Chapter 34 ❤ Good & Bad News
Kyle POV
"What do you want to hear first? The good news or bad news?" Tanong ng doctor.
Kinakabahan ako sa maaari naming malaman tungkol sa kalagayan ng kambal. Natatakot ako. Hanggat maaari ayokong makakarinig ng bad news. Pero reality ito, sinabi na ng doctor na may bad news. Parang ayokong marinig, parang ayokong malaman.
Si Chelsea. Ang asawa ko. Alam kong natatakot na sya sa maaaring marinig nami muna sa doctor. Wala pa man, umiiyak na sya. Ayokong marinig nya ang sasabihin ng doctor. Ayoko..
"Good news." Sabi ko.
Niyakap ko si Chelsea at inalo. Nakatutok lang ang tingin ko sa doctor. Sana ang good news na sasaihin ng doctor ay makakapagpagaan ng loob namin. Sina James at Mandy, nasa mukha din nila ang pag-aalala. Masyado ng marami ang napasaya ng kambal. Marami silang napapangiti kahit may pagka-pilosopo at makulit sila.
Si Chylee, okay lang na mag-ingay sya palagi sa mansyon. Kahit bulabugin nya lage ang pagtulog ko, ayos lang. Basta maging ligtas lang siya.
Si Skyler, ayos lang na napagsasabihan nya ako ng nakaka-nosebleed na explanation, basta maging ligtas lang din sya.
Miss na miss ko na ang kambal ko. Miss na miss ko na ang mga tawanang bumabalot sa buong mansyon. Nami-miss ko na ang ngiti ng asawa ko habang pinapanood ang kambal. Miss na miss ko na ang lahat. Sana bumalik na ang lahat sa normal.
"Well, the good news is. Chylee's surgery is successful. She's cured and she's safe now."
Fvck. Thanks God! Ligtas na si Chylee. "Baby ko, ligtas si Chylee." Naluluhang sabi ko kay Chelsea.
"Gummy bear..thanks God."
Fvck. Napatigil ako nang may ma-realize. Si Chylee lang ang successful ang surgery. Ibig sabihin ba..
Ang badnews ba..
FVCK. No. Sana mali ang iniisip ko. Hindi pwede. Hindi ako makakapayag. Iba ang pakiramdam ko sa bad news kaya tumingin ako kay Mandy.
"Pakisamahan muna si Chelsea sa chapel." Yung tingin ko sa kanya, siguro naman mage-gets nya. Ayokong marinig ni Chelsea ang bad news. Ako nalang muna bago ko sabihin sa kanya. Ayoko syang mabigla kung ano man yung bad news.
"Pero gummy bear, hindi ko pa naririnig yung badnews.."
"Sshhh. Baby ko, you should pray. Pray for our twins. Sasabihin ko nalang sayo mamaya kung anong bad news. Please?"
Umiiyak sya habang nakatingin saken. "O-okay. Pero sabihin mo saken, ligtas din naman si Skyler di ba?"
Tumango ako habang tumutulo ang luha ko. "Sige na.."
Inalalayan na sya ni Mandy. Naiwan kami ni James dito. Fvck. Parang ayoko marinig ang badnews. Ayokong maging negative pero hindi ko maiwasan. Si Chylee lang ang sinabing successful. So ang ibig sabihin nga, si Skyler hindi successful? No. It can't be. Hindi ako makakapayag. Handa kong ubusin lahat ng yaman ko para sa ikagagaling ng kambal ko. Sila ang pinakamahalaga saken. Sila lang, ang pamilya ko.
"What is the bad news." Buong lakas kong tanong.
Matapang ako pero sa ganitong pagkakataon, pakiramdam ko, nanghihina na ang tuhod ko.
"Okay. It is all about Skyler's condition. The surgery was successful but.."
Shit. "But what?"
Natatakot na ako sa maririnig ko. God, please guide my twins.
"Skyler's condition requires multiple surgeries to restore circulation back to normal. Even if he's safe now, he still needs medication, as well as Chylee. They need diuretics, which aid the body in eliminating water, salts and digoxin for strengthening the contraction of heart. You have to monitor their foods. I will give you the list of foods they need to avoid together with their medicines. Congratulations. Your twins is really strong." Umalis na ang doctor.
Fvck. At last, nakahinga na ako ng maluwag. Hindi na baleng magpa-surgery pa ulit si Skyler. Ang mahalaga ligtas na sya. Ligtas ang kambal. Fvck! Thanks God!
"Brad. Thanks God!" Tinapik ako ni James sa balikat.
Tuluyan na akong naiyak. Naiyak ako sa tuwa. Mabait pa din ang Diyos sa amin. Kahit alam kong hindi ako ganon kabuting tao, pagdating sa pamilya ako, babang baba ang pride ko.
Ngayon, ngayon ang araw na mas tumaas ang pagtingin ko sa Poong Maykapal. Niligtas Niya ang kambal ko. Hindi Niya pinabayaan ang kambal. Thank you. Thank you..
"Pupuntahan ko si Chelsea." Sabi ko kay James saka mabilis kong tinungo ang chapel.
Nadatnan ko roon ang asawa ko na nakaluhod habang taimtim na nagdarasal. Nagdarasal sya habang umiiyak.
Alam kong kung anong sakit ang nararamdaman ko para sa kambal, mas nasasaktan sya. Napakabuti nyang ina sa kambal. Perfect wife and perfect mother. That's why we have perfect family.
"Baby ko.."
Agad naman syang nagmulat ng mata at tumingin saken. Tumayo siya saka yumakap saken. I smile. Magandang balita ang dala ko.
"Gummy bear. Ligtas din si Skyler 'di ba?"
Saglit akong kumalas sa kanya saka hinaplos ang pisngi nya. Pinahid ko ang luhang dumadaloy mula sa mata niya. "Ligtas na ang kambal. Ligtas na sila baby ko." Nakangiting sabi ko kahit naluluha pa ako.
"T-Totoo? Totoo gummy bear? Pero bakit, ano yung bad news.."
"Skyler needs multiple surgeries. Pero ang mahalaga, safe na sila. Ligtas sila at successful ang surgery nilang dalawa."
Lalong naiyak si Chelsea at yumakap ng mahigpit saken. "Thanks God. Thank you gummy bear. Thank you!"
Shit. Naiiyak na naman ako. But this time, naiiyak ako sa tuwa. Ang makita kong masaya ang asawa ko, yung hindi na sya balisa, napapangiti na ako.
"Let's go. Puntahan natin ang twins. Nailipat na siguro sila sa kwarto." Nakangiting sabi ko.
"Sis. Ligtas ang kambal." Sabi nya kay Mandy.
Tumango lang si Mandy at ngumiti. "See? Malakas ang kambal. Di nila tayo bibiguin. Alam nilang maraming naghihintay sa paggaling nila."
Fvck. This is such a great day!
--
Chelsea POV
Hindi ko ma-explain yung saya ko ngayon. Ligtas ang kambal ko.
Papunta kami sa kwarto kung saan inilipat na ang kambal. Maayos na raw sila. Ang sabi ng nurse, natutulog lang ang kambal pero pwede na silang puntahan.
Pagpasok namin, naiyak ako ng makita ang kambal na payapang natutulog. They looked like an angels. Masaya ako, masaya ako na ligtas sila.
"Baby ko, lalabas muna ako para kausapin ang doctor. Aalamin ko na din kung hanggang kailan sila mag-stay dito." Paalam ni Kyle saka ako hinalikan sa noo.
Tumango lang ako. Hanggang sa makalabas sya ay nakatingin lang ako sa kambal. Lumapit ako sa kanila. Magkatabi lang naman ang bed nila.
Una akong tumingin kay Chylee. Ang batang 'to na namana sakin ang pagiging mahilig kay Jollibee. Na-sobrahan nga lang sya kasi in-love sya kay Jollibee. Yung kaingayan nya, saken din yata nya namana.
Sunod akong tumingin kay Skyler. Itong anak kong 'to, namana sa'ken ang katalinuhan, pero yun nga na-sobrahan naman. Yung pagiging mysterious, tahimik, suplado at masungit niya, kuhang-kuha niya kay Kyle.
Ang mga anak ko, sila yung mga batang, nagpapasaya sa'min sa mansyon. Gusto ko na ulit magising sa umaga dahil sa lakas ng sigaw ni Chylee. Pati na ang pagsaway ni Skyler sa mga ginagawang mali ng Tito Tigers nila. Alam kong hindi lang ako ang nakaka-miss sa kambal, kundi pati si Kyle. Mahal na mahal namin ang anak namin.
"M-Mom.."
Si Chylee. Lumapit agad ako. "Baby.."
She smile. "Hi mom. Do you miss me? I slept too long. I'm sorry." Sabi nya saka hinaplos ang pisngi ko.
Lalo akong naiiyak.
"Mom, don't cry na. Can't you see, I'm awake now. I'm strong like you, Mom."
Oh my god. She's really fine. Parang walang nangyari. Parang hindi siya galing sa surgery.
"Mom."
Sunod akong napatingin kay Skyler na gising na din. "Baby Sky.."
"Mom. Stop crying. We're alright. Too much crying can cause stress. And I don't want you to feel stressed because of us."
Ang anak ko, naiiyak na ako pero nakakadugo pa rin ng ilong ang pag-e-english niya. Okay na nga sila.
"I love you Mom. Where's Dad?"
"I love you too baby Sky. Kinakausap lang ni Daddy ang doctor, okay?"
Tumango siya na nakangiti sa'ken.
"Hi baby Sky and baby Chylee!" Bati nina James at Mandy. Lumapit na din sila dito sa may kama ng kambal.
"Hi Tito James. Hi Tita Mandy." Bati ni Chylee.
"Pagaling kayo agad ha? Para 'pag magaling na kayo, mamamasyal tayo tapos maglalaro tayo! Gusto nyo ba yun?" Tanong ni Mandy.
Ngumiti naman yung dalawa. Hindi pa sila masyadong makagalaw. "Yes Tita Mandy."
"Where's Tito Tigers?" Tanong naman ni Chylee.
"They're not here. Pag-uwi natin, andon sila. Okay? Naka-abang na din ang mga Tito Tigers nyo." Sabi naman ni James.
Napangiti ako. Ngayon lang ulit gumaan ang pakiramdam ko. Salamat sa Diyos at ligtas na ang kambal.
Sa pag-uwi namin, mas tututukan ko pa sila. Kung may pinakamahalaga man sa buhay ko, sila yun. Ang kambal at si Kyle.
*
A/N : The end is near. Hashtag #MPMMNSuccess
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top