Chapter 30 ♥ Not Now..

 Chelsea POV

Na-e-excite ako sa Europe tour naming buong pamilya. Ang saya lang kase napahiling ako kay Kyle na mamasyal kami, mas bongga pa pala sa hiling ko kase out of town kami. 

Sa isang araw na ang alis namin kaya mas lalo pa'kong na-e-excite. 

Si Kyle nasa company ngayon. Bukas, start na ng leave niya. Three weeks kami sa Europe. For sure mag-e-enjoy kami dun. 

Lumabas na'ko ng kwarto saka bumaba sa kusina. Tumulong ako sa katulong na maghanda ng lunch namin ng kambal. Chinecheck ko pa din kase 'yung mga pagkain. Ayokong maulit 'yung napagalitan ni Kyle si Chylee kase pinulaan 'yung pagkain na nakahain--na si Kyle pala ang nagluto. 

Naabutan ko ang katulong na nag-aayos na ng pagkain sa mesa. Chineck ko nalang isa-isa. 

"Ma'am may tawag po para sa inyo." Sabi ng katulong. 

"Susunod na'ko." 

Sino naman kayang tatawag sa landline? Mas uso na ngayon ang mobile phone eh.

"Hello?"

[Twinsis.]

O_O

"Yumi! Bakit 'di kayo natuloy umuwi?" Nakaka-miss din tong si Yumiko. Hindi kase sila natuloy umuwi dito sa Pilipinas. 

[Something came up. Busy si Lance sa company namin dito. Hindi pa siya makapag-leave. Kumusta?]

Sayang naman. Sabagay, si Lance naging work-aholic na rin yan eh like Kyle. "Ayos lang naman kami. Sa isng araw pupunta kaming Europe, mamamasyal."

[Wow. Nice, nice. Miss ko na kayo.]

Bigla naman akong nalungkot. Nakaka-miss kaya 'tong mga 'to. Si Janna nga 'di na masyadong pumupunta dito sa mansyon. Hindi na rin kami masyadong nagkakausap. Busy yata sila.  

"Miss na din namin kayo. Excited na'kong ma-meet ang baby nyo."

[He's excited to meet you all too.]

He? "Lalaki ang baby nyo?"

[Yes, he's a boy. At kamukhang-kamukha ni Lance. Ang lakas ng genes eh. Haha.]

"Great. Sana nga makauwi na kayo."

[Oo nga. So bye for now. I need to hang-up na. Nangumusta lang ako.]

"Okay. Take care!"

[Yeah. You too. Bye.]

*toot toot*

Hays. Nakaka-miss talaga sila. Ako, lagi nalang dito sa bahay. Syempre kahit may katulong, gusto ko minomonitor ko pa rin ang kambal. 

"Mommmmmmyyyy!"

Napatakbo ako sa kusina. "Yes baby?"

"Nothing Mom. Let's eat."

Ang anak kong pinaglihi sa megaphone. "Okay."

Inalalayan kong umupo ang kambal saka ako umupo. 

"Mom, I'm excited to go to Europe." Sabi ni Skyler. 

I smile. "Sa isang araw na yun babies."

"Yehhhheeeyyyy!" Sigaw ni Chylee. 

Napangiti ako lalo. Seeing them happy, makes me happy too. Syempre, ina nila ako. Kung ano yung nararamdaman nila, doble para saken. 

"Let's eat na kids." Sabi ko. 

Nagsimula na kaming kumain. 

"Yow!"

"WAAA! Tito tigers!"

Sina Jerome, Luke at Oliver narito. At may dalang laruan for twins. 

"Kain kayo."

"Oo nga Chelsea, pumunta talaga kami dito para makikain. Hoho!" Sabi ni Luke saka naupo kasunod yung dalawa. 

"Chelsea, pakapalan na'to ng mukha. Galing kase kaming bar. Gutom na kami kaya dito kami dumiretso." Sabi ni Jerome. 

=___=

"Oo na. Sige na kumain na kayo."

"Spending your nights on the bar? Tch. Bad." Sabi ni Skyler. 

"Baby Sky naman, hindi kami bad. Ano, ah, dun kami nag-spend ng gabi sa bar kasi, ah..kase nagperform kami dun." Palusot ni Luke

"What kind of performance?" Tanong ni Sky. 

"Macho dancer!" Sigaw ni Oliver. 

Sige i-push nyo yan. Mga 'to talaga. 

"I don't believe you. How can you be a macho dancer, if you're not really macho? Look at Tito Luke's body."

"Hahahahahahahaha."

"Sky, sobra ka naman. Macho ako, kala mo ba."

"In your dreams Tito Luke!" Sigaw ni Chylee. 

"Hahahahahaha."

Tawa ng tawa si Jerome at Oliver. 

"Kami lang ang macho dito baby Sky, si Tito Luke niyo, taga-dala lang namin ng gamit. Hahahahaha." Sabi ni Oliver. 

"Hoy manahimik nga kayong dalawa. Ba't di nalang kayo kumain. Tch." Mukhang naiinis na si Luke. Haha. 

"Tito Oliver, you too. You're not macho. Look at your tummy. It's big."

Hahahahahaha. Okay. Ako naman ang natawa sa sinabi ni Chylee. 

"Sobra baby Chy. Lahat ng tao may tiyan. Pero macho ako. Oh, may muscle ako."

"You have muscle but you don't have ABS."

Si Skyler daming alam. Pero natatawa ako sa itsura ni Luke at Oliver. Parang naluging intsik lang eh. 

"May ABS ako baby Sky. Ayoko lang i-expose kase, alam mo na. Baka makuha pa'kong artista."

Push pa Oliver. 

"Kasi puro kayo yabang. Ako lang naman macho sating tatlo eh."

"You're macho but you're not that handsome."

Hahahahaahaha. Si Skyler talaga, kahit kelan eh. Lakas mang-asar. 

"Baby Sky, ikaw palang nagsabi na hindi ako gwapo. Ang daming nagkakandarapang babae saken." Dipensa ni Jerome. 

"Yes Tito Jerome. You're right. But it's because you're rich. Not because you're handsome."

"Hahahahahahaha! Boompanessss Jerome!" Sigaw ni Luke. 

Kaya daw kasi madaming nagkakandarapang babae kay Jerome, kase maraming pera. Hindi dahil gwapo siya. Loko talaga ang anak ko. Lakas mambara. Mana talaga kay Kyle. 

"Aray baby Sky ha. Nakakasakit ka ng puso't damdamin. Tara, kain na nga lang tayo. Malapit na'ko lumubog sa lupa sa kahihiyan." Naka-poker-face na sabi ni Jerome. 

"Oo, tara kain. Sarap naman ng lunch nyo. Yummy!"

"What the hell are you three, doing here at my house?"

"Watdahel, watdahel! So cute." Sabi ni Chylee. 

Si Kyle biglang dumating. Muntik ng mabulunan yung tatlo. 

"Hey captain!"

"Captain I miss you!"

"Yow captain!"

Bati nung tatlo. Haha. Si Kyle seryosong-seryoso. 

"I'm asking you, what are you doing here?"

"Kumakain kami captain. Di mo kita?" Sagot ni Jerome. 

"May sinasabi ka Lee?" Nagbabanta ang boses ni Kyle. 

"Ah, eh! Wala captain. Sabi ko, ah, napadaan kami dito kase, kase.."

"Because they spent their night at the bar." Sabi ni Skyler. 

"Awww!" 

Hahaha. Mukhang naluging bumbay naman yung tatlo. Wala yata silang balak sabihin kay Kyle na galing silang bar. 

"Kayong tatlo. May kanya-kanya kayong kompanyang hinahawakan. And you're just spending your night at the bar? Then what? Pupunta kayo dito para maki-lunch? What kind of big bosses are you guys?"

"A-Ano, gwapo captain. He-he."

"I'm not making any jokes here Palermo." Sabi ni Kyle. 

"You're not gwapo Tito Luke." Sabi ni Chylee. 

"Sorry na captain. Napadaan lang talaga kami dito kase galing kaming bar. Saka oh, may dala kaming toys para sa kambal. Kaya captain, wag ng mainit ang ulo, kain tayo." Sabi ni Oliver. 

"Tch." Lumapit sakin si Kyle saka ako hinalikan. 

"Kakain ka gummy bear?" Tanong ko. 

Tumango siya. "Yeah." Umupo siya sa tabi ko. Nagpakuha nako ng plato sa katulong.  Yung tatlo mukhang timang na nakatingin kay Kyle. 

"What are you looking at?" Tanong ni Kyle. 

"Eh, captain ayos lang bang ituloy namin ang pagkain namin?"

"Yeah. Masamang magsayang ng pagkain. Ubusin nyo yan."

"Yesss!"

Parang mga batang nabigyan ng candy. Tuwang-tuwa eh. 

Hinalikan ni Kyle sa noo ang kambal bago nagsimulang kumain. 

Tahimik na ring kumakain yung tatlo. 

"M-Mommy.." Si Chylee kinuha ang atensyon ko. 

"Yes baby? Why?"

"I'm having a hard time breathing. I don't know why. It was just..."

Napatayo ako. Ganon din sina Kyle. "Chylee! Are you okay? Chylee."

Nawalan ng malay si Chylee. Oh my god. Not now. Please. Not now..

"Ihanda nyo ang kotse!" Sigaw ni Kyle. Nagtakbuhan ang tatlo palabas. 

"M-Mom.."

"Skyler!" Sigaw ko. Yung itsura ni Skyler parang nanghihina. Ewan. I can't explain. 

Nanginginig ang mga kamay ko. Buhat buhat ko si Chylee. Si Kyle binuhat si Skyler. 

Sabay kaming tumakbo palabas. Nakahanda na ang van nina Luke. 

"Sa ospital. Faster!" Sigaw ni Kyle. 

No God. Not now, I'm begging you, not now. Please..

**

A/N : What happen to twins? Hashtag #MPMMN3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction