Chapter 7

PETE'S POV

"I'm home," mahina kong sabi habang naglalakad tungo sa hagdan. Kahit pagod ay pinilit kong makaakyat pero natigilan ako nang maabutan ko ang mga magulang ko na nag haharutan sa sala.

What the hell? katatanda na nila nag lalandian pa sila.

Halos umikot ang mata ko sa nakikita ko at nandidiring nagpatuloy ulit sa paglalakad pero nasagi ko ng hindi sinasadya ang paso kaya nahulog ito mula sa ikalawang palapag. Mukhang tumigil na din sa lampungan sila mommy dahil narinig ko na ang papalapit na yabag nila.

"Ohh, Welcome home baby! I miss you so much," nakangiti akong sinalubong ng ina ko at niyakap ako nang mahigpit habang ang ama ko naman ay tinanguan lang ako.

"Mom, can you please stop calling me baby. Im not a kid anymore," masungit kong sabi nang lumuwag ang kanyang yakap.

"Aw, talaga ba? e, bakit ganyan ang mukha mo? ayos ka lang ba, baby boy?" nakangusong saad ni mommy habang sinusuri ang mukha ko.

"Stop. I'm fine, Mom. Kailangan ko lang magpahinga and please, stop calling me baby and baby boy." masungit kong sagot sa kanila.

"C'mon Son, Don't be too harsh to your Mom. Namiss ka lang niya," ani ng ama ko na ikinatawa naman ng ina ko.

Seriously? Baby? Sa laki kong 'to?

Kunot noo akong tumalikod dahil nababadtrip ako at babagsak na din yung katawan ko ano mang oras. "Whatever. Bakit hindi na lang si Louis yang babyhin nyo tutal bata naman 'yan."

Bago pa ako tuluyang makahakbang ay naramdaman ko naman'g may tumama sa ulo ko at kulang na lang ay umikot ang paningin ko sa lakas no'n.

"Shit!" Malakas kong sigaw at napahawak ako sa likod ng ulo ko na parang sinusuri kung may dugo ba o wala.

"HAHA! Nice one kiddo." sigaw ng ama ko at dahil sa sinabi niya ay napaangat ako nang tingin sa ikalawang palapag at nakita ko lang naman ang impaktong pinaglihi sa demonyo na may malalaking ngiti habang nakasuot pa ng panjama.

Anak ka ng nanay mo. Patay ka sa'kin pag nahuli kita.

Tinitigan ko ito nang masama na ikinatawa niya at nagtaas ng kamay na para bang sumusuko. Pero agad din nitong binaba ang mga kamay at masama akong tinignan.

"Sinong baby? ako? baka ikaw baby! Baby Damulag! blee!" sigaw niya na ikina-init na ng dugo ko.

"Lokong bata 'to, ah!" Bulong ko at nagmamadaling umakyat kaya napatakbo siya bigla. Nilingon pa ako nito at dinilaan ulit kaya bigla ko naman itong hinabol.

"You, little brat may araw ka rin sa'kin!" gigil kong sigaw kasabay ng pagsara ng malakas ng pintuan ng kwarto niya. Lintek talaga.

Kunot noo akong pumasok sa kwarto ko at marahas na napahiga na lang sa kama dahil sa sobrang kapaguran. Ilang minuto din akong tumagal ng ganun nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Sino yan?" nahikab kong tanong at nakapikit pa rin habang pinakikiramdaman ko ang paligid.

"It's me Sweetheart," malambing na saad nito. Hindi ko alam kung bakit andito na naman ang nanay ko. Isa pa 'tong makulit, eh.

Nanlalambot akong bumangon upang harapin siya at makausap ng maayos.

"May problema ba, Mom?" tamad kong tanong at napahikab muli.

"Wala naman, gusto ko lang itanong kung kumusta ang araw mo, masama ba?"

Natahimik naman ako sa sinabi nito. "Mom, talk."

Natawa naman ito dahil sa sinabi ko. "You really know me, son. So as you can see, may sasabihin nga ako.." malambing na sagot nito at umupo sa tabi ko habang nakayakap sa'kin na para bang bata.

"Ano naman 'yon?" bastos kong sagot na ikinatawa niya. Antok na antok na talaga ako at kung pwede lang ay lalagyan ko ng tape yung talukap ng mata ko para hindi bumagsak.

"Aalis kasi kami uli ng Daddy para ayusin yung problema sa statesn" saad nito na ikinatango ko naman. Sanay naman na akong wala sila at kusang umaalis na para bang walang anak.

"Mom, bakit hindi pa kayo umalis ngayon? At bakit ngayon lang kayo nag paalam? Anong meron?" taka kong lingon sa kanya habang nakapikit pa rin.

Impit pang tumili ang Nanay ko bago ako sinagot. "Kasi anak, may bagong katulong na darating ngayon." mas lalong lumambing ang boses ng ina ko na ikinadilat ng mga mata ko.

"Oh, Tapos?"

"Iiwanan ko sana sayo si Louis,"

Umikot naman ulit ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ng bubwit na batang 'yon.

"Ano pa?" bagot kong tanong dahil alam kong may sasabihin pa ito.

"At saka, 'wag na 'wag kang gagawa ng kalokohan sa bagong katulong. Alagaan mo rin ang kapatid mo. Baka kasi matagalan ang balik nam-" pinutol ko ang kanyang sasabihin dahil alam ko naman na hindi na naman sila makakauwi agad at aabutin na naman 'yon ng buwan.

"'Yun lang ba Mom? Pwede na po ba akong magpahinga?"

Hindi ko na hinintay na sagutin ako nito dahil nahiga na akong muli at pumikit. Ramdam ko pa rin ang prisensya niya sa tabi ko.

"Pete," tawag niya sa'kin. Hindi ako dumilat at mas nag kunwari pa lalong tulog. Naramdaman ko namang tumayo na ito at nag lakad na, marahil lalabas na nang silid.

Bago pa man siya makalabas ay narinig ko pa ang bulong nito at kulang na lang ay iwanan ako ng kaluluwa ko sa narinig.

"Kasi, yung katulong na darating ngayon ay inasign ko as your personal maid."

W-What?! Did I hear it correctly?

Marahas akong bumangon at tinignan ang Ina kong nakangiti sa'kin ng malaki habang hawak hawak ang doorknob.

"What?! Are you kidding me? Mom?! Aanhin ko naman yung katulong? Diba I told you naman na ayaw ko?" sigaw ko na ikinatawa niya.

"No sweety. Mag kakaroon ka ng maid dahil 'yon ang gusto ko. So, you better stop all those shitty things, ok. And please, makipag break ka na kay Maddie. I don't like her," malambing pa rin nitong saad na ikinasabunot ko na ng sariling buhok.

"Mom! You can't do this to me and hindi ko girlfriend si Maddie!" galit kong sigaw dito.

"Don't shout Pete, I have ears too. Respect my decisions and that's final." ngiti niya pang sagot at tuluyan nang lumabas ng silid ko.

"Shit! Not again please." mura kong bulong at malakas na sinuntok ang unan ko. Naiinis kong hinubad lahat ng samplot ko at naglakad papasok sa banyo para mag cold shower.

"You better watch your move miss I. Don't. Care. Who. You. Are. because I will make your life misserable While you're here in my house," madiin kong saad habang dinadama ang malamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko. Natigilan naman ako ng makaramdam ng kirot at napatingin ako kanang balikat ko na may bendang panyo.

"Andito pa pala 'to." bulong ko. Inalis ko ang rosas na panyo sa balikat ko para malinis ang dugong natuyo mula sa balikat ko.

Ilang minuto din akong nagtagal sa banyo at nang makatapos ay ginamot ko kaagad yung sugat sa braso ko. Sinuksok ko muna rin sa marumihan yung panyo para malabhan.

"Bakit ko ba tinabi yun? E, hindi naman kami mag kikita ng babaeng 'yon," bulong ko sa sarili ko habang sinusuri ang mukha ko sa harapan ng salamin.

Nakarinig naman ako ng sigaw sa labas na ikinakunot ng noo ko.

"Anong ingay 'yon?" Saad ko at minabuti nang tumingin sa baba para tignan ang nangyayari.

Tinahak ko ang daan papunta sa hagdan at habang pababa ay palakas naman ng palakas ang ingay na naririnig ko. Hindi ko rin in-expect na titigil ang mga paa ko sa likod ng babae na may makapal at buhaghag na buhok na pwede ng pag pugadan ng ibon.

Tinitigan ko naman ito ng baba at taas mula sa likuran. Kulang na lang ay malukot ang mukha ko dahil makaluma ang damit niya at ang haba pa ng palda tapos ang sapatos ay Chuck Taylor High Top na itim.

'Manang,' bulong ko pero natigilan din naman ako ng may maalala ako.

"Ma'am, sobrang laki na po no'n, Sobrang maraming salamat po talaga sa inyo," Tila naiiyak nitong sabi habang may pahawak kamay pang nalalaman.

"Tch, pakitang tao" hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin 'yon dahil sa inasta niya.

Parang baliw naman akong nilingon ng babae at bigla na lang natulala sa harapan ko kaya malaya ko siyang napagmasdan.

Kunot noo ko siyang pinagmamasdan hanggang sa sumigaw na lang siya bigla. Doon, tuluyan ko na ngang nakilala kung sino nga talaga siya.

"IKAW!?" sigaw nito habang dinuduro ako.

'Anak nga naman ng tokwa. Bakit kamalas ko ngayong araw. at saka, Paano n'ya nalaman na dito ko nakatira? Siguro plinano niyang sundan ako... hindi kaya sa tinapay? Tama, baka do'n nga!' saad ng isip ko.

Tinitigan ko lang siya ng blangko hanggang sa marinig ko ang boses ng nanay ko.

"Magkakilala ba kayo?" naguguluhang singit sa'min ni mom. Pero hindi ko ito pinansin dahil sa gusto kong tuksuhin ang babaeng nasa harapan ko.

Nginisihan ko naman siya at daretsahang tinitigan ang mata niyang natatabunan ng salamin. "Akalain mo nga naman na dito din naman pala kita makikita. Don't tell me sinundan mo ako?" Panunuksong sabi ko at mukha naman itong nainis.

"Pwede ba mister hambog na masungit. Malay ko bang dito ka nakatita at wala akong intensyon sa baliw na kagaya mo. Kaya huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan,m matapang nitong sagot na ikinangisi ko lalo.

Tila nahiya ata 'to dahil biglang humina ang papanalita nito at napayuko. Kinuha ko ang tansyang 'yon para lapitan siya at napaatras ko nga siya.

"Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi n'yan." Masungit kong sabi habang lumalapit pa sa kanya. Kunot noo nitong sinalubong ang mga titig ko.

Tapang ha. Tignan natin yang tapang mo.

"A-ang kapal naman ng mukha mo! Wala akong kasalanan!" Gigil na gigil nitong sagot at aambahan na sana akong bakalin ng basong hawak hawak nito.

"Sige! Subukan mo! Hindi ako magdadalawang isip na patulan ka" seryoso kong sagot na nakapagpatigil sa kanya. Marahas naman nitong binaba ang braso at halos madurog na ang baso sa kamay niya dahil sa gigil.

Ganyan nga, magalit ka lang

Tinitigan naman ako nito ng matalim bago nagsalita "Ang lakas ng loob mong sabihan ako niyan! Fyi, Ikaw ang may kasalanan. Ikaw nga tong nangdadamay kasi hina hab-"

Nagulat naman ako sa sinabi nito kaya hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya kaya tinakpan ang bibig niya at pinandilatan nang mata.

'Magsalita ka kung hindi ay malilintikan ka' Sigaw ng isip ko habang nalalaki ang mga mata.

Akma niya nang tatangalin ang mga kamay ko nang makarinig ako ng bungisngis. Sabay pa kaming napalingon at napanganga nang makita namin ang tatlong matatanda na may hawak na pagkain at nanonood sa'ming dalawa.

What the fuck?

To be continue...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top