumasok sa kanyang isipan ang itim na sasakyang humabol sa kaniya.Ngunit kaagad din niyang iwinaksi sa kanyang isipan, walang mangyayari kung basta na lamang siya padadala sa takot sa mga bagay na wala pa namang dapat ika-takot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top