Special Chapter IV - Part 1
Chelsea POV
Ilang minuto na akong umiiyak habang pinagmamasdan ang papel na nakapatong sa kama namin. Hindi ko inisip na dadating ang araw na'to.
Annulment papers..
Masaya naman kami eh. Almost perfect ang pamilya namin pero humantong sa ganito dahil sa hindi pagkakaunawaan.
*door opens*
"Napirmahan mo na ba?" Cold na tanong ni Kyle habang nagtatanggal ng necktie.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Kyle, gummy bear. Kailangan bang humantong sa ganito?" Umiiyak na tanong ko.
"Hindi mo na ako maintindihan 'diba? Lagi mo akong inaaway. You're being nagger kapag ginagabi ako ng uwi. Fvck! I'm busy at the company! Hindi naman 'yun para sa'ken kundi para sa pamilya natin! Kelan ka pa naging demanding ha?" Galit na sigaw nya.
Hindi ito maliit na away. Hindi..
"Kyle.."
"Mas mabuti pang gawin 'to. Nasasakal na ako, Chelsea. Pag-uuwi ko, sa halip na tanungin mo ako kung okay lang ako, kung kumusta ang company, iba ang tinatanong mo! Bakit ako ginabi? Sinong kasama ko? Sinong, fvck! Fvck!"
Lalo akong naiyak. Masama na ba 'yun ngayon? Di ko alam ang gagawin ko ngayon para mawala ang galit ni Kyle.
"Now, just sign that fvcking papers and I'll be free. Free from you, Chelsea."
"Kyle, isipin mo ang mga anak natin.."
"Sana inisip mo 'to bago ka naging ganyan! Fvck I can't take it anymore. Ayoko ng makasama ka pa. Mag-stay ka na sa isa sa hotel na pag-aari ng Shin-woo. Wag lang dito sa mansyon."
Pinapaalis na nya ako? Pinapaalis ako ni Kyle. "Ang mga bata.."
"Malalaki na sila. Maiintindihan nila na hinawalay na ang parents nila."
</3
Nawasak ang puso ko sa sinabi nya. Ganon lang kadali? "Kyle hindi.."
"Fvck! Sign that papers and get out of this room!" Sigaw nya.
Nasisindak ako. Natatakot ako. Si Kyle bihira lang syang magalit. Mabait sya, mapagmahal, perfect husband pero umabot na sya sa sukdulan nya. Hindi na nya ako kayang pakisamahan.
T_T
"Kyle mag-usap tayo ng maayos. Yung hindi ka sumisi--"
*PAKK!*
"I don't need your fvcking explanation. Tapos na. Huli na. Tama na 'to. Kailangan ko ng magpahinga. Umalis ka na."
Hawak ko ang pisngi ko na sinampal nya. Hindi ako makapaniwala na napagbuhatan nya ako ng kamay. Sa dami ng taon na nagsama kami, ngayon pa?
Lalo pa akong naiyak. "Gummy bear, I love you. Di na mauulit. Di na ako magde-demand. Di na ako magiging nagger.."
"It's late. So get out and try not to show your face to me again."
</3
Wala na. Wala na talaga. Ayaw na sa'ken ni Kyle. Ayaw na nya sa'ken.
Huminga ako ng malalim. "Kung yan ang gusto mo. Mukhang ayaw mo na talaga sa'ken. Sinaktan mo na ako emotionally, pati physical. Sawa ka na sa'ken.." Sabi ko at tinatagan ang sarili ko.
"Out."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kinuha ko ang shoulder bag ko na nalapatong sa couch. Saka lumabas ng kwarto.
Bakit ngayon pa? Sawa na siya sa'ken. Ayaw na saken ni Kyle..pagkatapos ng ilang taon, natapos ang kasiyahan ko.
Sumakay ako ng kotse ko. Hindi ko magawang magpakita sa mga anak namin. Ayokong ma-apektuhan sila. Ayokong masaktan sila sa nangyari sa'men ni Kyle.
Habang nagmamaneho ay di ko mapigilang umiyak. Halos manlabo na ang mata ko sa dami ng iniiyak ko. Masakit. Ang sakit sakit.
Dinala ako ng mga paa ko sa bar ni Ken. Lagi naman. Sagot sa pusong sugatan? Alak. Panandaliang pagkalimot.
Napansin ko ang pagkagulat sa mukha nina Ken at Lyndon nang makita nila akong papalapit sa kanila.
Malamang. Makita ba nila akong umiiyak pa rin habang papalapit sa kanila sa VIP table.
"Chelsea!"
"Chelsea anong nangyari? Si captain?"
Naupo ako. "Yung matapang na matapang na alak." Sabi ko. Hindi ko pinansin ang tanong ni Ken.
"Pero Chelsea malalagot ako kay captain. Bawal ka bigyan ng matapang na alak."
Bigla akong nabuhayan. "Sinabi nya yun? Tumawag sya?"
Naguluhan si Ken. "Hindi Chelsea. Matagal na 'yun. Nong pagkatapos ng kasal nyo pa. Si captain, sabi nya kapag pupunta ka dito mag-isa o kahit kasama ang mga kaibigan mong babae tulad ni Janna, wag na wag kang bibigyan ng matapang na alak. Ganun."
Namatay na naman ang puso ko. Akala ko ngayon lang sinabi ni Kyle. Akala ko alam nyang didiretso ako dito sa bar at ayaw nyang magpakalasing ako dahil nag-aalala sya saken. Akala ko..
Hindi na nga pala. Ayaw na nya nga sa'ken diba? Ayaw na ayaw na ayaw na.
"Ganon ba. Kalimutan mo na yon. Hindi na yun effective. Bigyan mo ako ng matapang na matapang na alak." Matigas na sabi ko.
"Sorry Chelsea. Pero tatawag muna ako kay captain." Sabi ni Ken saka nag-dial sa phone nya.
"Hello! Captain. Ah, asawa mo kase nandito at gustong uminom ng matapang na matapang na alak."
Nanatili akong nakatungo pero nakikinig ako kay Ken.
"Sigurado ka captain? Pero..oh sige sige."
Tapos na yata ang tawag. Kinakabahan ako.
"Anong sabi ni captain?" Tanong ni Lyndon.
"Nakakapagtaka. Bigyan ko daw hangga't gusto ko. Wala daw syang pakialam kay Chelsea." Honest na sagot ni Ken.
"Ano?! Si captain ba talaga nakausap mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lyndon.
Bago pa sumagot si Ken, sumingit na ako. "Yung order kong alak, Ken. Naghihintay ako." Umiiyak na sabi ko.
"O-oo, Chelsea. Sige."
Nang maka-alis si Ken ay naiwan kami ni Lyndon.
"Nag-away kayo ni captain? Pag-usapan nyo ng maayos. Hindi na kayo bata. May mga anak na kayo."
Tama naman si Lyndon. Pero anong magagawa ko kung pinaalis na ako ni Kyle sa buhay nya?
"Ayokong pag-usapan yan."
"Sorry, Chelsea." Sabi ni Lyndon.
Dumating na ang alak. Walang pag-aalinlangan ko iyong ininom. Wala ng pakialam pa saken si Kyle.
Malayang tumutulo ang luha ko habang umiinom ako. Unti-unti na akong nahihilo. Lasing na yata ako.
Pero may isang bote pa. Isa pa, masakit pa dito sa puso ko oh! Masakit pa! Tinungga ko na ang isang bote. Kasunod ng paglapag ko ng bote sa mesa ang pagbagsak ko.
--
Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Ano ba 'yan. Ano bang nangyari? Ano bang ginawa ko?
"Best, gising ka na pala."
Napabangon ako. "Best? Janna.." Bakit nandito ako? Napatingin tuloy ako sa kabuuan ng kwarto. Hindi sa mansyon 'to.
"Alam ko ang nangyari. Sinabi ni Lyndon. At kagabi nung ihatid ka dito, umiiyak ka habang tulog. Salita ka ng salita about sa nangyari sa inyo ni Kyle. Alam mo best, di ko akalaing kung kelang tumanda na tayo saka kayo magkakaganon ni Kyle. Naiinis ako sa asawa mo! Lumuwag yata ang turnilyo sa utak."
So alam nya nga. Bumalik sa alaala ko ang lahat. Masakit pa din.
"Buti nalang dito ka hinatid ni Lyndon! Hay sabi nya tinawagan daw nya si Kyle kagabi para ipasundo ka, pero ang tanga mong asawa, walang paki sayo! Nakakainis ha!"
Wala naman talagang paki na sa aken si Kyle. "Hayaan mo na Janna. Thank you sa pagpapatulog dito. Pasasalamatan ko din si Lyndon na dito nya ako hinatid. Nalasing ako kagabi."
"Dapat lang best! Pero hayaan? No way. Hindi ako papayag na ganunin ka ng asawa mo. Ang sama nya para gawin sa'yo to. Asawa ka nya pero wala syang pakialam? Pwes hinding hindi ko hahayaang makita ka nya, best."
"Anong ibig mong sabihin, Janna?"
"Dito ka muna sa mansyon namin. Hindi ka uuwi sa inyo, hindi ka magpapakita kay Kyle. Ewan ko lang kung hindi mabaliw yang asawa ko. Tingnan natin hanggang saan ang kaya nyan."
Napalunok ako. Galit talaga si Janna at pag ganito sya, gusto nyang nasusunod ang anumang sabihin nya.
"Janna.."
"Iyak ka lang best. Wag ka mahiya. Nandito lang ako para i-comfort ka."
*door opens*
"Maam! Si Sir Kyle po nagsisisigaw sa labas ng gate. Hinahanap po si Ma'am Chelsea!" Humihingal na sabi ng katulong nila Janna na kilala naman kami.
"Speaking of the devil. Nandito na agad para ano? Para saktan ka ulit? Akala ko ba wala syang paki sayo?"
Tumayo ako pero pinigilan ako ni Janna. "Dito kalang. Tawagan ko phone mo para marinig mo pag-uusapan namin ni Kyle sa labas. Jusko! Buti nalang nasa company na ang asawa ko. Bestfriend pa man din 'yang Kyle mo! Sakit sa ulo talaga."
Lumabas na si Janna sa kwarto at iniwan ako. Ni-lock pa ang pinto. Yung phone ko tumutunog. Hinanap ko at nakita ko ang shoulder bag ko na nasa side table. Kinuha ko phone ko.
Janna calling..
Sinagot ko 'yun at nakinig.
"Anong kailangan mo, Kyle?"
"Ang asawa ko! Si Chelsea. Nandito sya!"
"Oh, ano naman kung nandito?"
"Fvck, Janna! Iuuwi ko na ang asawa ko!"
"Pagkatapos mong ipagtabuyan at balewalain, pupunta ka dito para mag-eskandalo?"
"Fvcking shit! Ilabas mo ang asawa ko! Chelsea! Baby ko! Please lumabas ka dyan! Mag-usap tayo!"
"Kung hindi ka ba naman gago Kyle. Sinaktan mo ang bestfriend ko. Pinabayaan at ano pa? Pinalayas ba? Tapos pupunta ka dito para ano? Para iuwi siya? Magdusa ka!"
"Janna! Fvck! My wife!"
"Hinding-hindi ko ipapakita ang asawa mo sayo, Kyle. Nang magtanda ka! Psh."
"FVCK! JANNA! SHIT. CHELSEA! CHELSEA!"
Yun na ang huling narinig kong pag-uusap nila sa labas. Baka pumasok na sa loob si Janna.
Huminga ako ng malalim. Nasasaktan ako sa ginagawa ni Kyle. Pero may point si Janna. Pagkatapos nya akong balewalain? Tapos biglang mag-iiba ang ihip ng hangin at pupuntahan nya ako?
Well, I like Janna's idea. Hindi nya ako ipapakita kay Kyle. I think that would be better.
*
A/N : MPMMN special chapter. May part 2 'to guyth.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top